Chapter11: Accusation

Elora Amore Point of View

“Wow, bagong damit at sapatos, ah. Tapos mukhang mamahalin pa,” natawa na lang sa reaction ni Klofie. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na may pagkamangha. Umiikot pa siya sa akin para tingnan ang kabuuan ng suot ko.

Hindi ko rin siya masisisi. Never akong nakapagsuot ng ganitong klaseng damit. Kahit nga ako kanina hindi makapaniwala na sa wakas ay may ganito na akong gamit. Parang kailan lang pinapangarap kong mabilhan ni mama ng magandang damit at sapatos na may pagkakamahalin. Pero isinantabi ko na ‘yon. Alam ko naman kasing malabo. Pero ngayon. Ngayon nagkatotoo na.

“Same outfit na tayo. Pero, mas mahal nga lang sa’yo. Wednesday ngayon at wash day kaya malaya kaming magsuot ng damit na comfortable sa amin. Pero may limitation pa rin na bawal suotin.

“Ano ka ba ‘yon pa rin naman ‘yon,” natatawang usal ko sa kaniya.

“Buti na lang pala hindi pa kayo umalis. Nakalimutan mo pa naman ang itong baon mo, Amore.” Lumingon kami kay mama na kalalapit lang sa amin.

“Good morning po, Ninang,” binati rin siya pabalik ni mama. Mama is wearing a fitted shirt and high waist jeans. Bago rin ang jeans niya at sapatos.

Inabot ni mama ang pera. Para wala ng mahabang diskusiyon ay tinanggap ko na lang.

“Nga pala bago ko makalimutan, baka gabihin na akong umuwi mamaya kaya mauna ka ng kumain at matulog kung sakali.”

“Opo, ma. Basta message niyo na lang po ako,” she kiss my forehead at nagpaalam na. Nauna siyang sumakay dahil baka ma-late siya sa pupuntahan.

Maaga pa naman kaya naglakad ulit kami ni Klofie. “Tama ka nga kagabi. Uuwi nga si ninang,” nakalingkis siya sa braso ko.

“Sabi sa’yo. Uuwi si mama,” sabay kaming tumawa.

“Siya ba ang nagdala ng mga iyan?” Masayang tumango ako. “Ilan ba lahat ang mga iyan?” Interesadong tanong niya..

Saglit ko siyang tinapunan ng tingin bago nag-isip. “Limang dress, anim na shirt, apat na jeans, apat na shorts, tatlong sapatos at tatlong bag.” Natigil sa paglalakad dahil sa bigla niyang paghinto. Paglingon ko, nanlaki ang mata niya at parang estatuwa.

“Hoy, ayos ka lang ba?” Dalawang beses na hinampas ko siya bago bumalik sa huwisyo.

“Ang dami ng nga iyon. Tapos pakiramdam ko lahat mamahalin. Buti na-afford ni ninang?” Magkaibigan nga kami. Same thoughts and question. Bahagyang hinila para magsimula na ulit kaming maglakad.

“Siyemore hindi afford ni mama,” nalukot ang mukha niya sa pagtataka. “Hindi naman kasi siya ang bumili ng lahat ng iyon. Siya lang ang pumili.”

“Kung gano’n, sino bumili? Bakit ka niya binilhan?” See? Wala pinagkaiba ang tanong ko ni mama at tanong niya sa akin.

“Sa ngayon,” natatawa ako sa mukha niya bahagyang hinampas niya ako. Paano ba naman mukha siyang chismosa na naghihintay ng chismis. Sorry naman. “Hindi pa sinabi ni mama. Ayon kay mama, hindi pa ito ang tamang panahon,” parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha niya dahil sa sagot ko. Mas lalo akong natawa ng paglingon, may halong pagkadismaya ang mukha niya.

“Tawa pa. Sayang-saya mo,” mataray na usal niya.

“Huwag kang mag-alala, Klofie Shane Astro. Tinitiyak kong sasabihin sa ‘yo kapag alam ko na,” nabuhayan naman ang mukha niya at bumalik na ang ngiti.

Pagpasok sa room, walang pakialam ang mga iba kong kaklase. May iba na tumitingin sa akin. Baka siguro sa suot ko. Pero iba ang tingin na pinupukol ni Laila sa akin. Tingin na may pagkadisgusto, pandidiri at panlalait.

Ano pa nga bang bago riyan. Lagi naman ganiyang tingin ang binibigay niya sa akin. Kaya sanay na ako. Kagaya ng lagi kong ginagawa, hindi ko na sila pinansin pa at umupo na lang.

“Iba talaga ang amoy ng hangin ngayon, para kang masusuka at mandidiri,” hindi ko alam ang pinag-uusapan nila kaya hindi ko na binigyan pa ng pansin. Hindi na nga nag-abalang tingnan pa sila. Nagsasayang lang ako ng oras.

“Ang ganda naman ng sapatos at damit mo, Elora. Mukhang mamahalin din,” nabaling ang tingin ko kina Messi at Aida.

“Walang ganitong klaseng damit at sapatos dito sa atin. Sa Maynila ba ito galing?” Manghang tanong ni Aida. Kapuwa nakangiti ang dalawa sa akin.

Nahihiyang tumango ako sa kanila. “Saan niyo exactly binili? Balak ko rin magpabili ng ganito kay ate na nasa Maynila,” Interesadong tanong ni Messi. Napakamot sa batok at hindi alam ang isasagot.

“Pasensiya na kayo, ha? Hindi ko kayo masasagot. Hindi ko rin kasi alam. Regalo kasi ito sa akin,” masaya akong malaman na naiintindihan nila ako. Nagtanong lang sila ng nagtanong. May ibang nasasagot at may hindi rin nasasagot.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang guro. Mataman na nakinig sa klase. Paminsan-minsan may quiz na nangyayari.

Pagkatapos ng klase, isa ako sa unang tumayo at inayos ang gamit. Ayokong magtagal dahil hindi ko gusto ang tingin ni Laila. Parang may naiisip na naman siyang hindi maganda. Hindi na talaga natuto.

May klase pa rin sila Klofie kaya matiyaga akong naghintay sa labas na nakatayo. Gustuhin ko mang umupo ngunit walang upuan. Kung babalik naman ako sa room ay baka magkaroon lang ng sagutan. Nando’n pa naman sila Laila. Hindi pa rin umaalis.

“Bakit ba hindi sabay natatapos klase natin?” Reklamo ni Klofie pagkalabas ng room nila. Ngayon lang sila natapos. Bumaba na kami at nag-umpisang maglakad.

“May ginawa pa kasi kayo kaya gano’n,” paliwanag sa kaniya. Ngunit simangot lang ang naging sagot niya.

“Hayaan mo na. Hindi naman laging ganiyan,” hindi pa rin siya umimik. Tinapik ko ang balikat niya dahilan para mapalingon siya.

“Ayos ka lang ba? Bakit hindi ka nagsasalita riyan?” Hindi yata ako sanay na tahimik siya. Madaldal kasi pagkakakilala ko sa kaniya. Siya rin madalas unang nagsasalita sa amin.

“Nagt-take note ako sa isipan,” lumukot ang mukha sa sinabi niya. “Take note?” Tumango siya at ngumiti.

“Mga pangaral mo, tina-take note ko sa isip para hindi makalimutan,” nakangising sagot niya. Naiiling at natatawa na lang sa kabaliwan niya.

“Para kang sira,” kunwaring galit hinampas niya ako sa braso.

“Gusto mo bang tumambay muna sa bahay?” Pag-aaya sa kaniya. Wala kasi akong magawa Kaya mas maganda kong pupunta siya sa bahay.

“Anong meron? Anong gagawin natin? Kung mag-aaral din naman, huwag na. Sa bahay na lang ako,” mahinang humalakhak ako. Pag-usapang advance study talaga, iwas na iwas siya. Gano’n kasi ginagawa naman tuwing nasa bahay siya.

“Don’t worry, hindi tayo mag-aaral. Manonood tayo ng palabas at kakain ng prutas,” mabilis siyang lumingon at nagliwanag ang mukha. Malawak na nakangiti at parang gusto ng kumain.

Mahilig talaga kasing kumain. Kaya ayan tuloy, biglang natakam. “Sure ‘yan?” Paninigurado niya. Mabilis naman akong tumango. Natuwa siya sa narinig.

Hinila na niya ako palabas ng gate. “Excited lang, ‘te?” Pang-aasar sa kaniya. Naging normal na ulit ang lakad niya at nahihiyang nag-peace sign

“Sorry naman,” pabebe niyang usal. Sabay kaming natawa sa kabaliwan niya.

“Buti na lang naabutan ko pa kayo,” sabay kaming napapitlag ni Klofie sa biglang pagsulpot ni Aiden, kaklase ko. Bigla-bigla na lang siyang liliko at hihinto sa harap namin. Nakahawak sa dalawang tuhod at hinihingal. May pawis na rin na tumutulo sa mukha niya dahil sa pagtakbo. Medyo malayo na rin kasi sa school.

“Bakit ka ba tumatakbo? Para kang hinabol ng aso, Aiden,” nagtatakang tanong. Tumayo siya ng maayos at huminga ng malalim bago nagsalita.

“Mahalaga kasi ito. Importanteng ngayon mo malaman kaysa bukas.” Lumingon ako kay Klofie. Salubong ang noon at naka-angat ang kilay sa pagtataka.

“Ano ba ‘yan at mukhang mahalaga talaga? Hindi ka naman kasi tatakbo palapit sa amin kung prank lang. Sa kabilang daan kaya ang bahay niyo,” sabay kaming nag-aabang ng sagot ni Klofie. Kalmado lang ako habang si Klofie at lukot na mukha.

“May pinagkakalat na naman si Laila tungkol sa’yo at sa mama mo. Pinagkakalat niya ito sa school at ayon pa sa kaniya pinagkakalat din ng mama niya,” ang kaning lukot na mukha ni Klofie napalitan ng inis. Sumeryoso naman ako at naghihintay sa susunod niyang sasabihin. Kaya naman pala iba ang kutob ko sa mga tingin niya kanina. May masamang plano naman pala talaga siya.

“Pinagkakalat niya sa school na kabit daw ang mama. Kumabit daw siya sa isang mayamang businessman. Kaya hindi na pumapasok sa trabaho niya at may mamahaling damit at sapatos ka. Lahat daw ng ‘yan ay dahil sa lalaking kinabit ng mama.” Napakuyom ang kamao ko at unti-unti ng nakaramdam ng galit.

Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Klofie ng magtaka itong umalis. Alam ko kung saan siya pupunta. Alam na alam ko.

“Paano niya nasabi ‘yon? Kaya niya bang patunayan lahat ng ginagawa niyang accusation?” May halo ng galit ang boses ko. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kamay ni Klofie na gusto ng kumawala sa akin.

“Alam kong magagalit ka. Alam ko rin mag-iiba ang tingin ng mga kapuwa nating student sa’yo kaya sinabi ko ng maaga,” huminga siya ng malalim. Inaabangan ko ang susunod na sasabihin niya.

“Pero ayon sa kaniya, na-kuwento ng mama niya sa kaniya na nakikita niya ang mama mo na sakay sa isang mamahaling sasakyan at may kasamang lalaki. Ang mama niya rin ang nagsabi sa kaniya na kabet nga raw ang mama mo. Dahil ikakasal na ang lalaki sa Maynila.” Yumuko siya at nagpaalam na. ‘Yon lang daw talaga ang sadya sa akin.

“Walanghiya talaga ang mag-ina na ‘yon. Walang ibang pinupuntirya kun’di kayong mag-ina,” namumula na sa galit ang mukha ni Klofie. Binitawan ko na rin siya.

Kahit ako ay nagagalit na rin sa nangyayari. Grabe na ang ginagawa nilang paninira sa amin ni mama kahit wala naman talaga kaming ginagawang masama sa kanila.

“Darating din ang karma sa kanila. At kung dumating, mas matinding kahihiyan ang aabutin nila.”