Chapter 24: KABANATA 23

Halos hindi ako makahinga nang magtama ang mga mata naming dalawa, pero nagpatay malisya ako't kunwari'y hindi ko siya nakita. Naglakad ako palayo na nanlalamig at nanginginig ang mga kamay. Bakit ba ako nagpunta rito?

Nagagalit ako na maalala ang mga nalaman ko tungkol sa ama niya, pero hindi ko maikakaila na bahagya akong napasaya nang masilayan ko ang mukha niya pagkatapos ng ilang linggo. Kahit na madilim na tingin ang nasulyapan ko, ayos na rin.

My heart raced as I marched my way towards the parking lot. Agad kong binuksan ang pintuan ng driver's seat pero ano pa nga bang imposible sa isang Leo na naririto na sa likod ko't kapit-kapit ako sa braso, pinipigilang makasakay at makaalis.

Hinila niya ako paharap sa kaniya, but just like the old days, I threw a jab, and lucky like he always was, he dodged it.

Hindi kami pwede. Fontanilla siya ar Jaranilla ako. Papatayin ko ang pamilya niya at kasama na din siya! Paalala ko sa sarili ko habang pilit iwinawaksi ang isinisigaw ng naghaharumintado kong puso.

"Babe, stop!" iritado niyang sabi habang sinasalag ang mga atake ko.

Wala akong nararamdaman para sa kaniya. Pagsisinungaling ko sa sarili ko habang pilit na binabalewala ang pagtawag niya sa akin.

Ipinagpatuloy ang pagatake ko sa kaniya na palagi naman niyang naiilagan. Napapikit siya ng mariin sa iritasyon bago ako marahas na hinawakan sa magkabilang braso at sisnandal sa kotse ko. Tinitigan ko lang siya ng blanko sa mata. Puno ng hinanakit ang ekspresyon ng mukha niyang naka titig sa akin.

"Babe..." mas mahina at mas malambot niyang saad.

Umiwas ako ng tingin at pinilit na icompose ang sarili ko, tapos ay nilingon ko siya ng may malamig na tingin.

"Bitawan mo ako," malamig kong utos habang deretsong nakatingin sa kaniya.

"No!" Halos pasigaw naman niyang pagtanggi. Tinignan niya ako gamit ang mga matang may hinanakit at puno ng galit.

I know. I get it. Pero, hindi nga kasi pwede! Lalo ngayon dahil nalaman kong may kapatid ako. Magpapatayan ang pamilya namin kung sakali mang maging masaya kami at hindi ko iyon kaya!

"Get off me, Legolas Fontani--"

"I said, no! I won't, Xena! No the fucking way!"

Galit na galit ang mga mata niyang nakabaon sa akin. Hindi ko matagalan ang mga titig niya kaya napaiwas ako ng tingin. Dahan-dahang lumambot ang expression ni Leo at kalauna'y pumikit ito at niyakap ako.

"Babe, please... not this way. Please..." Nagmamaka-awa niyang saad habang mahigpit ang yakap sa akin.

Nanigas ako sa ginawa at sinabi niya. Nagbadya ang mga luha sa gilid ng mga mata ko pero pinilit ko iyong indahin at hindi tumulo. Nangangatog ang mga tuhod ko kasabay ng pagdaan ng ideyang 'I miss him' sa utak ko. Pero... gusto ko pa ring patayin ang ama niya. I want to avenge my mom's death.

I fought the urge of wrapping my arms around him. I fought the urge to show him what I really feel.

"Xena--"

Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ay mabilis ko siyang itinulak palayo kaya napa-atras siya. Hindi niya inasahan iyon kaya mabilis ko iyong nagawa.

"Xena--" Nag-amba siyang lalapit pero tinutukan ko na siya ng baril na hinugot ko sa likuran ko.

"Stop right there, Fontanilla," I said and stared at him with cold eyes. "I am not Xena. My name is Lebrina. Lebrina Shei Jaranilla," saad ko bago binawi ang baril saka tumalikod at sumakay sa sasakyan.

Wala na akong sinayang na oras at pabalagbag na isinara ang pintuan. I inserted the key on the ignition and drove away.

Mahigpit ang naging kapit ko sa manibela habang pinipilit kong pigilan ang mga luhang nagbabadya nang bumagsak ano mang oras. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang sunod-sunod iyong pumatak. Marahas kong nakagat ang labi ko upang mapigilan ang ano mang ingay na magagawa ko at mahigpit na kinapitan ang manibela.

Damn you, Leo. You're such a pain in the ass! Why do I have to fall for you? Why you of all people? Fuck!

Pinalabo ng mga luha ang paningin ko kaya binagalan ko ang takbo saka marahas iyong pinunasan gamit ang likod ng palad ko. Pinilit kong maging matigas kaya hindi na muling bumagsak pa ang panibagong mga luha.

Sinalubong ako ni Dad nang makauwi ako sa bahay. Nakaupo naman si Kiel sa couch habang umiinom ng kape.

"Shei!" Masayang tawag ni Dad sa akin.

"Yes, Dad? May problema ba?" tanong ko.

Umiling siya at iniabot ang isang envelope. Napatingin ako sa kaniya bago ko iyon binuksan. Agad namang nagning-ning ang mga mata ko sa laman noon.

"Take the exam. The papers are all legal you don't have to worry. Just take the ecxamination to see if you can jump to college, just like the Alternative Learning System," sabi ni dad na nakangiti.

I know dad pulled some strings for this and I'm so gratefull about that. Napangiti ako. Dad knows I can't stay undergraduate forever. I didn't even experienced graduating on elementary but I knew I have to graduate college. Napayakap ako sa kaniya sa saya.

"Thanks, Dad!" saad ko.

"Thank your nncle Ramon, Shei," sagot naman niya saka ngumiti at itinuro si Kiel.

Nilingon ko si Kiel na tinapunan lang ako ng isang walang-ganang tingin. Napangiti ako ng malapad at parang batang napatakbo sa kaniya. Kabisado talaga ako ng isang ito. Nilundag ko siya at niyakap ng mahigpit mula sa likuran ng inuupuang couch.

"Thanks Kiel--" oops! Kumalas ako sa kaniya at natawa nang makita siyang malamig ang tingin sa akin. "I mean, nncle." Humahagikhik kong pagtatama bago siya hinalikan sa pisngi at muling niyakap.

Napabuntong hininga naman siya saka nahilot ang sintido niya. Such a bad-tempered person tss!

"You really have to go to school, Shei. You need to learn some manners." Biro ni Dad sa akin saka tumawa at naupo na rin sa couch.

"I really regret that I let you call me Kiel for 10 years. I really am trying my best not to break one of your ribs, Shei," malamig na sabi nito nang kumalas ako na pattuloy pa ring tumatawa.

Tumayo siya at animo'y pupuntang kusina, pero nahagip ng mga mata ko ang ngising sumilay sa mga labi niya. Sinundan ko siya tapos ay yumakap ulit mula sa likuran niya. Kahit kailan, hindi ko siya nayakap bilang si Kiel o bilang uncle ko, at medyo pinagsisishan ko iyon.

"Yeah, you should've taught me how to call you Dad. Alam ko na kung bakit hindi kita magawang tawagin niyan dati pa, kasi uncle pala dapat," Napatawa ako sa sinabi ko. Humarap naman siya sa akin at tumitig sandali. Napatawa siya saka umiling.

Woah! is it real? Sampung taon ko siyang kasama pero ngayon ko lang siya nakitang tumawa. Nawala ang mga mata niya dahil doon. Ang pogi pala ng uncle ko, ngayon ko lang napansin.

"Guwapo ka pala? Sa sampung taon kasi kitang kasama para sakin mukha kang tukmol." Natatawa kong kumento na ikinatuwid ng mukha niya saka ako pinitik sa noo.

"Siyang-siya ka talaga ng Mommy mo. Pareho kayo ng pakikitungo sa akin samantalang ako ang panganay sa amin kahit kambal kami. Nauna ako ng isang minuto sa kaniya pero grabe niya ako pakitunguhan. Hays," saad niya na naiiling at animo'y aburido bago tumalikod at nagtungo sa ref.

Tumawa na lang ako at tumalikod. Umakyat ako sa kuwarto ko at naupo sa kama habang hawak-hawak ang envelope na iniabot ni Dad sa akin. Binuksan ako iyon at nakita ang mga legal papers ko: birth certificate at iba pang documentong kakailnganin ko. Lebrina Shei Jaranilla, Iyan ang pangalan ko.

Ibinalik ko iyon sa loob ng envelope saka hinubad ang suout kong jacket at sapatos saka nahiga sa kama ko. Wala na ako sa impyerno kaya hawak ko na ang oras ko. Hindi ko na kailangang mag-bagsak ng droga sa mga bars at sa mga sindikato. Hindi ko na kailangang makipag-bakbakan ng pulit-ulit sa mga parak. Madami na akong oras para matulog at gawin ang gusto ko.

Makikipag-laban na lang ulit ako kapag handa na ang lahat ng kakailanganin ko para mapatay ng mabilis ang pamilya ni Damian.

Napamulat ako nang maisip ko ulit si Leo. We're not meant for each other. We'll never be. Mas mabuting kalimutan ko na siya bago ko sila isa-isahin ng pamily niya. Hindi ko kailangang mag-luksa ng dahil sa pesteng pag-ibig! Walang-kwentang pag-ibig.

At least, iyan ang pilit kong ipina-aalala sa sarili ko.

***

I took the examination and I passed! I will enter Philippine National College right away, and I am so happy. Sa wakas ay normal nang muli ang buhay ko.

Dumating ang araw ng pagpasok ko sa PNC. Bagong environment, bagong ako. Hindi ko na kailangan magpaka-fierce dito dahil wala nang mga demonyo sa paligid. Nasa isang normal na paaralan na ako at normal ang mga estudyante. Hindi kagaya ng sa Oxemburge na puro demonyo.

Ihinatid ako ni Kiel-- I mean, uncle. Nauna naming ihatid si Alex sa school niya bago niya ako ihatid dito. Noon, kasama ko siyang makipag-bakbakan sa mga parak pero ngayon nakasuot siya ng simpleng damit at ihinahatid lang kaming mga pamangkin niya sa school. Hind niya pamangkin ang kapatid ko, pero tanggap niya naman iyon. Hindi niya dapat pigilan ang daddy kong mabuhay dahil buhay siya. Kailangan niyang magpatuloy kahit wala na ang Mommy ko.

"Thanks, uncle," malambing kong saad na ikinatawa niya. Natawa rin ako sa hindi ko alam na dahilan.

"Hindi ako sanay na light ang mood mo; malayo sa pinalaki ko," sabi niya sa akin habang tumatawa

"Hindi rin naman ako sanay na tumatawa ka e. Mas malayo ka naman sa taong nagpalaki sa akin," bawi ko habang isinusukbit sa balikat ang bag ko.

Umiling lang siya sa akin habang tumatawa. I waved him goodbye bago siya umalis. Tumango lang siya.

"Bye, uncle! I Love you!" Pang-aasar ko pang sigaw sa kaniya.

Nakita ko siyang nailing ulit pero nagdere-deretso na siya saka kinaway ang kamay sa labas ng bintana ng 'di lumilingon. Suplado! Love rin maman ako. Natawa ako. Pakiramdam ko safe na safe na ako. Pakiramdam ko malayang-malaya na ako.