Chapter 65 Blessing (Finale)
Nandito si Sandra sa may living room habang nanonood ng TV.
Kabuwanan na niya kaya medyo nahihirapan na talaga siyang gumalaw.
Maswerte nga si Aj dahil hindi niya ito pinahirapan sa paglilihi. Mukhang kakampi nito ang mga anak. Yes, they are going to have a twins, a boy and a girl. She can't wait to see them.
Dito na sila pinatira ng magulang ni Aj sa mansion. Ang rason nila ay wala naman daw magmamana nito kungdi si Aj. Kaya pumayag na sila para mapagbigyan ang magulang nito.
Maging ang kambal ay dito na nakatira. Ayaw niya kasi malayo sa mga ito. Saka gusto rin naman ng mga magulang ni Aj, mas sumaya nga daw dahil nagkaroon ng buhay ang mansion.
Masaya siya sobra dahil naka graduate na sa wakas si Samuel habang si Sammy ay pinagpatuloy ang pagiging doctor nito.
Nabalik siya sa kasalukuyan ng maramdamang sumakit ang kanyang tiyan.
"Ahhhh!!!" sigaw niya habang hawak-hawak ang kanyang malaking tiyan.
Nakita niya ang mabilis na pagpasok ng kambal na kasalukuyang nasa kusina.
Kung di lang sumasakit tiyan na, humagalpak na siya ng tawa sa hitsura ng dalawa.
Si Sammy na topless habang puno ito ng harina sa katawan maging sa mukha habang si Samuel naman na magulo ang buhok na may harina rin yata. Nakasuot naman ito ng apron.
"Bakit ka sumisigaw, ate?" magkasabay pang tanong ng kambal.
"Ahhh, ma-masakit ang tiyan ko," muli niyang daing.
Narinig na niya ang sunod-sunod na yabag na papunta sa kinaroroonan nila.
"Manganganak ka na siguro, iha." Mabilis siyang inalalayan ni manang nena habang ang ibang katulong ay di niya alam kung saan na nagsipunta.
"Ano?! manga-"
"Samuel!" sabay nilang sigaw ni Sammy. Paano ba naman biglang itong nawalan ng malay.
"Ahhh, ma-masakit na po talaga manang,"sigaw niya.
"What happening here?" tanong ni daddy Eduardo na kakarating lang kasama si Mommy Clarissa.
Mabilis na tumakbo si Mommy sa kanya na puno ng pag-aalala. "Nasaan ba si Andrew? Manganganak na si Sandra."
Tila naman natauhan si Sammy at mabilis siyang binuhat.
"Anong nangyari dito?" rinig niya pang tanong ni mommy na tinutukoy siguro ay si Samuel na nasa lapag.
"Tara na po, hayaan niyo muna si Samuel, kulang sa tulog," wika ni Sammy na buhat-buhat siya palabas ng mansion.
Nakasalubong nila si Aj na hindi niya alam kung saan nangbungkal ng lupa sa hitsura nito na puno ng putik ang buong katawan at wala ring pang-itaas na damit.
Kita niyang nataranta ito ng makita siya.
"What happened? Manganganak na ba siya?" akmang kukunin siya nito ng umawat si Mommy.
"Clean yourself, Andrew. Let Sammy bring her. Sige na, masakit na ang tiyan ng asawa mo baka dito pa manganak," wika ni Mommy na itinulak pa si Aj para makadaan sila.
"Ahhh, pa-parang lalabas na, Sammy!" malakas niyang daing.
"Ate, sandali na lang malapit na tayo sa hospital. Just hold on please," natatarantang wika nito.
"G*go ka ba! Gusto mo mag doctor pero kulang na lang himatayin ka rin gaya ni Samuel!" nagawa niya pang sermunan ito. "Ahhhh!"
"'Yan, sige manermon ka pa. Kakampi yata namin ang kambal," wika nito na hinaplos-haplos pa ang kanyang sumasakit na tiyan.
Pakiramdam niya ay talagang lalabas na ang kambal.
Sakto naman tumigil ang sasakyan at mabilis siyang binuhat ni Sammy at inilapag sa naghihintay sa kanilang stretcher.
"Make it faster! Lalabas na!" sigaw ni Sammy na nakasunod sa kanila.
Nasilayan niya pa si Aj na hindi man lang talaga nagbihis. Narinig niya pang nagpupumilit itong pumasok pero di pinayagan dahil sa ayos nito.
"Misis, ire pa! Nasa labas na ang ulo, isang mahabang ire, misis!"
Sinunod niya ang sinabi ni doktora Romero at umire siya ng napakahaba.
Tila naman nakaramdam siya ng ginhawa ng may lumabas sa kanyang pagka****e.
Muli ay naramdaman na naman niya ang paghilab ng tiyan kaya muli siyang umire tulad ng sinasabi ng doktora.
Sa huling ire niya ay kasabay ng pag-iyak ng kambal. Mukhang hinintay pa ng isa ang kapatid bago umiyak.
Napangiti siya habang tinitignan ang kambal na hawak ng dalawang nurse, tig-isa ang mga ito.
"Congratulations, healthy baby girl ang baby boy," bati ni doktora.
Napaluha siya ng hindi niya namalayan. She is a real mom now.
Napapikit siya ng maalala ang bestfriend. Kung hindi ito nakunan siguro malaki na rin ang anak nito dahil nauna ito sa kanya.
She missed her, but she left. No one knows where she is. But she hopes that she is in good hands.
Tuluyan na siyang nakatulog dahil sa pagod.
.....
Kakalabas lang ni Aj sa banyo ng silid na inokupa nila para kay Sandra. Naligo kasi siya dahil sobrang dumi niya talaga. Nagtatanim kasi siya sa hardin dahil gusto ni Sandra ng mga magagandang bulaklak at gusto nito siya mismo ang magtanim.
Hindi nga siya pinahirapan sa paglilihi kung ano-ano naman iniuutos. Pero ayos lang sa kanya dahil kahit ano pa ipagawa sa kanya ay buong puso niyang susundin.
Tawang-tawa talaga siya sa hitsura niya kanina maging si Sammy na puno rin ng harina. Napasugod sila sa hospital hindi naman niyang hahayaan na hindi masamahan ang asawa.
"'Yan, mukhang tao ka na, anak!" salubong ng mommy niya.
Ngumiti lamang siya at lumapit sa kama kung saan mahimbing na natutulog si Sandra. Mukhang napagod ito sa paglabas sa kambal paano ba naman malalaki ang mga ito.
He kiss her forehead and whispered to her ears, "I love you, asawa ko."
Sabay bukas naman ng pintuan at dating ng kanyang pamilya. Pero nalungkot siya nang hindi makita ang dalawang pinsan.
He knows Anthony is broken since his wife left him.
While Kevin is busy taming his own destiny, too.
He just wishes that his two cousins will find their own happiness like his own.
"Nasaan na ang kambal?" tanong ni lola na bakas ang excitement.
"Maya-maya po dadalhin rito," sagot niya.
"Hello, everyone!" masayang bati ni Samuel na may dala-dalang cake at balloons.
Natawa na lang siya ng sinabi ni Sammy kanina na hinimatay raw ito.
"Oh, buti nagising ka pa Samuel!" pang-aasar ni Sammy na kakalabas lang din ng banyo dahil naligo rin ito.
"Shut up!" asik dito ni Samuel.
Tumawa naman nang malakas si Sammy.
Napapailing na lang siya sa kambal sana hindi magmana ang mga anak sa mga tito nito.
"Where is my babies?" Napalingon siya sa pinagmulan ng boses...
Gising na si Sandra. Nilapitan niya ito at inalalayan umupo ng magbalak bumangon.
"Dahan-dahan lang, baby girl. Nagugutom ka ba? Anong nararamdaman mo?" sunod-sunod niyang tanong rito.
Ngumiti naman ito sa kanya at inilibot ang mga mata. "I'm fine, where is our babies?"
Hinawakan niya ang mga kamay nito dahilan para tumingin ito sa kanya. "Ihahatid sila baka maya–"
Naputol ang sasabihin niya nang pumasok ang dalawang nurse buhat-buhat ang kanilang kambal.
Hindi alam ng dalawang nurse kung kanino ibibigay dahil nakaharang na ang mga matatanda sa mga ito.
Natawa na lang sila ni Sandra. Excited pa talaga sa kanila.
Hinayaan na lang muna nila ang mga ito.
Lumapit si Mommy na buhat-buhat si Sandrew ang lalaki nilang anak habang si tita naman ay si Jam lyna ang babae naman.
Nakuha nila ang pangalan ng mga anak sa pangalan nilang mag-asawa na nire-shuffle pa nila. Ewan niya ba kay Sandra ang daming alam.
Inabot ni mommy si Sandrew kay Sandra habang sa kanya naman si Jam lyna.
Hindi niya napigilan mamuo ang luha sa gilid ng mga mata ng masilayan ang kambal.
Maging si Sandra ay ganun din, tumulo na nga ang luha nito.
"Our babies is here," masaya nitong sambit.
"Yes baby girl, our twins," tila naman nakakaintindi ang kambal at sabay na ngumiti.
Mukhang sa kambal na tito nga nagmana. Mukhang may pagkapilyo at pilya.
Nagkatinginan sila ni Sandra na tila pareho ang nasa isip at sabay na napatawa.
"Alam ko nasa isip niyong mag-asawa! Huwag n'yo kami madamay-damay sa mga anak n'yo. Hindi kami ni Sammy ang gumawa niya!" mabilis na depensa ni Samuel na hawak-hawak pa rin 'yung cake na nakabukas na at may pa-candle pa. "Oh! Blow the candle to welcome our new member of the family!" masayang anunsiyon nito.
Lumapit ito at iniharap sa kanila ang cake na may nakalagay na, "Welcome Twins".
Ako na ang humipan sa candle sabay palakpak naman ng mga naroon.
Kinuha na rin ang kambal sa kanila ni Sandra at ang mga ito naman daw ang kakarga o panggigigilan.
Inakbayan niya si Sandra at masuyong hinalikan sa labi.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay namumula ito na ikinatawa niya.
Kinurot siya nito nang pino sa tagiliran na ikinaaray niya.
Niyakap niya ito at bumulong, "Another twins?"
"Pervent!" sabay hampas sa braso niya na ikinatawa niya lang at niyakap pa ito.
"Thank you for giving the twins, I love you so much, panget," buong puso niyang sambit rito.
"I love you, too, asawa ko."
Wala na siyang mahihiling pa kung 'di ang mapanatili buo ang kanyang pamilya.