Chapter 15: KABANATA 14

Mariin ang tingin ko sa kaniya sa unang tatlong segundo, pero nang makilala ko ang gulat niyang mukha ay nabitawan ko ang baril at napasigaw kasunod ng pagyakap sa sarili ko. Nag-iwas ng tingin si Leo at agad na tumalikod.

"Cover yourself, Xena!" Malakas niyang sambit kaya naman agad kong hinila ang kumot ko at itinabon sa sarili ko. Inis akong dumampot ng unan at ibinato iyon sa kaniya kasabay ng isang galit na sigaw.

"Putang ina, Leo! Bakit hindi ka kasi kaagad nagsalita?!"

Tumama ang unan sa likod niya kaya naman bahagya siyang lumingon para sumagot.

"E bakit mo kasi inilock ang pinto?!"

Binato ko ulit siya ng unan. "Bwisit ka! Huwag kang lumingon!"

Natatawang ibinalik ni Leo ang tingin sa kaharap niyang pader. "Magbihis ka na," sabi niya na tumatawa-tawa.

Gumapang ang inis sa sistema ko pero wala akong magawa dahil nakita na niya. Halos sabunutan ko ang sarili ko nang lumapit ako sa damitan ko para kumuha ng isang pares ng damit. Masama akong tumingin sa kaniya nang maglakad ako pabalik sa bathroom. Nakita ko pa siyang kinakagat ang labi niya para pigilan ang matawa kaya naman malakas kong isinalpak ang pinto ng bathroom.

Isang impit na tili ang umalingawngaw sa loob ng bathroom dahil sa sobrang inis ko. Wala akong pakialam kung marinig ni Leo ang pagwawala ko rito sa loob dahil sobra akong nabubwisit sa nangyari kanina. Nakita ni Leo ang buong katawan ko! Walang saplot, at lantad na lantad! Pakiramdam ko tuloy binastos ako kahit na wala naman talaga siyang ginawa.

Ang tagal kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Sa isip ko ay ibinabaon ko ang sarili ko sa lupa dahil sa kahihiyan at inis. Kanina pa ako bihis, pero hindi ko magawang lumabas. Inaamin kong nahihiya ako kay Leo dahil lalaki siya at nakita niya lang naman ang pinakatatago-tago kong katawan. Ang totoo, hindi ko alam kung paano ako haharap sa kaniya na hindi naalala ang nangyari. Pero, sa huli ay nahanap ko rin ang yabang ko para lumabas.

Pilit kong niyapos ang yabang at pride ko para mapagalaw ang sarili kong mga paa at humakbang para lumapit sa kama ko. Nakaupo si Leo sa may paanan ng kama niya at tila ba malalim ang iniisip na naudlot dahil sa paglabas ko. Tumayo siya na para bang hinihintay niya ako pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nilagpasan ko siya pero kinapitan niya ako sa braso.

"Sandali lang," tapos ay humarap siya sa akin.

Napaharap din ako sa kaniya pero sana hindi na lang. Nahuli ko si Leo na nakatingin katawan ko na para bang nakikita niya ang nasa likod ng mga suot kong damit. Agad kong binawi ang kamay kong hawak niya at itinulak siya sa dibdib na nakasimangot.

"Ang manyak mo!" sigaw ko saka siya sinipa sa may hita. "Bwisit ka! Manyak! Peste!"

Hindi pa ako nakuntento at kumuha pa ako ng unan para ihampas ng paulit-ulit sa kaniya. Napaatras si Leo habang sinasalag ang mga hampas ko na hindi matigil ang pagtawa. Parang tuwang-tuwa pa siya sa ginawa niyang pambabastos sa akin.

"Xena-- Xena sandali lang! Hindi naman iyon ang--- Xena! Teka lang kasi--"

Hindi ko siya pinakinggan dahil sa bawat halakhak niya ay mas lalo akong naiinis. Alam kong hindi siya nasasaktan sa paghampas ko sa unan kaya itinapon ko iyon sa kung saan at dinakma gamit ang dalawa kong kamay ang buhok niya.

"Aray! Xena, bitaw!" reklamo ni Leo na napapangiwi sa pagsabunot ko kaya naman mas lalo ko pang hinigpitan.

"Bastos ka kaya bagay lang sa'yo yan! Manyak ka!" inis kong tugon habang pinipilit na hindi siya mabitawan dahil sa kalikutan niya.

"Xena, hindi ko sinasadyang mapatingin!"

Pero wala akong balak bumitaw. Kinapitan ni Leo ang kamay ko para alisin sa pagkakasabunot sa buhok niya, pero mas lalo lang siyang nasasaktan. Pinilit niyang maglikot pero hindi pa rin ako bumibitaw kaya naman nang matalisod siya sa kantuhan ng kama ko ay natumba siya roon. At dahil hindi ko pa rin siya binibitawan, kasama ako. Pero, hindi ko iyon agad narealize. Sumampa pa ako sa kama at sa ibabaw niya na nasa pagitan ng dalawang hita ko habang nakaluhod sa kama. Tinanggal ko ang isa kong kamay sa buhok niya para gamiting panghampas na sinalag niya naman habang tumatawa at nagsisisigaw.

"Xena, sorry na. Tama na! HAHAHA!"

Ibinuhos ko ang inis ko sa pagpalo sa kaniya, at wala akong pakialam kung nasasaktan na siya sa mga palo ko. Pero, sana pala huminto na ako bago pa kami mapunta sa posisyon naming iyon.

Hinuli ni Leo ang kamay ko. Tinangka kong gamitin ang isa pa pero hinuli rin niya. At doon, sa puntong iyon ko lang narealize kung anong ginagawa ko. Natatawa pa rin si Leo at hindi pa rin siya tumitigil.

"Aish!" sinibukan kong umalis sa ibabaw niya, pero hindi niya ako pinahintulutan kaya masama ko siyang tinignan. "Bitaw."

May pagbabanta sa boses ko, pero ngumiti lang si Leo.

"Ayoko. Papaluin mo ako ulit," sabi niya na bahagyang hinila ako papunta sa kaniya.

Tuluyan na akong napaupo sa may tiyan niya at halos sumubsob sa mukha niya kung hindi ko lang naitukod ng mariin ang tuhod ko para pigilan ang sarili kong katawan sa pagbagsak sa ibabaw niya. Sandali akong nawala sa sarili dahil sa gulat, pero kalauna'y sinamaan ko siya ng tingin.

"Bitawan mo sabi ak--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang pagpalitin ni Leo ang tayo namin. Gumulong siya sa may kanang gilid at pumaibabaw sa akin, kapit-kapit pa rin ang dalawang kamay ko na idiniin niya sa kama.

"Hindi kita bibitawan hanggat 'di mo ako pinakikinggan," seryoso niyang sambit habang nakatitig sa akin na suot-suot pa rin ang ngisi niyang pilyo.

Hindi ako umimik. Bukod sa wala akong masabi ay gusto ko na lang na matapos ang trip ng hayop na ito. Pero napairap ako sa sinabi niya,

"Ang ganda mo,"

Mahina iyon, pero sapat para marinig ko. Seryoso ang pagkakasabi habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung paano magrereact. Alam ko namang aganda ako, at hindi ako magrereklamo roon, maliban sa pagsulyap niya sa leeg ko.

"Tang ina, Leo--"

Sinubukan kong bumangon, pero idiniin niya ako ulit sa kama at tumawa ng mahina.

"Sorry," sabi niya at kinagat ang labi.

Napaiwas naman ako ng tingin. Hindi... hindi ako kumportable.

"Seryoso na 'to. Sorry kanina--"

"Putang ina, kung iyon lang ang sasabihin mo bitawan mo na ako dahil--"

Pinatahimik niya ako sa paraang hindi ko inaasahan. Para akong video na ipinause dahil sa mabilisang pagdampi ng labi niya sa mga labi ko.

"Ang ingay mo. Gusto ko lang namang sabihin sa'yong kahit iwasan mo ako araw-araw, magkikita't magkikita tayo,"

Hindi ako umimik. Normal ang paghinga ko, pero parang may naguunahang mga kabayo sa dibdib ko. Gusto ko ulit siyang murahin pero hindi ko mahanap ang bibig ko para magsalita.

"Seryoso ako sa'yo, Xena. Isa lang akong malaking tanga para hindi ipakita ng mas maaga... Edi sana, sa akin ka nahulog at hindi kay Ace,"

"Bitawan mo ako," malamig kong sambit.

"Xena--"

Hindi ko na siya pinatapos dahil hinila ko na angkamay ko paalis sa maluwag na niyang kapit at itinulak siya paalis sa ibabaw ko.

"Sa susunod na nakawan mo ako ng halik o tignan ang katawan ko sa paraang nakakabastos, isusunod na kita sa kaniya,"

Hindi ko na siya tinignan. Umusog ako papunta sa gita ng kama ko at tinabunan ang sarili ko ng kumot na kinuha ko sa may dresser sa tabi ng kama. Tumalikod ako sa gawi niya at pinilit na ipikit ang mga mata. Naulinigan ko na lang ang kaniyang buntong hininga bago namatay ang ilaw at lumangitngit ng mahina ang kaniyang kama. The next day, hindi ko na talaga kayang manahimik at maghintay ng "update" mula kay Kiel. Kaya naman nakaisip ako ng isang katangahan.

I saw that Conor guy again, at hindi talaga siya tumigil kakasunod sa akin kahit pa binantaan ko na naman siyang papatayin ko siya. Hindi siya kumbinsidong kaya ko iyong gawin, at nagmukha siyang mas determinado ngayon. Hindi ko alam, pero napagod ako kakabanta sa kaniya kaya ang ending ay hinayan ko na lang siyang bumuntot ng bumuntot sa akin.

"Psst! Matagal ka pa?" tawag ni Conor sa atensyon ko.

Naririto ako sa library, gumagawa ng assignment, at magiisang oras na siyang nakatunganga at naglalaro ng ballpen sa may harapan ko. Sandali kong ibinaba ang libro para tignan siya ng masama.

"Kung naiinip ka, umalis ka na," sabi ko saka ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Kahit 'di ka magaral papasa ka naman. Bakit ka pa nagaabala?" tanong niya.

"It's not about grades, but killing time," sagot ko lang na hindi tumitingin sa kaniya.

"Ha?" kunot-noong tumitig sa akin si Conor. "Strikto ba ang tatay mo? Yung mga kapatid mo nga halos tumira na sa gimikan, lalo na si Max."

"We're different. I don't like being surrounded by people,"

"How are you supposed to have fun if you don't like being surrounded by people?"

"Simple. I kill people. Masaya 'yun,"

Bumuntong hininga si Conor at umirap saka inagaw sa akin ang hawka kong libro. Itinupi niya iyon at iniligpit ang mga gamit ko sa mismong harapan ko kaya naman kumunot ang noo ko.

"Tumayo ka jan. Mas masaya kapag maingay," sabi niya.

"You know what, Conor, I'm not interested, so fuck off. Will you?"

Bakas na ang inis sa pananalita ko. Muli kong binuksan ang libro, pero muli lang iyong iniligpit ni Conor. "You have to go out, Xena. Ano bang masama? Umiinom ka naman siguro. Wag ka na ngang magpaka Maria Clara at sumama ka na sa akin,"

Sandali akong tumitig sa kaniya. Mukhang wala talaga siyang balak na huminto. Pinagiisipan ko kung paano siya mapapalayas sa harapan ko, pero, "Sige," sabi ko.

Hindi makapaniwala si Conor s aisinagot ko. Bahagya siyang natigilan kaya ako na mismo ang nagligpit ng gamit ko at tumayo. I guess mapapakinabangan ko si Conor ngayon.

"Hideout?"

Tumango si Conor. "Pumupunta ka rin ba roon?"

Napangisi ako. "Hindi lang halata, pero mas kabisado ko ang lugar na iyon kaysa sa'yo,"

Nilagpasan ko siya dahil babalik pa ako sa dorm para magpalit at ibababa naman ang mga gamit ko sa locker. Pero bago ako tuluyang makaalis ay lumingon ako sa kaniya. "Hintayin mo ako sa labas ng dorm building mamayang 7,"

Malapad na ngiti lang ang nagawa niyang itugon at pagkatapos noon ay tuluyan na akong umalis. Sakto. Gusto kong makasagap ng balita tungkol sa mansion at kay Damian. Masyado na akong nababaliw sa pagtitig sa kawalan.

Lumabas ako ng dorm na sampung minutong late sa napagusapan, at naroroon na si Conor sa labas ng dorm building. Minasdan niya ang suot kong black ripped shorts at white croptop na pinatungan ng checkered na blazer.

"Tigilan mo yang kakatingin mo," puna ko sa kaniya.

"Sorry. Bagay kasi sa'yo," sabi niya naman.

Naalala ko na naman kasi ang kamanyakan ni Leo. Naglakad si Conor palapit sa isang puting kotse at binuksan ang front seat para sa akin. Walang imik naman akong sumakay kaagad. Hindi nabura ang ngit ni Conor nang umupo siya sa driver's seat at magsimulang magmaneho palabas ng school. Hindi kami nagusap sa ilang minutong byahe, na sa tingin ko'y mas mainam.

"This is gonna be fun," sambit ni Conor nang maiparada ang sasakyan bago bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse.

"It better be," sambit ko naman pagkababa.

I saw Leo's car as well as a familiar-looking van. May transaksyon ngayong gabi...

Sabay kaming pumasok ni Conor sa loob ng bar at ang unang hinanap ng mga mata ko ay ang pigura ni Leo. Hindi siya mahirap na maspotan dahil naroroon lang siya sa pinakaunang VIP seat, kaharap ang hindi ko mamukhaang client. Masinsinan silang naguusap, kaya nahinuha kong mabigat na transaksyon ito.

Bumaling ang mga mata ko sa mga tauhang dala ni Leo. Kilala ko sila. Mga tauhan ko sila...

Napakunot ang noo ko. Akala ko'y si Kiel ang umaasikaso ng trabaho ko, pero bakit kasama ni Leo ang mga tauhang ibinigay sa akin noon ni Damian? Hindi ba dapat ay si Kiel ang kasama nila?

"Dude!"

Napalingon ako sa unahan nang may lumapit sa aming dalawang lalaki. Nagfist-bump sila kay Conor at sumulyap sa akin. "You're with her, huh?"

Isang pang-asar at malisyosong tingin at ngiti ang natanggap ni Conor sa dalawang lalaking mukha ring mga playboy.

"Kailangan ng tiyaga, dude," sabi naman ni Conor saka tinapik ang dibdib ng lalaking nang-asar sa kaniya. "By the way, Xena, they're my friends. Jolo and Kevin."

Tinanguan ko lang silang dalawa. Sandali silang nagpalitan ng mga tingin pero hindi ko sila magawang pagtunan ng pansin dahil minamasdan ko ang mga tauhang dala ni Leo.

"Nga pala. We're sitting with the girls banda roon. Kevin and I will get some drinks," sabi nung Jolo saka itinuro ang VIP seat na nasa bandanag kaliwa.

Sinundan iyon ng tingin ni Conor saka tumango. "Alright. Let's go, Xena,"

"Sandali," pigil ko kay Conor nang makaalis na yung dalawa niyang kaibigan. Napatigil naman siya at tumingin sa akin. "Magbabanyo lang ako."

"Samahan na kita--"

"No need," mabilis kong pagtanggi. "Hindi naman ako magtatagal."

Sandali munang tumitig si Conor sa akin bago marahang tumango. "Okay. Susundan kita ron kapag hindi ka kaagad bumalik,"

"Sige. Mauna ka na,"

Hinintay ko muna siyang tualikod bago maingat na naglakad patungo sa direksyon ng pasilyong maghahatid sa akin sa banyo. Bago ako tuluyang lumiko sa may pasilyo ay patay-malisya kong nilagpasan ang pwesto nina Leo at pasimpleng hinila ang isang tauhan. Hindi niya ako kaagad nakilala kaya nagtangka siyang bumunot ng baril pero napahinto nang makita kung sino ako.

"Xena?"

Sinenyasan ko siyang manahimik kaya agad niyang itinikom ang kaniyang bibig. Siya si Topher, isa sa mga bagong tauhan ni Damian. Sa tingin ko'y may dalawang taon pa lang siyang nagtatrabaho para sa mga Fontanilla.

"Anong meron? Bakit kasama niyo si Leo? Hindi ba't si Kiel ang dapat na kasam niyo?"

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Hindi mo alam?"

Gumapang ang takot sa dibdib ko sa tanong niya. "Ang alin?"

"Si Leo na ang nagtake-over sa mga plantasyon. Siya na rin ang humawak ng mga transaksyong hinahawakan mo dati,"

"E si Kiel?"

May dumaang dalawang babae kaya sandali kaming napahinto sa usapan. Nang makalagpas sila ay tinignan ko siya, naghihintay ng sagot.

"Nasa mansion siya ngyon, pero madalas siyang wala," sandaling lumingon si Topher. Wari'y kinakabahan dahil baka may makapansin sa kaniyang pagkawala sa pwesto. "Ano bang nangyari sa iyo? Bakit bigla ka na lang nawala?"

"Hindi na mahalaga 'yun. Anong nangyari sa mansion pagkatapos ng insidente kay Carlos?" muli kong tanong. Hindi talaga ako mapakali dahil ilang linggo na ang nakakalipas pero wala pa rin akong ideya kung ano nang lagay ng sitwasyon.

"Wala ka ba talagang ideya?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Masama kong tinignan si Topher. "Magtatanong ba ako kung meron?"

Napabuntong hininga siya. "Mahigpit na ibinilin i Leo na huwag magsasalita tungkol dito, pero, pagkabalik nila ni Kiel para sunduin ka, nagkagulo sa mansion. Sa tingin ko'y nag-away ang mag-amang Leo at Damian. Walang may alam kung ano eksakto, pero may usap-usapang may relasyon daw kayo ni Leo--"

"Ano?!" napasigaw ako sa gulat.

Napatigil si Topher at napatitig sa akin. Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin. "Hindi rin ako naniniwala noong una dahil nakikita ko naman kayong magbangayan ni Leo, pero, pinagbantaan niya si Damian na susunugin niya ang lahat ng mga property nila kapag daw napahamak ka pa ulit,"

Hindi ako agad nakaimik. Ginawa 'yun ni Leo?

Hindi ko siya hinila para mapunta rito ang usapan, kundi para alamin kung kumusta na si Kiel, pero, hindi ko inaasahan ang mga nalaman ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na napatulala roon. Gusto ko pang magtanong, pero wala nang pumapasok sa utak ko, hanggang sa mapalingon ako sa pagtawag sa akin ni Conor.

"Xena," Napalingon rin si Topher dahil agad na lumapit sa amin si Conor. "Ang tagal mo kaya sumunod na ako. Sino siya?"

Itinuro niya si Topher kaya napalingon ako sa kaniya. "Someone I know. Tara na," wika ko saka naglakad paalis pero agad rin akong huminto para magiwan ng paalala. "Walang dapat makaalam na kinausap kita."

Hinila ko na si Conor palayo, dahil baka makita pa ako ni Leo. Tanong ng tanong si Conor tungol kay Topher at sa napagusapan namin, pero hindi ko siya magawang pakinggan. Nag-echo lang sa utak ko ang mga nalaman ko.

"... Pinagbantaan niya si Damian na susunugin niya ang lahat ng mga property nila kapag daw napahamak ka pa ulit,"

Nasisisraan na ng ulo si Leo...