Chapter 37: CHAPTER THIRTY SIX
Lexinne's Pov
"Hello Lexinne!" Bati sakin ng isang babae na hindi ko naman kilala na wagas kung makangiti
"Hi?" Sabi ko naman tsaka ginantihan ang ngiti niya
"Pwede humingi ng pabor?" Kandahabang ngusong sabi niya
"Oh! Sure! Basta't kaya ko bakit hindi?" Sagot ko naman sa kanya
"Yiiie! I like you na! Kasi bes ka close mo si Chuck Soriano diba? Baka pwedeng ipakilala mo naman ako sa kanya" sabi nito na ikinatawa ko ng mahina
"Yun lang?" Natatawang tanong ko
"Yes yes yes! Tatanawin kong malaking utang na loob sayo kapag pinakilala mo'ko sa kanya" nag tutwinkle twinkle pa mga matang sabi niya
"Close nga siguro kami pero mas close sila ni Klea" sagot ko sa kanya
"Sige na please???" At dahil sa pag puppy eyes niya ay napatango ako at tumawa na parang si Maria Clara sa panahon nila ni Crisostomo Ibbara
"Okay sige pero paano kita ipapakilala kung hindi ko naman alam pangalan mo?" Tanong ko sa kanya
"Ako nga pala si Maica Jean Ancheta pero Maymay nalang itawag mo sakin kasi bestfriends na tayo" nakangiting pakilala niya sakin
"Kailan mo pa naging bestfriend ang bestfriend ko?" Masungit na sabi ni Klea na pumagitna samin dalawa at yumapos sa braso ko
"Hello Klea ako pala si Maymay new friend ni Lexinne" nakangiting sagot ni Maica sa kanya
"Ganyan nga friend lang hindi bestfriend ano bang atin?" Mataray na tanong ni Klea
"Huwag mo ngang sungitan" sabi ko kay Klea tsaka tumingin kay Maymay "May dalaw siya ngayon kaya masungit" nakangiting sabi ko
"Hoy kakatapos lang ng period ko!" Malakas na sabi ni Klea na ikinatingin ng mga kasabay naming naglalakad
"Hihihi okay lang Lexinne ang cool nga ni Klea eh" humahagikgik na sabi ni Maymay
"Cool ba yang ganyan? Parang hindi naman" natawang sabi ko tsaka tinignan si Klea na naniningkit ang mga matang nakatingin din sakin
"Ikaw ba bestfriend ko talaga o itong si Maymay? Buti pa itong baby bra warrior na'to marunong kumilatis ng tao ng tao. Halika Maymay treat kita ng smothie sa canteen" sabi ni klea na inirapan ako at hinila si Maymay
"Yah! Hintayin niyo'ko!" Malakas na sabi ko tsaka sinabayan sila sa paglalakad.
*****
Canteen
"May crush ka sa ungas na yon?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Klea kay Maymay habang kumakain kami ng pizza sa canteen
"Feel ko nga hindi lang basta crush parang love at first sight pa nga" sagot ni Maymay na tumingin pa sa kawalan na tila nag d-daydream
"Wala kang taste" sabi naman ni Klea tsaka sumipsip sa strawberry flavor smootie niya
"Gwapo kaya ni Chuck" sambit ko naman
"OMG! Akin lang siya iba nalang sayo" sabi naman ni Maymay na tila maiiyak
Sabay naman namin siyang binatukan ni Klea at nagsabi ng gaga!
"May boyfriend na yan at ang boyfriend niya kapatid ko" sabi ni Klea na ikinatango tango ko
"Really? Wala pala akong dapat ipagselos kung ganon" nakangiting sabi niya tsaka pinatong ang baba niya sa kamay niya.
"Tama ka wala kang dapat ipagselos sakin pero kay Klea meron, araw araw silang magkasama ni Chuck kaya huwag kang magtaka kung isang araw mabalitaan mo na mag jowa na sila" sabi ko naman tsaka ako binigyan ng isang batok ni Klea. Laglag panga naman si Maymay sa sinabi ko.
"Buset ka! Ayaw mo ba ako maging sister in law? Alam mo namang patay na patay ako sa Kuya mong suplado" sagot sakin ni Klea
"Weh? Bakit buhay kapa?" Tanong ko sa kanya tsaka tumawa "magiging mag sister in law naman tayo kahit hindi maging #Kayo ng kapatid ko" sabi ko pa tsaka tumawa
"Nakakatuwa naman kayo parehong mga Kuya niyo mga boyfriends niyo. Push niyo yan tapos push niyo ko kay Chuck" sabi naman ni Maymay na kilig na kilig habang yakap ang sarili
"Naku beh tara na ayokong mahawa sa pagkaloka loka niyan" aya sakin ni Klea na tumayo na
"Oo nga beh tara na" sang ayon ko naman kunwari na sumipsip muna sa chocolate fudge smootie ko tsaka tuluyang tumayo
"Ang sama niyo sakin!" Busangot na sabi naman ni Maymay na sumunod at pumagitna samin ni Klea habang yapos mga braso naming dalawa
*******
"Bossing!" Napatingin kami kina Lance, Travis, Greg at Chuck na patakbong lumapit sa'min na todo nakangiti pa.
"Oh bakit?" Taas kilay na tanong naman ni Klea ng makalapit sila sa'min
"Wala lang gusto ka lang namin makita" sabi naman ni Travis, nabatukan tuloy siya ni Klea
"Kumusta pinapagawa ko sa inyo?" Tanong pa ni Klea sa kanila
"Ayos na boss kumanta na" masiglang sagot naman ni Chuck
"Anong kumanta?" Naguguluhang tanong ko at tumingin kay Klea. Sinipa naman ni Klea si Chuck sa tuhod at todo alala naman si Maymay na hinaplos pa ang tuhod ni Chuck na nagpangiwi sa'kin. Iba talaga ang nagagawa ng love.
"Pinaayos ko lang yung radyo ko sa tambayan mag sa soundtrip sana ako kaso ayaw tumunog kaya sabi ko pakantahin nila yung radyo kung hindi sila mag ko concert sa tambayan ko" sagot sa'kin ni Klea
"Pft.. buti nalang nagawa nila kung hindi kawawa ang tenga mo" pigil tawang sabi ko
"Ma'am naman! Ang ganda kaya ng boses naming apat, pwede na nga kaming bumuo ng isang boyband na magpapabagsag sa BTS" sabi naman ni Lance
"Tinataasan niyo ng boses si Lexinne?" Sipa na naman tuloy inabot nilang apat
"Gago ka pati ako nadamay" batok naman ni Greg kay Lance
"Manahimik nga kayo! Sige na umalis na kayo ayokong makita pagmumukha niyo" utos ni Klea sa apat na gwapitos
Napatingin naman ako kay Maymay na hinihila ang dulo ng blouse ko. Hindi ko alam ang gusto niyang sabihin pero na gets ko din ng ngumuso ito sa direksyon ni Chuck. Oo nga pala matindi ang crush nito sa isa sa mga gwapitos na body guard ni Klea.
"Hep! Teka lang" tawag ko ng pansin sa apat. Yeah silang apat para maraming choice si Maymay. "Mag hi muna kayo kay Maymay new friend namin siya ni Klea" sabi ko
"Hello po Ma'am Maymay ako po si Lance" pakilala ni Lance sa sarili at yumuko
"Ako po si Travis"
"Ako naman po si Greg"
"Chuck po ang pinaka pogi sa kanila"
Nagningning naman ang mga mata ni Maymay at naiwan ang paningin kay Chuck. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Klea at magkahawak kamay na naglakad paurong para iwan na silang lima.
*********
"Malapit na birthday ni Kuya anong gift mo sa kanya?" Tanong ni Klea habang nakaupo kami at hinihintay ang next prof namin.
"Hindi ko nga alam eh, ilang gabi ko na rin iniisip kung anong magandang iregalo sa kanya pero wala akong maisip. Ano ba ang maganda?" Tanong ko sa kanya
"Kung ako talaga tatanungin mo gusto ko regaluhan mo siya ng Baby para naman magka pamangkin na ako" balewalang sagot nito na ikinaubo ko
"Kaya ayokong magtanong sa'yo eh" sabi ko naman sa kanya na tinitigan siya ng masama
"Bakit kaba kasi nagtanong sa'kin kung ayaw mong magtanong tsaka beh ikaw tinatanong ko tapos sakin ka magtatanong. Tsk!" Masungit na sabi nito tsaka umubob sa desk niya.
Bumuntong hininga nalang ako, ano nga bang ireregalo ko kay Kidd.
Natapos ang klase namin at tulog parin si Klea. Minabuti kong gisingin na siya dahil nasa labas at naghihintay na samin yung mga gwapitos kasama si Maymay.
"Bakit kasama mo mga 'yan?" Tanong ko kay Maymay tsaka tumingin sa apat
"Kaklase ko kasi sila sa last subject namin, sinabi nila na pupuntahan nila kayo kaya sumama na ako" nakangiting sabi nito
"Eh bakit ba kayo nandito?" Iritadong tanong ni Klea
"Kasi boss may sasabihin kami sayo" seryosong sabi ni Greg
"Sige alam ko na hintayin niyo nalang ako sa tambayan" sagot naman nito
"Bakit papupuntahin mo pa sila sa bahay mo pwede naman dito, nakakailang tuloy" sabat ko
"Baka importante at secret nila kaya bawal natin marinig" sabi naman ni Maymay na pinalupot ang kamay niya sa isang braso ko
Napatingin naman ako kay Klea na parang malalim ang iniisip.
"Ang lalim naman yata ng iniisip mo, Okay ka lang beh?" Tanong ko sa kanya
"Hindi. Iniisip ko kung kailan mo pa ako pinagpalit sa insektong yan" sagot nito tsaka niya kami masamang tinapunan ng tingin ni Maymay
"Baliw ka talaga hahaha" tumatawang sabi ko at lumingkis sa isang balikat niya. Bale nakapagitna ako kina Maymay at Klea habang nasa magkabilang gilid namin sina Travis at Chuck at sa likuran namin sina Greg at Lance. Kung kasya lang siguro kami sa daan baka luminya din sila sa'min. Medyo sanay narin ako sa tingingan ng mga estudyanteng nadadaanan namin pero nakaka ilang parin.
"Chuck Greg kayo na bahala maghatid sa kanila" tukoy ni Klea sa'min dalawa ni Maymay
"Promise ang weird mo ngayon, don't worry kaya namin umuwi mag tataxi nalang kami" sabi ko kay Klea
"Ako na maghahatid kay Lexinne dala ko yung car ko" sabi naman ni Maymay
"Mas mapapanatag ako kung ihahatid nila kayo" sabi naman ni Klea at muling tumingin sa mga bodyguards niya. "Sundan niyo nalang ang kotse ni Maymay siguraduhing safe sila" muling utos nito
"Napaka protective mo naman yata ngayon sa'min, nasa panganib ba kami? Ikaw dapat ang bantayan nila hindi kami" nag aalalang sabi ko
"Oo nga bigla tuloy akong kinabahan, feeling ko tuloy any moment may kikidnap sa'min" may takot sa boses ni Maymay kaya hinawakan ko ang kamay niya at pinisil yun
"Mga gaga! Gusto ko lang magpahinga agad tsaka ayokong makita ang pagmumukha ng dalawang yan kaya kesa maglakwatsa sila ipapahatid ko nalang kayo" sagot naman nito samin medyo kumalma naman ako at nakita kong may ibinulong siya kay Maymay at nagliwanag naman mukha ni Maymay at hindi matago ang tuwa.
Nakangiting tmingin sakin si Klea at kinindatan ako na nagpawala ng tuluyan sa pangamba ko.
***