Chapter 22: KABANATA 21

Marahang gumuhit ang isang masaya't mapait na ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan ko siyang umalis. Lumingon pa siya sa akin ng isang beses bago tuluyang naglaho sa paningin ko. Pinahid ko ang luhang bumabasa sa mukha ko bago hinarap si Leo, at nababakas pa rin sa mukha niya ang mga katanungan. Pero...

"Babe, let's go," sambit niya at inilahad sa akin ang palad.

Umaalingaw-ngaw pa rin ang sunod-sunod na putok ng mga baril. Akala ko'y tapos na ang mga luha ko sa pag-agos, pero nang manuyo ang lalamunan ko'y bumagsak silang muli. Labag sa loob kong hinugot sa isa ko pang hita ang isang walter model 9 na baril at nanginginig ang mga kamay na itinutok iyon sa kaniya.

Nalaglag ang kamay na iniahad niya sa kaniyang gilid at muling gumihit ang gulat. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko at nanginig ang mga labi pero walang ni isang salita siyang ini-utas.

Isa-isang humandusay ang mga patay sa sahig, at dahan-dahang naubos ang mga bisita. Nakita ko ang isang lalaking sinisipat si Leo mula sa likuran kaya kinalabit ko ang gatilyo. Bumulgta sa sahig ang lalaki, pero hindi gumalaw o kumurap si Leo kahit pa sa gilid ng ulo niya dumaan ang bala ko. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"Babe..." tawag niya.

Mas lalong sumagana ang mga luha ko nang matapos niyang banggitin ang salitang iyon ay tumulo ang isang butil ng luha niya. Para akong sinaksak nang mamasdan ko ang mukha niyang umiiyak.

Lumuluha siya sa harap ko at dahil iyon sa akin.

"Sorry Leo..." sa awakas ay nagawa kong masabi, pero pinigilan ng hikbing bumara sa lalamunan ko ang kasunod, kaya huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. "Ito na ang pagkakataon kong makaalis, hindi ko na mahihitay ang pangako mo. Pasensya na, kailangan ko nang bumalik sa pamilya ko."

Humakbang si Leo ng isa palapit sa akin pero napahinto siya kaagad nang humakbang ako patalikod at mas itutok sa kaniya ang baril. Alam kong alam niyang hindi ko kayang kalabitin ang gatilyo, pero pinilit kong magmukhang desidido. Huminga muna siya ng malalim at mariing pumikit bago muli akong tinignan.

"Babe, I'll get you out of here. Magtiwala ka sa akin--"

"I'm going out on my own," putol ko sa kaniya habang umiiling. Hindi kami pwede; ako mismo ang nagdeklara nito simula pa lang. "I trust you but you shouldn't've trusted me. I entered your house as a traitor; I deceived your family. We're not meant for each other, Leo."

Nanginginig ang boses ko nang sinabi ko iyon. Ang hirap talagang mamili sa importante at sa gusto mo; sa pwede at hindi. Si Kiel ang naghirap ng husto kaysa sa akin, wala akong karapatang magreklamo sa pagkakataong inukit niya. Kailangan ko nang umalis.

Nakita kong lumabas si Kiel sa mansyon kasama ang daddy ko at ilan sa mga tauhan nito. Sinenyasan niya akong umalis na pero napatigil siya nang mapagtantong si Leo ang kaharap ko. Tumango ako sa kaniya bilang senyas na umalis na siya, at isang makahulugang tingin lang ang ibinigay niya bago tuluyang timalikod. Pagkatapos, ibinalik ko kay Leo ang tingin ko.

"Sheii, 'wag mo akong iwan. Pangako ilalabas kita rito, just... just don't fucking leave! Please, babe," this time, lumapit na siya sa akin at hindi niya alintana ang paglapat ng muzzle ng baril ko sa dibdib niya. Nakatingin lang siya sa akin na luhaan at nanginginig ang mga kamay. Umiiling, at nakikiusap. "Sheii, please..."

"Leo, please!" sigaw ko saka sana hahakbang patalikod kung hindi niya lang hinawakan ang kamay ko at inagaw sa akin ang baril. Itinapon niya iyon sa malayo at sinubukan akong hilahin palapit, pero pumalag ako.

Sinubukan kong magbitaw ng isang suntok at sipa, pero sinalag niya lang ang mga iyon habang paulit-ulit na nakiki-usap. "Sheii, nakikiusap ako, 'wag ganito. Napag-usapan na natin hindi ba? Sheii,"

Nagulat ako nang tumama ang suntok ko sa pisngi niya at bahagya siyang natigilan. Nabato ako nang marahan niyang i-angat sa akin ang tingin habang dumudugo ang gilid ng labi niya. Hindi nabago ang emosyon niya, at isang ulit pa, sinabi niyang, "I can get you out, please,"

Pinilit kong isara ang puso ko na nasasaktan at natutuwa na makita siyang nakiki-usap na huwag akong lumayo. Nang makabalik ako sa ulirat ay ipinagpatuloy ko ang pag-atake, pero hindi pa rin siya lumalaban. Sinalag niya lang at sinalo ang lahat ng suntok at sipa, at nang mahawakan niya ang pulsuhan ko pagbato ko ng huling suntok ay nanghina ako. Hinila niya ako palapit at mahigpit na niyakap mula sa likuran. Isinumbsob niya ang mukha niya sa balikat ko at dinig na dinig ko ang mahihina niyang mga hikbi.

Naramdaman ko rin ang mga luha niyang pumapatak sa balat ko, at sa bawat hikbi at patak na iyon, dinudurog ang puso ko.

"Let go of me, Legolas," mahina kong sambit. Nawawalan na ako ng pag-asang makalabas. "Please, pakawalan mo na ako--"

"No. Stay," bulong niya bago marahang hinalikan ang gilid ng ulo ko. "I love you, Sheii."

Patay na. Paano ko ba magagawang tiisin ang isang Legolas Fontanilla? Paano ko tatanggihan ang mga salitang iyon?

Dumidilim na naman ang mundo ko. Ang liwanag na bahagyang sumilay kanina ay parang isang ilaw na biglaang napundi. Makakalabas pa nga ba ako?

"Babe, ..." ang tanging lumabas sa bibig ko kasabay ng mga hikbi. "Kailangan ko nang umalis."

"Konting tiis na lang, ginagawan ko na ng paraan e," bulong niya.

Nanghihina na talaga ako, pero bago pa maubos ang oras, naalala ko... "I won, right? Napagdesisyunan ko na ang hiling, Leo--"

"Hindi. Hindi ito. Hindi ang bagay na ito, babe. Kahit ano, 'wag lang ito," matigas niyang pagtanggi saka ako iniharap sa kaniya, kapit-kapit ang magkabilang braso ko.

Sandali ko siyang minasdan, at bago ko pa mapagtanto ay hawak ko na ang mga pisngi niya, at marahang pinupunas ang mga luhang tumatakas sa mga mata niya gamit ang mga hinlalaki ko. Ngumiti ako kay Leo ng mapait pero may bakas ng saya bago marahan siyang hinila palapit.

I gave him a soft kiss that lasted for a few seconds, at nang humiwalay ako ay nakangiti kong sinabing, "Thank you for the love, Leo. Please forget about me,"

Humakbang ako ng isa patalikod at hinugot ang huling sandatang nakasuksok sa hita ko para itarak iyon sa kaliwang hita niya. Tuluyan akong umatras nang mapaluhod siya sa lupa at tumingala sa akin habang nagbabagsakan ang luha.

"I love you," mahina kong bulong bago tuluyang tumakbo paalis na hindi siya nililingon.

Binuhat ko ang laylayan ng suot kong dress, at nanlalabo man ang mga mata ay pinilit kong lumabas sa lugar. Sinalubong ako ni Keil at hindi ko na alam kung paano, pero ang sunod ko lang na napagtanto ay nakasakay na kami sa isang van.

Hindi umimik si Kiel nang makiita akong luhaan, bagkus ay hinayaan lang ako. Gusto kong magpaka-brat, pero hindi ko afford. Bakit nga ba kasi hindi na lang siya naging isang tauhan? mas magiging madali siguro kung isa lang siyang pipitsuging tuta, o di kaya'y anak ng iba at hindi ni Damian. Bakit sa dinami-rami ng lalaki, sa anak pa ng kaaway?

"You're going home. Tumahan ka na," basag ni Kiel sa katahimikan tapos ay ini-abot sa akin ang puti niyang panyo.

Napatingin ako sa kaniya ng mariin. Ngayong wala nang gulo sa paligid, napansin ko lang na weird ang mga kilos ni Kiel. Mukhang may hindi siya sinasabi sa akin.

"You seem to know a lot, Kiel," puna ko. "Yung totoo, sino ka?"

The way he escorted dad, mukhang hindi sila basta magkakilala lang. Something's fishy about Kiel. How the hell did he managed to pull out such a grand plan all by himself? Hindi siya mukhang isang tauhan lang ni Damian. I'm sure, he's hiding something. Is he working for dad or something?

"Ramon Ezekiel Valle," walang emosyon niyang sagot, kaya mas tumalim ang tingin ko sa kaniya.

"I know," mataray kong saad.

"I'll explain everything once na makauwi ka. Kailangan ko ring magpaliwanag kay Artemis tungkol sa nakalipas na sampung taon," sabi niya lang pero hindi na ako umimik. Mas mabuti na nga siguro iyon.

First, I have a sibling, tapos ngayon ay tiyuhin ko si Kiel; kakambal ng mama ko. Biglang nawalan ng puwang sa isip ko ang ginawa kong pag-iwan kay Leo.

Napabuti pa ngang nanahimik ako dahil nakalimutan kong mainip. Ang sunod ko na lang kasing namukatan at ang harapan ng bahay namin na walang kahit anong ipinagbago kahit pa sa sampung taong lumipas. Sa sobrang tuwa ko'y napatakbo ako palabas ng van at papasok sa mansyon, kung saan parang panaginip kong nasilayan ang ama kong nakatayo at nakatalikod sa akin.

Nanubig ang mga mata ko at napatakip ako sa aking bibig. Sampung taon...

"Dad..."

Parang huminto ang mundo nang tawagin ko siya, at nang lumingon siya sa akin ay gumalaw ng kusa ang mga paa ko para takbuhin ang distansya naming dalawa.

"Daddy!"

Sumalpok ako sa dibdib niya at mahigpit na yumakap. Para akong bumalik sa pagkabata kung saan nakabuka ang kamay niya akong sinasalubong ng mainit na yakap sa tuwing uuwi ako galing eskwela. Malalakas na hagulgol naming dalawa ang pumuno sa silid, at nang maramdaman ko ang mga bisig niyang nakayakap sa akin, narinig ko ang boses...

"Sheii, anak!" ... pagkalipas ng sampung taon.

I'm home. I'm finally home. Makakasama ko na ulit si dad at hindi ko na kailangang maging isang tuta ni Damian. Pwede ko nang kalimutan ang nakalipas na sampung taon para magsimula ulit. Maitutuloy ko na ang buhay ko... Wala na si Xena Calyza dahil ako na ulit si Lebrina Sheii.

Matapos ang ilang sandali ay gumawad ang mga paningin ko sa isang taong nakatayo hindi kalayuan sa amin ni Dad. Nakamasid lang siya at nakangiti na para bang masaya siyang pinapanood kami.

"Alexander," tawag ko saka kumalas kay dad. Nilapitan ko siya at sinuri. "Hindi ka ba nasaktan kanina?"

Umiling ito. "Hindi ako nasaktan dahil prinotektahan mo ako,"

Lumapit sa amin si dad na tila ba gulat na kilala ko ang batang alam kong ipapakilala niya sa akin. Nahihiya siyang tumingin sa akin bago sinabi ang bagay na alam ko na. "He's your brother, Sheii,"

Ngumiti lang ako kay dad at gulat na gulat siya nung sinabi kong alam ko na simula pa lang nang makita ko ang pamilyar na mga mata ni Alexander ay naramdaman ko nang may koneksyon kami.

I learned that dad never remarried, pero he unexpectedly had Alex a year before I was abducted and didn't know about him until Alex is 3. Humingi siya sa akin ng tawad dahil sa hindi niya nagawang maging faithful kay Mom kahit na ipinangako niyang siya lang ang magiging babae nito hanggang kamatayan, pero naiintindihan ko iyon at sinabi kong wala akong sama ng loob sa kaniya. Dad needs to move forward, at alam kong iyon din ang gusto ni Mom para sa kaniya. Isa pa, masaya akong may kapatid ako.

Dad excused himself to have a chat with Kiel, kaya sinamantala ko naman iyon para makausap si Alex. Gusto ko siyang makilala. And he told me everything about him, his mom who's named Ara, and why dad taught him how to use guns.

Malungkot akong tumitig sa kapatid ko. "Nandito na ako kaya hindi mo na kailangang humawak nun."

Ngumiti naman siya ng mapakla bago umiling. "Gusto kong maging malakas para hindi na ulit maranasan ni dad ang nangyari sa'yo. Gusto rin kitang protektahan, ate para hindi ka na ulit mapalayo sa kaniya."

"Hindi. Ako ang gagawa non, Alex. Kailangan mong mamuhay ng normal. Ayaw kong lumipas sa'yo ang lumipas sa akin."

Hinila ko siya palapit at niyakap ng mahigpit. Sana, matagal na akong nakabalik para nakilala ko siya bago pa siya magka-isip. Sana, nabago ko pa kung anong meron ngayon. Patawad, Dad at Alex, kasi hindi ako nakabalik kaagad.

***

I went downstairs after an hour at doon, nadatnan ko si Dad at Kiel na nag-uusap. Tulog na si Alex at nakapagpalit na rin ako ng damit na kinuha ko galing sa kwarto ni Dad dahil wala naman akong damit sa kwarto ko na kakasya sa akin.

Wala iyong ipinagbago kahit pa isang dekada na ang limipas. Naroron pa rin ang mga damit ko't mga laruan. Ang study table ko at mga stuff toys ay hindi rin nagalaw. Para akong umuwi kinabukasan matapos ang mahabang bakasyon bilang ang sampung-taong si Sheii. Tuwang-tuwa ako kanina nang makita si Shooky, na pinakang paborito kong stuff toy sa lahat.

Napangiti si Dad nang makita ako, habang si Kiel naman ay hindi ko mawari. Tumayo si Dad at yumakap sa akin pagbaba ko ng hagdanan bago sinabing, "I still can't believe na nakauwi ka na. Utang ko itong lahat kay Ramon. Mag-usap muna kayo, aakyat na ako,"

Tumango ako. Pagkaalis ni Dad ay agad akong lumapit kay Kiel.

"Thanks," mahina kong sambit pagka-upo ko sa harapan niya. Tumango lang ito at tumungo. Hindi ko mawari kung anong meron, pero mukhang dismayado siya. "May problema ba, Kiel?"

"Wala," agad naman niyang tugon. "Masaya akong nai-uwi na kita."

May bahid ng lungkot sa boses niya, at mukhang nahihinuha ko na kung bakit, pero hindi ako nagsalita.

"As I've said it, your mom and I are twins. Lumaki kami sa ampunan pero nagkahiwalay kami dahil may umampon sa kaniya, pero we stayed in contact until the day of her death. Kaibigan ko ang ama mo noong college," panimula niya. "If you can still remember, we've met several times when you were a kid. Binibisita kita paminsan-minsan, pero dahil sa trabaho ko, hindi ako pwedeng magpakilala sa'yo."

"Anong trabaho mo?" bigla kong naitanong. Nagsilay naman siya ng isang mapaklang ngiti.

"Isa akong assassin."

Napakunot ang noo ko. "Ni Damian?"

"Hindi. Isa lang akong kriminal na walang pangalan. Kung kani-kaninong pulitiko ako nagtatrabaho, pero walang nakaka-alam sa katauhan ko. Noong nalaman kong dinukot ka, isa lang ang naisip kong paraan para protektahan ka. Pasensya na kung ngayon lang ako nagpakilala ng maayos, Sheii."

That makes sense. Pero hindi ako makapaniwalang isa siyang kriminal bago ang lahat ng ito. Napatitig akong muli sa kaniya na malalim na bumuntong hininga habang ibinabaon sa palad ang mukha niya. Lumapit ako para yumakap.

"You're disappointed with dad, aren't you?" pabulong kong tanong.

"That can't be helped, Sheii," hilaw niya namang tugon.

Inihilig ko sa balikat niya ang ulo ko saka pumikiit. Nakalimutan ko siya kanina, kasi masyado akong occupied sa pagbabalik ko rito. Ngayon, malayo sa malamig na si Kiel sa mansyon, isa lang siyang kapatid na naghihinapis.

"Pahinga na muna tayo ngayon. Bukas, tell me more about you and mom. Safe na ako; safe na tayo. Maraming salamat sa sampung taon ng pagmamahal at pag-aalaga. Masaya akong makilala ka, uncle."