CHAPTER 10
Gaya ng sinabi si Veiro, bumalik siya para linisin ang mga sugat ko. Kahit pa masakit at mahapdi ay tinitiis ko kasi gusto ko na ding gumaling agad ang mga sugat ko. Bumalik din sina Clark at Veigo kinagabihan para asarin si Archer at bisitahin ako. Wala akong nakikitang rason bakit nila ako binibisita, hindi ko naman sila kaano-ano. Hindi ko sila mga kaibigan at mas lalong hindi kami close.
"Kaya mo bang kumain mag-isa? O mas gusto mong subuan kita? Ayos lang naman sa'kin. Oh, baby, here's comes the airplane." Tinaas ni Veigo ang kutsarang may lamang pagkain at pinagewang-gewang pababa papunta sa akin.
Tinawanan siya ni Clark habang sinamaan ko naman siya ng tingin. "Tss, hindi ako baldado," inis kong sambit habang iniwasan ang balak niyang isubo sa'kin.
Tinulungan ako ng dalawa na maupo nang maayos kasi sumasakit ang sugat ko sa tagiliran at sa balikat. Nakakagalaw naman ako nang maayos pero maingat at dahan-dahan lang.
Kinuha ko kay Veigo ang kutsara at sumandok ng soup. Tinitigan ko muna ito nang mabuti saka inamoy.
"Walang lason 'yan, Miss Green. Ako kaya nagluto niyan!" pagmamalaki niya. "Swerte mo nga kasi pinagluto kita. Alam mo bang maraming tao ang nagbabayad sa akin ng mahal para lang ipagluto ko sila? Tapos ikaw huhusgahan mo lang? Grabe ka na talaga, Miss Green. You are not allowed!" he held his chest dramatically.
"Ang dami mong sinabi, inamoy ko lang naman." I took my first sip para matahimik na 'tong lalaking 'to. Nanatili pa ang kutsara sa mga labi ko habang ninanamnam ang sinabi niyang niluto niya. In all fairness ha, ang sarap. Mainit pa ang soup kaya humagod talaga sa lalamunan ko. Malinamnam, at may matamis na after taste. Napatango ako at tiningnan siya. "Ikaw ba talaga ang nagluto nito?" hindi makapaniwala kong tanong.
"Oo nga, paulit-ulit naman 'to. Kahit pa tanungin mo pa ang lalaking 'yan," tinuro niya si Clark na ngayon ay busy sa cellphone habang nakaupo sa sofa malapit sa kama. "Hoy, CJ! 'Di ba ako nagluto nito? Masyado kasing masarap kaya ayaw aminin ni Miss Green na magaling din magluto ang tulad kong mukhang mas sanay lang mag-pose sa camera dahil sa sobrang gwapo."
Mapanghusgang tiningnan siya ni Clark, "Eh? Malay ko sa'yo." Tinaas niya ang middle finger kay Veigo bago binalik ang atensyon sa cellphone.
"'Wag kang masyadong bumilib sa'kin, Miss Green, ako lang 'to." Hindi siya naapektuhan ng sinabi ni Clark. "Masarap 'di ba?" Malapad ang mga ngiti niya habang hinihintay ang sagot ko.
"Okay lang." Bumagsak ang balikat niya sa sinabi ko. Nawala ang kaniyang mga ngiti at lumungkot ang mga mata. Okay, nafi-feel ko na napakasama ko. "Joke lang. Siyempre naman masarap," agad kong bawi.
"Sabi ko na nga ba. Ito namang chicken fillet ang tikman mo, sunod itong vegetable salad."
Marami nga siyang niluto para sa'kin. Iba pa ang nasa harapan ko sa nakalagay sa maliit na table sa may sofa sa loob ng kwarto. Iba ang kwartong 'to sa kwartong tinuluyan ko bago ako umalis.
Sa mga sumunod na araw ay ganoon ang ganap namin. Pupunta sina Clark, at ang kambal dito para bisitahin ako. Lagi din akong ipinagluluto ni Veigo habang si Clark naman laging may kwento kaya naaaliw ako. Pero si Archer ay ilang araw na mula nang huli kong makita.
Tinawagan ko din ang mga kapatid ko para hindi sila mag-alala o magtaka bakit hindi ako tumawag. Gumawa na lang ako ng palusot kung bakit hindi ako makakabisita sa mga susunod na araw o linggo.
Naa-appreciate ko ang effort nina Clark at ng kambal pero hindi ko maintindihan kung bakit nila 'to ginagawa. Naaawa ba sila sa'kin? Inutusan ba sila ni Archer? O baka may mabuti lang talaga silang puso para maglaan ng oras sa katulad ko? Pero deep inside alam kong may iba pang rason.
Mas naiintindihan ko pa bakit madalas ang pagpunta dito ni Veigo. Totoong doktor nga talaga siya. Nahihiya na din ako kasi nagsasadya pa talaga siyang puntahan ako.
At ngayon ay hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. "Bakit niyo ginagawa 'to?"
Napatigil si Veigo sa pagbalat ng hilaw na mangga at tumingin sa akin. Tumaas din ang tingin sa akin ni Clark at napatigil sa pagtipa sa cellphone.
Nandito kami ngayon sa gazebo kasi gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Kaya ko namang maglakad at unti-unti nang naghihilom ang mga sugat ko.
"Ang ano?" tanong ni Clark.
"Ito. 'Yung ginagawa niyo. Lagi niyo akong binibisita dito kahit hindi niyo naman ako obligasyon. Naglalaan pa talaga kayo ng oras para sa'kin. Hindi naman tayo close, hindi ko naman kayo kaano-ano kaya hindi ko maintindihan bakit niyo 'to ginagawa."
Sandaling napaisip si Veigo habang binitawan naman ni Clark ang cellphone at humarap sa akin.
"Let's just say na kasi alam naming walang ibang gagawa nito sa'yo. Si Achie wala naman 'yung pakialam. Kailan ang huling araw na nakita mo siya?" Napaisip ako sa tanong ni Clark. Laging wala si Archer dito sa bahay niya. I wonder kung saan siya natutulog.
"Ayaw nu'n na may ibang tao sa bahay niya na hindi niya naman close. Ayaw niya na may obligasyon sa ibang tao–"
"Ayaw niya kamo sa ibang tao maliban sa sarili niya," putol ni Veigo sa sinabi ni Clark.
"Yep," pagsang-ayon ni Clark sa sinabi ni Veigo. "In short, wala siyang pakialam sa iba maliban na lang kung may makukuha siyang kapalit. Kung hindi ka namin sasamahan dito, walang ibang mag-aalaga sa'yo lalo pa't hindi pa tuluyang naghihilom ang mga sugat mo," mahabang paliwanag ni Clark.
"Totoo, Miss Green, kaya magtitiis ka sa pagmumukha namin hangga't hindi ka pa magaling." Bahagyang natawa si Veigo.
"Pero– hindi naman siguro. Siya ang nagligtas sa'kin– iniligtas niya ako! I mean, oo, unang kita ko pa lang sa kaniya mukha siyang masamang tao pero hindi naman siguro siya totally masama." Hindi ko pinagtatanggol si Archer, pero kahit pa mukha siyang walang pakialam sa iba alam kong mayroon siyang mabuting puso kasi kung wala, hindi niya na sana ako iniligtas sa kamay ni baboy ramo at higit akong nagpapasalamat sa ginawa niyang pagligtas sa akin. Utang ko pa rin sa kaniya ang buhay ko.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa nang hindi sila nagsalita.
"Siguro," basag ni Veigo sa katahimikan.
NAGISING AKO SA gitna ng gabi dahil sa uhaw. Dahan-dahan akong bumangon sa kama at paika-ikang naglakad palabas ng kuwarto. Ako lang ulit mag-isa sa bahay ni Archer dahil kailangan ding umuwi nina Clark at Veigo, samantalang si Archer naman ay hindi pa din umuuwi.
Ayos lang naman sa akin na mag-isa dito kasi mahigpit ang seguridad ng village. Hindi ka basta-bastang makakapasok kung hindi ka pinahintulutan ng taong bibisitahin mo o kung wala ka namang sadya sa loob.
Maingat akong bumaba sa hagdan at nagtungo sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref at hinayaan itong nakabukas para magbigay liwanag habang umiinom ako. Natigilan ako sa akmang pagbalik ng pitsel sa ref nang makarinig ng munting tunog na sa tingin ko ay nanggaling sa living room. Lumingon ako palikod at ilang sandaling naghintay na makarinig ulit ng tunog. Baka kasi magnanakaw, pero malabo naman kasi mahigpit ang security nila dito.
Nang makalipas ang ilang sandali ay wala na ulit akong narinig ay pinagsawalang bahala ko na lang ito at ibinalik na ang pitsel sa ref. Hindi ako naniniwala sa multo kaya hindi ako nakaramdam ng takot. Kung sakali man na may taong nanloob sa bahay, mabilis lang naman tawagan ang security since may telepono sila dito na direktang nakakonekta sa security at tanging sila lang ang matatawagan sa teleponong iyon.
Sinara ko ang ref at muntik na akong atakehin sa puso nang pagtalikod ko ay natama ako sa dibdib ng isang lalaki. Matigas at malapad ang kanyang dibdib. Dahil hindi ko binuksan ang ilaw sa kusina kaya't hindi ko batid kung anong itsura ng lalaki. Mas matangkad at mas malaki siya sa akin kaya wala akong kalaban-laban nang i-corner niya ako sa pinto ng ref.
Nasa magkabilang gilid ko ang mga kamay niya habang sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin na naaamoy ko na ang alak sa kaniyang bibig. Nanghina ang mga tuhod ko dahil sa takot, nawalan ako ng lakas dahil sa kaba. Paano kung may gawin siyang masama sa akin? Siguradong wala akong magagawa. Malayo pa naman sa akin ang telepono para tawagan ang security.
Mas inilapit niya ang sarili sa akin kaya't nilagay ko ang kamay sa dibdib niya. Hindi ko man siya kayang itulak at least man lang mayroong kaunting pagitan sa aming dalawa.
Nanayo ang balahibo ko nang marahan niyang hinagod ang aking pisngi gamit ang hinalalaki kasabay ng pagbanggit ng mga salitang hindi ko inaasahan, "I missed you." Kahit hindi ko kita ang kaniyang mukha, alam ko na ngayon kung sino ang nasa harapan ko. "Please come back." May bahid ng lungkot sa kaniyang boses at pakiramdam ko ay malapit na siyang umiyak.
"Anong pinagsasabi mo?" mahina kong tanong.
"I'll change, I promise. Just please... don't leave me," pagmamakaawa niya.
"Archer, hindi kita maintindihan." Ano ba kasing pinagsasabi niya? "Ano bang ibig–" Hindi ko natuloy ang balak sabihin ng sunggaban niya ako ng halik. Nanlaki ang mga mata ko nang maglapat ang aming mga labi, at mas lalo itong lumaki nang simulan niyang igalaw ang kaniyang mga labi.
Ang kaninang takot at gulat ay napalitan ng pagkasabik. Ni minsan hindi pa ako nakahalik ng sino man. Nangako ako sa sarili ko na hindi ako magpapahalik hangga't hindi pa ako naikakasal, pero bakit tinutugunan ko ang mga halik niya?
Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero sinusundan ko lang ang ritmo ng kaniyang halik na para bang isang sayaw. Marahang kinagat ni Archer ang pang-ibaba kong labi at hinanap ng kanyang dila ang daan papasok sa bibig ko.
Mas idiniin niya ang kaniyang halik habang nagtatalo ang aming mga labi at dila. He reached for my waist and pulled me even closer. Pinulupot ko ang dalawang braso sa kaniyang leeg at mas idiniin pa ang halik.
Naglakbay ang kaniyang kaliwang kamay sa katawan ko hanggang nakarating ito sa aking kanang dibdib. Wala akong suot na bra at manipis na tank top lang ang pang-itaas kaya't damang dama ko ang init ng kaniyang mga palad. Kumawala ang ungol sa aking bibig nang marahan niyang pisilin ang tuktok ng aking dibdib.
Bumaba ang halik niya sa aking panga pababa sa leeg. Tumingala ako para mas bigyan siya ng access sa aking leeg habang patuloy ang kanyang paghalik at pagkagat dito. Naramdaman kong sinipsip niya ang leeg ko bago ito dinilaan.
Alam kong mali 'to, dapat pigilan ko siya. Pero kusang pumayag ang katawan ko sa kaniya.
He slid his hands inside my shirt and cupped my breast. Kaagad niya din itong inalis. Teka lang 'yun na 'yon? Akala ko ay titigil na siya pero hinawakan niya ang kwelyo ng damit ko gamit ang dalawang kamay saka ito malakas na pinunit.
Napasigaw ako sa ginawa niya. Bakit pa sinira eh pwede ko namang hubarin? What? At kailan pa ako naging nalaswa?
I'm now half naked. Masyado na akong exposed sa harapan niya. Tumigil siya sa paghalik sa akin at umatras para titigan ang katawan ko. Tanging ang ilaw lang sa dining room ang nagsisilbi naming ilaw.
Na-conscious ako sa paraan ng pagtitig niya kaya tinakpan ko ang dibdib ko na agad niya ding inalis.
"You're beautiful... as always."
Naglakad siya papalapit sa akin at tumigil nang hindi pa nagdidikit ang aming katawan. Nakatikom ang bibig niya at mukha siyang biglang nagkasakit. Magtatanong sana ako kung okay lang siya nang bigla siyang naduwal sa harap ko mismo. O mas mabuting sabihing sa katawan ko.
Naramdaman ko ang init ng suka niya sa buong pang-itaas na bahagi ng katawan ko habang bumababa ito nang bumaba sa puson ko. Buti na lang pala ang hindi ako totally nakahubad at baka may suka na din niya ang ano ko.
Magkahalong bigla at pandidiri ang naramdaman ko at nanatiling nakatayo habang pina-process ang nangyari.
Nang mapagtanto ang nangyari ay mabilis at inis kong pinulot ang napunit kong damit saka pinunas sa dibdib ko. Si Archer naman ay nakahiga na sa sahig malapit sa sinukahan niya. Kadiri.
"Gago ka, Valle!" singhal ko sa walang malay na lalaki sa sahig. Tsk. "Pagkatapos mo akong pagsamantalahan gaganun-ganunin mo lang ako?"