Chapter 25: KABANATA 24

Another day of school. Kagaya ng palagi ay si Kiel and naghahatid sa amin ng kapatid ko. I enjoyed the normal life I have now; walang engkwentro sa mga parak. Walang mga demonyong leader ng sindikato. Just Sheii, living her life.

Wala akong kaibigan sa PNC pero wala akong pake. Masaya ako sa katahimikan ng buhay ko. Nasanay din akong walang kahit sinong madalas kasama maliban kay Kiel at Ace noong buhay pa siya.

Kasalukuyan akong nandito sa cafeteria para kumain ng tanghalian ng mag-isa. I observed some bullies pero ayokong makielam. Hindi sa pagiging demonyo, or worse, duwag, but I just love the peace that I have kaya ayoko nang paguluhin ang lahat.

Nakapila ako at tahimik na naghihintay ng pagkakataon na makakuha ng pagkain ko nang may isang nerd na lalaking sa tingin ko ay ka edad ko and binato ng spaghetti ng isang senior. Halata sa mga itsura nila dahil yung nerd ay mukhang bata pa at yung mga bullies naman mukha nang kikiam--- este, matanda.

"Stop making a scene Mr. Valdez! This will be your final warning or I will file for a kick out!" Ubod lakas na sigaw ng isanag matandang babaeng in-charge yata sa pagmanage ng cafeteria.

"Fine, Sorry," maangas na sagot nung lalaki.

Mabuti naman at gumagana ang authority sa school na ito hindi kagaya sa bulok na sistema ng Oxemburge.

Nakita ko pang nagpunas ng damit niya ang nerd na tinapunan ng spaghetti nung mukhang kikiam. Umalis ang matandang babae at lumabas ng cafeteria. Tumayo naman ang lalaki. Nagtama ang tingin namin nang tumayo siya. Blanko ang tingin kong tinignan siya habang naglalakad. Nakatitig din siya sa akin habang papalapit.

"Anong tinitignan mo?" tanong niya sa akin saka tumigil sa harapan ko.

"Ikaw, obvious ba?" sagot ko saka umiling at tumalikod.

Kumuha na ako ng pagkain at nilagpasan siya para umupo roon sa nabakanteng table dahil sa pag-alis niya at nung dalawa niya pang kasama. Nang matapos yung nerd na magpunas ng sarili niya ay umupo iyon sa tapat ko. Nandoon kasi ang pagkain niya.

I saw his teary eyes. Of course, hindi pagiging duwag ang pag-iyak. He felt humilated kaya masakit iyon sa kaniya.

"Defend yourself next time. They're just weakling pretending to be tough," saad ko habang kumakain. Natigilan siya sa paghahalo ng pagkain niyang isusubo niya na sana. Tumingin siya sa akin saka muling tumungo.

"H-he's my brother. Half brother," saad niya sa akin bago siya kumain.

Now I get it. Double yung sakit non na kapatid mo pa yung namamahiya sayo. I feel bad for him. He respects him a lot pero yung kapatid niya hindi manlang siya tinatratong tao.

"It doesnt matter. You're a human, so you deserve to be treated like one. He should know it. He's your family," saad ko ulit nang hindi siya tinitignan saka nagpatuloy sa pagkain.

Hindi na siya nagsalita pa bagkus ay kumain na lang din ng tahimik. Hindi ko na siya pinansin. Nasa kaniya na kung ite-take niya yung payo ko. Basta ako, wala akong pake, basta nasabi ko na yung pwede niyang gawin.

Nang matapos ako ay agad din akong umalis para pumunta na sa susunod na klase ko. Kailangan ko pa ding ipasa ang research paper na ginawa ko bago pa ako mahuli at magkaroon ng deduction ang points ko. I only have two classes left for today. Plano kong umuwi na at gawin ang iba ko pang kailngang habulin para hindi ako bumagsak.

After class, saka ko lang nalaman na hindi ako masusundo ni Kiel dahil may aasikasuhin daw silang dalawa ni Dad. Meaning, hindi din niya masusundo ang kapatid ko kaya pupuntahan ko siya sa school niya at sabay kaming uuwi.

Agad akong pumara ng taxi para pumunta sa school ni Alex.

2:48 pa lang ng hapon at 3:30 naman ang tapos ng klase niya. Kailangan ko pang mag-antay sa labas ng school niya. Ayokong umuwi para kumuha ng kotse, doble-doble pa iyon. May isang malapit na coffee shop sa school ni Alex ilang metro lang ang layo kaya doon ako bumaba.

I ordered a frape para naman hindi ako magmukhang nakikitambay lang. Walang masyadong tao since school hours pa kaya medyo tahimik. Inilabas ko ang ilan sa mga kailangan kong tapusin sa calculus. Mas okay na rin ito pamatay ng oras. Nag-set na lang ako ng alarm sa phone ko para hindi ko na kailangang i-check ang oras.

My attention was caught by someone who sat in front of me. I knew his scent. His favorite perfume. Iyon ang amoy na natatandaan kong sa kaniya dahil mas matapang iyon kaysa sa mga kapatid niya. I sighed to calm myself.

"You look happy living your normal life, Xena," he commented.

"My name is Lebrina. Didn't your father told you that already, Max?" kalmado kong saad saka ipinatong sa lamesa ang kamay kong kaninang abala sa pag-susulat.

Tumawa siya ng nakakaloko. His usual self. Hinagod niya ang buhok niya palikod. Nasilayan ko ang peklat na nasa gilid ng kaniyang noo. Ngayon ko lang iyon nakita pero mukhang matagal na iyon dahil hindi na ganoong ka halata.

"He doesn't need to say anyway. But, I love calling you Xena. So, how have you been lil' sis?" nakaka-insulto niyang saad saka itinuon ang naka-ekis na kamay sa lamesa at tinitigan ako.

Kumulo ang dugo ko. Hindi ko matatanggap kahit ang pekeng identidad na ibinigay ni Damian sa akin. Hindi ako si Xena! I am Lebrina Sheii Jaranilla!

"You must be fond of me, Max. You want me to be your lil' sister?" Mapanuya akong ngumiti upang hindi niya masilayan ang inis na gumagapang sa aking sistema.

"Nah. I want you to be in line with those girls I've brought to heaven more than having you as my younger sister. That is more suitable for you," sabi niya saka ako kinindatan.

This pervert! Kusang namilog ang mga kamao ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay wala na akong ibang gustong gawin kung hindi ang mapatay ang nilalang na ito. Anak ka nga ni Damian, hayop ka.

"And you're more suitable laying next to Ace." Isang malamig na boses ang sumingit sa usapan na iyon.

Hindi ko na siya nilingon. Pareho silang nababagay na tumabi sa libingan ni Ace kasama ang ama nilang si Damian. Tumingin si Max sa kaniya saka ngumiti ng malapad. Hindi mo aakalaing demonyo ang isang ito.

"Hey, lil' bro! you're here. I thought you'll be late?" turan niya na hindi pinansin ang tinuran ni Leo kanina.

Matalim lang siyang tinignan ng kapatid niyang madilim ang tingin sa kaniya. Ganyan nga, mag-patayan kayo! para hindi na ako mahirapan. Napangiti na lang ako sa naisip ko. Mukhang pwede nga iyon. Kailangan ko lang makaisip ng paraan kung paano.

Nag-vibrate ang phone ko senyales na 10 minuto na lang ay matatapos na ang klase ng kaptid ko. Walang emosyon kong iniligpit ang gamit ko saka inilagay iyon sa bag. Nang maisakbit ko na sa balikat ko iyon ay nilingon ko silang dalawa. May tensyon pa rin sa mga mata nilang dalawa. Nahagip ng mata ko ang inorder kong frape na hindi ko na nagalaw. Kinuha ko iyon saka humakbang palabas sa kinauupuan ko. Tumapat ako kay Max saka siya nginitian.

"Yow, Max! I like your offer but..." Sandali akong tumigil at ibinuhos ang frape sa kaniyang pantalon.

"WHAT THE FUCK!" Sigaw niya dahil sa ginawa ko. Nagtinginan na rin ang ibang mga customer dahil sa ginawa ko. I smiled at him sweetly.

"I like your offer but it's a no. I like the taste of your brother more," wika ko na may malapad na ngiti saka nilingon si Leo at kinindatan.

Nakita ko ang gulat na mata ni Max na tumingin sa kapatid niya na may maliit na ngisi na ngayong nakatingin sa akin.

I waved at them before leaving the place.

Bullshit!

I don't fucking care about what I've just said! It's ruined anyway, no needd to act like a virgin! Hindi ako nagmamalinis. Wala akong pake kung anong iniisip nila pareho o ng mga nakarinig, basta wala akong pake alam!

Narating ko ang school ni Alex ay tama lang sa oras. Bago pa lang din siya lumalabas at masaya ko siyang sinalubong.

"Ate!" masigla niya akong nilapitan.

"Wala si Kiel--- I mean, Uncle, kaya sabay tayong uuwi," sabi ko saka ngumiti.

"Ganon ba? Okay," sagot niya lang saka kami pumara ng taxi para umuwi.

It was already 1:24 AM yet I am still awake. It's no big deal, I can stay awake for 24 hours staright, but I really am getting sleepy. I wanted to finish this bullshit paperwork fast, so I could enjoy my weekend with Alex. Kumikirot na ang ulo ko dahil sa antok. Hindi din ako ako gaanong natutulog. Sa isang araw ay 6 na oras ang pinakamahabang tulog ko dahil sa kagustuhan kong humabol sa semester na hindi ko napasukan. I was given a great favor para lang hindi ako mag-summer class.

I decided to open my Facebook account made by my brother, Alex, and I saw a message request, so I opened it.

You can escape hell but you can't escape me, Babe. I'll take you wether you like it or not.

And it's from Leo.

Napahainto ako sa mensaheng iyon at naalala ang tagpo kaninang hapon, at agad na nagharumintado ang puso ko. Why do you have to be like this, Leo? Why do you have to make it hard for me? Bahagya ko na lang nakalimutan ang nararamdaman ko dahil sa galit ko kay Max, pero ngayon... bigla kong pinagsisihan ang naging pakikitungo ko sa kaniya kanina.

Pero, hindi ako binbigay. I was about to type a message when another one popped up.

You can block me, but you won't be able to stop me. I'm hella obssessed with you, Babe. Live your life for now, be happy, and prepare yourself to be with me. I love you, Sheii.

My heart was beating so fast almost breaking the wall of my chest. Nanginig ang nanlalamig kong mga kamay. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Hanggang kailan ba niya ipagpipilitan ang tungkol sa bagay na ito? Tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata ko.

Fuck it, Leo.

Nanginginig ang mga kamay kong nagcompose ng mensahe.

You'll be dead before that happens.

I watched the screen of my laptop as he read my reply. He typed another message that made my heart more aggressive and my head blocked.

Deal. Stop me. Kill me, then you can be free.

Isinara ko ang laptop at nasapo ko ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Damn you, Legolas! Kahit kailan talaga'y sakit ka sa ulo.

Bumaba ako sa kusina para uminom sana ng tubig. Hindi ako mapakali dahil okupado ako ni Leo. Nang buksan ko ang ref ay nakita ko ang mga lata ng beer doon. Iyon ang kinuha ko imbis na tubig.

"Beer? What's the matter, Sheii?" Nagulantang ako sa boses ni Kiel sa likuran ko.

Sandali lang akong natigil pero agad din akong bumalik sa reayalidad. Inabutan ko siya ng isang lata na tinanggap naman niya. Umupo ako sa dining table. Sumandal naman siya sa ref.

"Legolas was such a pain in the ass. I need to get rid of him," Panimula ko saka binuksan ang isang lata ng beer at ininom iyon. Mabuti na din itong pampa-antok para mas mabilis akong makatulog.

I heard Kiel laughed before drinking his beer kaya napatingin ako sa kaniya.

"Tama. Siya lang naman ang nakakapag-bigay sa'yo ng ganitong expresyon," komento niya. Kumunot naman ang noo ko sa tinuuran niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Umiling siya saka muling uminom sa beer niya.

"I know you too well, Sheii. Love is your weakness."

Uminom ako ng beer at umling sa kaniya. Alam kong alam niyang mahal ko si Leo. Pero wala akong kahinaan. Iyon ang alam ko.

"Weakness?" sabi ko saka umiling.

He stared at me for a moment.

"Sheii, you're like that everytime Leo messes up. You think you're feelings has changed just because you're now with your family. Admit it. Leo is your weakness," saad niya saka tumalikod at umalis.

Natahimik ako at natawa ng mapait sa sarili ko. Yeah, Stop it, Sheii. You love him like crazy. Nothing's changed. Not even when you're no longer with him. Fuck! why does Kiel always has to be right?