Chapter 64 She's back
"What?!" malakas na sigaw ni Sandra kay Clara na nasa kabilang linya. Palagay niya ay nabasag ang eardrums nito.
"Beshie, balak mo ba sirain eardrums ko. Makasigaw lang wagas! Kainis ah!" reklamo nito.
May ibinalita kasi ito na dahilan para tawagan niya ito.
Lagpas dalawang linggo na simula ng umalis siya sa manila.
Pinatay niya ang kanyang cellphone dahil sigurado na uulanin siya ng tawag at message.
Ngayon niya lang naisipan buksan at ang unang bumungad sa kanya ay ang mensahe ng kanyang kaibigan.
"Still there beshie?" Nabalik siya sa sarili ng marinig ang boses ni Clara. Oo nga pala, kausap niya pa ito.
"Ye-yeah."
"So, ano na? Okey lang sayo? Hahayaan mo na lang maikasal si Andrew sa Nicole na 'yun? Angkinin ang anak na di naman kanya," dire-diretsong wika nito.
"Pero ikakasal na kami."
"Ikakasal? Hindi ba nagrunaway bride ka? Paano kayo ikakasal? Ano ba kasi nangyari at nag-asal balutan ka?" bakas na ang iritasyon sa boses nito.
"I don't like that Nicole. Mabait siya pero beshie ikaw ang gusto ko para kay fafa Andrew!" himutok pa rin nito.
"Kelan ang kasal?" tanong niya.
"Ang nasagap kong chika eh, bukas ng gabi pag-uusapan sa mansion nila Andrew with both families present."
"Bu-bukas na agad? Bakit ang bilis? Halos dalawang linggo palang ako nawawala ah! Hayop talaga 'yang lalaking 'yan. Kung makapagdrama sa akin tapos ngayon ikakasal na. Hintayin niya ako at talaga makakatikim 'yan ng mag-asawang sampal!" naiirita niyang wika.
"Ay, pak! I like that beshie. Sige wait kita, pati si Nicole bigyan mo din. I can't wait to see a shooting tomorrow," excited na tugon nito.
Napailing na lang siya sa tinuran ng kaibigan. Imbes awatin siya ay sinuportahan pa talaga siya.
"Sige na, salamat sa tsismosa mong bibig. Huwag mong sasabihin darating ako, I want to surprise that's bastard!"
"Sure, pero hindi ako tsismosa," depensa pa nito.
"Whatever, goodbye!"
Kanina pa niya naibaba ang tawag. Pero nakamasid pa rin siya sa kanyang cellphone na sunod-sunod sa pagtunog. Pero wala siyang ganang buksan ang kahit ano sa mga mensahe.
Hindi niya alam kung nagagalit ba siya, naiinis o basta!
Ang alam niya lang hindi pwedeng ikasal sa iba ang lalaking mahal niya.
Umalis lang naman siya para makapag-isip. Masyado siyang natamaan sa mga pinagtapat ni Aj.
Napatingin siya sa kanyang wrist watch, alas-singko ng hapon kung aalis na siya ngayon ay makakaabot pa siya bukas. No, she need to be there.
Nang umalis siya ay dito siya sa Bicol nagtungo kung saan sila nagkakilala ni Aj na first love niya.
Dito hinayaan niyang sariwain ang lahat ng ala-ala ng nakaraan.
Dito hinayaan niya ilabas ang nararamdaman.
Dito napagtanto niya ang isang bagay.
Kailangan na niya gumayak bago pa siya mahuli.
YOUR MINE, ANDREW JAMES VILLAFLOR!
.......
"What are you doing all here? Anong meron?" tanong ni Aj pagkapasok niya sa living room na lahat ng pamilya ay nadun maging sina Dominic at Kenneth na busy sa pagnguya ng chips.
"Makikikain kami, bro," sagot ni Kenneth habang nakikipag-agawan kay Dominic.
Patay-gutom talaga mga ito.
Nakasimangot siyang nagtungo sa may single couch at naupo.
"Bakit ka nakasimangot? Sila tita at tito nag-imbita sa amin, noh!" wika pa ni Dominic na parang batang tinatago ang chips kay Kenneth.
"Umayos nga kayo! Para kayong bata dyan na nag-aagawan sa isang sitsirya!" bulyaw niya sa dalawa.
"Masarap kaya may kaagaw," singit ni Kevin na busy rin sa pagkain ng mansanas.
Lalong nangunot ang noo niya dahil bawat isa ay kumakain. Nang magawi ang tingin niya sa may gilid ay may malaking mesa na puno ng pagkain.
"Mom, anong okasyon?" tanong niya.
"Celebration," tipid na sagot ng mommy niya na sinusubuan pa ang daddy niya ng di niya alam kung ano 'yun.
"What the f*ck!" Napatayo siya sa kinauupuan. "Talaga ba? Nagawa niyo pa magsaya habang ako nagdudusa. What a great family I have," reklamo niya.
Nagsitawanan lamang ang mga ito at nagpatuloy sa pagkain.
Bumaling siya kay Kevin. "Ikaw Kevin, ano na balita? Tatlong araw na ang nakakaraan hanggang ngayon wala pa ring Sandra ang nagpapakita. Kung hindi mo kaya, then leave it to me!" frustrated niyang wika rito.
Nilunok muna nito ang kinakain bago nagsalita. "Mahirap hanapin ang ayaw magpahanap!" makahulugan nitong saad.
"F*ck!" Dumagundong sa buong kabahayan ang kanyang sigaw. "Ang sabihin mo, walang kwenta mga hina-hire mo! Ako na ang hahanap sa kanya! Bahala na kung ano mangyayari!" Nakita niyang lumapit si manang nena rito at may ibinulong na ikinataas ng kilay niya.
Kita niya ang pagngiti ni Kevin. Ngiting tila nagwagi sa isang pustahan.
Hindi na niya pinansin ito. Tumalikod na siya at nagsimulang humakbang palabas ng living room.
"She's here." Napahinto siya sa paghakbang at mabilis na nilingon si Kevin na nakangisi pa.
Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin.
"Hold yourself couz, let her talk first," wika pa nito na mas ikinakunot ng kanyang noo.
Babalewalain niya na sana ang sinabi nito at akmang tatalikod ng mahagip ng kanyang tingin ang matagal ng nais makita.
She is wearing a baby pink blouse tucked in her jeans while her hair is in a ponytail.
He wants to run and hug her but before he step his feet she stop and give him a sharp look.
"Halos dalawang linggo lang ako nawala. Nakapagdesisyon ka na magpakasal sa iba?!" malakas ang boses nitong wika.
Hindi niya ito maintindihan.
Magpakasal kanino?
"Iyan ba ang pagmamahal na sinasabi mo? Handa mo akong tuluyan talikuran. Hindi ka ba pwede maghintay? Maghintay kahit saglit lang. Hinanap mo ba ako?" Bakas ang hinanakit sa boses nito.
Siya man ay gulong-gulo dahil never niyang inisip na magpakasal.
Nagawi ang tingin niya kina Kevin na nakangisi.
Mukhang alam na niya kung sino ang may gawa.
Magpapasalamat ba siya dahil dun ay lumitaw ito pero galit naman.
"Baby girl, listen.. Is not what you think. Please calm down, let's talk first," pagpapahinahon niya rito.
Hahakbang na sana siya palapit rito ng itaas nito ang isang kamay senyales na huminto siya.
Nakita niya ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata nito.
"Alam ko nasaktan kita sa pag-alis ko. Gusto ko lang naman makapag-isip eh. Mali dahil hindi ako nagsabi kung babalik pa ba. Pero t*ngna naman Aj! Two weeks lang ba ang katapat ko para tuluyan mo na akong itapon ng ganun!" Tumulo na ang pinipigilang luha nito.
"Alam mo, sigurado ako sa nararamdaman ko para sayo. When I said I love you, I mean it," dugtong pa nito.
"Then why did you leave?" tanong niya rito.
There eyes already lock to each other.
He saw pain into her eyes and it's killing him more seeing the woman he loves is in pain because of him.
"Dahil nung sinabi mo sa akin kung ano ang nararamdaman mo. Nung sinabi mo sa akin na ibang tao ang nakikita ko sa tuwing tinitignan kita. Na ibang tao ang sinasabihan ko ng I love you sa tuwing sinasabi ko sayo. Na ibang tao ang iniisip ko habang inaangkin mo ako." Nakarinig siya ng singhapan sa sinabi nito. Kailangan pa bang banggitin 'yun?
"Maging ako pinagdudahan ko ang sarili kong nararamdaman! Sigurado ako noon pero ng sinabi mo lahat 'yun. Naitanong ko rin ang sarili ko. Sigurado nga ba ako? Kaya nung tinanong mo ako kung minahal kita kahit konti. Gustong-gusto kong ipagsigawan na, oo. Pero naipit ako sa sitwasyon. Paano ko sasagutin 'yun kung ipinamukha mo sa akin na ibang tao ang minahal ko!" Pinipilit nitong punasan ang mga luhang patuloy naman sa pag-agos.
Maging siya ay naramdaman na rin ang pagpatak ng sariling luha.
Mas doble ang sakit na hatid na makitang nasasaktan ang mahal mo.
"Mas pinili kong huwag sumagot. Because you don't deserved if I really love you because I'm seeing someone else in you. You deserved the best Aj. Sabi ko aalamin ko muna kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Umaasa ako makakapaghintay ka kasi sabi mo mahal mo ako pero g*go ka!" Natawa siya sa pagmumura nito.
"Huwag kang tumawa diyan baka sipain kita! Seryoso ako dito! Nakakabuset ka." Tuluyan na itong humagulhol ng iyak dahilan para takbuhin niya ang pagitan sa kanila at yakapin ito.
Nang tuluyan mayakap ito ay hinayaan niyang umiyak ito habang hinahagod niya ang likuran nito. Sobrang namiss niya ito.
Ilang minuto silang ganun ng maramdaman niyang kumakalma na ito. Mas hinigpitan niya ang pagyakap rito at hinalikan pa ang buhok nito.
Pero itinulak siya nito palayo. Nagtataka niya itong tinignan, bakas na ang pamumula ng mga mata nito.
Siya man ay pinipilit na pigilan ang pagluha.
Muling nagtama ang kanilang mga mata.
"Alam ko nasaktan kita nung di kita sinagot nung sinabi mo sa akin na piliin kita. Alam mo ba anong dahilan ko?" Hinaplos ng isang kamay nito ang kanyang pisngi habang matiim itong nakatingin sa kanya.
Kung di nga lang ito nagpapaliwanag kanina niya pa gustong lamutakin ang mga labi nito.
Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang pisngi at dinama ang init nito.
Gusto niyang ipikit ang mga mata dahil sa init na hatid ng palad nito pero natatakot siya na baka sa pagpikit ay mawala ito.
"Tell me why?" naisatinig niya ng di na ito nagsalita.
Pilit itong ngumiti. "I don't want to choose you because I don't have a choice but.... I want to choose you because for me..... You will be the best choice that I will make in my life." Tuluyang tumulo ang kanyang mga luha dahil sa sinabi nito.
"And now, Im here. Im here to choose and to love you for being who you are. For being the dragon of my life. Im so sorry if I let you feel that I did love you because of someone. Please Baby boy, delete that in your mind. I admit he is my first love but I will make sure that you will be my true love." Pinagdikit nito ang kanilang mga noo.
He is happy.
"No baby girl, don't blame yourself because it's my fault. Hinayaan kong malason ang isip ko sa bagay na 'yun kaya ganun ang naramdaman ko," pagkasabi ay tuluyan na niya sinakop ang mga labi nito.
He miss her so much.
"Andrew, paano 'yung kasal mo kay Nicole," rinig niyang wika ni Kevin dahilan para itulak siya ni Sandra at bigyan ng matalim na tingin.
"Baby girl-"
"May pahalik-halik ka pang nalalaman! So, magpapakasal ka nga!" Tila itong tigre sa talim ng mga mata.
Mabilis niya itong niyakap ng mahigpit dahil kumakawala ito. "Sinabi lang nila 'yun para magpakita ka na. Remember I promise you that you are the only one my heart beat, panget." Naramdaman niyang natigilan ito.
Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap nito.
"What did you say?" Bakas ang pagkagulat sa mukha nito.
Imbes sumagot ay inilabas niya ang kwintas na talagang isinuot niya. Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito.
"Yes, this is yours. Ibinigay ng kambal nung nalaman ko na ikaw si panget," nakangiti niyang wika at tinanggal ito sa kanyang leeg.
Bakas pa rin ang pagkalito sa mukha nito.
"How? I mean you already remember your past?" tanong nito.
Natanggal na niya ang kwintas at hawak-hawak itong tumingin dito. "Yes, the moment I saw the picture you sent to the private investigator. Thats me panget. Kaya pala nung oras na nagkwekwento ka tungkol sa nakaraan mo ay sumakit ang ulo ko 'yun pala ay ikaw lang pala ang makakapagpapa- alala sa aking nakaraan," mahaba niyang paliwanang rito.
"This is for you baby girl, only you." Lumipat siya sa likuran nito at isinuot ang kwintas.
Alam niyang nagulat ito. Pero hindi na pwedeng patagalin dapat na malaman na nito.
Pagkasuot ay iniharap niya ito muli sa kanya.
Umiiyak na naman ito.
Pinunasan niya ang mga luha nito. "Stop crying baby girl, it's hurting me."
"Nakakainis ka! Paano nangyari lahat 'yun!" Humagulhol muli ito ng iyak. Kaya niyakap niya na lang ito.
"Please, stop crying baby girl. See, destiny brought us together. Kaya huwag ka ng umiyak, ikakasal pa tayo sige ka panget ka na nun," biro niya pa rito.
Bumitaw ito sa kanyang pagkakayakap at tumingin sa paligid.
Nagulat siya ng makita ang kambal. Wala naman ang mga ito kanina.
"So, palabas lang ba lahat ng ito para magpakita ako? Halos liparin ko ang bicol makaabot lang!" Nanatili ang tingin nito kay Clara na busy sa pagkain.
"Wala akong kinalaman dyan. Napag-utusan lang ako beshie. Kaen tayo," napailing siya sa tinuran ni Clara sa kaibigan nito.
Akmang hahakbang ito ng bigla na lamang ito nawalan ng balanse buti na lang nasalo niya agad ito.
"Baby girl, what happened?" nag-aalala niyang tanong.
Pero imbes sumagot ito ay tuluyan pumikit ang mga mata nito.
"Baby girl!"
"Ate!"
"Sandra!"
Sabay-sabay nilang tawag dito.
Mabilis niya itong binuhat. "Let's bring her to the hospital."