Chapter 17: KABANATA 16

As soon as we stepped inside our dorm room, Leo pulled me closer to him, locking the door behind him.

Hindi ito and ibig kong sabihin kanina. Gusto ko nang tumigil at magpahinga, pero hindi kami nagkaintindihan.

Naipikit ko na alng ang mga mata ko at ipinagsawalang-bahala na ang kasunod. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko at hindi ko na maisip ng mabuti ang nangyayari. Sumasabay na lang ako sa kaniya, kahit pa ang sumunod niyang ginawa ay tanggalin sa katawan ko ang suot kong pang-itaas sa isang mabilisang paraan.

Humakbang siya, dahilan para mapaatras ako habang abalang tumutugon sa mapupusok na niyang halik at hinihila paatas ang suot niyang kamiseta. Mabilis ang kabog ng puso ko, dahil hindi ko sigurado kung paano ko ito magiging sakit sa ulo kinabukasan, pero, kagaya ng ng sinabi ko kanina, bahala na.

Patay ang ilaw kaya't bahagya ko lang na naaaninag ang mukha ni Leo pati na rin ang malapad niyang balikat na damang-dama ko sa mga palad ko. Mas naramdaman ko ang init nang mahubad ni Leo ang huling piraso ng damit sa mga katawan namin at itulak niya ako palapit sa kaniya habang marahang inihahatid sa kama.

He pushed me to the bed and then crawled on top of me. Tinitigan niya muna ako kahit na bahagyang-bahagya lang ang liwanag, bago niya ako tinaniman ng isang mababaw na halik sa labi at sinabing, "You can never avoid me again starting tonight.... babe,"***Tumama ang likod ni Conor sa pader bago bumagsak sa sahig na napapangiwi sa sakit. Nasuklay ko ang buhok ko patalikod sa inis dahil kung maaari lang ay gusto ko nang basagin ang bungo niya. Lumakad ako palapit sa kaniya pero tumatawa siyang tumayo habang inuunat-unat pa ang likod.

"What was that for, Xena?" tanong niya na nakapagpakulo lalo ng dugo ko.

Hinila ko kasi siya kanina nang makasalubong ko siya sa hallway papunta rito sa may likod ng main building. Gumising lang naman kasi ako sa tabi ni Leo at hindi ko na gustong banggitin pa ang mga detalye ng kasuklam-suklam na tanawin sa loob ng dorm kaninang umaga.

"It's my love language, Conor," sabi ko bago siya sinipa sa may tiyan.

Napaatras si Conor, kaya agad ko iyong sinundan ng isang suntok, pero nailagan niya at kunot-noo niya akong tinignan.

"Love language?"

Napairap ako at binigyan siya ng isang sipa na tumama sa may kanang gilid ng ulo niya. Muli siyang natumba, pero pinulot ko siya sa pamamagitan ng pagkapit sa kuwelyo niya. Mariin ko siyang tinitigan at puno ng galit na sinuntok, dahilan para magdugo ang gilid ng labi niya at mapasandal sa dingding ng main building.

"Damn!" natatawa niyang sambit pagkapahid sa dugo niya sa labi. "Ang lakas mo para sa isang babae."

Napaismid ako. Huminto ako sa harapan niya at mariin siyang tinitigan sa mata. Ayaw kong magkalat dito sa school dahil isa lang sakit sa ulo kung papatayin ko siya rito.

"Listen, Conor," panimula ko habang diretsong nakatitig sa mga mata niya. "Isang malaking pagkakamali ang lumapit sa akin--"

"Bakit? Dahil isa kang Fontanilla?" natatawa niyang putol sa akin, na animo'y hindi niya sineseryoso ang sitwasyon.

Napatawa ako ng mahina. "Makinig ka, dahil isang beses ko lang itong uulitin. Noong sinabi kong papatayin kita kapag hindi mo ako tinantanan, I wasn't lying. Sumama ako sa iyo kagabi, not because I am naive, but because I need an excuse to go out. Akala mo ba'y may magagawa ka sa akin kung nailabas mo ako sa Hideout kagabi? Nagkakamali ka,"

"Right. I knew you would notice. Ibang klase..." sambit niya na hindi pa rin nawawala ang ngiting mas nagpapakulo ng dugo ko. "I'm curious, though. What happened after the drug kicked in? Di you, perhaps, touched your--"

"Shut up." putol ko. At sa puntong ito'y kakapiraso na lang talaga ang pagtitimpi ko. "Do you really think you know me enough to mock me like this, huh?"

Kumunot ang noo ni Conor sa tanong ko. "Anong sinasabi mo? Hindi ako natatakot sa pangalan mo o sa pamilya mo--"

"Hindi ang pangalang Fontanilla ang dapat mong katakutan, Conor, ..."

Namagitan ang katahimikan. Sa tingin ko'y nagsisismula na siyang seryosohin ang galit ko, dahil obvious naman sigurong wala sa mukha ko ang pagbibiro. Napaisip siya, pero nang makita kong hindi pa rin siya nalilinawan sa mga pinagsasasabi ko, nagsilay ako ng isang mala-demonyong ngiti at sinabing, "Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit hindi mo alam ang tungkol sa pang-apat na anak ni Damian maliban nang dumating ako rito? Iyon ay dahil hindi ako isang Fontanilla. Isa akong assassin na nagpapanggap bilang isang Fontanilla. Kilala mo si Governor De Guzman, tama? Ako ang pumatay sa anak niya,"

"Anong sinasa--"

Pinigilan ko siya sa pagsasalita sa paghugot ng isang balisong at pagtutok noon sa lalamunan niya. Nakadikit ang talim nito sa balat niya na gumuhit ng mababaw na sugat kaya't agad siyang napatahimik at nanginginig na tumingin sa akin. "Assassin?" utas niya habang nakatingin sa nagliliyab kong mga mata.

"Kung ayaw mong sumunod kay Ferdinand ng dahil sa kagagawan ng pinsan mo, samantalahin mo hangga't may natitira pa akong pasensya. Mag-ingat ka dahil sa isang walang pangalang mamatay-tao na kagaya ko, hindi ako magaatubiling patayin ka kapag naisipan ko dahil walang mawawala sa akin,"

Napasinghap si Conor nang iangat ko ang kamay ko at isaksak sa pader ang balisong, sa may parteng malapit sa tainga niya. Nabali ito at nagkaroon ng maliit na lamat ang pader. Nakahinga siya ng maluwag nang malaglag sa may paanan niya ang kalahati ng naputol na balisong at nang humakbang ako paatras. Isang makahulugang tingin lang ang ibinigay ko sa kaniya bago ako naglakad paalis na nanggigilid ang mga luha.

I'm not as proud as I acted to say that I am an assassin— a killer. Pero dahil sa mga pesteng tao, kailangan kong umarteng iyon ang tunay kong pagkatao para hindi nila ako maapi.

Pumatak ang mga luhang pilit kong pinipigilan na siya ko namang mabilis na pinunasan. Natigilan ako sa paglalakad paalis nang makita ko si Leo na nakatayo hindi kalayuan sa akin. Nakatingin siya sa akin matapos sandaling sulyapan si Conor. Gising na pala siya, at hindi ko alam kung gaano na siya katagal naroroon. Naalala ko ang lahat ng nangyari kagabi, at gusto kong iumpog ang sarili ko kanina pang umaga.

"Xena," tawag niya sa akin ng may pag-aalala pero hindi ko na siya pinansin, bagkus ay nagpatuloy na sa paglalakad. Nabangga ko pa ang balikat niya nang humakbang ako palagpas, pero hindi ko na siya pinansin.

Diretso akong nagtungo sa parking lot para kunin ang motor ko. Ngayong pumalya ako sa pagdistansya kay Leo ay kinakailangan ko na sigurong bumalik sa dati kong buhay bilang assassin, dahil kung hindi ay hindi ko na magagawang iwasan si Leo.

I pulled my key out of my pocket and inserted it to the ignition, pero bago pa ako makasampa sa motor ay dumating si Leo na hinihingal pa.

"Saan ka pupunta?" tanong niya habang hinahabol ang hininga.

Tinignan ko siya ng malamig saka tinabig ang kamay niyang nakahawak sa akin at sinabing, "Sa impyerno," at saka sumampa sa motor. "Isa akong assassin, kaya hindi ako dapat nananatili rito. Trabaho ko ang pumatay ng kaaway."

Pinaharurot ko ang motor paalis, at binagtas ang ruta patungo sa impyerno ni Damian na tinakasan ko ng halos isang buwan. Wala nang kailangang hintayin, dahil kailangan ko nang kumilos. Bakas ang gulat sa mukha ni Kiel nang makita ang pagmumkha ko. Kausap niya si Sebastian nang dumating ako at sandali iyong naantala. Hindi rin inaasahan ng iba pang mga tauhan ni Damian ang pagsulpot ko kaya naman lumingon si Kiel kay Sebastian sandali.

"Mamaya na tayo mag-usap," sabi niya na tinanguan lang ni Sebastian bago tumalikod.

Nagtahip ang dibdib ko nang masamang tumingin sa akin si Kiel at lumapit para kaladkarin ako paalis, patungo sa may kampo, kung saan sinasanay ang mga batang assassin.

"Kiel..." nag-aalangan kong tawag na nagpahinto sa kaniya sa paglalakad at galit na lumingon sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Kiel gusto kong malaman kung anong nangyayari. Hindi ko kayang umupo na lang sa Oxemburge at maghintay. Ano bang meron? Bakit si Leo ang humahawak ng mga transakyon ko? Kailangan kong malaman ang sitwasyon!"

Napasapo si Kiel sa noo niya. "Hindi maganda ang sitwasyon at alam mo iyon. Kaya nga ginagawa ko ang lahat mailayo ka lang sa paningin ni Damian--"

"Kiel, tapatin mo ako! Nasisisraan na ako ng ulo dahil kay Leo!"

Hindi ko intensyon, pero napagtaasan ko si Kiel ng boses. Gusto ko lang malinawan sa sitwasyon dahil hindi ko akam kung anong magiging resulta kapag napalapit ako kay Leo.

Kumunot ang noo ni Kiel sa sinabi ko. "Bakit? Anong ginawa sa'yo ni Leo?"

Nasampal ko ang noo ko at napaiwas ng tingin. Dapat ko bang sabihin?

"Lebrina!" May pagbabanta niyang sambit na bahagyang nagtaas ng boses. "Anong meron?"

Napabuntong hininga ako dahil alam kong kailangan ko siyang tapatin. After all, siya ang tumatayong ama ko. "Leo... He's... It's getting harder to avoid him. He's trying to be another Ace to me, at hindi ko na matagalan. Pinilit ko siyang iwasan, pero sa tingin ko'y hinid ko na magagawa iyon,"

"Kill him," deretsong tugon ni Kiel. "Kung nakasasagabal na siya sa'yo, tapusin mo na siya bago pa man siya maging isang balakid, Sheii."

Napahinto ako sa tinuran niya at tila ba nanuyo ang lalamunan ko. Napatungo ako at napahagod sa batok ko. Wala akong masabi.

"Kailan pa naging isang problema si Leo sa'yo?"

"Kiel--" Kusang sumara ang lalamunan ko. Hindi ko madugtungan ang sasabihin ko. Nakakabaliw. "Kiel-- can I--- can I just leave? Kiel ayoko na sa ganito--"

"May problema ba, Sheii? Hindi sa pinipilit kitang gawin ang ayaw mo, pero iba si Leo at ang mga Fontanilla sa mga taong pinatay mo noon. Hindi mo kailangang magdalawang isip,"

Napailing ako dahil muling nanggilid ang mga luha ko. "Kiel, After Ace's death--"

"May relasyon ba kayo ni Leo?"

"Wala!" mabilis kong sagot sa tanong niya na sa pagkabigla'y naisigaw ko na. "Wala kaming relasyon, pero ang hirap niyang balewalain. Nababaliw na ako, Kiel! Gusto ko nang umalis dito! Kapag nanatili pa ako rito, hindi ko alam kung ano nang kahahantungan ko. Natatakot ako, Kiel. Kasi ang hirap iwasan ni Leo. Gusto ko siyang patayin pero--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil muli na namang sumara ang lalamunan ko. Masama ang tingin ni Kiel sa akin habang naghihintay ng kasunod, pero hindi ko na talaga kayang dugtungan ang sinasabi ko.

"Sinasabi mo bang nagkakagusto ka na kay Leo?" seryoso niyang tanong.

Umiling ako at sinabunutan ang sarili ko. "Hindi-- Ewan-- Hindi ko alam!"

Pumatak ang luha ko at parang batang umiiyak na tumingin kay Kiel. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa kamay. "Kiel... ilabas mo na ako rito... please," pagmamakaawa ko.

Marahang naipikit ni Kiel ang mga mata niya at napabuntong hininga bago ako hinila palapit at niyakap ng mahigpit. Napahagulgol na lang ako habang nakasubsob sa dibdib niya na parang isang batang pinagalitan ng magulang.

"Shh," pag-aalo niya habang hinahagod ng marahan ang buhok ko. "I knew this would happen. I'm sorry. Hindi ko masyadong pinagtuuanan ng pansin dahil akala ko'y hindi ka mahuhulog. Kasalanan ko ito."

Bahagya akong lumayo kay Kiel. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

He looked at me, softly and apologetically as he gave me a faint smile and said, "Alam kong may nararamdaman si Leo para sa'yo kaya ginamit ko siya para iligtas ka. Ako ang nagsabi sa kaniyang panatilihin ka sa Oxemburge para ilayo kay Damian. Naghihintay lang ako ng tamang panahon para ilabas ka sa impyernong ito, pasensya na, hindi na kita napagtuunan ng pansin,"

Ngumiti si Kiel sa akin ng makasiguraduhan at marahang hinaplos ang pisngi ko. "I'll fix everything. Ilalabas kita rito. Kaunting panahon pa,"

Hindi na ako nagtanong pa. Wala na akong pakialam kung akong sitwasyon, gusto ko na lang hintayin ang araw na sinasabi ni Kiel. May tiwala ako sa kaniya at alam kong ilalabas niya ako rito. Pero... sandali pa lang akong nakakahinga ng maluwag nang sumulpot si Sebastian.

"Kiel, ipinatatawag ni Damian si Xena," ***Tinuyo ng malakas na hampas ng hangin ang mga luhang tumatakas sa ga mata ko na nagpapalabo't nagpapalinaw sa aking paningin. Nagngangalit ang mga ngipin kong ipinihit nang todo ang silinyador, mistulang wala nang pakialam kung ikamatay ko ang bilis ng aking pagpapatakbo sa motorsiklo.

Hayop ka Damian. Hayop ka!

"Gusto sana kitang kumustahin dahil matagal-tagal din tayong hindi nagkita, at tamang-tama naman ang pagbisita mo dahi kadarating lang sa akin ng isang imbitasyon," panimulang sambit ni Damian matapos kong iharap sa kaniya ang pagmumukha ko. Ngumiti siya sa akin at iniabot ang isang kulay pulang invitation para sa 21st birthday ng nag-iisang anak ng mga Alvarez— isa sa mga pinakamakapangyarihang tao sa underground society— at isa iyong masquerade party. "Gusto mo ng kalayaan? Puwes, pagbibigyan kita pagkatapos ng huli mong misyon. You'll attend the party with me and my sons, and at that very place, papatayin mo si Artemis."

Hindi ako agad nakaimik nang sabihin iyon sa akin ni Damian kanina dahil hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang sarili kong humugot ng baril para patayin siya bago pa man niya magawang patayin ang ama ko gamit ang sarili kong mga kamay, pero, hindi ko iyon magagawa dahil kapag pumalpak ako, masasaktan si Kiel. Nakasalubong ko pa si Leo nang lumabas ako ng mansion, pero hindi ko na siya nagawa pang tapunan ng tingin bagkus ay dere-deretsong umalis sakay ng motorsiklo ko.

Hindi ko alam kung saan na ako dinadala ng galit ko; ang alam ko lang ay nagmamaneho ako palayo sa impyernong iyon. Gustuhin ko mang magpakalayu-layo ay alam kong mahahanap ako ni Damian; hindi ko rin kayang iwan na lang basta si Kiel.

Dumidilim na, at hindi ko na rin alam kung nasaan na ako. Inihinto ko ang motor at doo'y naramdaman ko na ang pag-agos ng mainit kong mga luha sa namamanhid ko nang mga pisngi.

Maganda ang tanawin mula sa kinatatayuan ko. Mataas ito, parang nasa kalahati ng isang mataas na bundok na ang kalsada, kapag dineretso, ay maghahatid pa sa itaas na sa wari ko'y tutuloy paikot sa bundok, pababa sa kabilang dako. May malalim na bangin, apat na metro mula sa kinatatayuan ko, at sa kabilang dako ng kalsada ay isang madilim na gubat.

Bumaba ako sa motor at naglakad palapit sa bangin. Huminto ako, dalawang talampakan mula sa gilid, at doon, buong galit kong isinigaw,

"Papatayin kita, Damian! Isinusumpa ko! Papatayin kita at wawasakin ko ang imperyo mo! Hayop ka!"

Napaluhod ako habang sumisigaw, at pakiramdam ko'y kinakapos ang hininga ko dahil sa sobrang galit. Halos bumaon na ang mga kuko ko sa palad ko dahil sa mahigpit na pagkakakuyom. Parang dinudurog ang puso ko dahil sa takot at pag-aalala tungkol sa mga bagay na pwedeng mangyari sa gabing iyon. Hindi ako handa... Parang ayaw ko na lang masilayang muli ang ama ko kaysa isiping sasaktan siya ni Damian.

Bumagsak ako sa lupa ng tuluyan at napahagulgol na lamang doon na parang isang ababeng baliw. Tumatawa sa pagitan ng mga hikbi't dahan-dahang nasisiraan ng bait.

"Naloko kita," nanghihina kong sambit. "Naloko kita tungkol sa ala-ala ko, Damian. Naisahan ka ng isang bubwit, at nalagasan kita ng isang importanteng tao sa'yo! Naloko kita kaya magagawa rin kitang patayin!"

Naubos ang lakas ko pagkatapos iyong isigaw, na para bang isang gripong isinara ang mga mata ko sa pagtigil ng kanina'y masaganang luha ko. Nanghihina ako...

"Dad..." mahina kong bulong sa hangin, sa pagitan ng mga hikbi. "Miss na miss na kita, Dad."Sablay... Masyado akong nadala ng emosyon ko na hindi ko na napansing hindi ako nag-iisa. Napagtanto ko lang nang marinig ko siyang magkasa ng baril at magsalita,

"Niloko mo kami?" Nagtahip ang dibdib ko sa pagkakadinig sa boses niyang bakas na bakas ang dismaya. "Sinadya mo ang nangyari kay Ace?"

Marahan akong bumuhat mula sa pagkakaupo sa lupa para lingunin ang luhaang mukha ni Leo. Nakatutok ang baril niya sa akin at hindi siya makapaniwala sa narinig. "Y-Yung nangyari sa atin... s-sinadya mo ba--- A-Ako-- ako ba ang kasunod, Xena?"

Kita ko ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Leo matapos niyang sabitin ang tanong na iyon, at kagaya niya, tumulo rin ang luha kong akala ko'y naubos na kanina. Hindi ako umimik, dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Putang ina! Sumagot ka, Xena!"

"Oo!" Sigaw ko pabalik na siyang nagpahinto kay Leo. Natulala siya sa akin na para bang hindi niya inaasahan ang isinagot ko, kahit na alam naman niyang hindi ko talaga sila balak na buhayin kung may pagkakataon. Pero, hindi. Mali. Hindi ko sinadya... Binalak ko siyang patayin— sila. Balak ko silang isunod ng magkakasabay, pero ang mahulog kay Leo... hindi.

Nahuli niya ako. Dito na magtatapos ang lahat, at para mangyari iyon, isa sa amin ni Leo ang kailangang mamatay.

"You caught me... damn it," utas ko bago nagsilay ng isang mapaklang ngisi at humakbang palapit para tapsuin ang lahat.

Binigyan ko siya ng isang sipa na sinalag niya lang bago pa man tumama sa gilid ng ulo niya. Patuloy na umaagos ang mga luha ko nang muli akong magbigay ng atake na pilit niya lang sinasalag at iniilagan. Wala si Leo sa sarili, napansin ko, kaya sinamantala ako hanggang sa maagaw ko sa kaniya ang baril na siya kong itinutok sa kaniya. Hindi siya nagreact nang gawin ko iyon, bagkus ay tinitigan niya lang ako sa mata. Dismayado at tila ba nasasaktan.

"You shouldn't have heard that, Leo," sambit ko na pilit pinipigil ang hikbi at pinapanatili ang matalim kong tingin para hindi niya makitang wala na ang lakas ng loob ko na kalabitin ang gatilyo.

"Xena," mahinahon niyang tawag. "Pull the trigger."

Napakagat ako sa labi ko. Nababakas ko pa rin ang galit sa mga mata niya.

"One has to die, right? Pull the trigger. Or you'll regret not killing me later,"

Alam ko. Alam kong hindi magiging sapat ang nararamdaman niya para palagpasin ito. Lalo na sa kabila ng mga narinig niya, alam kong papatayin niya ako. Pero... anong magagawa ko? Walang lakas ang mga kamay ko para kalabitin ang gatilyo.

Isa na lang ang alam kong natitirang paraan...

"Alam kong hindi ka maniniwala, pero walang alam si Kiel dito. Niloko ko kayong lahat, at pinaniwala ko si Kiel na isa lang akong kaawang bata na nangangailangan ng aruga," pagsisinungaling ko, sa pag-asang maililigtas nito si Kiel. "Mahalaga si Kiel sa akin, pero hindi niyo siya pwedeng saktan. Sa oras na masaktan si Kiel, sisiguraduhin kong mabubura kayong lahat sa ala-ala ng lahat ng mga nakakaalala sa pamilya niyo."

Matapos sabihin iyon ay humakbang ako patalikod bago sumulyap sa walang lamang kalsada para tumakbo patawid, patungo sa madilim na kakahuyan. Isang kahibangan kung iisipin, pero kailangan kong subukan. Wala nang ibang paraan kundi ang tumakas at takbuhan ang tiyak na kamatayan.

"Xena!"