Chapter 12
PHOEBE'S POV
Pagkabalik sa kwarto kung saan ako kinulong ni Clint ay agad akong nahiga, gabi narin kasi, masyado mabagal ang oras sa fairy land.
Napagdesisyonan ko ng matulog
....
Nasa isang malawak na lupain ako, puro puno at nakapa-aliwalas mg pagilid, parang iniingatan sa loob ng maraming taon
"Pheobe.." tawag ng kung sino sa likuran ko
Napatingin ako at nakita ang lahat ng hari at reyna, agad akong nagbigay galang
"Mga mahal na hari at reyna, ano po ang maipaglilingkod ko?"
"Mag iingat ka anak sapagkat tinutugis ka ng mga masamang mahekero" sabi ng hari ng langit
"A-ano pong ibig niyong sabihin"
"Ang mga dark magic users ay nagbabalak nang magpunta sa Mundo ng mga mortal upang hanapin ka at patayin" sabi naman ng reyna ng apoy
"A-ano po ang gagawin ko mga ginagalang na nakakataas?"
"Humayo ka at bibigyan kita ng kapangyarihang makilanlan ang kalaban sa Hindi, makikita mong pinapalibutan ito ng itim na mahika kapag ito ay katunggali mo" sabi ng kinagagalangan na reyna
"Halika rito anak, lumapit ka" nakaabang pa ang mga kamay ng reyna ng mga yelo
Lumapit ako sa kanila at ipinatong nila ang kanilang kamay sa ulo ko
"Masaya kami't tagumpay ka sa paghahanap ng tatlong makapangyarihang nilalang, at ang makapangyarihang alamat ng mga mortal" sabi ng hari ng tubig
"Kung kayat tanggapin mo ang aming basbas"
Bigla nalang umilaw ang kanilang palad at ramdam Kong may dumadaloy na kung ano sa katawan ko, ramdam na ramdam Kong parang mas lumalakas ang kapangyarihan ko
"Ang basbas ng forbidden magic, hawak mo na ngayon ang maalamat na mahika, ang kakayahang magpabuhay ng ibat ibang nilalang, nasayo na ang tinatawag na legendary armor, ang espadang pinaka matalim sa lahat at ang pananggang walang katulad" nakangiting sabay sabay nilang sabi
"Go now my child. For the opening war is about to begin"
Napamulat ako dahil sa yugyog sa balikat ko, pagmulat ko nakita ko si Alexis
"Bakit?" inaantok na tanong ko
"Halika na, pwede ka ng lumabas wala na si sir Clint" nakangiting sabi nito
"San nagpunta?" takang tanong ko
"Sa kumpanya ata nila" tumango tango nalang ako at nagderetso sa CR para mag ayos
pagkatapos ay lumabas na ako, hindi ko alam kung bakit, pero sadyang kinakabahan ako dahil sa panaginip ko.
Masasamang mahekero? Dark magic users? Tinutugis ako? Pupunta dito sa Mundo ng mga mortal para hanapin ako?
Hindi ko alam na ganito kahirap ang maging tagapagligtas.
"May tattoo ka pala, ngayon ko lang napansin" sabi ni Alexis at sinipat ang kamay ko
Agad ko naman itong tinago "W-wala to" kako at iniwan na siya sa may hagdan
SOMEONE'S POV
"A-ama ang kapangyarihan niya, higit na sa sukdulan, Hindi natin siya kakayanin ama"
Napahawak pa ito sa kanyang dibdib
"Hindi maaari! Kayong lahat magsilibot na kayo! hanapin ang tagapagligtas at iharap sa akin! Maliwanag!?"
"Opo mahal na hari"
Dali dali silang nagsikilos "Anak! Hanapin mo ang susi para mabuksan ang pinto para sa mahal nating pinuno, sa lalong madaling panahon kailangan ng maumpisahan ang siyang magbubukas sa kanyang daan"
"Masusunod ama" dali dali din siyang umalis
Makikita mo tagapagligtas, Hindi ka mag tatagumpay!
PHOEBE'S POV
Bigla nalang akong nakaramdam ng sakit sa ulo, tila may gusto itong ipakita sakin.
Naramdaman ko din ang masasamang kapangyarihan, andito na sila sa mundo ng mga mortal, Hindi maaari! kailangan ko silang puksain isa isa!
"Arghhh!" sigaw ko dahil sa sakit ng ulo ko, napapikit ako sa pagkat ansakit talaga
Pagkamulat ko ay nakita ko ang kumpol ng mga taong nakakulay itim sa may iskenita. Nag uusap sila at bigla nalang silang nagsilaisan, naiwan ang dalawang ang tantya ko ay mag ama. May pinag usapan pa sila bago umalis ang kanyang anak. Dumura pa ang lalaki saka ito naglakad palayo.
And with that bigla nalang akong nahilo.
ALEXIS' POV
Kwento ako ng kwento dito pero wala pala si madam phoebe, binalikan ko siya at nakitang nakaluhod ito sa sahig hawak ang kanyang ulo
"Hala! phoebe! madam phoebe ayos lang kayo!?" dahil sa sigaw ko ay nagsilapitan naman ang ibang kasambahay
"Naku kumuha kayo ng gamot!" tarantang sigaw ni manang martha
"Arghhh!" sigaw pa ni phoebe dahil ata sa sakit ng ulo
Nakayuko lang ito
"Miss Phoebe! ayos ka lang?"
nagkakagulo na kami dahil sa nangyayari sa kanya, bigla nalang ay tumingala siya at purong puti ang kanyang mga mata
"AAAHHHHHH!!"
"HALIMAAAAW! AAAHHH!"
"OMYGOD!! WAAAAAH!"
samo't sigaw namin
"TUMAWAG KAYO NG NURSE! SI SIR! ISPERITISTA! ALBULARYO!" takot na sigaw ni manang Martha
Nakakatakot ang kanyang mukha, puro ugat pa ang kanyang leeg na kulay itim at tirik na tirik ang kanyang mata, halos mag iyakan na kami dito dahil sa takot
Mga ilang minuto siyang nakaganon ay bigla siyang nahimatay
"M-erry T-tignan mo nga kung buhay pa" takot na sabi ko
"A-ayoko nakakatakot" umiiyak na sabi niya
sakto namang dumating sila sir "What the hell is happening here!?" nakakatakot na tanong niya
Samo't saring paliwanag ang binigay namin halos sabay sabay kaming magsalita
"Easy lang kayo, isa isa naman wala kaming maintindihan" sabi ni sir grey
Kaya naman si manang Martha na ang nag explain, walang ninuman ang gumalaw sa kanyang katawan na nakahandusay parin ngayon sa sahig, maski sila sir ay natakot.
Tumawag din ng esperitista sila sir, habang kami ay umiiyak parin dahil sa takot Kay phoebe
PHOEBE'S POV
"Anak, batid Kong alam mong andito na sila"
Tinig mula sa kung saan
"O-opo ama"
"Humayo ka at protektahan ang mga mortal, mag iingat ka anak, ikaw ang aming inaasahan, ano mang oras ay magsisimula na ang unang labanan"
"Makaasa kayo ama"
"Nasayo ang basbas ko anak, bumangon kana"