Chapter 18

ISANG masayang lunch ang namagitan kina Tamara Clark kasama dalawang taong mahalaga sa kanila. Ika nga eh, everything's settled boto ang isat isa sa kanila. Kahit na lupa at langit pa ang namamagitan sa kanila. Ang mahalaga ay ang sumibol na wagas na pag-ibig sa kanilang puso.

Habang kumakain ng dessert ang tatlong babae nagpaalam si Clark.

"Mga magagandang binibini, maiwan ko muna kayo sandali."

Napapatingin ang tatlo kay Clark na tumayo. Ang ina ang nagtanong.

"Saan ka naman pupunta, hijo?"

"May kukunin lang ako, mommy. Tama lang pagbalik ko tapos na rin kayong kumain ng dessert."

"Okay hijo, huwag kang magtatagal."

"No, ommy, my honey are here!" nakangiti niyang sabi.

"Good boy!" Ngiting-ngiti naman ang ginang.

"Tiya, honey. I'll be back okay."

Tango ang tugon nilang dalawa.

Nang wala si Clark.

"Tamara, hija. My son, it is really love you. At ngayon ko lang siyang nakitang ganyan kasaya. Because of you."

"Sa totoo lang po, minsan iniisip ko na parang pinaglalaruan lang niya ako o past time lang ba kasi edukado siyang tao at...." sasabihin sana ni Tamara na may babaeng kasama rin ito na tulad ni Clark na edukada. Hindi na lang niya sinabi.

"Ano iyan at mo hija? May ibig kang sabihin sa sentence na ito."

Napatingin si Tamara sa tiya, tumango ito sa kanya ibig na sumasang-ayon sa nais niyang sabihin.

"At meron siyang kasamang babae nong nag nakita kami sa, Obando."

"Woman, sino?"

Inisip ni Tamara kung ano ang pangalan nito. Narinig naman niya ito kay Clark.

"Si Carmina," sabat ni Emily."

"Hmmm, Carmina. Yeah, I know her.

Nanglumo si Tamara kahit pala ang ginang kilala ito.

Tamang papalapit na si Clark sa tatlong babae kaya dinig niya ang pangalan ni Carmina.

"Why did I hear Carmina's name? What about her?"

"Ang bilis mo naman, hijo. Wala kapang ten minutes na umalis, ah?" sabi ng ina.

"I told you, mabilis lang ako. Teka bakit nasali sa usapan ninyo si Carmina, mommy?"

"Hijo, your honey, I think she's jealous of Carmina."

"Hmmm, it is okay Mommy. Well diyan makikita na mahal ako ng honey ko," ngiting-ngiti si Clark gusto niyang huliin ang damdamin ng dalaga para sa kanya.

"Well, I am agree with you, hijo."

Napatingin si Tamara sa tiya, nakangiti rin ito.

"So, may bibilhin pa ba kayong iba?" tanong ni Clark sa kanila.

"Ako, hindi na ako bibili ng dress ko hijo, titingin na lang ako sa bahay I think I have a new in my cabinet kahit na matagal na ito I think okay pa ito."

"Kayo po, Tiya?"

"Wala na tapos na ako, Clark."

"How about you, honey?"

"Ha? Eh, wala na rin."

"Okay so, ihahatid ko na kayo." nakalimutan na niyang bumili ng kanyang damit.

"Naku hindi na, mapapalayo kayo." tanggi ni Tamara. Nahihiya siya kasi kasama ang ina nito.

"Hija, huwag ka nang tumanggi pa dapat lang naman na ihatid ka ni Clark. Dahil girlfriend ka niya. At ayaw niyang mahirapan pa kayo, and the most is ayaw niyang mapahamak kayo."

"Mommy is right, tara na hindi ako papayag na hindi ko kayo ihatid, because you are may girlfriend."

"Nakakarami na ang lalaking ito ah, di nga nanliligaw eh," ani Tamara sa sarili.

Pagkabayad ni Clark sa bill nila agad na silang dumeretso sa parking area ng mall.

Habang nasa sasakyan sila walang imik sina Tamara at Clark pero ang dalawa sa backseat walang tigil sa kuwentuhan para bang close na sa isat isa.

Nang makarating sila sa bahay pinagbuksan ni Clark ang mag tiya pinto.

"Salamat ng marami, Clark."

"Walang ano man, Tiya." Hinarap ni Clark ang dalaga.

"Salamat, din." sabi ni Tamara.

"Salamat lang ba, honey?"

"Huh? Ano pa ba?"

"Call me honey too, okay na ako!"

"Ha?"

"You do not love me, do you?"

Napatingin lang si Tamara sa binata. I love you, siyempre! Ito ang nais niyang isagot. Pero sa kanyang isip lang.

"Tamara, mauna na ako sa loob," paalam ni Emily para may privacy ang dalawa. Ang ina naman ni Clark abala ito sa cellphone may kausap.

"Tamara, honey, do not hide your feelings. Please let me know. If you say no wala naman akong magagawa I will respect it. If you yes, ipapakita ko sa iyo kung papaano magmahal ang isang, Clark Generoso. Hindi ka magsisisi."

Pakiramdam ni Tamara nakatungtong siya sa ulap sa tinuran nito sa kanya. At biglang nabuksan ang puso.

"Talaga?"

"Yes!"

Kikibot-kibot na ngumiti ang labi ni Tamara."Sige."

Kumunot ang nooni Clark sa tugon niyang sige.

"Sige, mean mahal mo ako?"

Nahihiyang aminin ni Tamara ang damdamin."Ewan ko sa iyo. Naiinip na ang mommy mo, aakyat na rin ako sa bahay."

Pero hindi papayag si Clark na walang mangyari. Ikinawit niya ang braso sa baywang ng dalaga.

"Ay! Clark, ano ba!"

"Tell me, what's sige. Hindi kita bibitawan kahit hanggang bukas pa tayong ganito."

"Clark, naman."

"Tell me."

"Manligaw ka muna bago ko sabihin mahal kita!" Dahil sa kanyang sinabi niyakap siya nito.

"Honey, you said it."

"Ha? Wala naman akong sinabi, ah."

"You said it, okay, I'll court you honey, even though we are already in a relationship." Clark couldn't help himself and captured Tamara's lips.

Tuwang-tuwa naman ang ina ni Clark sa nakita masasabi niyang in love nga ang anak at mabuti na lang umuwi siya kung hindi. Hindi niya masasaksihan ang anak ang kasiyahan nito.

Ipinagkanulo naman siya ng kanyang damdamin kusang gumalaw ang labi ni Tamara, to kiss him back.

Nagtagal ng limang minuto ang halikan nila. Wala nang pakialam si Tamara sa mga tsimosang makakakita sa kanila.

When the kisses they shared ended."I love you, honey!" kay tamis na saad ni Clark.

Digta ng puso."I love you too!" naisiwalat na niya.

"Yesss!" Niyakap ng mahigpit ni Clark ang dalaga.

"Sige na, naiinip na yata ang Mommy mo."

"Okay, bye, but see you later."

Nakangiting tumango si Tamara kay Clark.

"Stay here don't go inside yet okay." Tinungo ni Clark ang likod ng kanyang kotse may kinuha ito. At bumalik kay Tamara."For you, honey."

"Ano ito?"

"Tignan mo na lang sa loob ng bahay ninyo, sige na aalis na kami para makapagpahinga na kayo ni Tiya, before seven pm narito na ako."

"Ingat, kayo, ha."

"Of course honey, for you, bye."

Binaba naman ng ginang ang salamin ng bintana para mag paalam sa dalaga.

"Hija, see you again okay, bye." Kumaway pa ito.

Nakangiting tumango si Tamara sa ginang.

Saka palang pumasok sa loob si Tamara ng wala na sa paningin ang kotse ni Clark. Abot tenga ang kanyang ngiti.

Wala naman masabi si Emily dahil nakita niya ang lahat. Tanging dasal niya sana hindi luluha ang pamangking sa piling ng lalaking pinag-alayan ng puso.

"Tiya, ang saya ko!" naibulalas niya.

"Ganyan talaga ang umiibig, Tamara. Masaya, at pakiramdam mo nasa paraiso ka."

"Tama ka, Tiya. Hay ganito pala ang pakiramdam ang saya-saya!"

"Ang payo ko lang sa iyo, Tamara. Magtira ka para sa sarili mo ha, huwag mong ibigay ang lahat. Pero parang malabong mangyari ito alam kung puso ang siyang nasusunod maging sunod-sunuran na lang ang isip at katawan. Gaya ko at nang ina mo."

"Tiya, ayoko rin mangako pero gagawin ko ang iyon sinabi."

"Sana nga, Tamara. Kayang mong panghawakan ang iyon puso, sige na magpahinga kana di ba may dadaluhan kayong party mamaya ni Clark?"

"Opo, Tiya."

"Pahinga kana, gisinging na lang kita mamaya."

Bago tinungo ni Tamara ang silid lumapit siya sa tiya niyakap ito."Salamat po."

Pinipigil naman ni Emily ang luha. Mabait talaga si Tamara, kahit pinagagalitan niya ito ng sobra hindi nagtatampo sa kanya. Para sa kanya masuwerte si Clark dahil nakilala nito ang pamangking dahil sobrang bait nito.

Nang kumalas ang pamangking sa kanya kaagad siyang tumalikod para hindi makita nito ang panggigilid ng kanyang luha."Sige na, Tamara, pumasok kana sa silid mo."

"Opo, Tiya." Kaygaan ng pakiramdam ni Tamara na pumasok sa silid. Lalo pa't naamin na niya ang damdamin kay Clark. Kahit na ayaw niyang sabihin na mahal niya ito kusa naman lumalabas sa kanyang bibig ito. Wala na siyang mahihiling pa dahil dumating na ang lalaking mamahalin niya ng lubos. At alam din niyang mamahalin din siya ng lubos ni Clark. Damang-dama naman niya ito kahit na hindi pa sila matagal na nagkakilala. At sa nadarating na nga mga araw makilala nila ang isat isa.

Napatingin siya sa ibinigay ni Clark sa kanya na paper bag."Huh? Ano kaya ang laman nito?" Binuksan ito nilabas ang laman."Ito iyon damit na gusto ko. ah." Napangiti siya kaya pala umalis saglit kanina si Clark para kunin ito. Ito ang isusuot niya mamaya. Sinukat muna niya ito at tama lang sa kanya hapit na hapit makikita mo ang makurba niyang katawan. Lampas tuhod ito na white dress na ang laylayan nito ay may lace. Ngiting-ngiti siya habang tinitignan ang sarili sa salamin. Bagay na bagay sa kanya ito. Simple lang pero elegante itong tignan. Tatatango siya dahil satisfied siya sa nakikita sa sarili. At hindi na siya alalay ni Clark kung tignan kundi girlfriend na girlfriend na.