Chapter 20: The Consequence
Someone's POV
"Seems like the self-control and justice have meet." I whispered, and I didn't notice that someone is behind me.
"Self-control? You mean the Moderation?.. Why do you guys prefer to say self-control when the covenant is known as the Moderation."
"I like the term self-control more. But they're the same anyway." sabi ko nalang.
"Yeah right, make sense, but I've always wondered why the covenant choose a demon, that never happened before." That's true, this is the first time the covenant has chosen a demon to be its holder. I find that weird.
"Well, who knows, only the covenant of moderation knows." sabi ko nalang habang tinitingnan ang nasa harapan ko kung saan makikita ang location ng mga covenants.
"And why would the love choose her as her right hand? They're insane, demons are deceptive in nature."
"She had her reasons. Besides, that princess should not be underestimated."
"Well, she better make sure that demon will not betray us."
"Let's just hope. Afterall, the prophecy has started, love and her future nemesis are in the middle of the prophecy's claws. If that demon turns out to be an enemy, justice is there to stop her."
"Do you think justice can take her down alone?" tanong niya sa akin habang ako naman ay nakatitig sa location ng dalawang covenants mula sa pygon na nasa aking harapan. Ang pygon ay isang board na naglalaman ng information tungkol sa holders ng covenants pati nadin ang location nila.
"Yeah she can, if she wanted to, she can." But I don't know what's on the mind of justice, she may look cold but she's actually soft. But if she really wanted to defeat that demon, she can. I can't help but smile, she never revealed her identity and how powerful she is.
Rania's POV
"Deal." As if I let her win. Pagkasabi ko nun ay bigla nalang nagbago ang lugar, yun pala ay nasa ibang lugar na kaming dalawa. Tama nga naman ang ginawa niya, para hindi kami makita ng mga taga Southville, nararapat lang na mag iba kami ng location. At sa tingin ko nasa Northville kami, ang aura kasi ng lugar ay parang aura ng prinsesa, kaya naman sigurado akong nasa Northville ito.
She smirked. "So, ready?" Oh how I hate that smirk.
I saw something red na unti-unting nakapalibot sa katawan niya. Tapos pumikit ito at yumuko.
"Angel, don't hold back." Pagkasabi niya nun ay ang biglang pagsulpot niya sa likod ko at tumira ng pulang bulang apoy, pero buti nalang nailagan ko.
Sheeet, tama nga ako, mabilis siya. Tiningnan ko ang tinamaan niya.. wala ng mga kahoy at naging abo ang mga ito. Ang lupa naman ay nahukay at naging kulay itim. Sirang sira ang forest sa isang tira niya lang. Balak ba akong patayin nito?
She moves again and tumira sa direksyon ko, but this time ay dalawang pulang bula ng apoy na, kapag inilagan ko yan, masisira talaga ang lugar dito at may makatunog sa mga pangyayari dito. Bwesit, no choice but kailangan kong pigilan ang mga bulang apoy niya.
She's smirking. She's playing games I don't like. Alam kong naglalaro lang siya, hindi talaga ito ang tunay na lakas niya. Nakakainis. She's at an advantage since she can control the impact of my power on her, and can control the impact of her power on mine. I hate this.
Kaya pumikit ako at pinakiramdaman ang mga enerhiya na nandito. Concentrate. Naramdaman ko ding sobrang init na dito kaya pinagpapawisan na ako. Ang init ng aura niya. It's like she's bringing Moniade in her sa sobrang init.
"Why are you not attacking me back Angel? Are you admitting defeat?"
Patuloy lang ako sa ginagawa ko. I have to connect every energy here, so I can manipulate the energy of her power.
Naramdaman kong gumalaw siya at biglang sumulpot sa harapan ko. Dali dali naman akong nakalayo habang patuloy pa din sa ginagawa ko. She’s smirking again."Well then, Defend this." sabi niya at naramdaman ko nalang ang ibat-ibang enerhiya na galing sa iba't ibang direksyon. I didn't move this time, I just continue sa ginagawa ko. Until, the balls of red fires hit my direction.
Third Person POV
"Boom" rinig na rinig sa buong lugar ang pagsabog nito. Masyadong mausok ang paligid kaya hindi nakita ni Hereum kung nakaligtas ba si Rania.
Kinabahan bigla si Hereum dahil kitang-kita niya na hindi gumalaw si Rania sa pinaroroonan niya bago nito matamaan ng kapangyarihan niya ang direksyon nito at sigurado siyang tinamaan nga ito sa kapangyarihan niya. Para sa kanya mahina lang yung kapangyarihan na ginamit niya but she manipulated the impact of her power to the fullest kaya alam niyang nakakamatay ito.
But knowing Rania, and as the holder of the covenant of justice, alam niyang hindi ito basta-basta. Pero hindi niya maiwasang kabahan kung may nangyaring masama dito na siya din naman ang may gawa.
Nang nawala na ang usok ay natigilan siya sa nakikita. Walang damage ang paligid kung nasaan si Rania at ang mga apoy na bula niya ay nakapalibot kay Rania na nakapikit pa din, habang ang kaliwang kamay nito ay nasa dibdib na parang nagdarasal at kanang kamay naman ay nakataas hanggang sa ulo niya na nakaturo sa kalangitan. Mayroon din itong sinasabi na siya lamang ang nakakarinig. Hindi maiwasan ni Hereum na ngumiti dahil ligtas si Rania. Ginanahan tuloy siyang makipaglaban nito.
Nagtaka si Hereum kung bakit nakapalibot kay Rania ang mga bolang apoy samantalang kitang-kita niya ang pagsabog nito kanina. Unti-unting nagbago ang kulay ng mga bolang apoy, from red ay nagiging white ito.
"That's weird" isip ni Hereum. Kung kulay blue pa yun ay understandable dahil angel si Rania pero hindi blue ang kulay kundi puti. Yun ang unang beses na nakakita siya ng puting apoy.
"Interesting" bulong niya at bigla na naman nagsmirk. "If that doesn't work, then hows this?" Sabi niya, creating a wave of red air tornado at pinalaki ito ng pinalaki at tinapon sa direksyon ni Rania. The forest is in so much pain, hindi na nagmumukhang forest ang parte na yun ng Arklaria dahil namamatay ang mga halaman at puno sa kapangyarihan ni Hereum.
Habang papunta ang red air tornado kay Rania ay bigla itong nagbukas ng mata, at parang nawala bigla ang kapangyarihan na nakapalibot sa kanila. Wala na ang red air tornado at nawala na din ang mga puting bolang apoy.
Sumulpot bigla si Rania sa likod ni Hereum, at tumira ng chains na kulay puti sa likod ni Hereum para sana ikulong ito pero agad nakapagteleport si Hereum sa ibang direksyon.
"Are you trying to kill me, Demon?" tanong ni Rania na sobrang cold ng mukha.
“And are you trying to locked me up, Angel?”tanong pabalik ni Hereum pabalik kay Rania.
“You’re trying to kill me.” sabi ni Rania at nawala ang chains na nasa kamay niya.
"Kill you? No, that's impossible" sagot naman ni Hereum na nakangiti ngayon. Yung totoong ngiti.
"Impossible? The forest is burned down to death, if I don't have such power I could've died today." sagot naman ni Rania na walang pagbabago ang expression ng mukha.
"Angel, why would I kill you? Haven't I said that I want you to be mine if I win the battle? If you die, then what about me? This battle will be pointless then."
"I don't know what's really you're deal. But this is too much." sabi ni Rania na nakatingin sa paligid na parang umasim ang mukha. Hindi kasi nito mapigilan na hindi madismaya sa nakikita ngayon.
Tumalikod si Rania para aalis na sana. Ng bigla itong pinigilan ni Hereum.
"Don't go yet. We're not yet done."
"I'm done."
"Teka Angel, wala pang nanalo sa atin, yung deal." Napakunot ang noo ni Rania sa narinig. Gaano ba kaimportante ang deal sa demonyo nato, isip isip pa ni Rania.
Magsasalita na sana siya ng may biglang nagsalita sa bandang kaliwa niya. Hindi man lang niya ramdam na nandito na pala ito. Sa bagay, ka aura ba naman ang lugar, pero diba dapat ramdam niya ang presence nito dahil mas mabigat ang aura nito kaysa lugar.
"Hindi ko akalaing kayo palang dalawa ang sumisira sa territoryo ko ngayon." sabi ni Dawn na kakarating lang, cold din ang ekspresyon nito, bagay na alam ni Hereum na wala sa mood ang prinsesa.
"Nasaan si Silver?" biglang sabi ni Rania, hindi nito napigilang tanungin kung nasaan si Silver dahil sa pagkakaalam niya magkasama ang dalawa.
"Nasa palasyo. Mind explaining why both of you are destroying my territory?" Dawn's face is serious. This is the first time na nakikita ni Rania si Dawn na sobrang seryoso, at dahil sa emosyon nito ay kumakapal din masyado ang aura nito. Alam naman niya na hindi siya maaapektuhan pero alam din niya kung gaano ito kadelikado kalabanin.
"Naglalaban po kami mahal na prinsesa." sagot nalang ni Rania dahil hindi nagsalita si Hereum.
"For what reason?" tanong ni Dawn.
"We made a deal princess that if I win, she'll be mine and if she wins, she can ask anything she wants me to do." sagot naman ni Hereum.
"I see. And dito niyo napili maglaban? Ng walang paalam sa akin. Kung gusto niyong maglaban, dapat hindi nalang sana kayo gumamit ng kapangyarihan. Alam kong alam mo Hereum na kaya kong ibalik ang hitsura ng forest sa dati, pero kahit magmukha mang bago, patay na parin yung una." sabi ni Dawn. Hindi naman nagsalita yung dalawa.
"Hereum, as my right hand, you're supposed to be the one protecting this area not destroying it. And you Rania, you're an angel and the holder of the covenant of justice, and what both of you did right here is crossing the line. You should know your boundaries." Patuloy pa ni Dawn. As long as they're in Northville, Dawns knows anything if it concerns the nature, since afterall, it's her territory.
"Just because I can make it look new again doesn't mean it's the same plant that died. I can't make them back alive, only replaced them. I guess you two knows how it feels losing someone or something that matters to you and I bet you don't like the feeling." Si Hereum at Rania ay yumuko nalang, tama naman kasi Dawn. Si Hereum alam na may ganitong attitude si Dawn, pero alam naman niyang hindi ito harsh magparusa, sinamantala niya nalang, it's in the demons blood kumbaga. Pero si Rania, nagkausap na sila ni Dawn dati, siya pa nga ang nagwawarning sa time na yun na layuan si Silver, pero sa pinapakita ni Dawn, mukhang nagets niya kung bakit pati covenant niya ay ayaw banggain ang covenant of love.
"This is my Territory and I decide what to do here, and since both of you made a mistake, you should face the consequences." Sabi pa ni Dawn. Si Hereum chill lang, pero si Rania, kinakabahan, baka related kang Silver ang ipaparusa ni Dawn sa kanya, nasa isip pa niya.
"Rania, what do you want Hereum to do based on your deal kung ikaw ang mananalo?" tanong ni Dawn kay Rania.
"Lumayo at wag na din siyang magpakita sa akin." Mabilis na sagot ni Rania kay Dawn, habang si Hereum naman ay natigilan, alam niyang ganyan nga ang ipapagawa sa kanya ni Rania, inasahan na niya yan kaya may alternative na siyang gagawin pag yan ang pinili ni Rania, pero pag nakialam ang covenant of love, hindi siya makakaligtas.
"Okay. Since you are the holder of the covenant of justice, you are aware that you're the only one capable of making an agreement that should be followed or else death." Kinabahan ang dalawa sa sinabi ni Dawn.
"I, as the covenant of love command you to make an agreement between as three. Covenant of Justice listen, From now on, Rania, is the girlfriend of Hereum, the holder of the covenant of Moderation, and Hereum is not allowed to go near Rania or even just to see her..."
"What Dawn, noooo! I don't want to do that. Fine you can make me stay away from her, but please not see her, I want to see her from afar." Tumaas lang yung kilay ni Dawn.
"Just like I said hindi niya pwede makita si Rani..." she was cut off again.
"Please don't please. I'm sorry, okay? Just don't forbid me to see her, please?" Sabi ni Hereum na nagmamakaawa na.
"Rules are rules Hereum. This is the consequence of your action, I won't tolerate things like this. May you learn from this." Kahit na naaawa si Dawn dahil seryoso talaga si Hereum, mukhang tinamaan nga ng sobra kay Rania.
Si Rania naman ay tahimik lang, hindi nakikialam, nakaramdam siya ng awa pero binalewala niya nalang. Iniisip niya nalang na kailangan ito ni Hereum, para matuto siyang maging responsable sa mga bagay bagay na gustong gusto nitong makuha. Hindi din niya maintindihan kung bakit ito ang pinili ng covenant ng self-control kung kitang-kita naman na hindi pa nito masyadong control ang sarili sa mga bagay na gusto nitong makuha.
"I forbid you to see Rania, and this agreement can only be broken by me. I have the say kung ibrebreak ko ba ang agreement nato or hindi. Kaya kung gusto niyo, magtino kayong dalawa. Remember that the consequences of breaking this agreement is death, so beware. Once you part ways doon na magsisimula ang agreement, of course hindi ka makakaalis sa Northville Hereum unless I say so. Alam ko kung anong iniisip mo." sabi ni Dawn at bigla itong nawala kasabay ang pagbalik ng kagubatan sa dati nitong hitsura. Iniisip kasi ni Hereum na hindi siya makipagpart ways kay Rania para hindi magstart yung nasa agreement pero matalino si Dawn. Wala tuloy siyang magawa.
"Tsskkk. May you learn from this..... girlfriend." sabi ni Rania bago ito nagteleport pabalik ng Southville. Kailangan kasing i-acknowledge ni Rania na girlfriend na siya ni Hereum, kaya wala siyang magawa kahit ayaw niya pa.
"Hayyy. Girlfriend ko nga pero hindi ko naman makikita at makakasama. Kainis naman eh." Sabi ni Hereum na dismayang dismaya. "Makaalis na nga lang din. Pero Ahhhhhhh!!! Ngayon nga lang ako nakaramdam ng ganito tapos ganito pa ang nangyari. Matutulog nalang ako hanggang sa makita ko siya ulit. Kainis"