Chapter 55: Kabanata 56: Three Black Butterfly

NAPAPAOS na ang aking tinig matapos humingi ng tulong. Hinihingal na akong tumatakbo subalit wala akong nakakasalamuhang taong tutulong sa akin. Madilim ang buong paligid, maging ang dinadaanan ko ay hindi ko na makabisa ng maayos. Ang tanging ginagawa ko lang ay makawala sa anino ng sasakyang bubundol sa akin. Gusto kong malaman kung sino ang nagmamaneho pero hindi ko magawa. Papalapit pa lang ako ay aakma ng susugod sa akin ang sasakyan.

Nanginig ako matapos akong madapa sa putikan. Namamasa na ang aking damit, ang aking paa ay humahapdi na rin bunga ng batong natamaan ko dahil sa kakatakbo. Hinahangos kong pinakalma ang aking sarili at marahang umupo. Sumasakit na talaga ang aking mga paa.

Isang malakas na ulan ang biglaan na lamang nagsipatakan. Sobrang lamig nang aking nararamdaman. Naisin ko mang sumilong pero hindi ko magalaw ng maayos ang aking mga paa. Kinapakapa ko ang aking mga kamay sa lupa. Sobrang dilim talaga. Napapapikit na lamang ako dahil sa takot.

Isang ilaw mula sa aking likuran ang nagbigay ng pag-asa sa akin. Saktong sakto ang pagtama ng ilaw sa isang putol na punong kahoy, animo’y isang sungkod ang kahoy na ito. Ginapang ko ang kahoy at maayos ko naman itong narating. Tumayo ako gamit ang kahoy sa gitna ng kalsada. Habang iwinawagayway ang aking isang kamay mula sa paparating na sasakyan

“Tulong!” nakasigaw din akong muli. SUbalit, labis ang aking panghihina matapos kong masilayang ang sasakyang paparating ay ang sasakyang kanina ko pa iniiwasan. Buhat sa pagkaharap sa sasakyan ay muli akong bumaling sa aking dinadaanan at nanghihinang lumakad gamit ang tungkod.

Isang itim na pusang gala ang biglaan na lamang dumaan sa aking nilalakbay. Bago pa ito makaalis ay natatakot pa niya akong tiningnan at ipinakawala ang tinig ng umiiyak at nakakatakot na pusa. Kakaiba talaga ang tinig nito at para bang isang batang kinuhanan ng candy.

Nadudulas na ako sa sobrang dulas ng ang dinadaanan. Nahihirapan na akong ibalanse ang aking sarili. Palapit na ng palapit ang ilaw ng sasakyan kaya kahit sobrang sakit na ng aking mga paa ay hinakbang ko pa rin. Subalit, muli naman akong nadapa dahil sa panghihina na rin ng aking buong katawan. Namudmod na rin ang aking mukha sa namamasang lupa. Sguro, isa itong maliit na kanal at may mga putik. Nakadapa lamang ako at nawawalan na ng pag-asa. Siguro, ito na nga ang katapusan ko. Lalo pang nanikip ang aking dibdib ng marinig ang beep ng sasakyan.

Isang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ng may maramdaman akong kakaiba mula sa aking kanang kamay. Dinungaw ko ito at ikinamulagat ko nang masilayan ko ang dalawang paru-parong itim na magkasabay na dumapo sa aking kamay. Magkasabay din silang nagsiliparan. Buhat sa singaw ng ilaw ng sasakyan ay nakita kong nasa tapat pala ako ng simbahan. . Isang maliit na anino ang aking nahagip na tumatakbo sa aking harapan. Walang tao pero may anino. Nakakagulat.

Diyos ko! Nawa ay tulungan po ninyo ako. Nahihirapan akong tumayo, bago pa ako makatayo ng maayos ay nakakita ako ng tatlong barya. Pinulot ko ito, isa isa. Subalit, huli na dahil kasabay nito ay ang pagharurot ng sasakyan bumundol sa akin.

_

MULI na naman akong nagising buhat sa isang panaginip. Sa pagmulat ko ng aking mga mata ay sumambulat sa akin ang isang itim na pusa. May isa na naman akong napansing pagbabagong dulot yata ng aking mga nagagawa. Baka si Jeany ang itim na paru parong dumapo sa tungkod kasi noong sinabi ko sa kanya ay nawala ang itim na paru parong nakadapo sa tungkod. Si JM naman ang isa isa tatlong itim na paru parong dumapo sa aking kanang kamay. Kapansin pansin kasi na imbis na tatlong itim na paru paro ang naroon ay biglang naging dalawa na lamang. Nagpapasalamat pa rin ako at nailigtas ko si JM. Siguro, ngayon naman ay si Chalmer kasi balita ko ay uuwi na siya sa mansion nila ngayong araw. Pagkakataon ko na upang masabi sa kanya.

“Meow!” Isang itim na pusa ang biglaan na lamang gumulantang sa aking harapan. Nakakatakot ang kanyang mga matang kulay pula. Isang anino ang biglaan na lamang dumaan sa aking harapan na nagtungo papunta sa hinihigaan ni Cristel. Nanindig ang aking balahibo sa aking nasilayan. NAkakapangilabot ang bawat hampas ng malalamig na hangin sa akin. Buhat sa ilaw mula sa labas ng aking silid ay nakita ko ang aninong biglaan na namang naglakad pabalik kay Cristel. Ano nga ba ang kahulugan ng isang anino? Hindi ko alam kung anong klaseng panganib ba ang dulot nito.

“Meow!” Malakas na tumalon ang itim na puso papunta sa hinhigaan ni Cristel. Ano nga ba ang pahiwatig nito? Baka naman si Cristel ay isa sa dapat kong iligtas? Baka isa siya sa may simbolong nakapaloob sa aking panaginip. Siguro, dapat din niyang malaman ang nakapaluob sa panaginip ko.

“Jam, Bakit gising ka pa?” untag niya sa akin. Kinusot kusot pa niya ang kanyang mga mata.

“Hindi lang ako makatulog ng maayos,” tipid kong sambit.

“Bakit may prinoproblema ka ba?” saad niya. Mula sa pagkakahiga ay umupo siya. Magkatabi lang naman ang hinihigaan naming kama.

“Hindi ko alam kung dapat ko nga ba itong sabihin sa iyo pero…”

“Huwag kang mag-aalala. Ang sekreto ay mananatiling sekreto, basta ako ang binalitaan mo!” wika niya.

“Alam mo ba ang tungkol sa mahiwagang dulot ng mga panaginip ko?” tumango naman siya sa aking tanong.

“Oo, naikwento na iyan sa akin ng kuya mo.”

HInawakan ko ang kamay niya at seryoso kong sinabi sa kanya ang tungkol sa aking panaginip. Mula sa simula hanggang sa biglaang pagbago nito. Siguro, dapat ko na ring sinabi sa kanya ang lahat. Baka mabibigyan niya ako ng tulong. Balita ko ay may katalinuhan din siya kaya magiging malaki ang ambag niya sa akin.

“Kung ganoon nga ay kailangan mo ng magmadali kung ayaw mong mahuli.”

“Ate Cristel, ano sa tingin mo sa mga bagay bagay mula sa panaginip ko?”

“Sinasabi mong si Jeany na matalik mong kaibigan ay ang paru parong dumapo sa punong kahoy na ginawa mong tungkod?” Tumatango tango ako. “Habang si JM naman ang isa sa tatlong paru-paro? Basta, sa tingin ko ay iyong dalawa pang paru parong itim ay sa tingin ko iyong kasama ni JM na nanliligaw din sa iyo.”

“Salamat, Ate Cristel. Asahan mo at si Chalmer ang ililigtas ko ngayong araw. Nakakatakot man pero kaya ko ito. Kakayanin ko ito.”

Nakatulog ako ng kaunting oras at diretso na akong nagbihis.

“Mommy, magsisimba ako. Tapos, may lalakarin din ako. Importanteng bagay,” wika ko kay Mommy.

“Bunsoy, gaano ba kaimportante iyan? Hindi ba nga family day natin ngayon?” untag ni Kuya. “Huwag mong sabihing nakalimutan mo na naman?” Napapatanong bigla ako sa aking sarili. Ano nga ba ngayon? “Nakalimutan mo talaga?” tumango ako. “Bunsoy, Wedding anniversary nina Mommy at Daddy. Kailangan nating mag-celebrate matapos magsimba.” Bakit ko nga ba nakalimutan ang importanteng bagay kina Mommy at Daddy?

“Daddy!” tinawag ko si Daddy. “Mommy!” lumapit naman ako kay Mommy. “Happy Wedding Anniversary sa inyong dalawa.”

“Magbibihis na ba kami?” untag ni Kuya sa akin. Tumango na lamang ako. Baka naman pwede ko pa itong gagawin mamaya. Mamaya ko na lang siguro pupuntahan si Chalmer. Pwedeng pwede ko naman siyang masabihan matapos ang date namin ng buong pamilya. Mas maayos din ito kaysa maghihintay lang ako sa labas ng bahay nila na dumating siya.

—

“Happy Anniversary, Mommy at Daddy!” sabayang bigkas namin ni Kuya at Ate Cristel. Hinawakan naman ni Daddy ang tiyan ni Mommy.

“Kuya, kailangan ko munang umalis. Mabilis lamang ako,” binulungan ko si Kuya matapos kong masilayan ang isa sa personal driver nina Chalmer na nasa labas ng aming kinakainan.

“Bunsoy, pwede bang ipagpaliban mo muna iyang mga ginagawa mo? Kailangan tayo nina Mommy at Daddy sa special na araw ng buhay nila!” pangungumbinsi ni Kuya. Ngunit, hindi pwede ang ganito. Parang nakakaramdama ako ng kakaiba e.

“Magbabanyo lang ako!” pagpapaalam ko kina Mommy at Daddy. Umikot ako at lumabas sa restaurant na aming kinakainan. Siguro naman ay makakabalik ako sa madaling oras lamang. Tatanungin ko lang naman ang personal driver nina Chalmer kung nasaan na siya.

“Ano? Nabanga sina Boss? Paano nangyari? Saang ospital ba?” Labis akong nahintakutan ng marinig ang salitang Boss. Si Chalmer lang ang kilala kong tinatawag niyang Boss. Ibig bang sabihin nito? Nasa ospital si Chalmer? Nabanga? DIyos ko. Huwag naman sana.

—---