Chapter 18: KABANATA 17

Una pa lang, alam ko nang dalawa lang ang pwede kong kahantungan: tagumpay o kamatayan. Gayunpaman, hindi ko inasahang sarili kong puso ang maghahatid sa akin sa kabilang buhay. Nang dahil sa naghaharumintado kong puso habang nakatutok sa ulo ni Leo ang baril, hindi ko nagawang kalabitin ang gatilyo nang gumising akong katabi siya. Kung nagawa ko lang sana... malaya na ako.

Siguro nga... pinili ko ito.

Malamig... hindi ang tubig kundi ang hangin na humahampas sa buong katawan ko. Malinaw sa ala-alang pandama ko na sa tubig ako bumagsak, ngunit paanong mainit ang bagay na nasa ilalim ko? Bato? Mainit-init at malaking bato?

"Xena-- Wake up --- ng it!"

Hindi ko maunawaan ang sinasabi ng kung sino, pero malinaw na tinawag niya ang pangalan ko.

Sinubukan kong gumalaw, pero tanging diwa ko lang ang may malay. Hindi ako makahinga dahil kahit na ramdam kong wala ako sa tubig, para namang nakalubob ang ulo ko sa tubig dahil ramdam ko ang panunot nito sa bawat daluyan ko ng hangin. Madilim din, at wala akong ideya kung nasa purgatoryo na ba ako o bukana ng impyerno.

Pero...

Walang tubig sa impyerno.

"Xena!"

Bigla kong naimulat ang mga mata ko nang mula sa mahinang putol-putol na mga tunog ay luminaw at lumakas ang boses na mababakasan ng takot. Umiikot na anino ng isang tao, mga puno, at ng nakakubling buwan sa mga ulap ang unang bumungad sa akin, at kasunod noon ay ang malakas kong pag-ubo na siyang naging dahilan para maalis ang tubig na nakabara sa daluyan ko ng hangin. Doon lang, suminghap ako at hinabol ang aking hininga.

Buhay ako.

"Xena," sambit ng isang lalaki sa tabi ko. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok, mukha, at katawan niya. Natulala ako nang makita kong tumulo ang luha mula sa mga mata niya bago ako hinila palapit para sa isang yakap. Mahigpit na yakap. "Akala ko wala ka na."

Sinundan iyon ng mga hikbi at mas mahigpit na kapit.

"L-Leo..."

"Hindi ako papayag, Xena. Hindi ako papayag na sa ganitong paraan mo ako tatanggihan. Wala akong pakialam kung hindi nawala ang ala-ala mo o kung bahagi lang ako ng plano mo. Ayoko, Xena... Please, wag mo nang gagawin ito ulit," umiiyak niyang sambit habang ibinabaon sa balikat ko ang mukha niya.

Tuluyan na akong sinaniban ng aking ulirat, at hindi ako nakagalaw o nakaimik sa naging turan niya. Nanumbalik ang marahas na aktibidad ng puso ko at automatikong nanubig ang mga mata ko.

"Kumapit ka lang, ako mismo ang maglalabas sa iyo sa impyernong ito. Ilalayo kita kay Dad. Ako ang aayos sa lahat. Xena, please, wag mo akong iwan,"

"W-Why, Leo?" tanging naibulalas ko habang marahang umaagos mula sa mga mata ko ang luha.

Napahinto si Leo sa tanong ko at marahan siyang humiwalay para tignan ako sa mata. Nakakunot ang noo niya na para bang naiinis na nalilito sa ibig kong sabihin. Umiwas ako ng tingin at tumayo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa kaniya. Pakiramdam ko'y masisiraan na ako ng bait at hindi ko alam kung gaano pa kalaking trahedya ang magaganap kung hahayaan ko lang siyang istorbohin ang plano ng ganito. Pwede ko siyang patayin dito, pero alam kong hindi ko iyon magagawa. Kaya, ang tangi na lang paraan ay mapilit siyang patayin na ako sa lugar na ito pa lang, bago pa makarating kay Damian ang sikreto ko.

"Xena, hindi ito ang panahon para kuwestyunin ako kaya kung pwede lang ipagpaliban mo na muna. Kailangan na nating bumalik dahil dumilim na--"

"Tayo?" Napapaismid kong tanong bago sinalubong ang mga mata niya. "Kung may aalis dito, isa lang. Hindi tayo pwedeng bumalik ng magkasama."

"Anong sinasabi mo?" Mas kumunot ang noo ni Leo sa sinabi ko.

"Papayagan kitang patayin ako rito--"

"Xena!" Sigaw niya na siyang pumutol sa sinasabi ko. "Hindi ko iyon gagawin."

Mapait akong napangiti. "Edi papatayin kita--"

"Hindi mo kaya," putol niyang muli na siyang nagpatahimik sa akin. Tinitigan niya ako sa mata na halos nagpatayo sa mga balahibo ko. Sigurado siya.

"H-Hindi ka sigurado, Leo," Pagpapanggap ko pa pero hindi nia pa rin pinaniwalaan. Yumuko siya para pulutin ang isang baril na naroroon sa may tabi, malapit sa kinauupuan niya kanina nang magising ako, at naglakad palapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong doon ang baril. Iniyakap niya rin ang mga daliri ko rito at ipinusisyon ang hintuturo ko sa gatilyo na hindi binibitawan ang mga mata ko.

Hindi ako makagalaw, bagkus ay napatulala na lang sa ginagawa niya. Tapos, itinutok niya iyon sa dibdib niya na nakadikit ang dulo sa parte kung nasaan ang puso niya. Nanginginig kong ibinalik sa mga mata ni Leo ang tingin, at tuluyan akong nabato sa sinabi niya.

"Prove it. Pull the trigger," sambiit niya bago binitawan ang kamay ko na naiwang nasa ere at nakatutok sa kaniya ang hawak na baril. "Wala pa akong pinagsasabihan ng sikreto mo, kaya makasisiguro kang magagawa mo pa rin ang plano mo,"

Napakagat ako sa ibabang labi ko sa tinuran niya. Muling nanggilid ang mga luha ko at humigpit ang kapit ko sa baril. Nanginginig ang buong katawan ko sa kaba.

"Bibilang ako ng tatlo; kalabitin mo ang gatilyo dahil kung hindi, ako ang lalapit sa'yo, at iyon na ang magiging katapusan ng pagtanggap ko sa lahat ng pagtanggi mo, Xena,"

Mas dumiin ang kagat ko sa labi ko. Sinusubukan ako ni Leo... Hindi ako papayag na mapahiya at magmukhang tanga sa harapan niya. Kaya ko siyang patayin, at isang kalabit lang sa gatilyo ang kailangan kong magawa.

"Isa,"

Kaya ko siyang patayin...

"Dalawa,"

Kaya kong kalabitin ang gatilyo.

"Xena..." tawag ni Leo sa akin, pero umiwas na akong tingin. Tumingin na lang ako sa kamay kong hawak-hawak ang baril. Isang kalabit lang... Isa lang...

"Tatlo,"

Napasinghap ako nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril na siyang bumugaw sa mga ibong nakahapon sa sanga ng mga puno sa paligid. Nabitawan ko ang baril at lumaglag sa gilid ko ang kamay ko. Nagawa kong kalabitin ang gatilyo pero hindi ko nagawang pigilang ilihis iyon mula kay Leo.

"I knew it," sambit niya na may halong pagmamayabang. "Hindi mo kaya."

Hindi ko na nagawang umiwas nang hawakan ako ni Leo sa pulsuhan at hinila palapit sa kaniya. Tumama ako sa dibdib niya bago niya ako ikinulong sa isang mahigpit at mainit na yakap. Napapikit ako at napaiyak na lang ng tahimik habang nakahilig sa dibdib niya. "Paano mo nalaman?"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Leo. "I saw you fail. You left crying this morning, babe," pabulong niyang sagot sa akin habang mas hinihigpitan ang yakap sa akin. "Binalaan na kita. Ngayong nakalapit na ako sa'yo, hindi mo na ako pwedeng layuan."

Tumakas ang hikbi mula sa bibig ko kaya isinubsob ko na lang sa dibdib niya ang mukha ko. "Please, just kill me, Leo,"

"No," matigas niyang pagtanggi. "You fooled me, Xena. And I'm way too in love to let you get away like that. Kailangan mong pagbayaran ang mga ginawa mo. Kailangan mong manatili sa tabi ko."

Naramdaman ko ang pagod at panghihina kaya napabuntong hininga na lang ako sa itinugon niya sa akin. Mapait akong napaismid dahil sa katotohanang mananatiling ligtas si Kiel at ako dahil kay Leo, pero kahit na ganun, hindi ko magawang maging masaya.

"Isa kang malaking baliw," bulong ko pa habang nakapikit dahil sa pagbigat ng talukap ng mga mata ko. "Huwag mo akong sisisihin kung masasaktan kita, dahil hindi pa rin nagbabago ang isip kong patayin kayo."

"Hindi kita hahayaang magtagumpay," natatawa niyang sambit na siya ring ikinangisi ko. Umaga na nang magising ako. Bumungad sa akin ang puting kisame at mga pamilyar na kama sa may tabi ng akin. Nasa dorm ako, at laking gulat ko nang mapagtanto na isang malaking t-shirt ang suot ko at wala akong panloob. Sakto namang lumabas sa bathroom si Leo kaya sumalubong sa kaniya ang lumilipad na librong nakapatong sa may side table ko. Swerte lang at nailagan niya. Kunot-noo niya akong nilingon na nagbabaga sa galit na nakatitig ng masama sa kaniya. At sa pagngiti pa lang niya'y alam kong alam na niya kung bakit.

"Sorry, ang sikip kasi ng mga damit mo, ang hirap isuot sa'yo. Ang hirap magpigil sa nakaaakit na tanawin kaya-- teka nga! Wala bang thank you jan?"

Mas lalo akong nainis sa sinabi niya kaya isa pang libro ang lumipad papunta sa kaniya na muntikan nang tumama sa mukha niya kung hindi niya lang nasalo.

"Peste ka talaga, Leo!" sigaw ko sa inis.

"Aba!" hindi niya makapaniwalang turan habang nakapamaywang na naglakad palapit sa kama ko. "Kahit kailan talaga napakamaldita mo!"

"Ang manyak mo kasi, peste ka!"

Napanganga si Leo sa tinuran ko na para bang gulat na gulat siya sa sinabi ko. "Excuse me? Ikaw yung nanamantala sa akin!" sabi pa niya na siyang nagpainit ng ulo ko.

"Ano?!" kumunot ng todo ang noo ko. Hindi na ako nakapagpigil at tumayo na ako at lumapit sa kaniya. "Alam mong nasa impluwensya ako ng droga! Ikaw ang nanamantala sa akin!"

Hinampas ko siya sa braso kaya nakasimanoit siyang humarap sa akin. "Teka nga, bakit ba galit na galit kang binihisan kita? Gusto mo bang magkasakit?"

"E bakit kasi ito pa?" itinuro ko ang damit na isinuot niya sa akin.

Tinignan niya iyon tapos, "Ayaw mo ba? Akina! Isoli mo na sa akin!" hinila niya yung damit na para bang huhubarin niya iyon sa akin. Umangat ang damit kaya automatikong umigkas ang paa ko at nasipa siya sa may gulugod.

"Tarantado!" Masama ang tinging ipinukol ko lay Leo ng lumabas ako sa bathroom. Nakaupo lang siya sa may kama iya at tila ba may malalim na iniisip. Napatingin siya sa akin kaya napahinto ako. Seryoso siya, at hindi ko alam kung anong meron. Ilang minuto na ang lumipas mula nung tumahimik kami parehas sa pagbabangayan. Nakapagbihis na ako ng maayos at handa nang pumasok sa klase.

"Wala ka bang klase?" malamig kong tanong nang maglakad ako palagpas sa kaniya.

"Ikaw lang ang nagiisang taong sumira sa angas ko," sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya na nakataas ang kilay.

"Meron ka ba non?" pang-aasar ko pa.

Ngumsi si Leo bago naglakad palapit sa akin. Hinapit niya ako sa baywang at idiniin sa kaniya. Naniningkit ang mga mata niya akong tinignan na para bang sinusuri ako. "Walang kahit sinong babaeng bumalewala sa akin. Walang kahit sinong nagtangkang batuhin ako, patayin ako, o saktan ako, kundi ikaw. Ang dami mong kasalanan sa akin--"

"Ikaw ang nagdulot non sa sarili mo--"

"Mali," pagputol niya. "Ikaw ang may kasalanan nito lahat. Palagi mo akong sinosorpresa sa tuwing nagbabangayan tayo. Palagi mo akong pinapahanga sa bawat imposibleng sitwasyong nalalagpasan mo. Masyado kang makamandag, Xena. Walang duda kung bakit naligaw akong inaakyat ang mataas mong bakod."

Natahimik ako. Hindi ko inaasahan na magiging ganito siya ka vocal tungkol sa nararamdaman niya sa akin. Ako rin... paulit-ulit niyang sinosorpresa at nililito sa mga salita at gawa niyang hindi o mawari kung pagpapanggap ba o totoo. Siya nga ba ang problema? O sadyang ayaw ko lang maniwala?

Ngumiti si Leo sa ain, at sandali akong napatitig sa maamo niyang mukha. Ang tamis ng ngiti niya at mababakas doon ang labis na saya. Nakakapit pa rin ang kaliwang kamay niya sa baywang ko habang ang kaliwa namay iniangat niya para ilagay ang mga hibla ng buhok kong tumatabon sa mukha ko papunta sa likod ng tainga ko.

"Wala akong pakialam kung hindi ka maniwala," bulong niya sa isang tonong nakaaakit. "Hanggat gusto kita, wala kang kawala, Xena."

Marahan niyang sinapo ang kaliwang pisngi ko bago dahan-dahang inilapit sa akin ang mukha niya. Nagtatalo ang isip at katawan ko kung dapat ko ba siyang itulak palayo o manatiling hindi gumagalaw, pinipigilan ang hininga. Tinangka kong magsalita sa kahuli-hulihang segundo pero huli na dahil naangkin na ni Leo ang mga labi ko, at kasunod noon ay ang kusang pagsara ng mga talukap ng mata ko at pagtugon sa marahan at mainit niyang halik.

Patawad, Ace... mukhang mahihirapan akong takasan ang bakod ni Leo. Nahihirapan na rin kasi akong paniwalain ang sarili kong wala lang ito sa akin. Patawad, dahil hinayaan kong mahawakan ni Leo ang puso kong akala ko'y sa'yo lang.

Patawarin mo ako, Ace... dahil hindi ko sigurado kung mapapatawad ko ang sarili ko.