Chapter 17
PAGKATAPOS nilang kumain dahil maaga pa naman niyaya muna ni Clark si Tamara sa mall para maglalakad. Sa Robinson sila pumunta. Gustong yayain ni Clark na panood muna sila ng sine kaya lang masyado nang gabi pag lumabas sila baka magalala ang tiya ni Tamara kung gabihin sila masyado maglalakad na lang muna sila.
Habang nagpalakad sila napapatingin si Tamara sa mga damit na nakadisplay sa mga shop magaganda kasi. Napansin ni Clark ito."You want to look?" sabi niya.
Napailing si Tamara may dala naman siyang pera kaso baka hindi kasya.
"Are you sure, honey?"
Nakangiting tumango si Tamara. Saka na siya bibili ng damit magpapasama na lang siya sa tiya Emily niya.
Sa totoo lang gustong dalhin ni Clark si Tamara sa loob ng shop lalo na Zara pero pinigilan niya ang sarili hindi ito ang tamang panahon.
Nang mapagod sila pumasok muna sila sa Starbucks para bumili ng maiinom nila. Pagkabili umalis din sila para umuwi na.
Pagkahatid ni Clark kay Tamara hindi na siya pumasok pa sa loob."Go, honey take a rest okay."
"Sige, mag ingat ka."
Nakatayo lang si Clark nagtaka naman si Tamara."Bakit?" tanong niya.
"How about my kiss? I mean my goodnight kiss, honey?"
Napangiti si Tamara aba namimihasa na ito na makahalik eh. Pero ang ginawa niya mabilis na hinalikan ang pisngi ni Clark.
Napailing na napangiti si Clark well ang gusto niya sa labi pero okay na rin marami pang araw na magkasama sila."Goodnight, honey."
"Goodnight, ingat ka ha!"
Tumango si Clark at pumasok na sa sasakyan niya.
Pumasok naman na si Tamara sa loob ng wala na si Clark. Dahan-dahan ang ginawa niyang pagbukas sa pinto alam niyang tulog na ang tiya niya.
Pagpasok niya sa kanyang silid nagpalit lang siya ng damit at may ngiti sa labi na humiga na. She feel good dahil naging smooth ang date nila ni Clark.
Pagkadating ni Clark sa bahay nila gulat siya dahil nakaupo ang ina sa sala."Mommy, what are you doing here?" sabi niya habang papalapit sa ina.
Tumayo ang ginang at sinalubong ng yakap ang anak."I miss you kaya ako narito, hijo."
"Bakit hindi ka nagsabi nauuwi ka ngayon para masundo kita?"
Umiling ang ginang." I want you to be surprised, hijo."
"Oh, yeah you did, mommy."
"Akala ko hindi ka uuwi, hijo. Well saan ka ba galing?"
Ngumiti si Clark."A date, mommy."
Hindi na ito bago sa ginang."Date? Kailan ka ba magtitino ha, Clark? Ikaw na lang ang hinihintay namin to make a family."
"Don't worry, mommy, soon."
"Really when that soon hijo? Maraming soon na darating."
Niyakap ni Clark ang ina."Basta, mommy. I promise you will meet her."
"Hay mabuti naman kung ganon, hijo, para maging panatag ang kalooban ko."
"Mommy, pahinga kana alam ko pagod ka sa mahaba mong biyahe dapat hindi mo na ako hinintay pa."
"Gusto kasi kitang makita bago ako matulog, hijo. So, now I can sleep well dahil narito ka sa bahay."
"Let's go upstairs, mommy."
Tumango ang ginang inalalayan naman ni Clark ang ina pag akyat nila sa hagdanan.
KINAUMAGAHAN gaya ng sabi ni Clark sa mag tiya na puwede silang huwag magbukas sa puwesto muna nila. Kung kayat kampateng naglilinis ng bahay si Emily. At hinayaan ang pamangking na matulog. Pero dahil sanay si Tamara na magising ng maaga.
"Tiya, ako na po diyan."
"Kay aga mo naman nagising, Tamara."
"Tiya, ganitong oras naman tayo nagigising di ba?"
"Oo, pero hindi naman tayo magbubukas ngayon. Day off ba."
Napangiti si Tamara ngayon lang ginawa ng Tiya ito.
"Day off? Kung ganon lalabas tayo, Tiya?"
"Puwede rin. Saan mo ba gustong pumunta?"
Napaisip si Tamara matagal na rin siyang hindi namamasyal mula ng tumutulong siya sa puwesto ng tiya. Well excepted ang nangyari kagabi sa kanila ni Clark date nila iyon eh.
"Tiya, sa MOA."
"Oh siya, para makabili tayo ng mga bago mong damit."
"Tulungan na kita Tiya, para mabilis tayong matapos."
"Mabuti pa nga."
Masiglang nagtulong ang mag-tiya sa paglilinis ng bahay para makaalis sila agad.
"CLARK, hijo, may pupuntahan ka ba ngayon?" tanong nang ina habang nag aalmusal sila late na nga eh mag eleven na going to lunch na nga late din kasi siyang nagising well he had good sleep last night.
"Well sa office, mommy, pero puwede naman na hindi ako papasok ngayon. Dahil tonight may gala party akong dadaluhan why, mommy?"
"Okay good, kung ganon puwede ka pala ngayon," naging maaliwalas ang mukha ng ginang.
"Puwede? Where, mommy?" gustong kumunot ang noo ni Clark, pero ayaw niyang ipakita sa ina.
"Ano pa ba, shopping hijo. Please come with me ngayon lang naman ito di ba? Kahit kailan hindi pa kita nakasama mag window shopping."
"Mommy, you just come back here you take a rest."
Umiling ang ginang gusto niyang lumabas namiss niya ang Pilipinas eh.
Gustong magpahinga ni Clark, dahil mamaya may party nga pero hindi naman siya makatanggi sa ina gaya ng sabi nito ngayon lang humiling na samahan ito. Sabagay baka hindi ito magtatagal dito baka babalik din agad sa America.
"Okay, mommy, saan mo ba gustong pumunta?"
"Oh, thank you, my son. I'm so lucky today because I have a handsome driver and a bodyguard," biro nito.
"Oh yeah, I am proud to be your driver and bodyguard today, my beautiful mother!"
"Oh, nangbola ka pa, hijo," makikita sa mukha ng ina ni Clark ang saya.
"I'm not, mommy. Sabi mo nga handsome ako, saan pa ba ako magmamana too you and dad, right?"
"Whatever, hijo. So, finish your food and let's go."
Gusto pa sanang palitan ni Clark ang damit. Naka kaki pants at white t-shirt lamang siya. Sa nakikita niya sa ina ready na."Sure, mommy." kanyang tugon.
MOA.
Makikita sa mukha ni Tamara ang saya. Tila bata pa nga siya.
"May nakita kana bang nagustuhan mo, Tamara?" nasa iyon shop sila ng damit pang babae.
"Tiya, ang mamahal naman pala ng mga damit dito."
"Saan mo naman gusto sa ukay-ukay! Puwede sige mura doon."
"Okay naman ang ukay-ukay Tiya, maganda rin."
"Sus, sige na tumingin ka na, para pag niyaya ka ni Clark. May maisusuot ka, teka di ba pinaalam ka niya na mamayang gabi isasama ka sa party?"
"Opo, Tiya."
"Ganoon naman pala, ano pa ang hinihintay mo hala, pumili kana ng isusuot mo para mamaya," pagtataboy niya sa pamangkin.
"Sige po Tiya, maghanap ako ng mura lang."
"Oh siya, ikaw ang bahala. Doon muna ako sa mga sapatos, pagtapos kana sumunod ka ha."
"Sige po, Tiya."
PASUNOD-SUNOD lang naman si Clark sa ina.
"Hijo, sa party na dadaluhan mo mamaya, sino sa mga woman mo ang iyon kasama?"
"Meron, mommy, pero isa lang ang woman ko ngayon."
Tumaas ang kilay ng inang humarap sa kanya. Dahil hindi ito naniniwala sa kanyang sinabi.
"Mommy, ang kilay mo put it down, para kang terror teacher niyang."
"I heard something new from you, hijo." "
"What's new, mommy?"
"That isa lang. Well, who is that woman? Kilala ko ba siya?"
"Nope, mommy, she's a simple lady that I meet," habang magsasalita si Clark there is a spark to his eyes.
Kitang-kita ito ng ina. At napangiti ang ginang.
"Hmmm, saka na natin siya pag-uusapan diyan muna ako. Gusto mo ba akong samahan, hijo?"
"Mommy, for ladies lamang ang shop na iyan."
"Hijo, ang gusto ko ikaw ang pipili ng isusuot ko sa party na dadaluhan ko."
"I thought, mommy, pag dumadalo ka sa mga party. Eh, nagpapahati ka ng dress mo sa kilalang designer, ngayon bibili ka?"
"Biglaan kasi hijo, ora-orada ba na mag-iimbita siya ng malaman niyang dumating ako, hindi naman ako maka hindi because she's my amiga."
"Okay, mommy. Just take a look. I look around naman kung may makita akong magugustuhan ko."
"Magugutuhan mo para kanino naman, hijo?"
Ngumiti si Clark sa ina."For my woman, mommy." naisip niya si Tamara baka may makita siyang puwede nitong isuot mamaya sa party na pupuntahan nila. Okay lang naman sa kanya na simple lang ang isusuot nito but she need to dress up property.
"ANG mahal naman! Tama nga si Tiya, sa ukay-ukay na lang kami," pabulong-bulong ni Tamara matapos niyang tignan ang mga tag price.
Patingin-tingin naman si Clark, ng may makita siyang babaeng nakatingin sa isang damit napakunot noo siya."Hmmm. Siya nga ba iyan?"
Dahil curious si Clark umikot siya para makita ang mukha ng babae para makasigurado rin.
Nang makita ito napangiti siya bigla. The woman he love nga ito. Pangiwi-ngiwi si Tamara ng makita ulit ang tag price ng damit.
Natatawa si Clark sa itsura ng dalaga.
"Maganda nga kaso ang mahal talaga, kahit na may pangbili ako never kung bibilhin ito. Hay makalabas na nga rito."
Nilapitan naman ni Clark ang isang sale lady mayroon siyang sinabi tumango naman ito. At kaagad na nilapitan si Tamara na paalis na.
"Ma'am, do you like that dress?" Turo nito sa damit na tinignan niya.
Ngumiti lang si Tamara, ayaw naman niyang sabihin oo dahil hindi niya bibilhin.
"Ma'am, puwede mong isukat."
"Naku hindi na, baka masira ko pa.
Ngumiti ang sale lady kinuha nito ang damit binigay kay Tamara.
Nagtaka naman si Tamara."Miss, salamat ha, pero hindi ko ito kukunin."
"Like that dress right?" biglang sabat ni Clark mula sa likuran ni Tamara.
Kumabog kaagad ang dibdib ni Tamara she knows that voice. At awtomatiko siyang napaharap dito.
"Clark?"
"Yes, honey!" malambing niyang tugon.
"A-anong ginawa mo rito?"
"Hmmm, I'm with my mother!"
Tinatambol lalo ang dibdib ni Tamara."Ga-ganon ba, maiwan na kita. Clark, si Tiya baka hinahanap na niya ako." aba baka ipakilala siya ni Clark sa ina hindi pa siya handa kaya.
Pahakbang palang si Tamara, ng pigilan siya ni Clark. At hinawakan ang kanyang braso."Not so fast, honey. Hindi mawawala si Tiya,"
"Pe-pero, Clark!"
Ang ina ni Clark kanina pa ito nakatingin sa kanila. Nang hindi nakatiis lumapit sa dalawa."Hijo, who's she?"
Sabay silang napatingin sa ginang dumadagungdong ang dibdib ni Tamara, sa tingin kasi niya masungit ang ina ni Clark. Well sa tindig at itsura nito very smart and sophisticated.
"Mommy, meet Tamara. Also, meet my beautiful mother, honey. "
Overwhelming ang pakiramdam ni Tamara sa tinuran ni Clark. Any moment aagos na ang kanyang luha.
"My gosh, hijo, she's the one that you told me about just now!" may excitement sa boses nito.
"Yes, mommy, my honey, Tamara!"
Niyakap pa ni Clark ang dalaga. Doon na nalaglag ang kinikimkim na luha ni Tamara.
"Son, you made her cry!" The lady approached and caressed Tamara's back."Well, I understand why! Even me, I will cry too. I can say now that my son loves you, hija."
Gustong humagulhol ng malakas ni Tamara. Siyempre hindi niya magawa kagat labi na lang siya para hindi humalpas ito. At Sino ba naman ang hindi, masasabing she's a very lucky lady. At mga tao sa paligid nila nakangiti lalo na ang mga employees ng shop ngayon lang sila nakasaksi ng ganu'n tagpo.
Pahikbi-hikbi na lang si Tamara hiyang-hiya siya lalo pa't nasa harapan niya ang ina ni Clark. Mali pala ang nakikita ng mata. Sa paghawak nito sa kanyang likuran ramdam niya na mabait ito.
"Are you okay now, hija?"
Nahihiya siyang sumagot sa ginang tango ang kanyang tugon.
"Mommy, nahihiya siya sa iyo, I feel it."
"It is okay, I understand naman hijo, unexpected meet kasi kami ngayon."
"So, mommy, may nakita ka na bang dress mo?"
"Wala pa nga, hijo."
"How about, kumain muna tayo, then we buy your dress, mommy."
"Mabuti pa nga hijo, para naman makakuwentuhan ko si Tamara, okay lang ba sa iyo, hija?"
Doon na ngumiti si Tamara."Opo!" kiming tugon niya.
"O, lovely smile, hija," puri ng ginang.
"Salamat po!"
"Welcome hija. So, let's go!"
Sinenyasan naman ni Clark ang sale lady na ibalot ang damit at babalikan niya ito. Nakangiting tumango ito.
Tamang paglabas nila siya rin ang bungad ng tiya ni Tamara ng makita sila naglalakihan ang hakbang na lumapit sa kanila.
May pagtatakang tumingin si Emily kay Clark.
"Magandang araw, Tiya," bati ni Clark.
"Ganoon din sa iyo, Clark. Tamara, kanina pa kita hinahanap! At bakit magkasama kayo?"
"Tiya, mamaya na kayo mag usap ni Tamara, by the way po meet my mother, Tiya."
Sa nakitang itsura ni Emily sa ina ni Clark nang liit siya.
"Hi, nice to meet you, I'm Cecilia."
"Emily, na lang, Ma'am!"
"Nice to meet again, Emily," lumapit ginang at bineso ito.
Walang masabi si Emily first time niyang may gumawa nito sa kanya. At alam din niya na pang mamayaman ang ganun pagbati.
Pumasok sila sa isang Chinese restaurant.
Unang pagkikita nila pero pakiramdam ni Tamara welcome siya sa ina ni Clark.