Chapter 7: KABANATA 6

I'm smiling at myself habang nakasandal sa gilid ng mall niya. I'm scanning him with my eyes as he seriously talked with his people doing the work. Ang gwapo. Ang gwapo lang talaga. Lihim akong napasipol.

Gusto ko ngang magyabang sa mga kababaihan na halos ayaw na siyang tantanan ng kanilang mga titig. I wanted to shout that he's my man, but in reality, he really was not. Gusto ko nang tirisin ang napupusuan nitong ni JM. Ewan ko ba, nag-uumpisa na akong mainggit.

"Look at that biceps. Malaman din ang pwet. Seryoso sa trabaho, halatang seseryosohin ka rin. At siyempre..." Binaba ko ang paningin ko sa baba ng kaniyang katawan. "For sure, Dakota Johnson."

Natawa ako sa sarili kong kapilyuhan. Gaga ka, Wayo. Tumakas ka sa gawain sa bar para lang makipag-fake date rito sa fake mong boyfriend. Pero okay lang, lumarga naman sina Mama at Tenten kaya bahala na ang baklang Teyang doon.

Nakita ko si JM na nagpamewang habang tinatanaw ang ginagawa ng mga tauhan niya. Ang foreman na tapos nang magsalita sa tabi niya ay pormal na nagpaalam para magpatuloy sa trabaho. Nagulat lang ako noong bumaling siya sa akin, tila alam na kanina pa ako nakatingin sa kaniya.

Ngumisi ako at itinaas ang isa kong kamay. Napailing siya bago nagsimulang lumapit sa akin. Ang bango!

"Yo!" bati ko.

"You stare way too much. Too obvious," nangingiti niyang sabi habang umiiling.

"Proud lang ako kasi ang gwapo ng afam—este, jowa ko."

He shot a brow at me. I cockily tilted my head sabay pinagkrus ang aking mga braso. What? Did that get him?

"Alam mo, gutom ka na siguro. Did you have lunch already?" he gently asked.

Umiling ako. "Hindi pa, eh. Lilibre mo ba ako?"

"Well, I owe you, so I should. It's not like we're going on a date or something."

Napahawak ako sa aking dibdib, tila nasaktan sa nasabi. Akala ko pa naman kahit kunyari, date ito. Trabaho lang pala lahat. Pighati.

Dinala niya ako sa isang mamahalin na restaurant kung saan tanaw ang kagandahan ng isla. Noon ko pa pinangarap 'to, eh! Kaso hindi kasama sa needs, kaya sinantabi muna. Ngayon narito na, libre pa. Buti na lang talaga tinanggap ko ang maging fake baby nitong si Daddy JM.

We sat on the coziest seat at the middle. Habang binibigay niya ang order namin sa waiter ay nakikita ko ang mga mata ng ibang turista na nasa kaniya. Who wouldn't? Zeus' descendant was here.

"Must be hard being handsome, huh?" wala sa saril kong sambit.

Umayos siya nang upo at tinutok ang buong atensiyon sa akin. Tumikhim ako. Looked like this was his first time doing this with a man. I mean... siguro dati ay meeting-meeting lang. Pero ang medyo intimate na ganito ay bago sa kaniya. Unlike me who got to experience this many times before. Medyo naninibago lang din ako dahil matagal na iyon.

"So..." I trailed-off. "Is this the kind of setting he likes?" tanong ko, tinutukoy ang taong gusto niya.

Lumabas ang magandang ngiti sa kaniyang mga labi sabay tanaw sa karagatan. Natulala ako sa mukha niyang iyon. It shouted love.

"Hm," sang-ayon niya. "Mikee loves beaches a lot. Gusto ko sana siya dalhin dito but... he got other priorities."

Mikee's the name, huh?

Nagdaan ang sakit sa mga mata niya kung kaya nag-iwas ako ng tingin at tumingin na rin sa karagatan. I, myself, loved beaches, too. A lot. It's scary how the one he liked and me are kinda alike.

"That's good. Pasado ka kaagad sa dating place. Kung siya ang narito, tiyak na matutuwa siya," nakangiti kong turan sabay balik ng tingin sa kaniya.

"You think so, too?" tila nag-iisip niyang sambit. "So I did the right choice. I'll take note of this."

"Hindi pa ba kayo nakalabas na kayong dalawa lang? I mean..."

Natigilan siya. Napasandal siya sa kaniyang kinauupuan, tila humalughog sa utak niya kung nangyari na nga noon. Lihim akong natawa at naisip na kawawa naman ang isang 'to.

"We seldom go out before. Pero iyon ay kung magpapasama lamang siya. Like he wants to buy gifts for that bastard boyfriend of his. I hate how Mikee always efforts his way for that guy who doesn't even take care of him properly. Seriously, hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon, hindi niya pa rin mabitawan ang lalaki na iyon."

I saw his fists clench, bagay na kinailing ko. See? Tanga rin si Mikee. Parang ako lang dati. How funny.

"Well... must be love."

Tumaas ang isa niyang kilay sa akin. Nakita kong bumaba ang paningin niya. Napatingin naman ako sa sahig kung ano ang problema roon, wala naman. Naghahanap ba siya ng sagot doon kung bakit tanga si Mikee?

Funny, Wayo.

"Kanina ko pa napapansin, pero maupo ka nga nang maayos. Hindi maganda tignan na nakataas ang isang paa sa upuan, Wayo," he formally said.

Napamaang ako. So iyon ang problema niya! Goodness!

It's not like ang buong paa ko ang nakataas. Nakapatong lang naman dahil ganoon talaga ako minsan. I felt comfortable that way.

"Look here, JM. Paano kung si Mikee may mannerism at hindi niya napigilan habang magkasama kayo? Tapos hindi mo iyon gusto as formal as you are. Sasabihan mo rin ba siya ng ganito?"

"Mikee is not like that."

Sumunggab ang mga kilay ko. Bahagya akong nainis.

"What if nga?"

He sighed.

"Isn't just right to listen to your boyfriend? Lalo na kung tinatama niya lang naman ang mali mo? It's okay for me to do any unformal mannerisms kung kami lang dalawa, but not in front of everyone, Wayo," he gently explained.

As amused as I am, tinanggal ko ang paa ko sa upuan. Kagat labi akong tumingin sa paligid bago tumango sa kaniya. I couldn't be dominated, he's not that submissive either. But he really could be a good boyfriend.

Mikee you lucky bitch.

"Fine. You got me there. Pero not all the time maganda na laging pinagsasabihan ang partner mo, JM. If you're too formal like that, maaaring masakal mo rin si Mikee."

Matagal siyang napatitig sa mukha ko. Pinanatili ko ang ngiti sa aking mukha hanggang sa siya rin ang nagbitaw ng tingin. Marahan siyang tumango.

"Okay. I'll take note of that, too."

"Good," satisfied kong sagot. "Pero how will you show your romantic side to Mikee in public? I mean, can you be romantic with him with many people like this? Remember, you're both guys. Let's do that practice and see what you can do," hamon ko.

Sumulyap siya sa paligid kung saan maraming nakapalibot sa amin. Nandito pa kami sa gitna, plus, nagnanakaw pa ng tingin ang ibang babae sa kaniya. Magagawa niya kayang maging romantic sa ganito? Could he do anything for his love for Mikee?

We're not here just to eat. We're here to practice him on how would he handle dates with a man. Dates kung sakali na si Mikee na ang kasama niya.

Now, what would you do?

Pinanood ko siyang biglang tumayo. I am anticipating his next moves. Mula sa pagtitig, unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang ilapit niya ang upuan niya sa tabi ko at naupo roon. He sat sideways paharap sa akin. Ang isang braso ay sa likod ng aking upuan habang ang isa ay sa harap ng mesa. I felt like I got caged by a gentle prince who only had his eyes for me.

"Is this romantic enough?" he asked, looking intently at me. "Sabihin mo lang, pagsisilbihan kita."

Mainggit kayo! At kunwari lang 'to, ha?

Maryosep, lumuwag yata ang garter ng brief ko mga bakla. Hindi ako nakahinga. Kailangan ba talaga niya ng tulong ko? Not even Richard did this thing for me before. Hanggang subo-subo lang sa public ang kingina na iyon. This was beyond my expectations of this man. Akala ko ang maiisip niya ay subuan lang ako ng pagkain sa harap ng mga tao, but this?

This guy was a natural!