Chapter 6: Mall

Narito ako sa SM seaside mall kasama si Eliezer at mag-isa akong naglibot dito sa H&M habang siya ay naiwan at naghihintay sa labas. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakasandal sa malaking haligi habang nakangiti ng nagtitipa sa kanyang phone.

Kalahating minuto ang dumaan ay lumabas ako ng walang nabili dahil hindi ko nagustuhan ang kanilang mga benta. Lumapit ako sa kanya at nang makita niya ako ay mabilis niyang tinago ang cellphone sa kanyang bulsa.

"Wala kang nabili?" tanong niya nang makita ang kamay ko na walang hawak.

"Wala akong nagustuhan...." ngumuso ako.

Nang magtama ang mata namin ay agad akong umiwas. Ayaw kong makita ang gwapo niyang mukha dahil baka iyon ang una na maging dahilan na mahulog ako sa kanya. Joke!

"Saan naman tayo sunod papasok?" mainam siyang nakatitig sa akin. "Gusto mong kumain? Baka nagugutom ka na, ayaw ko pa naman na nagugutom ka." he said seriously.

"Busog pa ako, Eliezer-"

He chuckled. "Oops. Stop calling me Eliezer. Just call me EJ." he cut me off.

"Ok. If that's what you want..." I smiled. "Let's go, EJ?" I said softly to his name that he cursed deeply.

Yumuko siya at nagulat ako nang bigla niyang inilapit sa mukha ko ang kanyang mukha. Ilang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa ay makatagpo na ang aming labi at naamoy ko rin ang kanyang mabangong hininga.

"If you say my name again, I'll kiss you on the lips." he smirked at me which made my heart beat faster.

Iniwas ko ang tingin sa kanya sabay talikod at nag-unang naglakad. Narinig ko rin ang mahina niyang tawa kaya napairap ako at napangiti.

Bakit ang galing niyang patibukin ng mabilis ang puso ko? At bakit ang galing niya sa mga salita na binibigkas niya?

Pilit kong pinakalma ang aking puso at patago kong pinapalo. Deresto lang ang lakad ko habang nakasunod lang siya at napahinto lang ako ng marinig kong may kausap siyang babae. Lumingon ako para tiningnan sila.

Isang babae na naka kapit sa braso ni EJ habang nakataas ang isang kilay na nakatingin sa akin. Tinanggal niya ang kamay ng babae at hinarap ito.

Tumigil kami sa harap ng Bench.

"What?" humalukipkip siya sa ginawa ng binata sa kanya. "I came here because you didn't reply to my message."

Siya ang dahilan kung bakit nakangiti si EJ kanina?

"I'm sorry, Kim." at humingi siya ng tawad. "May ginawa lang ako.."

"At sino ang babaeng iyan?" turo nito sa akin gamit ang kanyang labi.

Sumulyap si EJ sa akin. "She's a friend of mine."

Thank you for telling the truth, EJ.

Lumapit ako sa tabi ni EJ at pormal na nagpakilala. "I'm Solana Carranza and you are?" ani ko sabay lahad ng kamay sa kanya.

"Kimberley Jennia Cortez," tugon niya nang hindi tinanggap ang kamay ko bagkus ay pinagcross ang braso sa dibdib. "and I am his girlfriend." at inirapan ako.

"Hindi kita tinanong kung ano ka sa buhay ni EJ. Ang tinanong ko lang ay ang pangalan mo." Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya. "Ganyan ka ba sumagot? Kailangan kasali ang girlfriend sa huli para ipalandakan sa iba na sayo..... siya?" ngumiti ako sa kanya.

"You bitch!"

Akma niya akong susugurin ay agad siyang napigilan ni Eliezer James ngunit hindi ako nagpatinag o natakot man lang. Nanatili akong nangiti na nakatingin sa kanya hindi para inisin o galitin siya kundi para ipakita sa kanya na hindi ako nasasaktan o nagseselos sa sinabi niya.

Matalim niya akong tinitigan habang hawak siya ni EJ sa braso at para siya isang aso na nagpumilit na makabitaw mula sa pagkakahawak ng kanyang amo para atakehin ang isang tao.

“Bitawan mo ako! Mang-aagaw ang babaeng ‘yan!" galit na sigaw niya sa akin. Nakaduro pa.

I wanted to answer her but I remained calm. I looked at her as if nothing happened.

Go ahead and keep barking like a dog.

I'm innocent and I didn't steal anything here, even EJ I didn't steal him.

"Kim, stop it! 'wag kang gumawa ng gulo dito!" marahas siyang binitawan ni EJ. "At pwede ba? Itigil mo na ang pagpapakilala na girlfriend kita. Itigil mo na ang kahibangan mo!" hinarap niya si EJ.

Nakita ko sa peripheral vision ang mga tao na nanonood sa amin at nagbubulungan.

"Bakit? Para kunwaring single ka?"

"You cheated on me with someone else, remember? Not because I still love you, I will accept you again. It's enough that you fooled me once. Babae ka pa naman tapos cheater ka!” I could feel the pain in EJ's voice as he said those words.

Iniwan namin si Kim at parang siyang aso na sunod-sunuran sa aming dalawa kahit saan man kami pumunta hanggang mapagod siya at tinawag pa niya ng isang beses si EJ ngunit hindi niya ito nilingon. Tuloy lang ang lakad namin hanggang makarating kami sa parking area.

"Ihahatid kita sa inyo." malamig niyang ani.

"Pwedeng sa shop mo na lang akong i drop." tugon ko habang nakatingin sa labas.

Nasa loob kami ng sasakyan niya at palabas na kami sa parking area ng mall.

"No. Ihahatid kita kung saan kita sinundo kanina at sorry sa ginawa ni Kim sayo. Hindi na mauulit." tumahimik siya ng ilang minuto bago nagpatuloy. "Hindi ko na talaga siya girlfriend," lumingon ako sa kanya, focus siyang nakatingin sa daan. "wala na talaga kaming relasyon dalawa pero para sa kanya, meron pa. Aaminin ko mahal ko pa siya pero hindi na ako magpakatanga pa. Sapat na yung isang beses niya akong niloko. Isang babae lang ang gusto kong ligawan." paliwanag niya, nakita ko ang paghigpit ng kapit niya sa manibela.

"Makapal ang mukha at feelingera din pala ang babaeng ‘yon. Ang pangit ng taste mo. Ganung klase ba na babae ang type mo? Isang scandalosa at war freak?" I tsked. Marahan siyang umiling. "She is far from what you told me at the resort. You said she is kind. But what happened to her? Did she change after you broke up?”

Binalik ko sa labas ang tingin at tahimik na kami pareho. Tanging ang tunog ng mga sasakyan, studyante ng UC at mga taong nagbebenta sa gilid ang maingay.

"Salamat sa paghatid..." ani ko bago ako bumaba sa sasakyan niya nang makarating kami sa harap ng bahay.

"Sa susunod ulit, Solana, pwede?" titig na titig siya sa akin.

Napalunok ako sa mga titig niya. May iba sa titig niya. Bawat titig niya ay may kahulugan pero hindi ko mahulaan kung ano.