Chapter 19: 9
Hinatak nina Dong at Dan si Venice at isinamang palayo sa pinangyayarihan ng gulo. Alam niya at tiwala siyang hindi magtatraydor sa kanya ang mga kaibigan. Nauuna si Andress sa kanila, at sumusunod lang ang tatlo.
Naiwan siyang nakikipag palitan pa ng putok ng baril, bahala na ika nga niya sa isipan niya. Basta ang kailangan ay makaligtas sila at ang mga kaibigan niya. Isang granada ang tinanggalan niya ng pin, at malakas na inihagis sa mga tauhan ni Mucho. Sumabog iyon doon at marami ang napinsalang mga tauhan din ng sindikato. Saka siya mabilis na umalis.
Nakita naman niya ang patuloy na pagdating ng mga pulis, at sa wakas ay nahuli ang pinaka masamang Mafia Boss na nakilala niya. Kasama ang ilang grupo na galing rin sa ibang bansa.
“Inspector Illanes!” sigaw niya. “Ikaw na ang bahala sa kanila!” dugtong pa niya na ang pinatutungkulan ay ang pulis na matagal na ring gustong mahuli siya. Kaya lang ay hindi iyon kasama sa mga plano niya. Walang-wala sa isipan niya na mahuli siya ng kahit na sino sa mga iyon.
Hindi siya papayag, ngayon pa na nakita na niya ang babaeng makakasama niya sa habang buhay. Ang babaeng minamahal niya, kaya nga niya ginagawa ang lahat, para mahuli na ang mga masasamang sindikatong humahabol kay Venice, para mamuhay na sila ng magkasama at tahimik.
“Jerome! Langya nagamit mo na naman ako! Mahuhuli rin kita tandaan mo yan!” sigaw naman ng pulis.
Kahit na hindi siya nito nahuli, alam niyang masaya pa rin ito dahil kahit paano nabawasan ang mga masasamang loob.
Samantalang puno naman ng pag-aalala si Venice at ang mga tauhan niya sa kanya, habang nakakubli pa sila sa kanilang sasakyan. “Ano na kayang nangyayari?” kinakabahang tanong ng dalaga.
“Huwag kang mag-alala, yakang-yaka ni Bossing iyon, hindi lang naman ito ang pinakadelikadong gulo na nalusutan ng grupo, isa pa si Boss, madulas iyon!” sabi pa ni Andress na puno ng tiwala sa kanya.
“Oo nga Venice, kaya ni Bossing iyon,” segunda naman ni Dong, upang mawala kanyang pag-aalala.
“Ang mabuti pa gawin na nating ang isa pang plano,” singit na salita ni Dan sa kanila.
Tulyang na nga nilang nilisan ang lugar na iyon, kahit na hindi nila kasama si Jerome, hindi niya alam kung anong nangyari sa binatang Mafia Boss, at kung nakaligtas ba ito. Pero ang tangi niyang dasal ay makaligtas ito, at makasama niyang muli
KASALUKUYAN siyang nag-aayos ng mga dekorasyong isasabit nila sa labas ng bahay ampunan na siyang tinuluyan niya. Anim na buwan na ang lumipas simula nang maganap at matapos ang ingkwentro sa pagitan nina Jerome at ng mga sindikatong galing sa Russia, at mga tauhan ni Mucho.
Nahuli ang mga ito at kasalukuyang nakakulong na sa pambansang kulungan. Tulad ng mga plinano ni Jerome, nakaligtas nga siya at hindi nadamay sa gulo. Nagawan na rin ng paraan na maging lihitimong tagaroon siya sa lugar na iyon.
Ngunit magpasahanggang sa araw na iyon ay hindi pa rin nakakabalik si Jerome sa piling niya. Simula ng araw na iyon ay hindi na niya nakita ang binata. Dinala lamang siya ng mga tauhan nito sa bahay ampunan kung saan sila huling dumalaw.
Walang nagtatanong kung bakit, isa man sa mga tagapangasiwa roon, sa tingin niya ay alam na rin ng mga ito ang dahilan. “Aling Chanda, ako na hong maglalagay ng palamuti riyan,” sabi niya sa matandang nag-aayos rin ng ilang christmas decoration na isasabit nila sa labas ng bahay.
“Nako Ma’am, kami na lang po ang bahala, para hindi po kayo mapagod, malaki na ang tiyan mo, baka mamaya ay masobrahan kayo sa pagod,” sabi naman ng ginang sa kanya.
Kasabay kasi ng pagkawala ni Jerome, saka naman niya nalamang nagbunga pala ang kanilang ilang gabing pagsasama. “Naku, hindi naman po siguro, maayos naman po ang pagbubuntis ko, Manang Chanda,” mahina niyang tugon. Ipinipilit niyang gawin ang bagay na iyon dahil ayaw niyang makadama ng lungkot sa pagkawala ni Jerome. Alam niyang buhay si Jerome, at may mga bagay lang itong inaayos.
“Nako tingnan niyo po kung sino ang dumating!” sigaw ni Alice, isa sa mga batang doon na rin lumaki, at nagkaisip at ngayon katulong na rin doon sa pag-aasikaso.
Lahat ay napalingon sa may bukana ng bakuran, isang malaking sasakyan ang pumarada ro’n, kinakabahan siya nang makita niyang huminto iyon, at bumukas, isang lalaki ang bumaba, nakasuot ito ng desenteng kasuotan, at nakasumbreo. Kinakabahan siyang napalingon rin, at sa karamihan ng mga taong sumalubong sa lalake, kitang-kita pa rin niya ang mga mata nitong sa kanya lang nakatitig, nakangiti itong itinaas ang mga kamay upang anyayahan siyang yumakap sa mga bisig nito.
“S-Sir Jerome!” gulat na sambit ni Manang Chanda. Masayang-masaya ang mga tao na sinalubong ang binata.
Samantalang siya naman ay parang napako ang mga paa sa lupa, nakatitig lamang siya sa binatang napakatagal niyang hinintay. Sa loob ng anim na buwan ay wala siyang balita sa lalake.
“Nako Sir, napaka tagal na po kayong hinihintay ni Ma’am Venice,” sabi pa ng isa sa mga kabataang naroon.
Tumingin lang sa kanya ang binata na may maluwang na pagkakangiti, marahan itong binigyang daan ng lahat upang makalapit kaagad ito sa babaeng noo’y nagbubuntis na sa kanilang unang magiging anak.
Ngunit tinalikuran niya ito at pumasok sa loob ng kabahayan. Nagtuloy siya sa kanyang silid na tinutulugan. Doon ay malaya niyang naibuhos ang kanyang mga luha, nakatakip ang dalawang palad sa sariling mukha, at malayang humagulhol dahil sa pagkabigla niyang makita si Jerome.
“Venice….” mahinang tawag ni Jerome sa kanya. Hindi niya iyon pinansin dahil sa masama pa ang loob niya sa pag-alis nito ng walang paalam. Ngunit sa kabila ng lahat ay nadarama naman niya ang kaligayahan na makita ang lalake. “Galit ka?” tanong nito sa kanya.
“Ano sa tingin mo? Umalis ka na lang bigla, alalang-alala ako sa iyo, tapos wala manlang pasabi, o update kung nasaan ka at ano ang ginagawa mo,” may hinanakit niyang sabi sa binata.
“Kaya nga dito kita pinahatid kina Dan at Dong, kasi alam ko habang nandito ka, malilibang ka habang hinihintay mo ako.” Lumapit sa kanya si Jerome, at tinangka siyang hawakan. Napatalikod siya sa binata at ayaw niya itong harapin.
“Umalis ka na lang ulit, ayos lang ako rito, magiging ayos kami ng anak ko,” sabi pa niyang ipinaparamdam ang hinanakit sa lalake.
Mabilis na niyakap siya ni Jerome, “Hindi na ako aalis, tapos na ang mga inaasikaso ko, kasi gusto kong kayo naman ang makasama, gusto kong mabuhay tayo ng masaya,” sambit nito.
“T-talaga? Hindi mo na ako iiwan uli?”
“Oo. At kung aalis man ako, isasama na kita, maglalakbay tayo sa lahat ng lugar na may maari tayong matulungan,” sabi pa ni Jerome.
“M-maglalakbay?”
“Oo, maglalakbay tayo, pupunta tayo sa iba’t ibang lugar para maghanap ng maraming taong matutulungan,” Tuluyan na nga siyang niyakap ng binata. Ngunt nagulat ito ng bahagyang may gumalaw sa kanyang tiyan.
Nanlaki ang mga mata ni Jerome, at napapangiting hinawakan ang tiyan ni Venice, kitang-kita nila ang madalas na paggalaw ng sanggol sa loob ng tiyan ni Venice.
“Mukhang naiinis na natutuwa rin ang anak mo sa iyo ngayon, ramdam rin niya ang nararamdaman ko,” napatawang sabi niya.
“Oo nga, sorry na anak, andito na si Daddy,” sabi pa niya sa anak na nasa tiyan pa ng ina.
“Oo nga pala, pagkapanganak mo, magpapakasal na tayo, at sisimulang na natin ang bagong buhay na magkasama. Halika, lumabas tayo, kasi may ipapakita ako sa ‘yo.” Hinila nito ang isang kamay niya upang mapatayo siya buhat sa pagkakaupo, at nagpapatianod na lang siyang sumunod sa lalaking malapit na niyang maging asawa.
Nang makalabas sila sa may bakuran, nakita niya roon ang isang malaking bus, ngunit napakaganda, itinuro iyon ni Jerome, “Iyan ang magiging bahay natin, habang naglalakbay tayo,” sabi ni Jerome.
Siya naman ay napatakip ng mga kamay niya sa kanyang bibig at naluluhang nagpalipat-lipat ng tingin sa mga taong naroon at kay Jerome, hindi siya makapaniwala sa nakikita.
“Halika, tingnan mo hanggang sa loob,” hinila siyang muli ng binata at isinama sa loob ng sasakyang bus. Malaking bus iyon, at namangha siya ng makitang napakaganda ng loob niyon, may kwarto, sila at puno na iyon ng mga kagamitan, mayroon ding sala set, kumpleto sa kagamitan at lahat ng kanilang pangangailangan ay naroon.
“Ito ba ang pinaggagawa mo?” naiiyak niyang tanong sa lalake.
“Oo, anim na buwan naming ginawa to, nagpatulong ako sa mga kolokoy, kaya naman, nawala kami ng matagal, ito ang pangarap kong ibigay sa iyo,” sabi pa ni Jerome.
“Ano ka ba, pwede mo namang ipagawa ito sa iba, bakit ikaw pa talaga ang gumawa, nakakainis ka!” sabi niya habang umiiyak na napayakap kay Jerome.
“Mahal kita, kaya gusto ko pinaghirapan ko ang isang bagay na ibibigay ko sa iyo, sa buong buhay ko ikaw lang ang babaeng minahal ko, ikaw lang ang babaeng paghahandugan ko ng isang bagay na ako mismo ang gumawa at hindi nanggaling sa masama, kayo ng magiging anak ko.” Sabay halik ni Jerome sa kanya.
Isang halik na hindi naman niya tinanggihan, bagkus ay tila ba may sariling buhay ang mga labi na gumaganti sa halik nito. Isang halik na matagal niyang pinanabikan. Mahal niya ang binata, at handa na siyang mamuhay na kasama ito, sa bagong buhay na inihahandog nito sa kanya.
“Sino ba ako, para tumanggi sa ganitong kagandang bagay na ibinibigay mo sa akin, salamat, mahal na mahal din kita Jerome, at sa pagbabalik mong ito, sulit ang anim na buwang paghihintay ko,” nakangiting sabi niya sa lalake. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang humalik sa binata.
“Ano ituloy na natin ito dito?” malokong tanong ni Jerome sa kanya.
“Ano?” nabibigla naman siyang napayakap sa lalake dahil bigla na lang siyang binuhat nito patungo sa silid nila sa loob ng bus na iyon. “Hoy! Dito talaga?” pagulat niyang tanong sa binata. Ngunit sa kabila ng lahat ay nasasabik naman siya na makasama ito sa buong magdamag.
“Oo, lalayo pa ba tayo?”
“Sira ka talaga, paano kung magtaka sila na hindi na tayo lumabas rito?” natatawa niyang tanong sa binatang agrisibo nang humahalik sa kanya.
“Hayaan mo na sila, alam na nila iyon, ang tagal ko kayang nanabik sa iyo, kaya tara na,” sabi pa nito sabay sara ng pintuan ng kanilang silid. Pinagsaluhan nga nila ang gabing iyon nang magkasama.
NANG makapanganak si Venice ay nagpakasal sila, at ipinagpatuloy ang pagtulong sa mga nangangailangan. Habang patuloy din silang naglalakbay sa buong bansa, dala ang kanilang Bus House.
WAKAS.
Thank you so much! Sana po ay nagustuhan niyo ang dalawang kwentong ito mula kay RRA. Happy reading.
The End
You finished this book. Find your next story below.





