Chapter 4: Chapter four
Mahinang tapik sa pisngi ang nagpagising sa akin.
"We are here."siryosong wika ni bossing na sya ding tumapik sa pisngi ko.
Bigla akong napa bangon at halos magka untugan kami sa lapit ng distansya nya sa akin .
"Wag ka masyadong malapit bossing baka magkapalit tayo ng mukha."Aniko dito.
Medyo nakita kong kumunot ang noo nito. Hinipan ko ang mga palad para maamoy ang hininga ko."Medyo may sipa lang ."nahihiyang wika ko dito."Ang tagal pala ng byahe bossing buti hindi ako nahilo at nag suka, medyo napanis lang ang laway ko sa haba ng tinulog ko. hehehe."wika ko habang pababa ng sasakyan.
"Huwaaw!"sabay sapo sa aking bibig.
"Ito ba yung tinatawag nilang palasyo bossing?"Hindi makaniwalang tanong ko dito."Anak ka ni PBBM?"kapag sinuswerte ka nga naman akalain ko ba na anak pala ng presidente ang magiging boss ko.
''Im not President's son and this is not a palace, you crazy woman. Get inside."utos pa nito at nauna ng maglakad.
"Hesusmiyo napaka laking bahay naman nito. Ilang multo kaya ang nakatira dito?"tanong ko sa sarili .
"San ako pupunta?"andito palang ako sa harapan ng bahay ni bossing pero pakiramdam ko maliligaw na ako. Akma kong aalisin ang aking lumang rubber shoes. Nakakahiyang lakaran ang sahig sa sobrang linis nito.
"Teka Teka, wag ka ng mag alis ng sapatos mo."biglang may lumapit sa akin na babae na sa tingin ko ay halos kasing edad ko lang din.
"Helen po ma'am."pagpapakilala nito.
Natawa ako sa sinabi nito."Wag mo nga akong ma ma'am maam at mas mukha ka pa ngang ma'am sa akin."Tinignan ko ang ayos nito. Pareho kaming natawa sa biro ko kase kung titignan sa mga ayos namin, mas mukha pa syang maam .
"Celestina Perez, pero pwedeng Tinang nalang."Yun naman ang tawag ng mga tao na malalapit sa akin .
"Sabe ni sir ako daw ang bahalang mag tour sayo dito sa buong mansyon, tapos ako na din daw ang magturo sa kwarto na tutuluyan mo."paliwanag ni Helen habang naglalakad kami. Mukhang magkakasundo kami nito dahil magaan syang kausap.
"Tiga saan ka?"tanong ko dito.
"Taga Cavite."sagot nito pagkatapos ay nag budots dance pa. Natawa ako dito at pinigil na ito . Naka akyat na kami sa ilang baitang ng hagdan ng may biglang magsalita mula sa aming likuran.
"Helen sabi ni boss papuntahin mo daw sa library yung bagong dating."sabe nung babae na mukhang hindi din nalalayo yung edad sa amin.
"Ah sige Neng ."sagot ni Helen . Bumalik kami pababa para puntahan kung nasaan si bossing.
"Tinang mamaya kapag tapos kanang kausapin ni sir bahala kana umakyat sa kwarto mo . sa kaliwang bahagi ng hagdan sa taas, may kailangan pa pala akong tapusin sa kusina."paliwanag nito .
"Sige walang problema."sagot ko dito. Inihatid nya ako sa isang kwarto dito sa baba ng mansyon . Ito daw yung library kung saan madalas mag stay si bossing kapag nandito lang sya sa bahay.
Naka ilang katok na ako pero walang nasagot . Pinihit ko ang doorknob , bukas naman so pumasok na akong hindi manlang pinahintulutan ni bossing ."Bossing?"nilakasan ko ang pagtawag dito ."Bossing pinatatawag nyo daw po ako?"nag simula akong maglakad palapit sa isang pinto na nakita ko dito sa loob ng library ."Bossing?"nagbabakasakali pa ding sumagot ang magaling kung amo.'tatawag tawag tapos wala naman dito.'inis kung wika sa aking isip pinihit ko pabukas ang pinto pero laking gulat ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang bampira na nakatapis lang ng tuwalya sa babang bahagi ng katawan . Hindi ko naiwasang pasadahan ang dibdib nito. May manipis na buhok sa gitna . Ilang abs ang meron sya , tapos yung utong nya.'waaa'birhen pa ako pati ang mga mata ko , hindi ko dapat nakikita ang katulad nito.'tama hihiyaw ako.
"Waaaaaaaaa!!! Bossing wag po."tumalikod ako dito na nakatakip ang mga kamay sa aking mga mata." Wag po bossing. Nangako ako sa inang ko na ibibigay ko lang ang sarili sa mapapangasawa ko. Kaya koyaaaa wag po!!!"paawa effect ko dito.
"Tsssssk. Crazy woman . How many times do I have to tell you, you're not my type."pag susungit nito.
"Eh bakit ka nakahubo bossing?"
"What did you mean naka hubo? I just took a bath. And who gave you permission to come in?"balik tanong nito sa akin.
"Sabe nung Neng pinapatawag mo daw ako. Naka ilang katok na nga ako bossing pero hindi ka nasagot. Akala ko may pagka bingi ka na! Dala na din siguro ng katandaan . Kaya naiintindihan ko naman."sinamaan ako nito ng tingin kaya tinikom ko ang bibig ko.
"Enough for today! Aren't you getting tired of talking too much?"inis na tanong nito.
"I just wanted to tell you that we will go shopping tomorrow . Hell no! My grandpa will not believe me if I would tell them you're my gf. Look how you wear manang."sabe nito sa akin.
"Ouch naman bossing . Sa ilalim ng manang na damit nato nagtatago ang magandang hubog ng katawan bossing. Kita mo yang pwet ko?"tumalikod pa ako at hinawakan magkabila ang pisngi ng pwet."asset Yan . otentik walang halong kemekal."pag yayabang ko dito.
"Tsssssk! enough of this today . I will take you for shopping and that is an order. Now you can go ."
"Sungit sungit."bulong ko dito habang palabas ng library nya.
Nakita ko yung hagdan na inakyat namin kanina . Nag lakad ako paakyat.' Sabe ni Helen bandang kaliwa . Humarap ako sa hagdan. Kapag nakaharap sa hagdan eto yung kaliwa, tapos kapag nakatalikod sa hagdan eto yung kaliwa.'napakamot ako sa ulo . Ano kaya dito ang sinabing kwarto ko?'tanong ko pa din sa sarili."eni mini my ni mo. pwet ng baboy kamukha ni bossing.'Ah ito! turo ko sa bandang kanan na kwarto kapag nakatalikod ka sa hagdan . Pinihit ko ang seradura nito.'Ah bukas.'pumasok ako at napa O shape ako sa laki at ganda ng magiging kwarto ko.'Grabe namang kwarto to 'Ang lakiii.'patalon akong umupo sa kama.'ang lambot.'hindi pa nasyahan at para akong bata na nahiga at nagpagulong gulong sa malaki at malambot na kama.'Teka nasan kaya ang bag ko?'ng maalala ko ang gamit ko . Pumasok ako sa isang pinto na andito din sa kwarto . Eto yata yung tinatawag na closet. Grabe parang kasing laki na ng kwarto ko. Hindi ko nakita ang bag ko kaya hiniram ko nalang sa lalagyan yung isang puting t-shirt para pantulog ko. Pumasok ako sa katabing kwarto ng walk in closet, banyo ito. Naligo lang ako sandali . Ginamit ang tooth brush na naroon . Tinupi kong maayos ang damit ko tsaka iginilid dito sa banyo.'Wala pala akong panty.'maalala ko ng maisuot ko na ang puting t-shirt. Kinuha ko yung panty na suot ko kanina lang at inamoy ito.'Pwede pa.'wika ko at mabilis na itong isinuot. Excited akong nahiga sa malaking kama.'Ang sarap .'wika ko. Ang lambot at ang bango ng kama ko.