Chapter 8
Chapter 8
Third Person's Point of View
After his woman broke down ay kaagad itong pinakain ni Rithe. Medyo tulala pa rin si Reese habang pinapakain ito. Kahit gustong gusto nang tanungin ng lalaki kung anong dahilan ng biglaan nitong pag-iyak ay mas pinili muna niyang pakainin ito at manahimik muna. He doesn't want to stress her more. Reese is carrying their first born at ayaw niyang mapahamak ang kaniyang mag-ina kaya pinipigilan niya ang sariling magtanong ng kung ano ano. Idagdag pa ang kondisyon ng dalaga.
Rithe knows only a little idea of what's going on. Of course, pina-imbestigahan niya ang kaniyang reyna kahit na ayaw niyang gawin. He has to. Dahil alam niyang oras ang kalaban niya bago pa man niya malaman ang totoo.
He knows that Reese experienced a very traumatic event when she was young. She was kidnapped, and she saw her own Mom being violated and tortured before being killed in front of her eyes. Malamang ay iyon rin ang dahilan kung bakit ayaw nitong mag-salita. At isa pang dahilan ang paninisi ng buong pamilya ng dalaga dito.
Rithe clenched his jaw. Galit na galit siya sa mga taong gumawa nito kay Reese. Gusto niyang ipaghiganti ito. She just doesn't deserve all the shits that the world has thrown at her. She doesn't deserve it because she deserves all the love that the world is supposed to offer with such pure and innocent soul like her. Kaya ipinangako ni Rithe sa sariling hinding-hindi siya mananahimik hanggang hindi napagbabayaran nang kung sino mang mga hayop ang nagbigay ng ganitong klaseng trauma sa kaniya reyna. He won't forgive them. Hell. If his woman can easily do that in just a snap, well, he is different, he won't forgive whoever those people who did this to her.
He knows that he can find those evil people. He is not just Lucian Rithe Salvatore for nothing. He is not called a demon for nothing. He has horns, a lot of them. Kaya dapat na talagang magtago ang mga taong gumawa nito sa babae niya dahil magsisisi silang nabubuhay pa sila sa mundong ito.
"I'm full..." His Reese mouthed. Napatingin naman si Rithe sa plato ng dalaga bago marahang tumango.
'She has eaten a lot. That's the most important thing.' He thought before making her drink on the glass of water.
Mabining hinaplos ni Rithe ang buhok ng kaniyang Reese habang malambing na nakatingin dito.
"What do you wanna do after, baby?" Malambing niyang tanong nito bago ibinaba ang baso matapos nitong uminom. Hinalikan ni Rithe ang sentido nito ng paulit-ulit, buong pag-iingat at pagkalambing na para bang isa itong babasaging baso.
"Watch... TV..." She mouthed again habang nakatingin din kay Rithe.
Rithe sighed before nodding.
"Okay. Whatever my baby wants, my baby gets." Napangiti naman si Reese nang marinig ang sinabi ng lalaki bago siya nito inalalayan patayo. Kaagad na pumaikot ang isang braso ng lalaki sa kaniyang baywang habang iginigiya siya nito palabas ng kusina.
Marahan siya nitong pina-upo sa sofa sa may living room bago lumapit sa malaking flat screen TV. He was asking kung anong palabas ang gusto niyang panuorin.
Parang gusto na naman tuloy maiyak ni Reese habang tinitingnan ang lalaki.
She didn't expect to find someone as caring as him. Does she deserve this? The happiness? The attention that she's getting from him?
Napailing si Reese sa sarili. Sa ngayon, masasabi niyang hindi. Ang lapit lapit naman kasi ng lalaki sa kaniya but she still feels like he's somewhat unreachable. Hindi maabot abot. Kumbaga, parang langit ang lalaki habang siya ay alikabok lang.
Mayaman ito, gwapo, at higit sa lahat, kaya nitong makahanap ng babaeng babagay dito. Iyong tipong masasabayan ito sa lahat. Hindi deserve ni Lucian ng isang kagaya niya. Isang babaeng hindi kayang makapag-salita para sa sarili niya. A woman who was still trapped in the darkness of her past despite of how hard she tries to lighten up everything.
Hindi sila nababagay sa isa't isa. Mahirap siyang intindihin, alam niya iyon. Hindi siya dapat inaalagaan ng lalaki ngayon, dapat ay nasa trabaho ito, kaharap ang mga papeles o di kaya ay may ka-date na babaeng... bagay dito.
Rithe left her woman in the living room. Binalikan niya ang pinagkainan nito at niligpit. Mamaya na siya kakain dahil parang nawalan yata siya ng gana matapos makita si Reese na umiiyak sa harap niya.
He sighed deeply. Pakiramdam niya ay nag-aalab na naman ang galit niya sa tuwing naaalala kung paano tumulo ang mga luha sa mga mata nito. She's too precious to be crying like that. No. He will never let anyone hurt her the same way again. Papatayin niya ang kung sino man ang gagawa non kay Reese. Papatayin niya kung sino ang mananakit dito. And that doesn't make him an exception too. Sa oras na masaktan niya ito ay kakailanganin niya ring managot. He will protect her. At all cost. At alam niyang madali nalang niya iyong magagawa lalo na at nasa puder niya na ito.
Nang makalabas siya ng kusina ay kaagad na dumapo ang tingin niya kay Reese na ngayon ay nakangiti habang nanonood sa flatscreen. Napabuntong-hininga nalang siya at medyo problemadong napailing nang makita kung ano ang pinapanood nito.
Video lang naman ng mga unggoy.
Nang mabuksan niya ang TV kanina ay iyon kaagad ang bumungad. Akmang ililipat pa niya 'yon nang mabilis na umapila si Reese. Hanggang sa iyon na nga ang pinanood nito.
Hinayaan niya muna ito sa sala bago pumasok sa nag-iisang kwarto dito sa loob ng kaniyang condo. He actually have a whole floor of a penthouse sa pinaka-taas na floor nitong building pero mas pinili niyang kumuha ng unit dito sa thirdfloor lalo na at buntis si Reese. He doesn't want to have a lot of problems when going down. Masyadong delikado kung nasa pinaka-taas sila. Sa ngayon, they will stay here. At pagkatapos nitong manganak ay saka na sila lilipat sa penthouse at doon na niya pasisimulan ang plano niyang gumawa ng bahay. Para sa magiging pamilya nila ni Reese.
Napangiti si Rithe. He feels complete now that he has Reese in his arms. He won't ask for more, because what he has now is more than what he wished for, actually.