Chapter 4: Good News
[Dion's Point of View]
Napakasariwa ng hangin dito sa labas, hindi malagkit sa balat unlike sa syudad. If I had to choose between the province and the city, I'd always go with the province. The countryside is far more peaceful than the city. Although hindi gano'n karami ang mga buildings at establishments, marami namang mga natural sceneries.
Here I am on the terrace, still composing the poems for that special someone I really awe. I'm not sure why, but whenever I think of her, so many words come to mind that I eventually form lines in every stanza of the poem I'm working on.
I put on my headphones and listened to the violin cover songs I had downloaded earlier. When I listen to music while writing, I feel more at ease.
I was writing peacefully when a bottle almost fell on my head suddenly. "What the hell?"
Muntik na ako matamaan sa ulo. Kung hindi siguro nakasara ng mabuti ang takip, malamang nabasa na ako ng laman nitong tubig.
Tumingin ako sa baba para malaman kung sino ba ang bumato ng plastic bottle sa akin. And there, nakita ko ang isang babaeng tumatakbo papalayo dito sa bahay namin.
I dashed down the stairs at lumabas ng gate pero hindi ko na nakita pa ang babae. I shook my head and a curved formed to my lips.
I recognized her.
"But why is she so irritated with me? Wala naman akong ginawa sa kan'yang masama a?" tanong ko sa sarili ko.
Like seriously? Hinanap n'ya talaga ako para lang batuhin ng bote? Ha?
"'Pag nagkita kami ulit, I'll make sure na magbabago ang impression n'ya tungkol sa akin. Gusto ko na malaman n'ya ang totoong ako, para hindi n'ya ako pag-isipan ng masama. Because I'm not that kind of person."
But the more na nagpapakita s'ya sa'kin. The more na nagkakaroon ako ng interes na makilala pa s'ya ng lubusan.
Interesado ako sa kan'ya. She's definitely interesting.
[Vida's Point of View]
"... You are more than the glamorous flowers I've ever seen,
Your unreal meaning and symbolism,
There is no need to compare to anything else.
Because you are unique; you are exceptional and peculiar, my love... "
Matapos n'yang tumula agad s'yang lumapit sa'kin at sinalubong ko naman s'ya ng halik sa labi. His words and lips are the same. It tastes sweet and genuine.
"Galing mo talagang tumula, Love," abot-taingang ngiti ko sa kan'ya.
"My poems are great because you are my subject, my love."
"I love you, Dion. I love you to the moon and back."
Muli ay hinalikan ko s'ya. Mas malalim at mas matagal kaysa sa nauna. Malakas ang kabog ng dibdib ko, at I know na si Dion ang dahilan nito.
Sinulit namin ang moment na 'yon.
We're both happy not until... nagising ako.
"Vida?!"
Nagising ako na tubig ang sumalubong sa'kin.
"Waahh!!! Lola! Ba't mo 'yon ginawa??"
Mabilis akong kumuha ng tuwalya pantuyo sa nabasa kong katawan.
"Sensya na, Vida. Ikaw kasi pinag-alala mo ako, hindi kita magising. Akala ko binabangungot ka na," medyo balisa ding tugon ni Lola Clarita.
Oo, La. Talagang binangungot ako. Shuta. Thanks God, pinagising mo 'ko kaagad.
"S-Sorry La, nag-alala ka pa tuloy." Jusko baka tumaas na naman ang presyon n'ya. Pumunta ako sa kusina at kinuhaan s'ya ng maligamgam na tubig.
"Salamat," aniya pagkainom n'ya ng tubig na binigay ko.
"Okay ka na ba, Lola?"
"Mm. Ayos na ako. 'Wag mo na'ko alalahanin. Ayusin mo na lang sarili mo at saka 'yang cover ng kama, ibilad mo sa initan para matuyo agad."
"Hays, ba't mo pa kasi ako binuhusan ng tubig, La. Pwede naman sanang piningot n'yo na lang ako o sinampal. Dagdag tuloy sa gawain ko," pag-angal ko sa kanya.
"Ikaw, Vida, 'wag kang patamad-tamad d'yan. Pasalamat kasi ginising kita mula sa bangungot mo," tumayo s'ya sabay hagis ng unan sa akin.
"Gawin mo na lang agad at pagkatapos sumunod ka roon sa lamesa. Malapit na maluto 'yong adobo ko," dagdag n'ya bago tuluyang umalis.
"Salamat, La!" pahabol kong sigaw sa kan'ya.
"Walang anuman! Bilisan mo na d'yan!"
Napangisi ako. Pero agad ding nabalik sa inis na naramdaman ko kanina.
"Arghhh!!" Paulit-ulit kong sinampal ang sarili ko.
Shutaa ba't naman gano'n 'yong panaginip ko? Ba't ko s'ya napanaginipan? Tas kahalikan ko talaga ang pota. Like as in?! Sabi pa naman ni Faye sakin dati, kapag daw napanaginipan mo ang isang tao ibig sabihin gusto ka daw nilang makita.
"Super duper imposible naman yon. Ba't n'ya naman ako gustong makita? Para ano? Para asarin ulit ako? Para hasikan ulit ako ng kamalasan?"
"Pero what if ano—" napatakip ako ng bibig ko nang may biglang nagpop up sa utak ko.
"What if nalaman n'ya na ako ang bumato sa kan'ya? What theeeeee!"
"Vida! Bilisan mo na d'yan!" biglang sigaw ni Lola mula sa kusina.
Nga pala shuta. Dali-dali naman akong kumilos para makaabot sa umagahan namin ni Lola.
Matapos kong gawin lahat ng inutos ni Lola, dumiretso na rin ako sa kusina para sabayan s'yang kumain ng almusal. Pero hanggang sa pagkain at maging sa paghugas ko ng pinggan, si Dion the gonggong pa rin ang umuukopa sa isip ko.
Nasa isip ko s'ya buong araw.
"Vida, akala ko ba gagawa ka ng assignments mo ngayon? Bakit nakatayo ka pa rin diyan?... Jusko, Vida! Ang halaman ko—nilulunod mo na sa tubig ang rosas ko!"
"Lola? May sinasabi ka?" Napatingin ako sa hawak ko na hose pandilig. "S-sorry La!" pag-papanic ko.
"Vida naman, hindi mo iniintindi 'yang ginagawa mo."
Inagaw n'ya sa'kin ang hose at pinatay ito. "Ano ba iniisip mo? Kaninang umaga ka pa lutang."
"Sensya na, La. In-inaantok lang siguro ako. Kulang ako sa tulog e."
"Hala, sige. Pumar-on ka na sa kwarto mo at magpahinga ka. Ako na bahala dito."
"Hindi na Lola. Tatapusin ko na muna 'to," pagsuway ko sa kan'ya.
Pero agad n'ya akong minuraratan ng mata kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob. Kapag ganon kasi si Lola need ko na talaga s'yang sundin. Kahit dalaga na ako, namamalo pa rin s'ya ng tsinelas. At ayaw kong gawin n'ya 'yon. Nakakahiya kaya.
Katulad nga ng sinabi ni Lola, natulog na muna ako. Iniisip na sa paggising ko, magiging okay na ang lahat at hindi na ulit guguluhin ni Dion the gonggong ang utak ko.
Pero nagkamali ako kasi mas naging malala lang ang lahat. Mas naging madalas na ang pagpapakita ni Dion sa panaginip ko. Araw-araw, laman s'ya lagi ng isip ko. Hindi na ako makapagconcentrate. Feeling ko lahat ng gagawin ko konektado sa kan'ya. Hindi na rin nga ako makapagfocus sa paggawa ng artworks pati sa pag-aaral ko. Lalo na kapag merong discussion, jusko wala talagang pumapasok sa utak ko. Feeling ko mababaliw na ako.
Need ko na yata pumunta ng mental. Aish.
Ayoko naman sabihin pa kila Lola at Faye. Baka kung ano lang ang isipin nila at akusahan pa ako na naiinlove na ako—Wait what?? Pa'no nga kung inlove ako? Shuta. Napakaimposible naman.
Hate na hate ko kaya ang lalaking 'yon.
Pero dahil sa sobrang curious ako at medyo nagwoworry na rin sa kalagayan ko kasi nga naaapektuhan na nito lahat ng ginagawa ko sa araw-araw, nagconsult na ako kay g**gle.
"What does it mean if you keep dreaming about someone?" pagsasalita ko sa microphone.
"Constantly dreaming about someone can indicate that they are really missing or thinking about you."
"What?!"
"G**gle, what does it mean if you can't stop thinking about someone?"
"Thinking constantly about a person and can not prevent it, it usually means you want to spemd time with them, want to know more about them, or want to know more about what they are."
"Ano daw?!"
Nagscroll-scroll pa ako at pinindot ang isang website. Malakas ko itong binasa.
"According to psychology, when you can't stop thinking about someone it means that you are feeling a strong emotional attachment to that person ... The feeling is so powerful that it becomes almost an obsession and causes you to distract yourself from mundane things in your life.
"Ob—Obsession? Apakasinungaling naman nito. Pa'no naman ako magiging obsessed don? Iww. Pa'no bang nangyaring obsessed, e inis na inis ako sa kanya?"
Baka lumala pa 'to, titigil na nga.
Papatayin ko na sana ang phone ko nang may biglang nagpop na notification.
"Bruce Camero." Halos malaglag ako sa upuan nang mabasa ko ang name ng sender. Shocks. Ba't ako minessage ni Mr. Camero?
Fyi, si Mr. Camero ay isa sa mga influential people dito sa probinsya namin. S'ya rin ang may-ari ng binabalik-balikan na restaurant dito sa amin.
Kaya sobra ako talaga akong ang nagulat kong bakit n'ya ako minessage. O baka naman kaname lang.
Kumakabog ng malakas ng dibdib ko, kaya nagpalipas muna ako ng mga 10 seconds bago tuluyang binuksan ang message n'ya.
"Hi, Vida. I've just seen your artworks from a f***book page where it was featured. I really really like your art style and it's so pleasing to see. I would love If you are willing to do a mural paint on my house. Are you interested? If you are, then just let me know so we can set an schedule."
Pumalirit ako ng malakas after kong mabasa ang message ni Mr. Camero.
"Lola!!" Tumakbo papunta sa kwarto ni Lola para ipaalam sa kan'ya ang magandang balita.
Pati s'ya napatili na rin dahil sa tuwa. Sobra s'yang natuwa para sa'kin, at ako naman natuwa para sa pera hehe. Nang makita ko na ag ang saya-saya, mas lalo akong ginanahan na tanggapin ang alok sa'kin ni Mr. Camero.
Ininform ko na rin agad si Faye, nong malaman n'ya kagyat naman s'yang nagpunta dito sa bahay. May dala-dala ng pizza at drinks para daw icelebrate namin. Sabi n'ya treat daw muna n'ya ngayon, dahil sa susunod ako naman daw ang manlilibre kapag nabayaran na ako.
Oh, thanks God. Bumabalik na ulit ang swerte sa buhay. Tapos na ang kamalasan na dulot sa'kin ni Dion the gonggong.