The Chosen One

The Chosen One

By: Dreeaam_catcher

13.4K
views
48
Chapters
Completed
Status

The Chosen One is a completed fantasy novel by Dreeaam_catcher with 48 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added June 1, 2022.

Synopsis

This is a work of fiction

My life?

I can say it’s not normal. Very out of the ordinary.

Mafia boss?

Witches?

Magical people?

Sure they exist

Humans…

Magical people…

It was a fantasy. A fantasy that saved humanity. We were created as the Earth’s protector, we blend and infiltrate. We fight and protect.

Witches and dark magic users were our enemies who threatened to take over human kind.

For a reason we don’t know and understand, we are all told to protect humans at any cost.

But what cost do I need to risk?

My children…

Read the first chapter

Chapter 1: CHAPTER ONE: MEET UP

“I can’t believe an International school like this would take a student like THAT!”

Alam ko namang ako ang pinapatamaan.

“Gosh Keira, pointing is bad. Does your grandparents ever tell you that?”

“Tell me what?”

“Err. Something like, pointing at other people who you don’t know might get you punished by the magical people”

Pft. Mukhang hindi updated lola mo ah.

“Jeez, I’m always told it’s disrespectful but get punished by magical people? Your grandparents must’ve dedicated their lives reading fictions”

“Just don’t do it again”

“You really believe that?”

Hindi ko na masyado narinig ang usapan nila dahil medyo nakalayo na ako. Ewan ko ba saan nila pinag kukuha mga sinasabi nila pero hindi ko nalang pinansin at nag deretso sa office.

“Come in”

Sagot agad ng boses lalaki pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses. Hingang malalim muna ako bago buksan ang pinto at sumilip sa loob.

“Transferee?” nakangiting tanong niya, around 50-60yrs old. Nakasalamin at busy sa pagaasikaso sa mga papeles na nasa harapan niya

“Opo” nakangiti ring sagot ko. Sumenyas siyang pumasok ako kaya naman naglakad ako papasok. Sinara ko rin muna ang pinto bago ako magderetsong umupo.

“Welcome to ludicrous international High” Bati niya at nginitian ako, tinigil niya ang ginagawa niya at may kinuhang papel sa may drawer niya “I hope you’ll enjoy here, here’s your schedule and locker key” abot niya sakin kaya agad ko itong kinuha.

Binasa ko muna saglit bago ako tumingin ulit sa kanya pero busy na siya ulit sa mga papeles niya. Kamot ulo akong tumingin ulit sa schedule ko, hindi nakalagay kung ano ang section ko.

Ngumiwi ako bago ulit tumingin sa kanya. Magtatanong ba ako? What if hulaan ko nalang?

Kagat labi pa akong nag iisip dito kung magtatanong ba ako o hindi, buti nalang tumingin ulit siya sakin ng nakangiti. Nagtataka ata kung bakit andito parin ako.

“Ano po ang section ko?” agad na tanong ko.

“Dynamism 10 is your section at the main building” Ngumiti ito kaya ngumiti din ako.

Pagkatapos non ay nagderetso ako sa sinasabing building ko. Malaki at malawak ang paaralang ito, kumpara sa ibang international school, ‘di malayong mas angat ang school na ito.

Hindi naman mahirap hanapin dahil talaga namang ang main building ang pinaka malaki sa lahat ng building. Aside from that ang main building lang din ang kulay black. Adik siguro sa black may ari ng paaralang ito.

NATAPOS ang araw ko ng normal. Well except sa mga studyateng walang iba ginawa kundi kutyain ang itsura ko.

Papatawid na sana ako nang bigla ay tumalsik ako sa di kalayuan. Puta! Nasa pedestrian lane na nga lang masasagasaan pa!

“Miss!” sigaw ng lalaki pero nandidilim ang paningin ko. Bukod sa masakit talaga ang pagkakahampas ko, literal na nandidilim paningin ko sa kung sino mang mangmang ang bunangga sakin sa pedestrian lane.

Masakit ang pagkahampas ng likod ko sa semento. Mga demonyo, ‘di marunong tumingin! Tch! Pasalamat nalang at…

“Lagot ka boss”

EH?? Ninanamnam ko palang sa sakit ng likod ko ng bigla ay pakiramdam ko ang gaan gaan ko.

May bumuhat sakin. Sino ‘to? Nandidilim ang paningin ko at pakiramdam ko mahihimatay na ako. Ngunit amoy na amoy ko ang mabangong simoy ng hangin.

Tanginang bango ‘to tipong isang taon na makalipas ‘di mo pa limot.

“Tss” huling narinig ko bago mawalan ng malay.

NAGISING ako at unang sumalubong sakin ang amoy ng alcohol. Alam na agad kung saan ako pinunta,

Kaya ayoko dito sa hospital eh parang araw araw ginagawang panlinis ng building ang iba’t ibang uri ng gamot, at ayoko ng amoy non.

Kinapa ko ang noo ko at nangunot ang noo nang may makapang benda ito. Agad akong nagtungo sa CR at tumingin sa salamin

More by Dreeaam_catcher

View all

You may also like

Fantasy

Sign in to join the discussion