Chapter 11: KABANATA 10
Bang!
Napangiwi ako nang manuot ang malakas na putok ng baril sa tainga ko. Isang bagsakang nagkaroon ng sensasyon ang buong pagkatao ko at ramdam na ramdam ko ang mahahapding sugat ko.
Bang!
Nasundan ang putok ng baril ng malalakas na tawanan. Marahan kong ibinukas ang mga mata ko pero ang bumungad sa akin ay ang sugatan kong mga paa. May mga patak ng dugo ang maruming sahig, at may mga sira ang suot kong jeans.
Bang!
Lumandas ang isang bala sa may hita ko. Daplis lang, pero masakit. Napadaing ako at napapikt. ramdam ko ang pagkapunit ng laman ko sa hita. Kasunod ng putok ng baril na iyon ay ang malalakas na namang tawanan, kaya pinilit kong buhatin ang aking ulo para tumingin sa unahan.
Nakaupo si Carlos sa isang folding chair, at may tatlong lalaki sa likod niya. May hawak siyang baril, may sipit na sigarilyo sa pagitan ng mga daliri, at may suot siyang malapad na ngiti. Iginala ko ang paningin ko ... silid. Sira ang mga bintana, marumi ang mga mga pader, at mabaho... amoy dumi at ihi ng mga daga.
"C-Car-los..." nanghihina kong banggit sa pangalan niya.
"Gising ka na?" tanong niya saka tumayo at naglakad palapit sa akin.
Tila mabigat ang ulo kong lumaylay bago pa man siya makarating sa harapan ko. Hindi ako nahihilo, pero pakiramdam ko'y ang laki ng ulo ko. Mabigat... hindi ko malaman. Dinampot ni Carlos ang buhok ko at itiningala ako patingin sa kaniya.
"Ano? Gising ka na?" tanong niya ulit.
Hindi ako natatawa, pero parang timang na sumilay ang isang malapad na ngiti sa mga labi ko at bago ko pa man maisip, tumatawa na ako. Natulala sandali si Carlos. Gusto kong huminto, pero ang babaw ng kaligayahan ko. Para akong kinikiliti na hindi ako matigil.
Tumunog ang mga kadenang nakapulupot sa mga kamay ko, at doon ko lang napagtantong nakatayo ako at nakakadena ang mga kamay sa taas. Para akong nakabitin pero nakalapat ang mga paa sa sahig.
Tinitigan ako ni Carlos sa mukha. "Nabuksan mo na pala ang regalo ko," sabay ngisi at bitaw sa buhok ko.
Regalo?
Lumapit sa akin ang mga tauhan ni Carlos para kalasin ang kadena. Natumba ako sa sahig at naramdaman ang pagdaloy ng dugo sa mga braso kong maputla na. Masakit ang pagbagsak ko sa sahig dahil tila walang buto ang mga paa ko. Namilipit ako sa sakit ng buo kong katawan, pero kahit na ganun, imbis na daing, umaalingawngaw ang malalakas kong tawa.
"Tangina, Boss. High na high ang isang ito," kumento ng isa.
"Hintayin natin. Gusto kong makita kung magaling ba siyang artista," tumatawag sambit ni Carlos habang naglalakad pabalik sa upuan niya.
High. Tinurukan siguro nila ako ng droga.
Malalakas ang kwentuhan nilang apat, pati na rin ang mga tawanan nila, pero ilang sandali lang ang itinagal noon dahiul unti-unti, naging malalabong mga kaluskos na lamang ang mga boses nilang apat. At sa tuluyang pagkawala ng mga boses nila, huminto ako sa pagtawa.
Nawala silang apat sa paningin ko. Ako na lang magisa sa silid. Nakabibingi ang katahimikan, at hindi ko sigurado kung nasa impluwensya pa rin ako ng droga o ito na ang katotohanan. Gusto kong labanan, pero nang pumasok ang isang lalaki sa loob ng silid, nawala na ako sa sarili ko.
Umaagos pa ang dugo mula sa bibig ni Benedict nang maglakad siya papasok sa loob, hila-hila ang walang buhay na katawan ni Ace. Huminto siya sa mismong harapan kung saan ako nakahiga at nang sulyapan ko si Ace ay nakitang nakatingin ito sa akin pero
wala nang buhay.
"Kumusta, Xena?" bati ni Benedict.
Lumuhod siya sa may tabi ni Ace aat itinuon ang dulo ng baril na hawak niya sa ulo nito. Nakadapa si Ace a nakaharap sa akin. Nakatitig ang mga mata niyang walang kahit anong pagkurap sa mga mata ko na siyang nagpatayo sa balahibo ko. Kung anong hitsura nilang dalawa nung gabing iyon, gayun din ang hitsura nila ngayon. Butas ang batok ni Benedict, habang si Ace ay may sugat sa leeg.
"Lumayo ka sa kaniya," sabi ko saka sinubukang tumayo pero hindi ako makagalaw. "Lumayo ka kay Ace! Hayop ka!"
Tumawa lang si Benedict sa pagsigaw ko. Tumulo ang malapot na dugo mula sa bibig niya. Kinikilabutan ako at natatakot sa pagtawa niya kaya nanubig ang mga mata ko nang makita ang nakaambang daliri ni Benedict sa gatilyo.
"Wag! Wag!" sigaw ko saka sinubukang abutin si Ace, pero masyado siyang malayo.
Kinalabit ni Benedict ang gatilyo ng baril. Umalingawngaw ang nakabibinging tunog na siyang nagpatigil sa luha ko. Nanatili ang mga mata ko sa dilat na mga mata ni Ace habang isa-isang ibinabaon ni Benedict ang lahat ng bala ng hawak niyang baril sa ulo nito. Napatili ako ng malakas nang magsimulang umagos ang dugo ni Ace sa sahig. Pinilit kong gumapang, pero hindi ko maigalaw ang katawan ko maliban sa kamay kong pilit kong inihahaba para abutin siya.
"Tama na! Ace! Tama na!"
Nanunuot sa kaibituran ng tainga ko ang bawat halakhak ni Benedict, at tila sinasaksak naman ako ng paulit-ulit sa bawat putok ng baril. Kita ko ang isang butil ng luhang tumakas sa mata ni Ace bago ko maramdaman ang malamig na tubig na bumuhos sa buong katawan ko't gumising sa akin mula sa halusinasyong iyon.
Habol ang hininga kong iginala ang paningin ko. Naroroon sina Carlos at mukhang angeenjoy silang makita ako na namimilipit na nakahiga sa sahig. Nilalamig at umiiyak.
"Sabi ko sa inyo magaling na artista itong si Xena e," kumento ni Carlos nang makalapit siyang muli sa akin. Humithit siya sa filter ng sigarilyo bago pinatay ang sindi sa pagdiin noon sa may braso ko. Nanuot ang hapdi sa pagkasunog ng balat ko pero hindi ko na nagawang dumaing pa. Nanatili sa likod ng isip ko ang hitsura ni Ace. "Pero, anong meron sa busong anak ni Damian? Close pala kayo? Shota mo ba siya?"
Hindi ako sumagot bagkus ay pumikit na lamang ng mariin na sana hindi ko na lang ginawa dahil si Ace na naman ang nakita ko.
"Hmm, mukhang may something nga sa inyo. Walang duda kung bakit bigla na lang akong inapproach ng mortal kong kaaway,"
Napamulat ako sa narinig ko. Nilaro-laro ni Carlos ang baril na hawak niya sa kamay niya saka ipinagpatuloy ang sinasabi.
"Pasesnsya na, Xena, pero wala akong ibang personal na motibo sa'yo. Alam kong isa ka lang hamak na assassin, pero hindi rin kasi
biro ang halagang nakapatong sa ulo mo."
"Binayaran ka ni Damian?" diretso kong tanong habang nakapilipit pa ring nakahiga sa sahig.
"Parang ganun, pero hindi," sagot niya saka tumayo. "Gusto kang patayin ni Mr. Governor dahil tinapos mo lang naman ang dalawang anak niya kaya kinausap niya ako, pero si Damian, pinatay niya lang naman ang Gobernador. Tapos, hinatid mismo sa akin ni Damian ang napagusapan naming presyo ni Governor para patayin ka. Cease fire kami ni Damian sa ngayon. Bali, kliyente ko muna siya,"
"Sinasabi ko na nga ba..." ismid ko sa sarili ko.
"Pero, alam mo, pwede naman kitang buhayin kung papayag ka lang na maging isa sa mga tuta ko. Ano sa tingin mo, Xena? Maayos naman ako magpasahod. Maganda ang future mo sa akin," pabirong suhestiyon ni Carlos.
Maganda sana iyon, kaya lang, kapag nalaman ni Damian na hindi ako namatay, si Kiel at ang daddy ko ang mamamatay. Hindi ko iyon mapahihintulutan.
Hindi ako sumagot sa suhestiyon ni Carlos. Wala na akong lakas kahit para na lang sana ibuka ang bibig ko at magsalita. Ang sakit ng buong katawan ko at masakit rin ang ulo ko. Gusto ko na lang pumikt at mawalan ng malay. Bahala na kung anong kahinatnan ko paggising o kung gigising pa nga ba ako.
"Okay, hihintayin ko ang sagot mo. Sayang ka rin kasi," sambit ni Carlos bago nagsimulang maglakad paalis. "Babalikan kita bukas, tapos sabihin mo sa akin ang desisyon mo."
Naiwan akong nakahandusay sa sahig, mahina at walang kalaban-laban. Pakiramdam ko'y talo na ako dahil imposibleng buhayin ako ni Carlos kung tatanggihan ko ang alok niya. Gusto kong mahghintay na dumating si Kiel, pero masyado pang maaga para kumilos siya. Malamang bago pa man siya dumating ay inuuod na ako rito.
Napapikit ako ng maramdaman ang pinakamasakit na parte ng katawan ko— ang puso ko. Natatakot ako at nasasaktan na dito ako dinala ng sampung taon kong pakikipaglaban kay Damian. Sa hinaba-haba ng pagtitiis ko, sa kabiguan lang rin pala ako babagsak.
"Dad," tawag ko na parang isang batang naligaw sa dilim. "I'm sorry, Daddy..."
Pinalipas ko ang mga oras na umiiyak sa sahig na iyon. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng sadali dahil sa pagiyak. Pasikat na ang araw dahil nagsisimula nang magkakulay ang itim na langit at maya-maya ay papasok nang muli sa silid na ito si Carlos. Kung hindi ako pumalpak, nakabalik na sana ako pagputok ng liwanag. Aabutan ko pa kaya ang bukang liwayway? Ay ang tanong na naglalaro sa isip ko. Sana...
Ilang sandali pa ang lumipas bago bumukas ang pintuan. Malaki ang ngiti ni Carlos nang lumapit siya sa akin.
"Nakapagdesisyon ka na ba? Hindi ako pasensyosong tao, Xena,"
Naupo siya sa folding chair at tumitig sa akin. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko; kaya ko na. Mahirap man ay pinilit kong tumayo para humarap sa kaniya kaya mabailis na tinutukan ako ng baril ng mga tauhan niya. Itinaas naman ni Carlos ang kamay niya bilang sensyas na hindi na iyon kailangan dahil sa sitwasyon ko, ay malabong makapagbato ako ng kahit na isang mahinang suntok o sipa.
"P-Pwede mo akong--patayin kung---naiinip k-ka," nanghihina kong utas. "W-Wala akong b-balak--- manatiling tuta ng kahit-- sino."
Nawala ang ngiti ni Carlos sa isinagot ko. Humugot siya ng malalim na hininga bago inihilamos sa ibabang bahagi ng mukha ang kaniyang kanang palad.
"Ganun ba. Sige," sabi niya pagtapos ng ilang sandali tapos ay tumayo. "Bibigyan pa kita ng pagkakataon hanggang sa pumayag ka."
"Hindi ako papayag, Carlos!" Deretsa kong pagtanggi. "Patayin mo na ako at kunin ang perang nakapatong sa ulo ko."
Huminto si Carlos sa paglalakad at saka ako nilingon. Umiling siya. "Papayag ka, Xena. Papayag ka."
Umalis na siya pagkasabi noon tapos ay muling may lumapit sa aking mga tauhan. Ang isa ay may dalang syringe at boteng maliit na kagaya ng nakita ko kagabi. Kinapitan nila ako sa braso at kinakadkad papunta sa may sulok. Iginapos nila ang mga kamay ko sa likuran pati na rin ang mga paa ko.
"Bitawan n'yo ako!" Nagpupumiglas ako, pero wala pa rin akong lakas para makawala sa kanila.
"Easy ka lang, ililibre ka lang naman ulit ni boss ng PCP. Makikita mo ulit ang shota mo," tumatawang biro ng isa habang isinasalin sa syringe ang droga.
Nanlaki ang mga mata ko. PCP? "Ilang beses n'yo na akong binigyan niyan?" tanong ko bago pa iturok sa akin ang isang shot.
Tumigil ang tauhan at tinignan ang syringe na nakangiti. "Pangatlo pa lang ito. Pinagsabay kasi ni boss yung unang dalawa," sabay halakhak at kapit sa braso ko.
"Lumayo ka sa akin!" pinilit kong bawiin ang braso ko, pero huli na. Naiturok na sa akin ang karayom at ramdam ko ang pagdaloy ng likido sa ugat ko.
"Alam mo naman siguro kung anong klase ng droga itong PCP. Kung magpapakipot ka pa ng mas matagal, mamamatay ka dahil paulit-ulit kang ililibre ni boss. Pero sabagay, makikita mo naman yung mga gusto mong makita bago ka mamatay. Matutupad lahat ng pantasya mo. Hindi na rin masama,"
Marahas kong nakagat ang ibabang labi ko. Phencyclidine. Isa iyong hallucinogen at kapag na overdose ako, ikamamatay ko. Hindi ako natatakot maoverdose at mamatay. Natatakot ako na makita ko ulit ang nakita ko kagabi noong nasa ilalim ako ng impluwensya ng PCP.
Tumayo sila at umalis. Pumatak muli ang mga luha ko. Natatakot akong makita na naman si Ace at maalala ang pagkamatay niya. Iniisip ko pa lang ay para na akong pinapatay. Ang balikan ang gabing nawala siya sa akin ay ang pinakang masakit na torture na pwede kong matanggap. Mas masakit sa tunay na kamatayan.
"Please... Tama na," bulong ko sa hangin habang umiiyak. "Kiel, nasaan ka na?"
Mas lumakas ang agos ng mga luha ko kasabay ng pagkawala ng sunod-sunod na hikbi. Kahit sino... kahit hindi na si Kiel. Pakiusap, iligtas niyo ako...