Chapter 5: KABANATA 4

Si Leo na naman ang bumungad sa pagmumukha ko nang sumunod na umaga. Habang naglalakad ako papuntang cafeteria para sana mag-umagahan ay natanaw ko na naman kasi itong may kasamang isa na namang babae. Hindi kagaya kahapaon, mukha naman na itong mature, at kung hindi ako nagkakamali, ay siya yung babae kahapon sa cafeteria na sumira sa mood ko. Walang gana ko silang tinignan bago nilagpasan. Ang sakit sa mata nilang pagmasdan...

"Leo, ano bang mali? Ano bang nagawa ko?" tanong ng babae sa isang maarteng tono.

Pinagtitinginan na sila ng mga estudyante, at halata kay Leo na nababagot na siya dahil siguro sa kahihiyan. Mukha kasing walang pakialam yung babae, kahit pa pinabubulungan na sila ng lahat.

"I know you're pathetic, Amber, pero huwag mong masyadong galingan," naiiling na sambit ni Leo.

Tinapunan ko lang silang dalawa ng tingin nang maglakad ako palagpas sa kanila. Nagtama pa nga ang mga mata namin ni Leo, pero umasta ako na parang walang nagaganap doon dahil una, ay wala naman akong pakialam sa kahit na sino.

"Xena, sandali!"

Sigaw ni Leo, pero wala akong balak pansinin siya. Wala akong balak itakas siya sa sitwasyong iyon dahil putang ina niya. Kaya lang, dahil nga sa gago si Leo, natigilan ako nang bigla na lang niyang isampay sa mga balikat ko ang bisig niya na agad na nagbaling ng masama at malamig kong tingin sa pagmumuka nyang may suot-suot na matamis at malapad na ngiti.

"Bitaw," utas ko na nagbabanta, pero ang hayop na si Leo ay mas lalo lang lumapad ang ngiti, na kung hindi ko pa nga alam na isa siyang demonyo ay mahuhulog ako sa kaniya. Magandang lalaki rin kasi ang magkakapatid kahit na hindi maganda ang mga budhi.

"Chill, Xena. Galit ka pa ba?" malambing niyang tanong saka tumawa at ginulo ang buhok ko na mas lalong nagpabusangot sa mukha ko. Sinakal niya ako gamit ang bisig niya na para bang close na close kami saka nagsimulang maglakad papasok sa cafetreia. "Ang cute mo talagang magalit. Kaya ang sarap mong asarain e," dugtong pa niya.

Napamura ako sa ginawang iyon ni Leo kaya't inihanda ko ang sarili kong pilipitin ang kamay niyang nakapulupot sa leeg ko, kung hindi ang siya agad bumitaw at naglakad paalis na parang walang nangyari nang makapasok kami sa cafetria. Ni hindi niya ako nilingon o tinignan manlang. Naglakad siya palapit sa table ng isang malaking grupo ng mga lalaki at agad na nakipagbiruan sa kanila.

"Anak ka talaga ng puta, Leo," inis kong turan saka inaayos ang buhok na naglakad para pumila.

Ano pa nga bang aasahan ko? Wala pang ilang minuto akong nakapila ay bigla na lang may humigit sa buhok ko at sa pagharap na pagharap ko ay dumampi sa pisngi ko ang isang malakas at bigay-todong sampal. Inis kong tinignan ang sumampal sa akin at napagtanto kung sino ito. Sino pa nga ba? Edi yung babae ni Leo kanina.

"Tang ina, anong problema mo?!" inis kong tanong habang sapo ang pisngi ko, pero ang babaeng deputa ay ngumisi pa sa akin na akala mo ay kung sino.

"Xena, right?" tanong niya saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, kagaya ng ginawa ko sa kaniya kahapon. "How dare you steal my boyfriend!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kailan pa ako nangagaw ng boyfriend?

Napataas ang kilay ko nang maisip ko ang sinabi niya at agad na napatingin sa gawi kung saan umupo kanina si Leo kasama ang iba pang mga kalalakihan, at ano pa nga bang inaasahan ko sa gagong iyon? Ayun siya, at nakaupo ng prente habang malapad na nakangiti at pinapanood akong awayin ng impaktang to.

"You mean, Leo?" napapaismid kong tanong nang ibalik ko sa babae ang atensyon ko. "Kaawa ka naman. Wala kang kaalam alam tungkol sa boyfriend mo," umiiling kong dugtong saka sana aalis, pero ayaw talaga niyang magpaawat.

"You bitch!" hinigit ulit niya ang buhok ko, pero this time ay automatiko nang kumilos ang katawan ko para dumepensa. Pinilipit ko ang kamay niya at inis na inis siyang tinignan.

"Stop acting like a thirteen-year-old brat, bitch! Wala akong panahon para sa iyo!"

Itinulak ko siya pero hindi naman siya natumba. Napahakbang siya paatras at sinamantala ko naman ang pagkabigla niya para umalis sa lugar dahil pinagtitinginan kami ng lahat habang si Leo ay nagawa pang isampa sa ibabaw ng mesa ang mga paa niya habang nakahalukipkip at nanonood.

"May araw ka rin sa aking hayop ka," bulong ko nang makalabas ako sa cafeteria. Kumukulo ang dugo ko sa mga katarantaduhan ni Leo. He's lowkey bullying me, at hindi ko magawang tanggapin ang bagay na iyon. Ako si Xena, ang pinakamagaling na assassin ng mga Fontanilla. Hindi ako pwedeng ganituhin ni Leo.

Binalak kong magtungo na lang muna pabalik sa dorm para kuhain ang mga gamit ko tapos ay dederetso na ako sa unang klase ko, pero bago pa man ako makarating sa dorm building ay may pumukpok sa likuran ko.

"Naku naman," aburido kong utas bago nanghina at saluhin ng kung sino. Hindi ko na nakita kung anong nagyari dahil nawalan ako kaagad ng malay, at nang bumalik ang malay ko ay natagpuan ko ang sarili kong nasa isang bakanteng silid.

Wala akong sugat, pero masakit ang leeg ko. Napasapo ako sa batok ko saka nagunat-unat. Ayos, nakapagpahinga ako ng bahagya, pambawi para kagabi na hindi ako nakatulog ng maayos dahil naninibago ako.

Napataas ang kilay ko nang magmulat ako dahil sa humahangos na pagdating ng kung sino sa pintuan. Habol na habol ang hiningang sumulpot si Leo at nang makita ako ay sandaling natulala bago malapad at mapangasar na ngumisi. Inirapan ko lang siya bago humugot ng malalim na hininga.

"Duwag ka talaga no? Biruin mo, kailangan mo pa akong pukpukin para lang mabitbit dito? Hays, mas masahol ka pa sa bakla, Leo," walang gana kong komento habang naglalakad siya palapit sa akin.

Tumalim ang mga tingin niya nang huminto siya na nakapamulsa sa harapan ko, at bago pa man siya makapagsalita ay may limang taong pumasok sa silid. Hapon na, at kulay pula na ang langit, nakalubog na ang kalahati ng araw na nakikita ko mula sa basag-basag na bintana. Medyo madilim na, at sa palagay ko ay walang ilaw ang silid na ito.

Si Amber, yung dalawang lalaki kapahon na kasama niya, at yung dalawang babae na kasama niya rin kahapon ang tumambad na mga mukha sa akin. Walang kagana-gana akong tumingin sa kanila at nang muling kumirot ang batok ko ay nasapo ko iyong muli saka nakapikit na tumingala. Nakakairita talaga.

"Hi," bati ni Amber kay Leo na nakangiti.

"What's this?" natatawa namang tanong ni Leo habang pabalik-balik sa akin at kay Amber ang tingin.

"Uhh, surprise?" kibit-balikat at hilaw na tugon naman ni Amber.

Ibinukas ko ang mga mata ko habang walang gana silang tinignan. Natatawang umiling si Leo.

"Oh, I see," sabi ni Leo saka tumatawang tumangu-tango. "Thanks, Baby. Kaso, hindi na kailangan dahil araw-araw kaming magkikita sa dorm,"

Tila maduming ideya naman ang nakuha ni Amber sa sinabing iyon ni Leo, kaya't naglabas ng baseball bat ang dalawang lalaki habang ang kay Amber naman ay isang pistol. Lumapit siya sa akin at saka idinikit ang muzzle ng baril sa may kanang bahagi ng ulo ko at saka sinabing,

"Ganon ba? Gusto mo ba siyang mamiss?"

Humaglpak lalo ng tawa si Leo.

"Hey, hey, hey, hey! Don't be like that. Ibaba mo yan. Hindi magandang biro yan," nagpipigil ng tawang wika ni Leo habang itinuturo ang baril. "Let's talk this out, okay? Mapapahamak ka sa ghinagawa mo, Amber,"

"Do you think I care, Leo?! I could go this far, or even further! I don't give a damn!"

"Amber, I'm warning you--"

"Shut up!"

Halos mabingi ako sa galit at matinis na sigaw na iyon ni Amber. Sa palagay ko ay hindi niya nakukuha yung totoong gutsong sabihin ni Leo. Tamad akong sumubok na tumayo, pero mas mabilis pa sa alas kuwatrong idiniin ni Amber ang baril sa ulo ko.

"Be careful, bitch. One wrong move and I'll blow your head off," banta niya.

"Go on," utas ko habang nakatigin sa kaniya.

Napaismid si Amber nang makitang walang bakas ng takot sa akin. Maging ang mga kasama niyang feeling gangsters ay tumawa rin, na hindi ko na pinagkaabalahan pang tapunan ng tingin.

"Ang tapang mo a. Sa tingin mo ba hindi ko kayang kalabitin ang gatilyo? Hindi mo nga talaga kilala kung sino ako,"

"Ikaw ang walang ideya, Amber," singit ni Leo pero tumahimik rin siya kaagad nang masama siyang balingan ni Amber ng tingin.

Tumayo ako at saka tinignan si Amber at umiling. Nakatutok pa rin sa akin ang baril niya at kitang-kita ko ang namumula niyang mukha sa galit dahil walang sumeseryoso sa kaniya. Naglakad ako palagpas kay Amber, pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay pinalo ako ng isang lalaki ng baseball bat sa tiyan, dahilan ng pagatras ko. Natigilan ako, pati na rin silang lahat. Pang ilan na ba ito ngayong araw?

"Ano ba kase yun?!" gigil na tanong ko sa lalaki na nanlaki ang mata na makita akong walang reaksyon sa malakas niyang hampas. Tinignan ko silang lahat at nakita si Amber na natulala rin sa nangyari at sa akin na tuwid pa ring nakatayo.

"A-asshole! Ang bakla mo humampas!" iritadong sigaw ni Amber sa lalaki..

Napaisip naman yung mga kasama niya. "Aish!"

Naghanda ulit yung lalaking humampas sa akin para hampasin akong muli, pero habang nakabaon pa rin kay Amber ang paningin ko ay sinalag ko iyon gamit ang kaliwa kong kamay. Mas lalo silang natigilan nang mahawakan ko ang baseball bat at maagaw sa lalaki. Galit ko silang tinignan bago inihampas iyon sa kaliwang hita niya.

Napaatras ang ibang mga kasama ni Amber nang matumba sa sahig ang lalaki. Ilang segundo pa ang lumipas bago nila napagtanto ang nangyari at nagtangkang lumapit sa akin, pero mabilis kong inagaw mula sa gulat na si Amber ang hawak niyang baril at itinutok iyon sa kanila, na dahilan ng automatiko nilang paghinto.

"Ganito ba ma in love?" taong ko habang isa-isa silang tinitignan, maging si Leo na nakahalukipkip at nakasandal na sa may pader sa may gawing kaliwa ng silid at tila ba nanonood ng sine. "Mukha kayong tanga, hindi niyo alam?"

"Manahimik ka, malandi--"

Pinatahimik ko si Amber sa pagtutok sa kaniya ng baril. Naiirita ako sa boses niya at sa mga kagagahan niyang ako na ang nahihiya bilang kapwa niya babae. Humaglpak naman ng tawa si Leo na mas lalong nagpaakyat ng dugo sa ulo ko. Kinalabit ko ang gatilyo matapos mabilis na itutok iyon sa direksyon niya. Tumama iyon sa pader na dalawang pulgada ang layo mula sa may sintido niya. Tumahimik si Leo, pero ni hindi manlang siya natinag sa tayo niya roon, bagkus ay napalitan ang malakas na tawa ng mahihinang hagikhik.

"Asshole," utas ko bago ibinalik ang atensyon kay Amber.

Nanggigilid ang luha ni Amber habang galit na nakatitig sa akin. Naiiling akong tumingin sa kaniya bago sinabing,

"I think you got the wrong idea. Leo and I ..." tinignan ko muna si Leo sandali at nagbuntong hininga bago itinuloy ang sasabihin. "... are both a Fontanilla. I am his youngest sibling, Xena Calyza Fontanilla. Next time, alamin mo muna kung sinong idedate mo, para hindi ka nagmumukhang timang kakatahol sa maling puno. Kuha mo?" sabay tapik sa pisngi niya at ngisi bago naglakad paalis ng silid.

Nilagpasan ko ang mga alipores niya at inis na sinuklay ang buhok ko patalikod. Kahit na kasi ayaw kong binabanggit ang pekeng pangalan ko, wala akong nagawa para lang mapigilan ang sarili kong pumatay ng wala sa trabaho o plano. I hate it. I really hate it. Jaranilla ang pangalang dala ko, pero kailangan kong magbalatkayong isang Fontanilla para manatiling humihinga.

"Lil sis, sandali!" naulinigan ko pang sigaw ni Leo na humabol sa akin palabas ng silid, pero hindi ko na siya pinansiin.

Mahigpit ang kapit ko sa baril na naagaw ko kay Amber, at nanggigilid na rin ang luha ko sa galit. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naging emosyunal dahil sa pagkakaalala sa totong pangalan ko. Lebrina Sheii Valle Jaranilla. Iyan ang pangalan ko; ang pangalang gusto kong gamitin ko.

"Xena," sambit ni Leo nang marating ang tabi ko, pero sa namumuong galit na naman sa dibdib ko ay pumihit ako paharap sa kaniya at itinutok ang baril sa kaniya. Natigilan si Leo nang makita ang luhaan at matatalim kong mga matang nakabaon sa mukha niya. Ang nagngangalit kong ngipin at namimilog na mga kamao ay alam kong hindi rin nakaligtas sa paningin niya.

"Papatayin kita," mariin kong sambit. "Papatayin ko ang pamilya mo, at pababagsakin ko ang imperyo ng ama mo. Papatayin ko kayong apat, at ang kahit na sinong hahadlang sa akin,"

Rumehistro ang kalituhan sa mukha ni Leo sa tinuran ko. Hindi rin niya alam na buo ang ala-ala ko, at marahil ay napapaisip siya kung bakit bigla ko na lang binanggit ang gusto kong mangyari.

"A-Anong sinasabi m-mo, Xena?" naguguluhan niyang tanong. "Anong ibig mong sabihin?"

"Putang ina niyong mga Fontanilla! Putang ina ng ama mo! Bakit niya ako kailangang turan pumatay? Bakit kailangan niya akong turuang maging kagaya niyong mga demonyo?! Ninakaw ng ama mo ang kabataan ko, at ginawa niya akong isang mamamatay-tao! Wawasakin ko ang pamilya mo at wawasakin ko ang lahat ng meron kayo! Papatayin kita at isusunod ko ang mga kapatid mo. Si Maximus, si Ace, at ang ama mong si Damian,"

Pumatak ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniya. Gulong-gulo si Leo sa mga tinuran ko, at gustong gutso ko nang kalabitin ang gatilyo sa pagkakataong ito, pero hindi ko magawa. Alam kong sa oras na humandusay siya rito ay hindi ako makakatakas kay Damian. Uunahin niya ang mas malapit at ang kaisa-isang taong mahalaga sa akin, si Kiel, at hindi ko iyon makakayanan.

"Habang nagagawa ng pamilya mo ang mga gusto niyo, nakakadena ang mga paa ko na ang tangi lang nagagawa ay pumatay ayon sa utos. Hindi ko nagawang magaral, magkaroon ng mga kaibigan, magsaya, o maging isang bata. Ninakaw niyo ang buhay ko, at wala akong magawa dahil alam kong isang maling galaw ay mawawalan ako ng buhay pati na ang ama-amahan ko! Gustong gusto ko kayong patayin pero hindi ko magawa dahil papatayin ng ama mo si Kiel sa oras na kalabitin ko ang putang inang gatilyo ng putang inang baril na ito!"

Halos lumuwa ang lalamunan ko sa pagsigaw. Hindi ako kailanman naging ganito ka-vocal sa nararanmdaman ko, at ito ang unang beses na nasabi ko ang mga nasa isip ko.

Kinalabit ko ang gatilyo ng baril nang maibaling ito sa ibang direksyon at sa bawat putok ay iniisip ko na lang na sa bungo ni Damian at ng mga anak niya tumatanim ang mga bala habang nakatingin pa rin sa mga mata ni Leo na walang imik na nakatitig lang sa luhaan kong mukha.

Tatlo, apat, limang putok ng baril ay hindi pa rin ako nakukuntento, pero bago ko pa man maiputok ang pang-anim, ay lumapit sa akin si Leo at itinutok iyon sa dibdib niya.

"Kalabitin mo ang gatilyo habang nakatutok sa akin, Xena," malamig niyang wika habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "Hindi ko alam na ganiyan pala ang tumatakbo sa isip mo..."

Natigilan ako sandali, pero napaismid ako sa tinuran niya.

"Kapag nakasiguro na akong walang mangyayaring masama kay Kiel, saka na kita papatayin," sambit ko bago binitawan ang baril at tumalikod.

Naiwan si Leo sa kinatatayuan niya. Pinahid ko ang mga luha ko habang dere-deretsong naglalakad paalis, at nang makalabas ako sa gusali ay doon ko lang napagtanto na nasa Oxemburge pa rin pala kami, at ang gusaling pinanggalingan ko ay ang lumang gymnasium ng skwelahan.

Agad ko ring pinagsisihan ang mga nasabi ko sa harapan ni Leo, pero wala na akong pakialam sa mga mangyayari. Kung isususmbong niya iyon sa ama niya, ay patunay lang iyon kung gaano siya kaduwag.