Chapter 21: KABANATA 20

I step out of the luxurious car. Kiel escorted me as I entered the mansion with the Three Fontanilla.

"Never think about failing, Xena. Ezekiel's life is on the line," walang emosyong saad ni Damian na nagpahinto sa akin sa paglalakad. Wala ito sa usapan. Masama ko siyang tinignan, hindi alintana kung magagalit siya o ano, basta abot-langit, maging impyerno ang galit ko.

"Wala ito sa usapan, Damian. Wala si Kiel sa usapan," walang galang kong sagot.

Nilingon niya ako at malademonyong ngumiti. Halang talaga ang kaluluwa ng taong ito. Napakadumi niyang maglaro! "I need assurance, hija. Just do your best. That's your only choice,"

Tumatawa siyang naglakad paalis at naiwan akong nakatayo roon habang pinagmamasdan silang pumasok mag-aama sa loob. Kiel looked at me, kaya agad kong ikinompose ang sarili ko at huminga ng malalim bago nagsimulang maglakad.

"Wag kang magpapadala kay Damian. Kailangan mong tumakas," bulong naman ni Kiel bago kami pumasok sa masyon ng mga Alvarez.

Napaka-engrande ng party na ito. Inilahad sa akin ni Kiel ang isang domino mask at agad na isinuot ang kaniya. Isinuot ko rin iyon saka nagpalinga-linga sa paligid. I am trying to observe everyone lalo na ang mga tauhan ni Damian na alam kong ano mang oras ay maaaring kumilos.

I saw several faces I knew; people from the underground society. Kagaya nga ng sinabi ni Damian, imbitado ang lahat ng bumubuo sa underground society. Naglakad ako palapit sa isang empty table at sumunod naman sa akin si Kiel. Inabutan niya ako ng isang baso ng alak galing sa isang waiter na dumaan. Tinanggap ko iyon saka marahang ininom habang nagmamasid.

Everyone is on their pretty dresses. I can see young women. Some of them are about my age and some are younger. Nasasabi ko iyon sa galaw at pangangatawan ng mga nandito kahit pa hindi kita ang mga mukha nila. Karamihan sa mga babae ay mukhang mga bayaran at ang iba naman ay mga anak ng mga malalaking tao.

Napadako ang tingin ko sa isang pamilyar na postura ng isang babaeng nakasuot ng isang kulay itim na fitted dress. Maganda ang hubog ng katawan niya at halatang isa sa mga anak ng mga malalaking tao. Pinagmasdan ko lang siya, sinusubukan kong mahinuha kung sino ang babaeng iyon, at nang lumapit sa kaniya ang isa pang pamilyar na pigura ng isang matangkad na lalaki ay doon ko na napag-tanto kung sino sila. Si Conor at si Amber.

Napatawa ako. Bakit ako magugulat? Malakas ang loob ni Amber gumawa ng mga delikadong bagay, malamang ay anak siya ng isang maimpluwensiya at makapangyarihang tao.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila nang lumapit sa akin si Leo. Sinubukan kong hindi pansinin ang mga bagay na biglang gumulo sa utak ko.

"Xena," tawag niya sa akin.

Walang gana ko siyang nilingon. Hindi niya iyon kita dahil sa mask na nagkukibli sa mukha ko.

"What?" malamig kong tugon.

"Are you okay?" tanong niya sa akin.

I laughed sarcastically and drank the remaining liquor on my glass before looking at him. "Of course not, Leo. How am I suppose to be okay if I am about to kill my own father?" Hindi ko mapigilan ang emosyon ko.

Galit ako sa ama niya pero naibubunton ko na naman sa kaniya. Hindi niya ako masisisi dahil ninakawan ako ng buhay ng ama niya sa hindi ko malamang dahilan. Ngayong gabi na makikita ko na si Dad, hindi ko mahinuha ang pakiramdam ko...

"I'm sorry," bulong niya. Hindi na muling nagsalita si Leo. Naiintindihan naman niya ako siguro. Mahirap sa akin ang gagawin ko.

"Xena, Humanda ka na," dinig kong bulong ni Kiel sa earpiece. Agad kong inalisto ang sarili ko. May isang matandang lalaki ang pumunta sa unahan at nagsalita na opisyal nang sinisimulan ang party. At ngayon mismo, magsisimula ang lahat.

Determinado akong huminga ng malalim kasabay ng pang-gigilid ng mga luha ko. Konti na lang, Dad. Magkakasama na tayo. Sana mapatawad ako ni Leo sa gagawin ko. Hindi ko pwedeng hintayin ang pangako niya. Hindi talaga kami ang para sa isa't isa dahil magkasalungat kami ng mundo.

Iginala ko ang mata ko at nakita ang isang tauhan ni Damian na tumango sa akin. Senyas na nakita na niya si Artemis--- ang daddy ko. Walang emosyon akong tumango at iniwang walang imik si Leo. Alam kong nakatingin siya sa likod ko habang naglalakad ako paalis. Walang patutunguhan ang pagmamahal ko sa kaniya dahil sa pamilya ko ako nararapat.

Naglakad ako at umikot sa buong lugar, pasimpleng hinahanap ng aking mga mata ang imahe ng tatay ko, at sa ilang minuto ng paglibot ay namataan ko siyang may kausap na isa pang matandang lalaki.

"Kiel, I found him," sabi ko na hindi binibitawan ng tingin ang daddy kong abalang nakikipag-usap sa kung sino.

"Approach him in silence. 'Wag mong hayaang mabisto ka ng mga tauhan ni Damian."

"Copy," sabi ko bago naglakad papunta sa gawing iyon. Nagkunwari akong hindi pa siya nahahanap at pa simpleng lumapit sa kaniya. Tatlong metro na lang ang layo ko nang may mabangga akong isang batang lalaki. Nakasuot siya ng suit kagaya ng mga kalalakihang mas nakatatanda. Hindi ako sigurado sa edad niya pero alam kong bata pa ito. Sa tantya ko ay 13 pa lang siya. Natumba siya kaya tinulungan ko siyang tumayo.

Agad siyang luminga-linga sa paligid na tila nagmamasid ng palihim at may hinahanap. Huminto ang tingin niya sa daddy ko saka ako binalingan ng tingin.

"Watch where you're going," inis at masungit niyang turan bago umalis.

Natulala ako sa batang iyon na mabilis naglakad paalis habang lumilinga. He looks suspicious. Hindi kaya isa siya sa mga batang assassins ni Damian? Hindi maaari!

Nakita ko siyang lumabas kaya agad ko siyang sinundan. Maingat akong nagmasid sa paligid kung may nakakita ba sa akin na sinusundan ang batang iyon. Ayokong ipahalatang nakatunog ako sa plano ni Damian. Kailangan ko siyang iligpit.

Naglakad siya palabas sa may garden. Tahimik ko siyang sinundan. Nagpalinga linga ako sa paligid at nakita ko namang walang sumusunod. Sinundan ko lang ang batang assassin, at napaisip ako nang bigla na lang siyang nawala sa paningin ko. Nakahalata yatang sinusundan ko siya. Bwisit!

Binalak kong bumalik na sa loob bago pa may makakita sa akin dito at maghinala sa kinikilos ko nang manigas ako sa kinatatayuan ko paglingon ko. He's right there, standing while aiming the gun at me. Mukhang galit siya dahil sa talim ng tingin niya sa akin kahit pa tabon ng mask ang kalahati ng mukha niya.

"Sabi ko na nga ba, may sumusunod sa akin," saad niya saka umismid.

Nakakikilabot ang ngiting iyon na para bang isa siyang matandang na-trap sa katawan ng isang binatilyo--- ngiting walang takot. Napakabata pa niya para maging ganito ka tapang. Hindi ko maintindihan kung bakit sa murang edad ay alam na niya ang mga bagay na ganito.

"Damian told you such things? Ang bata mo pa para sayangin ang buhay mo't magpa-uto sa demonyong 'yon," kunot-noo kong turan.

Kahit anong mangayari ay bata lamang siya. Hindi siya dapat namumulat sa ganitong klase ng mundo. Nakakagalit dahil may mga bata pa ring nananakawan ng kamusmusan kagaya ko.

"Pwede ba, I don't know who he is. Who are you?" tanong niya na para bang hindi niya alintana kung nandito ako para patayin siya. Napatitig ako sa kaniya. Mas maliit siya kaysa sa akin pero kitang matangkad ang batang ito. Higit isang dangkal lang siguro ang itinaas ko sa kaniya kung wala ang suot kong high heels.

"Answer me!" inip niyang sabi na nagpabalik sa akin sa katotohanan. Nag-aaksaya ako ng oras sa batang ito.

Inagaw ko sa kaniya ang baril sa paraang hindi ganon ka rahas, ngunit sa gulat ko ay mukhang nagkamali ako na isang bata lamang ang kaharap ko. Mabilis niyang dinepensahan ang sarili niya sa akin. Nagulat ako sa ipinamamalas niya. He's well trained. Malakas ang pangangatawan niya at mabilis ang galaw. Hindi na ako nagtatakang inilagay siya ni Damian sa sitwasyong ito ng walang pag-aalinlangan.

Hindi ako kumbinsidong hindi niya kilala si Damian.

Tumilapon ang baril na kanina ay hawak niya. Agad niya akong inatake ng mabibilis na mga suntok at sipa na akin namamg sinalag. Malalakas ang mga iyon kaya nahirapan din ako. Mas dumagdag pa ang katotohanang bata ang kalaban ko kaya't hindi ko magawang umatake ng kagaya ng nakagawian ko. Sa bilis ng kilos niya at dahil sa pagka-aliwas ko sa suot ko ay nahablot niya ang suot kong mask. Itinapon niya lang iyon saka sandaling himinto. Nakatingin lang siya sa akin habang hinahabol ang hininga.

Nauubos ang oras ko, hindi ko na dapat itong patagalin.

Wala na akong pake kung bata siya o ano pa man; ako naman ang umatake. Hinablot ko rin ang mask niya at dumoble ang gulat ko nang masilayan ko ang mukha niya.

We have the same eyes! Damn it! Sino ang batang ito?

I captured him and pulled a gun from my leg and aimed it at his head. Napatitig lang ako sa kaniya, litong-lito at napapa-isip sa pagkakakilanlan niya. Napakapamilyar ng hitsura niya, at pakiramdam ko'y kilala ko siya, at nang tumawa siya na para bang laro lamang ang ginagawa namin ay mas napatitig ako...

"Damn it. I thought I'm strong enough to handle a lady. Ano pang hinihintay mo, kalabitin mo na," kalmado nitong sambit.

Mas tumindi ang kaba ko, at sa hindi ko malamang dahilan ay nanginginig ang sunod na tanong na lumabas sa bibig ko. "I-is this w-what Damian taught you?"

"Hindi ko siya kilala, Miss. Sino ba 'yon?" nakangisi niyang tugon.

"Liar. Assassins lang ang may kakayahang gumawa nito. Mga batang assassins ni Damian,"

"Is that so? I'll take it as a compliment. Pero sadly, hindi ko siya kilala. My father is the one who taught me how to use that toy,"

Itinuro niya ang tumilapon niyang baril. Napailing ako. Hindi ako mapalagay na tinawag niyang isang laruan ang baril, at bunsod ng hindi ko maintindihang emosyon, napatawa ako at napailing sa itinuran niya. May taglay siyang kayabangan, pero hindi ko talaga magawang i-overlook yung katotohanang bata pa siya.

Pero, tama... kung isa siyang assassin ni Damian, hindi siya ganito umasta.

"Bakit ka niya tinuruan?" pag-uusisa ko dahil may gusto akong marating ang usapan naming dalawa. Gusto kong malaman kung sino ang sinasabi niyang ama niya, at gusto ko rin siyang pagsabihan, pero, hindi niya ako sineseryoso.

"Ano 'to, interview para makita kung fit ako sa langit o sa impyerno?"

"Sasagot ka ng ayos o pipilayan kita?" malamig kong banta na ikinatahimik niya. Napairap ako. Bakit ba ako napapaligiran ng mga buwisit na lalaki?

"E ano ba kasi sa tingin mo? Malamang, to protect myself. He's a part of the underground society kaya araw-araw may banta sa buhay namin,"

Sa wakas ay nagkaroon siya ng matinong sagot. Hindi ko alam kung bakit nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. Ibig-sabihin lang nito ay hindi siya ninananakawan ng kung sino ng kamusmusan, pero hindi ko pa rin nagugustuhan na may mga magulang na hinahayaang ganitong mundo ang kasanayan ng anak nila.

"Sino ka?" muli kong tanong pagkaraan ng ilang sandali.

Tinitigan ko siya na para bang sinusuri kung bakit pamilyar siya sa akin, at matagal na katahimikan din ang namagitan bago siya sumagot. "Alexander. Ako si Alexander Jaranilla,"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan niya. "J-Jaranilla?"

Tumango siya habang tumatawa. "Yes. I am the son of Artemis Jaranilla."

Tila tinakasan ako ng ulirat nang marinig ang pangalang pamilyar na pamilyar sa akin. Napatitig ako sa mga mata niyang kaparehas na kaparehas ng sa akin. Nanginig ang mga kamay ko at nanlamig. Tama ba ang pagkakadinig ko?

Nanlambot ang mga daliri kong mahigpit ang pagkakapulupot sa hawak kong baril, at tanging nang maulinigan ko ang boses ni Kiel lang ako sinampal ng ulirat.

"Sheii, ngayon na!" sambit ni Kiel mula sa earpiece kaya agad akong napalingon dahil kasunod noon ay isang malakas na putok ng baril at malalakas na sigawan. Lumabas ang isa sa mga tauhan ni Damian na tila ba may hinahanap, at nang dumako ang mga mata nito sa gawi namin ay itinutok nito ang baril. Noong una'y akala ko'y sa akin, pero nang mapagtanto kong hindi ay mabilis ko siyang ikinubli sa likuran ko. Inunahan ko siya sa pagkalabit ng gatilyo, at parang slow-motion ang eksena nang lumandas ang bala ng baril niya palagpas, isang pulgada ang layo sa sintido ko. Bumagsak naman siya sa sahig ng walang buhay.

Para akong sinaniban ng kung ano matapos kong malaman na kilala nila si Alexander kaya pinuntirya ko ang iba pang tauhan ni Damian, na saka ko lang naisip na masyado kong maagang ini-reveal ang sarili ko.

Itinago ko lang siya sa likod ko at kabadong nagtanong kay Kiel, "Anong nangyari?"

Pero hindi siya sumagot. Napamura ako sa hangin bago nilingon ang gulantang na si Alexnader at kinapitan sa kamay bago tumakbo.

Nasaan na ba si Kiel?

Hindi ko alam kung saang direksyon ako tatakbo pero isa lang ang alam ko: kailangan kong mailabas ang batang ito rito. Sandali akong nahinto sa gitna ng nagtatakbuhang mga tao sa labas ng bahay papunta sa malaking gate kulang 80 metro mula sa mansyon at nagpalinga-linga para hanapin si Kiel, pero ang nakita ko lang ay pigura ni Leo na sinisipat ang taong kapit ko, at huli na nang lumingon ako dahil lumandas na ang bala niya sa direksyon namin.

"Stop, Leo!" sigaw ko sa takot nang tumilapon ang hawak na patalim ni Alexander at matumba ito sa lupa dahil sa gulat. Nakita ko pang namutla ito nang muntikan na siyang mabaril.

Agad akong lumuhod at dinaluhan siya sa lupa para ikubli mula sa baril ni Leo na nanggigilid ang mga luha. Nagkakagulo na ang lahat. Tumakbo si Leo palapit sa amin at galit na sinabing,

"Sasaksakin ka niya!"

Pero isang matigas na iling lang ang naitugon ko bago isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko.

"Don't you dare take a step closer to him, Leo," banta ko habang matalim na nakatingin sa kaniya.

Bakas ang pagkalito sa mukha niya pero pinilit niya pa ring ipaliwanag sa akin. Humakbang siya palapit pero napahinto rin nang itutok ko sa kaniya ang baril ko at sumigaw ng may pag-piyok,

"Lay a hand on my brother and I'll blow your fucking head off, Legolas!"

Rumehisro ang gulat sa mukha niyang napatingin muli kay Alexander na nadinig kong suminghap sa sinabi ko. Wala akong paki-alam kung may pamilya na si dad, basta alam ko lang ay kapatid ko siya at kailangan ko siyang protektahan. Ang daming blankong espasyo sa pahina ng buhay ko ngayong araw, pero saka ko na pupunan kapag nasiguro ko nang ligtas siya.

Nang hindi gumalaw si Leo ay aligaga kong nilingon si Alex, at gulat na gulat ako nang makita siyang luhaan. Niyakap ko siya ng mahigpit sa pag-aakalang dahil sa takot kay Leo, pero nagulat ako nang yumakap rin siya sa akin.

"A-Ate Sheii?"

Agad akong napahiwalay at napatingin sa kaniya. "Alam mo ang pangalan ko?"

Tumango ito kasabay ng pagkawala ng isang malakas na hikbi. Kung kanina ay isa siyang walang takot na batang assassin, ngayon ay para siyang inagawan ng candy na humahagulgol sa harapan ko. Napangiti ako sa kabila ng mga luha ko.

"You acted cool just a moment ago. Stop crying and leave," sabi ko habang pinupuas ang mga luha niya, pero napatigil ako nang umiling siya at hawakan ako sa kamay.

"No! Let's go together!"

Umiling ako. "Tell him I'm alive. Susunod ako,"

"Hindi. Dad suffered a lot thinking that you're dead. You have to come with me. I will protect you, ate. Tara na!"

Unti-unting naubos ang mga taong nagtatakbuhan; nawawalan na kami ng oras. Kailangan ko pang hanapin si Kiel. Itinayo ko si Alexander. Nagbabagsakan pa rin ang mga luha ko.

"Susunod ako, pangako 'yan," makasiguraduhan kong sambit saka ibinigay sa kaniya ang hawak kong baril. "Hold this tight and use it right. You have my word, Alexander, so go."

Pinunas niya ang luha at labag sa loob na tumango.

"I'll wait for you," sabi niya bago tumalikod at umalis.