Chapter 16
FIVE PM hindi malaman ni Tamara, kung ano ang isusuot sa first date nila ni Clark. Aligaga siya na excited siya. Nakailang sukat na rin siya ng mga bistida kaso nga lang pang bahay tignan ang mga ito sa kanya.
"Naku, okay na kaya itong suot ko?" Huling bistida na niya ito sa totoo lang hindi siya mahilig sa bistidang damit sanay siya pantalon at t-shirt.
Habang tinitignan niya ang sarili sa salamin. Napangiwi siya dahil hindi pang date ang ang kanyang porma parang pupunta lamang siya sa palengke o kaya mag grocery.
"Naman oh," Nasabi niya kanyang tinungo ang kabinet nag halungkat kung meron pang nakatagong medyo magandang damit.
Sa kakulangan na rin ng pera bihira siyang makabili ng bagong damit once in a Christmas lang yata kung maganda pa ang benta nila. Pero hindi siya nagsisisi sa buhay na meron siya ngayon. Mag pasalamat pa siya dahil nariyan ang kanyang tiya na inalaagaan siya.
"Wala na talaga!" May lumbay na saad niya isang hawi pa ang ginawa.
Nang may nakitang long sleeve na bulaklakin. Regalo ng kanyang tiya ito noong twenty birthday pa niya."Ito na lang bago na luma."
Luma na dahil ni minsan kasi hindi pa niya nasuot ito kaya bago pa para sa kanya. Agad na niyang sinuot ito ng makita ang sarili sa salamin napabuntong-hininga na lamang siya okay naman ito kaso nga lang pag nagtabi sila ni Clark baka sabihin ng mga tao alalay siya nito. Pero no choice na siya wala na talagang ibang maisusuot eh.
Nakahanda naman na si Clark simple lang ang suot niya plain white long sleeve at maong na patalon. Para bumabay ang porma niya kung ano man ang isusuot ni Tamara sa tingin kasi niya simple lamang ito. Hindi na siya ng suot ng kanyang relo dahil mga mamahalin lahat ito. Ayaw niyang ma out of place ang dalaga. Nag lagay na lang siya ng kanyang pabango na Ralph Lauren at lumabas na siya sa kanyang silid ngayon lang siya nakadama nang excitement sa date nila.
Kung date ang pag-uusapan well, wala lang ito sa para kanya. He's dating alot of woman already, minsan nga hindi na siya sumusipot pa. Mas gusto niyang matulog na lang to take a rest. But now kakaiba sa kanya, nasa puso ang pananabik.
Napaisip tuloy si Clark, dati kasi ang kanyang plano ay para mag-kaanak, pero ngayon nag-iba na ito. When he meet Tamara, ang kanyang isip may namumuong happy family. At tama si Carmina sa sinabi nito. Married life is not his cup of tea. Hindi niya mailagay ang sarili sa ganoon siswasyon. But now he's happy and thinking of being a married man.
NANG matapos siyang magpalit ng damit at wala na rin siyang gagawin pa sa mukha, ayaw naman niyang maglagay ng makeup. Hindi sa allergic siya hindi lang siya sanay lip gloss at poldo okay na siya.
Pagkalabas sa silid niya nakaupo sa sala ang tiya, napatingin ito sa kanya mula ulo hanggang paa.
Sinusuri ni Emily ang pamangking hindi siya satisfied sa nakitang itsura nito. Talagang hindi, dismayado siya. Ilang taon na ba ang damit na suot nito.
"Sabi ko naman sa iyo minsan kailangan mo rin bumili ng bago mong mga damit!"
"Tiya, meron naman ako," malumanay niyang tugon.
"Meron nga, luma naman. Ngayon kailangan mo ng damit na pormal pag may ganitong pagkakataon di ba?"
Hindi na kumibo si Tamara, tama naman ang tiya. Pero hindi niya inaasahan na darating ang pagkakataon ito. Date pa naman.
"Talaga bang wala ka nang maisusuot na iba, Tamara?"
"Wala na po." kiming sagot niya.
Nasa tapat nang trangkahan na nila si Clark. Bumusina muna siya bago bumaba.
Kumabog bigla ang dibdib ni Tamara, heto naman ang walang katapusan kaba. Lalo pang dadagungdong ito pag nasa harapan niya ang binata.
"Tiya, aalis na po ako." papunta na sana siya sa may pinto nang magsalita ang tiya niya.
"Tamara, huwag kang atat. Hintayin mo siya rito ang tunay na nagmamahal sinusundo ang iniirong sa loob ng bahay nila."
Napangiti si Tamara sa malalim na tagalog ng tiya.
Nang may kumatok sabay silang napatingin sa pinto. Sabay rin nilang tinungo ito si Emily ang nagbukas nito.
Akala naman ni Clark, si Tamara ang mag bubukas inihanda pa naman niya ang surprise kiss sana nang si Emily ang bumungad. Lumaki ang mata nito. Kung kayat napaatras si Clark.
"Tutuklaw kana kaagad ha!"
Kamot batok tuloy si Clark.
"Tamara, lumabas kana nga lang. Baka mahuli ko pa ang ahas na ito."
Napapangiti na lang si Clark.
Titig na titig si Emily sa binata. Gusto niyang makita ang reaction nito pagnakita ang itsura ng pamangking.
Nang makita ni Clark ang dalaga. Ngumiti siya yon totoong ngiti.
Well napansin niya ang suot ng dalaga. But he do not care kung panget o maganda ito. Ang mahalaga sa kanya may mabuti itong puso. At ito ang kanyang nakikita kay Tamara.
He knows kung may makakakita sa kanilang kaibigan o sino na kilala siya. Sigurado tataas ang mga kilay ng mga ito kung maldita pa ang makakaharap well manglalait ito. Hiling lang sana niya na hindi si Carmina ang makakakita sa kanila. He know her walang preno kung magsalita. Pero kung sakali man na mangyari ito. Hindi niya hahayaan mapahiya ang dalaga. He will protect her.
"Ready, honey?"
Tango ang tugon ni Tamara rito.
"Tiya, aaliss na kami," Inabot ni Clark ang kamay ni Tamara.
"Mag ingat kayo!"
"Yes, Tiya. At huwag kang mag alala, Tamara is safe with me."
"Siguraduhin mo lang ha, Clark!"
"Yes po!"
Magkahawak kamay ang dalawa na lumabas. Ngiting-ngiti naman si Emily sa nakita very satisfied siya.
Lutang naman ang pakiramdam ni Tamara habang palabas sila ng trangkahan. Para siyang prinsesa kung alalayan ni Clark. Kaso nga lang ang kanyang itsura eh, hindi prinsesa kundi alalay nito.
Nasa may kotse sa sila doon lamang naglakas loob na magtanong si Tamara about sa kanyang suot. Baka kasi mapahiya ito.
"Ah, Clark...?"
"Yes, honey! May sasabihin ka ba?"
"Ayoko naman na may masabi ang mga tao, kasi magkaiba tayo itsura. Ikaw kitang-kita na mayaman ka. Tapos ako kita rin na kinakapos ako sa buhay!"
"So? Ano ngayon?"
"Hindi ka ba nahihiya? Na kasama ako?"
"For what, honey?"
"Ang layo ng agwat natin look mo naman ang itsura natin dalawa ang layo di ba?"
"No, bakit ako mahihiya kung napaganda mo naman. Well don't get me wrong honey! I mean is para sa akin kahit ano pa ang itsura mo fine with me. Because I love you!"
Lumondag-lumdag ang puso ni Tamara sa narinig masaya siya pero kailangan niyang magtanong. Kung bakit minahal kaagad siya nito. Parang sa tv lang o pelikula ang nagiging scene nilang dalawa.
"Kaydali mo naman magmahal, Clark?"
"Actually. Ako ang tipo ng taong it isn't easy to fall in love. But when I see you, I believe in magic. The magic of love, wait mamaya na tayo mag kuwentuhan. I am hungry now," Putol niya, kanyang binuksan ang pinto para sa dalaga."Hop in. Para makaalis na tayo."
Sumakay naman kaagad si Tamara.
Habang nasa daan sila walang salitang namutawi sa kanila. Bigla silang nagkahiyaan. Panis ang laway nila pareho. Hanggang sa nakarating sila sa sikat na restaurant they remain silent.
Tahimik na tao si Tamara kung hindi mo umpisahan, hindi siya magsasalita. Lalo pa at hindi sila close kahit na sabihin pang may MUTUAL UNDERSTANDING na sila. Pero pag matagal na kayong magkakilala super daldal niya.
Magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng restaurant lahat ng tao sa kanila nakatingin. May bumulong pang waitress.
"Gosh, ang baduy naman niya," dinig nila pareho.
"Oo nga hindi sila bagay kahit na maganda pa iyan babae." ani ng isang waitress na katabi ng nagsalitang nauna.
Manhid lang ang hindi matablahan. Alam ni Clark ang damdamin ni Tamara. Kung kayat lalo niyang hinigpitan ang maghawak sa kamay nito."Do not bother then I'm here sa akin ka lang tumingin okay," pag-aalo niya.
Hindi napigilan ni Tamara na tignan kung sino ang nanglait sa kanya. Nagdiwang ang kanyang kalooban. Baduy man siya mas maganda naman siya rito.
Tumingin siya kay Clark at ngumiti na lalong nag paganda sa kanya.
"Good, put your mind to it, honey. That you are pretty inside and out."
Sa gabing iyon Clark treats Tamara like a princess. He's so sweet in every single move he makes. Gusto niyang ipadama sa dalaga na she's so precious to him.
Nang gabing iyon isang napagandang alaala para kay Tamara ito. Sobrang saya ang kanyang naramdaman. Damang-dama niya ang tunay pagmamahal sa kanya ni Clark.