Chapter 33
Third Person's POV
Isang linggo rin ang nakalipas na hindi pa rin gumigising si Aser at isang linggo na rin ang lumipas na palaging nasa gilid ni Aser si Elzid, palagi siya nitong kinikwentuhan sa mga pangyayari and he always tell her how sorry he is.
Sa ngayon si Elzid ay nakatingin sa tiyan ni Aser at hinihintay na pumatid ang anak niya. Walang araw na hindi ito pumapatid at nasisiyahan siya.
At wala ring araw na walang tauhan ng Cursed Mafia ang namamatay. Muntik na rin malimutan ni Elzid na may kompaniya siyang hinahawakan kaya pinuntahan niya iyon kahapon at wala namang problema maliban sa isa, si Zord na palaging nang ti-trip doon.
“Skud, watch them,” utos niya sa alaga ni Aser na nasa gilid lang nito.
Pagkatapos ay tumayo na siya at hinalikan si Aser at ang tiyan nito nang pumatid ulit ito.
“Don't worry baby, babalik rin ako,” sabi niya at iniwan ang mag-iina niya para maligo lang.
Asereath’s POV
Putang ina! Malalagot talaga ito sa akin pag nagising na ako! Palagi nalang pinapatid ang tiyan ko! Nakakagigil na!
Matagal na akong gising pero nanatili lang ako nakahiga dahil wala pa rin akong ganang bumangon. Ngayon lang pala ako nagising and guess what!
Lumambot ang puso ko sa mga sinasabi ni Zid. I don't know why; will I forgive him now or magpapa-hard to get pa ako. Wala rin namang kukuha sa kaniya dahil kapag meron, shoot to kill na.
It's been 20 minutes noong lumabas na si Zid at hinabilin niya lang ako–kami kay Skud.
Puta! May pumatid na naman! Kaya wala akong choice kundi gumising nalang!
Nakita ko si Skud na nakatingin sa akin kaya nginitian ko ‘to nang biglang bumukas ang pinto pero ilang minuto lang nasara na ito.
“Tang ina mo, Skud,” sabi niya at kinuha si Skud at inilagay kahit saan. “Tsk! Ako sana ang unang makikita mo, si Skud pa!” gigil na sabi niya pero nang tumingin na siya sa akin lumambot ang mukha niya.
“Thank God, nagising ka na,” sabi niya habang iniipit ang mga hibla ng buhok ko sa tainga ko.
“Ilang araw ba akong tulog?” tanong ko sa kaniya.
“Mahigit isang lingo,” sagot niya at napabuntong-hininga nalang ako.
Agad akong bumangon at mabilis na kinapa ang tiyan ko.
“How's my baby?” Agad kong tanong sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko to reassure me.
“The baby is okay, nothing to worry about,” aniya at bigla siyang umupo sa gilid ko nang may naalala ako.
“Alam mo bang sinong pumapatid sa akin?” malamig kong tanong, “Mapapatay ko siya,” gigil na sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Zid.
What? May mali ba akong nasabi?
“Papatayin mo ang… anak–natin?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Huh?” takang tanong ko.
“Si baby ang pumapatid sa ‘yo,” sabi niya habang tinuturo ang tiyan ko.
Tumingin ako sa kaniya at hinawakan ko bigla ang umbok kong tiyan. Ilang segundo ang nakalipas nang may pumatid nga. Lumunok ako.
So ikaw pala ang salarin.
Ngumiti ako ng maramdaman ko ulit ang magandang nangyari.
Gusto kong umiyak dahil at last naramdaman ko siya pero ayaw kong umiyak kapag naka silicone mask ako. Hindi ko rin puwedeng tanggalin ‘to.
“Aser…” tawag sa akin ni Zid kaya napatingin ako sa kaniya pero ikinagulat niya nang tumingin siya sa akin.
“Your e–eyes,” sabi niya habang tinuturo ang mata ko.
Don't tell me! Fuck! Fuck! Masyado akong masaya ngayon! Damn!
Ipinikit ko ang mata ko at naghintay na mabalik sa normal. Ilang minuto akong naghintay at nawala na rin.
“A–Ano ‘yon?” sabi niya habang kinusot-kusot ang mga mata niya.
“Namamalik mata ka lang,” saad ko.
Nakita ko namang lumunok siya at agad na nahihismasan.
“Nasaan ba ako?” tanong ko no’ng napagtanto ko na sobrang ganda naman dito para maging hospital.
“Zoroa's mansion,” sagot niya. Napatango naman ako.
Humiga ako ulit at pinatong ko ang mga paa ko sa hita ni Zid. Ginawa ko namang unan ang mga kamay ko.
“May sasabihin a–ako sa i–iyo,” uutal-utal niyang saad na animo’y nahihiya.
“Ano?”
Tsk! Puta bakit parang alam ko na ang sasabihin niya! Bakit ba na nininirbyos ako!
“I love you,” saad niya na nagpapatameme sa akin!
Putang ina! Tama nga ako! Fuck! Tumigil kang hayop na puso ka!
“Walang tayo, Zid.” Ewan ko ba kung bakit sinabi ko iyon kung nagustuhan ko naman ang sinabi niya.
“Then gagawa ako nang may TAYO. Ikaw at ako!” sigaw niya na nagpataas ng kilay ko! Punyeta, gusto kong ngumiti pero NO.
“Ang bilis mo naman,” naka-smirk kong sabi, “’Wag mo akong ibigin dahil lang sa may responsibilidad ka.”
“Hindi kita inibig dahil may responsibilidad ako sa ‘yo kundi dahil inibig kita dahil mahal kita.” Fuck! Ano ba ‘to! “Wala nang like-like pa. Diretso love na, dahil sa simula palang nabihag mo na ako,” dugtong niya kaya tiningnan ko siya.
Wow! Ang bilis naman ata! Ano akala niya sa akin cheap?
May kasalanan pa siya sa akin pero handa ko naman siyang patawarin.
“W–Wala ka bang sasabihin?” he asked me. “Do you feel the same way towards me?” He nervously asked me.
Tumagilid ako kaya nakatingin ako kay Skud na nasa lupa. Ano bang sasabihin ko? I do! Pero nasaktan niya ako! Kahit maliit lang ‘yon.
Inhale, exhale.
“Oo,” tipid kong sagot na nagpatigil sa kaniya.
“Y–You do?” Ulit niya.
“Oo nga and it's starting to fade away,” sita ko kahit na hindi naman mawawala.
Naramdaman kong tumayo siya at pumunta sa harapan ko at umupo. He blocked me.
“Wala akong paki kung hinay-hinay nang nawawala ang nararamdaman mo sa akin. Dahil gagawin ko ang lahat mapabalik ‘yan,” sabi niya at ngumiti na nagpahaplos sa puso ko.
“Tsk!” singhal ko.
“Let me tell you something. Noong may dinala akong baba–” hindi ko siya pinatapos at tumayo na. Tss. Nawalan ako ng gana. “Patapusin mo naman ako… baby,” saad niya. Kinagat ko ang labi ko dahil gustong kumawala ang punyetang traydor kong ngiti.
“One minute.”
“Dinalakosiyadahilakalakoikaw’yonatlasingakonoon–” I stopped him dahil hindi ko siya maintindihan.
“Pinagsasabi mo?”
He sighed.
“Dinala ko siya dahil akala ko ikaw ‘yon at lasing ako noon, diba i-de-date kita pero niyaya ako ng mga kaibigan ko at noong nalasing ako… lahat na babaeng nakikita ko ang mga mukha nila... ay ikaw. Gano’n tika ka mahal, doon ko nalaman ang tunay kong narararamdaman tungo sa ‘yo.”
Sinabihan niya ako sa lahat na nangyari at nagpatawad siya sa akin.
“Hindi ako pumasok sa kaniya,” he swears. Ina nito! Wala akong paki! “Now please? Will you give me a chance?” sabi niya habang niyakap ako. Ulol nito.
Ano na? Dito na ba magsisimula ang lahat?
“Tatlong buwan lang tayong magkasama pero minahal mo na ako,” saad ko. He put his chin on my shoulder and he whispers that send shivers down to my spine.
“Dahil iba ka. Someone is pushing me to love you and that is my brain, and someone is telling me to love you and that's my fucking heart,” he whispered na nagpakiliti sa akin. “I will court you and you can say 'no' to that. Liligawan kita hanggang sa makuha ko ang nakakamatay mong 'oo',” sabi niya at hinalikan ang leeg ko.
Ugh!
“Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo lang ako at mahalin mo rin ako,” sabi niya habang hinahalikan pa rin ang leeg ko. Puta nag-iinit ang katawan ko. This is driving me crazy! Shit!
Holy! Ba't ang sarap! Oh, tukso pigilan mo ako!
Hinahalikan niya pa rin ako nang biglang! bumukas ang pinto.
“Aser! Ay shet!” pagkasabi no’ng tao na ‘yon agad akong lumayo kay Zid.
“Peste,” dinig kong bulong ni Zid.
“Ohmygod! ZOROA BINABOY MO ANG BESPREN KO!” Tili ni Tomi na nasa gilid lang ni Zord.
“Tomi,” masaya kong tawag sa kaniya.
“Waw! Masaya kapa!” galit niyang saad sa akin.
Ngumisi ako.
“Ginagawa niyo naman din ‘yon ni Zord,” I smirked. Bingo!
“H–Hindi, ah,” bawi niya.
“E, ano ‘yan?” tanong ko habang nakatitig sa leeg niya.
Nag pout lang siya, meaning totoo nga.
“Men, buntis si Aser. Gawin mo nalang ‘yan kapag nanganak na siya.” Napasapo ng noo si Zord. Binigyan nalang siya ni Zid ng masamang tingin.
“Bakit ba andito kayo? Hindi ko naman kayo sinabihan na gising na siya,” maktol niya.
“Wala ka ng paki do’n,” saad ni Tomi at lumapit sa ‘kin pero natigil siya ng nakita niya si Skud. Lumayo ito, “Ginagawa niya diya’n?”
Kibit-balikat lang ako at tumayo na. Hinapit naman ako ni Zid papalapit sa kaniya.
“Tomi come here,” tawag ko si best friend kong takot kay Skud.
Lumapit naman siya sa ‘kin. Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong sa tiyan ko.
Biglang nanlaki ang mata niya at naiiyak na ngumiti ito.
“AKO RIN!” sigaw ni Zord pero pinigilan siya ni Zid.
“Not your filthy dirty hands,” ngiwing saad nito.
Nanlumo naman si Zord at binigyan niya ng irap si Elzid pero agad itong nagtanong.
“Ano gender niya?” tanong niya na ikinibit-balikat ko.
“Hindi pa namin alam,” saad ko.
“Ano gusto niyo?”
“Boy/Girl,” Zid and I said in unison. Tiningnan ko siya ng masama.
“I want a boy” May diin kong saad.
“Girl”
“Boy”
“Girl”
“Boy!”
“Magpacheck kaya kayo,” Zord facepalmed.
Tumango nalang si Tomi.
Oo, nga ano. Hays, kasalanan ‘to ni Zid dahil sa ginawa niya kanina sa akin. Pero infairness masarap ‘yon.