Chapter 23: KABANATA 22

It's been a week. Hindi kagaya ng mabagal na paglipas ng oras sa impyerno; dito, parang isang kisap ng matang lumilipas ang araw. Napabuntong hininga ako nang marinig ang karugtong ng katotohanan mula sa tiyuhin kong si Kiel.

Napailing ako. Hindi ko kasi inakalang iyon ang pinagmulan ng lahat ng kahayupang dinanas ko.

"Damian was your father's best friend back in the days, and he was Celixa's boyfriend for more than a year. Kilala ko siya pero hindi kami kailan man nagharap dahil nagtatrabaho ako noon bilang part timer sa isang coffee shop malapit sa school na pinapasukan ko at ng Daddy mo; scholar ako roon. Damian was abusive and jealous, at dumating sa point na sa sobrang pagseselos niya ay napagbubuhatan niya ng kamay ang kapatid ko. Madalas ko syang naabutang umiiyak at may pasa dahil kay Damian kapag binibisita ko siya, but she choose to stay despite my great effort to tell her how that bastard deserves to be abandoned. Then your Dad, he loved your mother but choose to remain silent for his best friend. Pero, ginising si Artemis ng katotohanang hindi si Damian ang tamang lalaki kay Celixa. My sister found comfort, safety, and true love to your father. They ran away and betrayed Damian... That's how the conflict started, Sheii."

I never thought Damian could be this petty, ni hindi ko alam kung anong irereact ko. Kumukulo sa galit ang dugo ko, pero hindi ko maiwasan ang mapasampal sa mukha ko. I always thought that he was a wise, cunning man-- the King of demons he always showed he was. But... I guess, even devils could be this stupid because of... love.

"He wanted to kill me for that?" tanong ko habang nilalaro sa mga kamay ko ang canned beer na hawak ko.

"No," sagot naman niya bago bumuntong hininga. "I mean... not just that. It's something more ridiculous than that."

Tumingin ako sa kaniya na nakatingin lang sa malayo. Kita ko ang pag-guhit ng lungkot sa mukha niya bago niya idinugtong, "It's your mother's death,"

Kumunot ang noo ko. "The car accident?"

Nabigla ako nang ipihit niya sa akin ang ulo niya na para bang hindi niya alam ang tungol sa aksidenteng iyon kaya mas lalo akong naguluhan. Hindi niya ba alam o mali ang alam ko?

"'Yan ba ang sinabi sa'yo ng ama mo?" may bahid ng inis niyang tanong kaya tumango ako.

"Dad told me that Mom died in a car accident when I was about 1."

"That's a lie," sambit ni Kiel bago tinungga ang natitirang laman ng beer niya. "Pinatay ang mama mo... ni Damian."

Nanlamig ang mga kamay ko sa nadinig ko na kusang kumuyom ang mga kamao ko. Naipit ang beer kaya umapaw iyon pero hindi ko magawang pagtuunan ng pansin ang nanlalagkit kong kamay.

Dad hid this truth from me...

"When Damian found out that you were born, nagalit siya ng sobra kahit noong mga panahong iyon ay kasal na sila ni Felicity at may tatlong anak na lalaki; hindi pa rin niya tanggap. You're 8 months old back then. Damian was obssessed with my sister so much that he tried to kill you. Prinotektahan ka ng mama mo kaya nandirito ka pa rin. Damian killed her, then ran away deceiving himself that it was your dad's fault and not his, and that's why he planned to kill Artemis using you. Knowing that, I decided to work for him. I need to protect you, as your uncle. Plano ko rin siyang patayin dahil sa ginawa niya sa kapatid ko."

And there... the truth has resurfaced.

Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat, at aminado akong hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma-absorb ang mga nangyayari. Kahit payapa na ng mga gabi ko, hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin ang sitwasyon. It was quiet... too quiet na maging ang katahimikan ay nakakabingi na. Hindi ako mapakali. Gusto ko siyang balikan para ipaghiganti ang mama ko, pero... kapag naiisip ko si Ace at Leo, hindi ko maunawaan ang pagdadalwang-isip ko.

Tumayo si Kiel at walang-imik na naglakad paalis kaya naiwan akong mag-isa rito sa may pool area. Huli na nang marealize kong umaagos na pala ang mga luha ko. Sa larawan ko lang nakita ang mama ko, ni hindi ko manlang natandaan ang boses niya, at dahil iyon sa isang demonyong hindi na sana binuhay. Wala siyang kasing-sama.

"Hintayin mo lang, Damian. Pagbabayaran mo rin lahat ng kahayupan mo sa pamilya ko," galit kong bulong sa hangin.

***

I insisted to drop Alex off to school the next day, pumayag naman agad si dad kaya ganon na lang ang tuwa ko.

Nakangiti kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya kung saan naabutan ko siyang nag-aayos ng gamit. Idadagdag ko pa na napakaguwapo ng kapatid ko sa school uniform niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang totoo ito.

"Done?" tanong ko.

Tumango naman ito sa akin "Yup! Just one more thing..." tapos ay naglakad patungo sa may drawer niya. Nanlaki ang mga mata kong napatakbo palapit sa kaniya nang makita ang bagay na kinuha niya sa drawer. Isa iyong baril.

Marahas ko iyong inagaw sa kaniya at kinalas ang magasin. Kumalansing ang mga bala nitong sunod-sunod na nahulog sa sahig. Nanginginig ako at nagagalit habang kinakalas rin ang bawat piyesa, at nang lingunin ko si Alex ay kunot na kunot ang noo ko.

"Alam mo ba kung gaano kadelikado ang bagay na ito?!" pasigaw kong tanong bago ibinato sa malayo ang hawak kong nakalas na pyesa. "Hindi yan laruan!"

Kita ko ang pag-guhit ng gulat sa mukha niya nang makita ang galit ko kaya agad akong natauhan. Nasampal ko na lang ang noo ko bago napabuntong hininga at napapikit.

"A-Ate..." nanginginig niyang tawag.

Lumambot bigla ang puso ko, at agad kong pinagsisihan ang naging reaksyon ko. Nagmulat ako at lumapit sa kaniya bago siya hinila palapit sa akin at niyakap. "Sorry... Nabigla lang si ate."

Narinig ko siyang suminghap at humikbi bago niya ipinulupot ang kamay sa akin. Nasaktan yata siya sa ginawa kong pagsigaw at marahil ay hindi niya inaasahang ganito ako kahalimaw. Marahan kong hinimas ang buhok ni Alex. "Sorry if that scared you."

Marahang kumalas si Alex sa yakap at napahinto ako nang makita siyang nakangiti na animo'y tumatawa habang patuloy na umiiyak. Pinahid niya ang luha niya gamit ang likurang bahagi ng kanan niyang kamay bago nagsalita.

"I was actually happy, ate. I didn't know it feels this nice to have such a cool sister. I suddenly felt like a baby, and it's weird because I want to stay like this. You're giving me a second mom vibe. The way you freaks out is just like her... or maybe I just miss mom," mahaba niyang litanya saka ngumiti sa akin ng malapad. "It's kinda embarassing, but this feels great, ate. I'm your baby brother, but please don't overdo it, okay?"

Bigla ay nawala ang pangamba ko at bigla na lamang napatawa sa itinuran niya.

I like it. I love this feeling. It feels like I'm finally living the normal life I've always wanted. I love the peace... and the normal day.

"You're talking like a grown up. I wish I made it back before you but I'm 10 years late. Sorry,"

"Well, it's better than not coming back at all, right?"

Napatawa ako. "Right." pagsang-ayon ko bago ginulo ang buhok niyang plantsadong-plantsado.

"Ate!" saway naman niya na bahagyang napasimangot.

"You look cuter with messy hair. You look like some bad boy I know..."

Bahagyang nawala ang ngisi sa labi ko nang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko. Nalala ko siya bigla, at hindi ko sigurado kung ano itong nararamdaman ko. Namimiss ko ba siya?

Tinignan ako ni Alex na may pagdududa habang isinasara ang bag niya. "Bakit pakiramdam ko may gusto ka sa bad boy na sinasabi mo? May boyfriend ka ba, ate?"

Naitikom ko bigla ang bibig ko bago umiwas ng tingin. "Celebrity ang tinutukoy ko," pagsisinungaling ko pa.

"Sinong celebrity?"

Napaisip ako sandali. Wala akong kilala dahil hindi naman talaga ako interesado sa kahit na anong bagay bukod sa trabaho ko bilang assassin. May nakikita ako sa TV pero hindi ko naman alam ang pangalan.

"Late ka na, halika na." Pag-iiba ko sa usapan bago naglakad palabas.

Tumawa naman si Alex na sumunod sa akin palabas ng kaniyang silid. Maging sa labas ng bahay ay patuloy pa rin siyang humahagikhik, inaasar ako, na hindi ko naman magawang kainisan. Ang sarap pakinggan ng tawa niya, at masaya rin akong nasagi siya sa isip ko. Kumusta na nga ba si Leo?

"Sheii,"

Halos mapalundag ako sa gulat nang sumulpot si Kiel palabas ng sasakyang nakaparada sa may labas. Ni hindi ko na rin napapakinggan ang mga pang-aasar ni Alex dahil sa naligaw akong sandali sa mga iniisip ko. Tumahimik si Alex nang makita si Kiel na nakasimangot habang nakatingin sa akin.

"Kiel-- I mean, uncle," awkward akong napangiti. "P-pahiram ng susi, ihahatid ko na si Alex."

Umarko lang ang kilay niya bago walang imik na bumaling ng tingin. Ibinato niya sa akin ang susi na siya ko namang nasalo. "Drive safely. Umuwi ka rin kaagad," sabi niya lang bago naglakad papasok ng bahay.

"Thanks. May ipapabaili ka ba?" pahabol kong sigaw matapos siyang lingunin, pero hindi niya ako tinignan bagkus ay naglakad lang ng deretso.

"Wala,"

Napanguso ako. Narinig niya siguro ang mga pang-aasar sa akin ni Alex, at sa tingin ko'y hindi niya iyon nagustuhan. Of course, as my uncle, he wouldn't agree to the idea of me, liking the son of the man who took mom away from us.

Napabuntong hininga na lang ako. "Let's go, Alex."

Tahimik ang byahe namin dahil mukhang napagod na si Alex kakadakdak at pang-aasar sa akin. Akala ko'y ganon na hanggang makarating kami pero, nagulat ako sa sinabi niya.

"It's him, right?"

Napatingin ako sandali sakanya bago ibinalik ang tingin ko sa unahan. "Sino?"

"That night... Yung lalaking nagtangkang barilin ako..." tumingin siya sa akin saka ngumiti. "It's that bad boy, right?"

Natahimik ako. Ngayon na naalala kong malayo pala sa nakakakilig na pantasya ang kwento namin, isang mapait na ngiti ang sumilay sa mukha ko. "Are you disappointed?" tanong ko.

"No." Mabilis niyang tugon. "If he managed to sway you, then he must be a good person. Or at least, good enough."

Sumandal siya sa likuran at bumuntong hininga. Iniliko ko naman ang sasakyan; malapit na kami. "Paano mo nasabi? Nakita mo ba yung reaksyon ni uncle kanina?"

"Oo. Mukhang hindi niya gusto ang taong iyon."

Tumango ako. "Tama."

"Pero, kung gusto mo siya ate, gusto ko siyang makilala--"

"Hindi na kailangan. Hindi na kami magkikita."

"Ganun ba..." tumango-tango ito. "Sayang naman."

Sandaling namayani sa amin ang katahimikan, pero napagdesisyunan ko iyong basagin sa isang tanong. "How's your mom, Alex? I've been thinking when I could meet her,"

Napabaling naman ito sa akin sa gulat. "Well... she's fine? I guess. Why do you want to meet her?"

"Natural, nanay mo 'yun. Bawal ba?"

Kumunot ang noo niya bago ibinalik sa unahan ang tingin. "Hindi naman. Pero, galit ka ba sa kanya?"

Napatawa ako sa tanong niya kaya mas lalong kumunot ang noo nito. "Of course, not! Bakit naman ako magagalit e sa kanya ka nanggaling? She gave birth to my brother; I'm grateful. Gusto ko lang siyang makilala."

"Wait... gusto mo siyang agawin sa akin no?" akusa nito na mas lalong nagpalakas ng tawa ko.

"Nahuli mo ako," sabi ko lang. "Can you tell me about her?"

"Sure!" Nakangiti niyang tugon bago masayang tumitig sa unahan. "Her name's Arabelle. She's a good artist, and she's living by herself in Bacolod."

Hindi ko inaasahan na marinig iyon. Noong gabi pa lang ng pag-uwi ko'y napaisip na ako kung bakit wala sa bahay ang mama ni Alex, at nalaman ko ang sagot sa idinagdag niya.

"Ibinigay niya ako kay dad when I was like, 3 or 4 kasi hindi niya ako kayang buhayin. Akala nga niya tatanggihan ako ni dad."

"Of course, dad would never do that."

"Yeah," Tumatango niyang pagsang-ayon. "Inalok niya si mom na tumira kasama namin, pero tumanggi si mom, so he drops me off every summer break to be with her. Speaking of that, malapit na ang bakasyon, makikita ko na ulit siya."

Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya nang maalala niya ang bagay na iyon, kaya naman... "What about convincing her to move in with us? I think it would be fun."

Sinulyapan ko siya at doon ko napagtantong nakatitig siya sa akin. Napangiti ako. "G ka ba?"

Tumango ito. "G, ate."

Ipinarada ko ang sasakyan sa parking lot ng school ni Alex. Bente minutos na lang ay magsisimula na ang klase niya kaya agad siyang yumakap sa akin at nag-paalam, pero bago siya umalis ay may ini-abot ako sa kaniya.

"If you feel like you're in danger, use this. Pero kapag kailangan lang, okay? Don't you dare bully someone dahil babaliin ko ang kamay mo," paalala ko na may pagbabanta sa kapatid ko.

Namilog naman ang mga mata niya nang makita ang ibinigay kong hidden knife na mukhang isang normal na ballpen. "Whoa, this is so cool, ate. Thanks!"

Ginulo ko lang ulit ang buhok niya saka ngumiti at tumango. Isinilid niya iyon sa bulsa niya bago tumakbo papalayo.

Dati-rati, ako ang inihahatid ni Dad, ngayon, ako na ang naghahatid sa kapatid ko. Nakangiti akong tumalikod at umalis. Now that I am freer than before, I guess pwede kong subukang maging isang normal na young adult, tama?

That being said, nagpunta ako sa paboritong pasyalan ng lahat, sa mall. I want to change myself because I'm no longer an assassin, at hindi na bagay sa akin ang outfit kong maypagka-emo dahil sa pagahlig ko sa black. I actually like pink and yellow, pero sa isang kriminal na kagaya ko, nakakatawa naman siguro kung ang kikay ng porma ko habang pumapatay.

I checked some stores, pero nahihirapan akong pumili ng damit na babagay sa akin. I'm looking for something simple, ayoko namang sobrahan ang pagbabagong buhay ko. I still don't like make ups, pero it interests me, so I guess, bibili ako?

Pero... not now. I want Alex and Dad to choose the clothes for me. Saka na lang.

Lumabas ako sa store, pero natigilan ako nang mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na pigura, at wala sa loob kong naibulalas ang pangalan niya. "Leo..."