Chapter 4
Chapter 4
Third Person's Point of View
"You're being called by Martha in the counter, Miss..." Iyon ang sinabi ni Clarice, ang isa sa mga waitress kay Reese nang marinig nito ang sinabi sa intercom. Tumango naman si Reese dahil narinig din naman niya ang sinabi ni Martha mula sa intercom.
Bahagyang napakunot ang noo ni Reese, pilit na iniisip kung ano nga ba ang problema at bigla siyang ipinatawag nito. Nagdadalawang isip pa siya kung lalabas ba siya dahil natatakot siyang nandoon pa rin ang lalaki sa table. Ang lalaking nakakuha ng kaniyang pinaka-iniingatan noong gabing 'yon.
She sighed before looking at her wristwatch. Mahigit isang oras na rin ang nakalilipas pagkatapos niyang ibigay ang order. Hindi na siya muling bumalik pa sa labas, siguro naman ay tapos na ang meeting nito ng ka-businessman? Lumabas na siguro sila kaya wala na siyang dapat ikatakot pa. Iyon ang nasa isip ni Reese kaya naman ay kinalma niya ang kaniyang sarili. Malakas siyang napabuntong-hininga bago nakangiting lumabas. Dala dala na naman niya ang Ipad na nasa loob ng kaniyang Beige crossbody bag.
Nang makalabas siya sa kusina ay kaagad siyang dumiretso sa counter. Hindi niya pinag-tuonan ng pansin ang lalaking nakatayo sa harap at dumiretso kay Martha.
"What's wrong?" Reese said using a handsign. Martha knows handsign dahil pepe ang Ina nito at isa si Martha sa mga taong malaya niyang nakakausap kahit na hindi na kailangan ng boses pa.
"Someone wants to talk to the manager, Miss, but since Sir Arkane isn't here dahil nasa probinsiya ay ikaw nalang ang sinabi kong nandito." Martha signed back na kaagad namang naintindihan ni Reese.
Isenenyas ni Martha ang lalaking mukhang kanina pa yata nakatayo. Nginitian niya ito.
"Ahm, Sir. This is the restaurant owner po. She's Miss Reese Santiago."
Napatikhim ang lalaking nasa harap niya bago bahagyang gumilid na para bang mag binibigyan ng daan. At doon niya nasilayan ang lalaking prenteng nakaupo sa isang upuan kaya pala hindi niya napansin na nasa likod ito ng lalaking nakatayo kanina.
Napaawang ang labi ni Reese lalo na nang tumayo ito. Halos mahigit niya ang kaniyang hininga lalo na nang makita niyang mariin ang titig nito sa kaniya na para bang siya lang ang nakikita nito. Alam niyang hindi lang siya ang nakatitig ngayon sa lalaki kundi ang lahat yata ng nasa loob ng restaurant. He's too handsome and powerful to be ignored.
He is wearing business attire that made him look ten times cooler. Ang isang kamay nito ay nasa loob pa ng bulsa ng pantalon. And his jet black hair was slightly messed up but that doesn't make look dirty at all. Mas nagmukha pa nga itong gwapo sa paningin niya.
"You're the restaurant owner?" Ang malalim nitong boses ang tuluyang nagpagising sa kaniya na para bang nasa isa siyang panaginip.
Ilang beses na napakurap si Reese. Parang mapuputulan yata siya ng hininga dahil sa sobrang pagkabog ng kaniyang dibdib. Kinakabahan siya na natatakot at hindi niya alam kung bakit.
Wala sa sariling nahaplos ni Reese ang kaniyang tiyan na mukhang napansin yata ng lalaking nasa harap niya kaya bumaba rin ang tingin nito sa kaniyang tiyan. At hindi alam ni Reese kung guni-guni lang ba 'yon o talagang nakita niya ang pagpapakawala nito ng maliit na ngisi na kaagad din namang nawala kaya hindi niya alam kung totoo ba o kung pinaglalaruan lang siya ng kaniyang mga mata.
"I wanna talk to you, Miss Reese Santiago. I just have a little complain about your way of serving and the foods." Seryoso ang boses ni nito at napaka-lamig pa kaya nagdadalawang isip na siya ngayon.
Baka naman seryosong may reklamo talaga ito? Lalo na at mukha itong galit na galit ngayon? Iyon ang mga tanong ni Reese sa isip na hindi na niya masyadong inusisa pa.
Nagpakawala si Reese ng isang buntong-hininga bago tiningnan ang lalaki at sinenyasang sundan siya nito bago naunang tumalikod at nagsimulang maglakad papunta sa kaniyang opisina dito sa loob ng restaurant.
Fred, Rithe's secretary was completely shocked at how the woman just signed his Boss to follow her. Ayaw na ayaw ng Boss niyang sinesenyasan siya nito, more so, inuutusan kaya labis ang pagtataka at gulat niya nang makita itong parang baliw na nakangiti. Nakita niya! Nakita niyang nakangiti ito habang sinusundan ng tingin ang babae!
'Now, that is completely not him! That's not his Boss! That is not Lucian Rithe Salvatore!' Iyon ang isinisigaw ni Fred sa isip habang nakatingin sa kaniyang amo.
"Stay here, Fred. Order anything you want. I'm getting my pregnant woman back." Nakangising saad ni Rithe sa kaniyang sekretaryo na awang lang ang labi at mukhang gulat na gulat pa.
Napailing nalang si Rithe bago sinundan ang kaniyang babae na mukhang patungo sa opisina nito.
'Damn, my baby's back is so hot.' Rithe smiled inwardly while staring at his woman's back.
Nang pumasok na ito ay kaagad namang sumunod si Rithe. Isinara niya ang pintuan at hindi pa siya nakuntento ay ini-lock niya pa ito.
Kaagad na ibinulsa ni Rithe ang dalawang kamay niya sa kaniyang pantalon habang nakatitig sa babae na ngayon ay umupo na sa swivel chair nito, sa harap ng mesa.
He smiled proudly while looking around. He's just so proud that his woman was able to be this successful even afterall the shits she's been through. Rithe is so proud of his woman. But there is also a part of him that is sad because he wasn't too early. He was a little late. Kung alam lang niyang sobrang hirap ng pinagdadaanan ng kaniyang babae ay sana'y mas naging maaga ang kaniyang pagdating.
Napatingin si Rithe kay Reese nang makita niya itong bahagyang winagayway ang kaniyang kamay. He tried so hard to to chuckle at how adorable she is.
"Yes?" Rithe answered softly. Gone was the cold facade that he had awhile ago. He just wanted to show how soft he can be in front of the woman that he's whipped with. Reese Santiago. His woman.
Sinenyasan siya nitong umupo sa sofa kaya kaagad naman na sumunod si Rithe. Mahirap na at baka magalit pa sa kaniya ang kaniyang reyna. Ayaw niya naman 'yong mangyari.
Maghintay lang si Rithe ng ilang segundo roon at nang tumayo ang kaniyang reyna ay para na naman siyang hindi mapakali. His heart thumped like crazy. Mas lalo lang yatang nabaliw ang buong pagkatao ni Rithe nang tumayo sa harap niya ang kaniyang reyna at may inabot na puting bagay sa kaniya.
Noong una ay nakakunot pa ang noo niya habang ine-examine ang bagay na hawak niya ngunit nang makita ang dalawang pulang linya sa harap ay doon na siya napalunok. Hanggang sa dahan-dahan nang tumulo ang luha sa mga mata ni Rithe nang hindi niya sinasadya. Parang may sariling buhay ang mga luha niya at bigla nalang itong lumabas.
"I—I'm p—pregnant..." mahina at nauutal pa ang boses ni Reese nang magsalita. Kinakabahan pa si Reese. Wala sa plano niya ang sabihin ang totoo pero hindi niya alam kung bakit bigla nalang niyang hinugot ang pregnancy test niya sa kaniyang drawer!
Napapikit ng mariin si Reese. Mas lalo lang domoble ang kaba niya nang makitang wala pa ring naging imik ang lalaki. Nanatili lang itong nakayuko habang nakatingin sa pregnancy test na hawak.
Reese swallowed deeply.
Ngunit nawala yata lahat ng kaba niya nang bigla nalang yakapin ng lalaki ang kaniyang baywang. Ibinaon nito ang mukha sa kaniyang tiyan at ang mas ikinagulat pa niya ay ang marinig ang malakas nitong hagulhol na pakiramdam niya ay naririnig yata ng mga tao sa labas ng kaniyang opisina.
"Thank you so much, baby! Thank you so much for telling me!"