Chapter 5-Unexpected
[Vida's Point of View]
"Ano ba ginagawa mo, Faye?" nakabusangot kong tanong sa kan'ya habang nilalagyan n'ya ako ng blush on sa pisnge.
"Ugh, Vida. 'Wag ka na lang malikot please. Hindi pa ako tapos."
"Hindi naman kasi pupunta sa party or anong occasion. Pupunta ako roon para magtrabaho, magpaint."
"Oh, gurl, you're getting into my nerves. Nagmimake-up lang ba kapag may mga party party? Of course need mo magmukhang presentable at maganda. Para naman mas ganahan si Mr. Camero na magpacommission sa'yo diba?"
"Kahit pa, ayoko pa rin." Kinuha ko ang tissue paper na malapit lang sa'kin. "Saka ikaw, dahan-dahan ka sa paggamit mo ng words, panget pakinggan ng 'ganahan'."
Nagpipigil ito ng tawang tumingin sa akin. Pupunasan ko na sana ang pisnge ko pero bigla naman s'yang nagsalita.
"Aish, hindi mo talaga naaappreciate efforts ko."
Huminga ako ng malalim sabay tumingin sa salamin. Nagtama ang mga mata namin kaya inirapan ko s'ya.
"Okay, okay. Sige na hindi ko na pupunasan." Iniwasan ko ang tingin n'ya. Rinig ko naman ang mahina nitong tawa mula sa likod ko. Kainis 'tong babae na 'to, palagi akong pinapakonsens'ya.
After the over all look process na ginawa sa'kin ni Faye, hindi na n'ya ako tinigilan kakacompliment sa hitsura ko. Pati si Lola nakikisali na rin, paulit-ulit niyang pinupuri 'yong pagpapaganda daw kuno sa akin ni Faye. Minsan napapaisip talaga ako e kung ako ba talaga ang tunay na apo ni Lola o si Faye. Charot.
Picture dito, picture doon. Pose dito, pose doon. 'Yan pinaggagawa sa'kin ng napakatino kong bestfriend. Minake-upan n'ya nga ako, pero parang wala na rin kasi nahagardo na ako sa mga kabuangan n'ya.
"Are you ready, my dear?" tanong n'ya na mukhang sabik na sabik sa sagot ko. Last week, super ready at excited ko pa. Pero ngayon, ugh nevermind.
"Dear ?! Answer me!"
"Faye, tumigil ka na. Wag mo na ako asarin. Hindi na nakakatuwa."
Pinilit ko namang maging seryoso pero 'di rin naman gumana.
"Vida, tigilan mo rin ako d'yan sa drama mo. Bilisan mo na baka malate ka. Naku, hindi ka na—"
"Oo na. Oo na nga diba. Stop ka na d'yan. Umiinit na ulo sa'yo. Shuta ka."
Tuwang-tuwa itong pinisil ang pisnge ko. Sumakay kami sa motor na dala n'ya, hiram n'ya lang sa kan'yang Papa. Hinatid n'ya ako sa coffee shop na pinag-usapan namin ni Mr. Camero kung saan kami magkikita ngayon. Sabi n'ya kasi gusto daw n'ya na makausap muna ako personally bago ko gawin ang mural painting.
Kinawayan pa ako ni Faye bago ako tuluyang pumasok sa coffee shop. Sinabi n'ya rin na susunduin n'ya na lang ako afte ng meeting namin.
Iginala ko ang paningin ko sa loob at agad ko namang nakita si Mr. Camero na naroon na sa isang table. Shuta, late na yata ako.
"Hello, Sir. Goodmorning. Sorry, I'm late. "
"Ahhh, no. I just came here. Don't worry."
Lumiwanag naman agad ang mukha pagkasabi n'ya non.
"Hmm, sa'n ba ta'yo magsisimula?" aniya.
"Ahh, h-hindi ko rin alam, Sir. Kinakabahan po ako," payak akong tumawa para mabawasan kahit papaano ang kaba na nararamdaman ko.
"Don't feel nervous. I don't eat people, "ani Mr. Camero. Pareho kaming napahagikhik. "Ahh, since you're here with me, why don't we just come to my house so I can show you the walls I want you to paint? Hmm? What do you think? "
Ano daw? Sana pala pinadiretso n'ya na lang ako sa bahay nila kung gano'n.
"Sure po hehe."
"Kay, let's go."
Sumakay kami sa kotse n'ya at tahimik lang talaga ako sa byahe. Mabuti na lang mga 15 minutes nakarating na rin kami agad sa bahay nila.
Pagkadating namin doon, hindi ko ma matikom ang bibig ko dahil sa sobrang pagkamangha. 'Yong labas ng bahay mukhang simple lang, pero ang loob—Grabe, nakakaamaze.
Medyo nag-alinlangan na tuloy akong tumuloy. Feeling ko lahat ng mga kagamitan at tao dito sa bahay na ito, ay definition ng perfection. I'm worried baka hindi ko mameet ng painting ko ang standard dito. Huwag naman pati sana akong magkamali.
"Vadi, come here."
"Vadi?... It's Vida po, not Vadi."
"Oh hahaha. Sorry, I forgot."
Ngunit bigla ay tumunog ang cellphone ni Mr. Camero. Nag-excuse muna s'ya sa'kin para daw sagutin ang tawag.
Habang naiwan ako mag-isa, hindi ko maiwasang ipagala-gala amg paningin ko sa bawat sulok ng kinaroroonan ko. Ang ganda talaga. At doon, nahagilap ng mata ko ang isang malaking picture frame sa wall malapit lang sa akin, kaya lumapit ako.
Mukhang family picture ito.
"Hello, Vida? Hindi ba obvious?!" asa isip ko.
Bale apat lang pala sila. Si Mr. and Mrs. Camero at saka dalawang anak nila. Isang babae at lalaki. Akala ko dati isang dosena mga anak niya.
"Nice. Sana all," sabi ko sarili ko. "Kelan kaya ako makakatitig ng ganito sa sarili naming family picture? Kahit family pic wala man lang kami." Mapait akong ngumiti.
Pero sa 'di inaasahan, nang tumingin ulit ako sa frame biglang nagrehistro sa utak ko ang mukha ng anak ni Mr. Camero.
"Omg. Anak s'ya ni Mr. Camero? Or kamukha lang?" Pinakatitigan ko ulit ang picture. "Hala! Kamukha talaga."
"Vadi, let's go to the second floor."
Nabalik ako sa sarili ko nang tawagin ako ni Sir Camero. Agad naman akong tumango at sumunod sa kan'ya.
Wait. Tama ba narinig ko? Tinawag n'ya na naman akong Vadi? Gano'n ba takaga kahirap ipronounce name ko ha?
"Manang Felicita, magprepare ka ng snacks para sa bisita," ani Mr. Camero sa maid na dumaan.
"Okay, Sir."
Dinala n'ya ako sa ikatlong kwarto na nadaanan namin. Nakapinta ng white ang buong walls. At mukhang kapipintura lang. Sobrang laki pa mng loob. Shuta, kaya ko ba 'to? Actually, kung matutuloy ito 2nd time pa lang ako makakapagmural paint at hindi ko pa talaga gamay ang ganitong medium. Nakakatakot naman baka 'di ko silq masatisfied sa gawa ko.
"Vadi, ito ang room na sinasabi ko sa'yo."
"Ahh, so buong room po ang pipinturahan?"
"Yeah. Siguro. Kaya mo ba?"
"S-syempre naman po."
"Good."
"Ahm, kelan po mags-start?"
Tumingin muna s'ya sa orasan sabay sa akin. " Ahm, it's up to you. Anytime, if you're free. I'm not in a rush anyway. "
"'Uhh medyo malapit lang naman po ang apartment ko dito, so baka sa Monday masimulan ko na. Every after my classes po ako pupunta, kung okay lang po sa inyo."
"Definitely fine with me. Pero depende pa rin 'yan sa mapagkakasunduan n'yo ng anak ko."
Nangunot ang noo ko. "Anong ibig n'yo pong sabihin?"
"Ah hindi ko pa pala nasasabi sa'yo. This room belongs to my son, and you still have to talk to him for some agreement. "
"Ano? Bakit 'di nyo po agad pinaalam sa'kin? Akala ko ba ikaw ang kliyente ko?"
Bakas sa ekspresyon n'ya ang pagkagulat. Pati nga ako nagulat din. Bastos ba pagkakaaabi ko?
"Shuta naman, Vida. Hindi ka pa naman sure kung si Dion nga ang anak n'ya," pangumbinsi ko sa sarili ko.
"Vadi, I'm your client here. I just want to consult my son about the theme he wants or the style he prefers, since he is the owner of this room. May masama ba doon?"
"W-Wala po hehe."
"Okay, I'll just call my son and you just wait him. If that's alright with you?"
"Okay po."
Bumalik s'ya baba at naiwan akong mag-isa. Maya-maya ay dumating naman ang maid na inutusan kanina ni Mr. Camero dala ang fries, ice cream at juice sa isang tray. Katakam!
"Thank you po," pasalamat ko sa kan'ya. Mukhang nasa 30's or 40's na s'ya pero ang ganda pa din.
"Ikaw si... Vadi?"
Muntik ko ng mailuwa ang juice na nasa bibig ko. Ano bang meron sa kay 'Vadi'? Hindi naman ako 'yon.
"Okay ka lang?" tanong n'ya.
Tumango naman ako. "Ako po si Vida not Vadi. Vida Resores."
"Resores?"
"Yes po? May problema ba?"
Payak itong natawa. "Wala naman... Enjoy mo ang snacks, Vida. Kailangan ko ng bumalik sa kusina."
Nginitian n'ya ako kaya nginitian ko rin s'ya. Parang may nafifeel akomg kakaiba sa kan'ya pero hindi ko na rin pinakaisip pa iyon.
Naiwan ulit akong mag-isa. Kung kaya't kinuha ko na ang phone ko para naman hindi gaanong mabore. Sunod-sunod na lumabas ang notifications na messages galing kay Faye. Kaya naman agad ko itong binuksan.
"Dear, keri mo 'yan!"
"I believe in you. I believe in your charisma */nagwink"
"Isa kang alien na bumaba sa earth para makapagmural paint sa bahay ni Bruce Camero." Natawa na ako dito sa pangatlong mensahe n'ya.
"Go seksi! Go seksi! Go seksi seksi Love!"
Madami pa s'yang messages at lahat yon puro mga nakakatawa.
"Boyfriend mo?" boses na nagmula sa kung saan.
"Hindi a," sagot ko naman.
"We? Sure? Bakit ngiting-ngiti ka d'yan?"
"Ugh, ang kulit mo naman. Ano ba pake mo?—Shuta!" Doon ko lang narealize na may kausap pala talaga ako. At 'yon ay walang iba kundi si Dion the gonggong.
"Ano'ng ginagawa mo dito? Bakit ka nandito ha?"
"Huh? I'm here because my dad called me. And obviously, bahay namin 'to. So why surprised?"
Shuta, sinasabi ko na nga ba. Tompak talaga. S'ya ang anak ni Mr. Camero. Arghh, gusto ko umiyak.
"Uh okay. In case you don't know me yet, I'm Cole Dion Camero and I'm nineteen."
"Aish, wala naman akong pake kung may pangalan ka o wala," naiirita kong sabi. "Nakapagdecide na ako, hindi ko na lamg itutuloy," dagdag ko. Tumayo ako at maglalakad na sana paalis subalit bigla s'yang nagsalita.
"Hey, diba nakapag-usap na kayo ni Dad? Hindi ba magmumukhang bastos kung lalayasan mo na lang ako? gaya ng ginawa mo sa akin sa una?"
"Tangina Anong pinagsasabi mong gonggong ka?"
"Gonggong what? Watch your words. Ang panget tingnan sa babae. Not even pleasant to hear."
Tumingin ako sa ibang side at nag-isip. Final na ba, Vida? Sasayangin mo na lang yong opportunity? Alam mo na malaki ang kikitain mo dito. Kasya or sobra pa sa paggagamitan mo ng pera. Isa pa, gusto mo bang madisappoint sa'yo si Lola Clarita at Faye 'pag nalaman nila ang walang kwenta mong rason? Umaasa sila sa'yo, Vida. Isipin mo.
Naiinis kong pinikit ang mga mata ko.
"Fine. Gagawin ko na. Mag-usap na tayo sa mga kakailanganin ko at gusto momg theme."
"Good... Sit down and let's talk about it. "
Tsk. Kung hindi lang talaga para kila Lola at Faye, magbaback-out na talaga ako.