Chapter 32: Epilogue

Napaangat bigla ang tingin ni Charina nang tinawag siya ni Hermes papunta sa office nito. “Okay sir,” aniya.

“Daddy Hermes, sama ako,” tili ni Romina kaya natawa na naman ang mga tao at boss niya. “Ako na lang, Daddy, nahihirapan nang maglakad ang butete,” pang-aasar ni Romina.

“Ayan, insekyora siya porket wala siyang matres,” ganti niya kaya nagdrama lang ito. Limang buwan na siyang buntis sa anak na lalaki. Nang malaman ni Vladimir na buntis siya ay nagtatatalon ito sa ring habang karga pa siya kaya nagtanong ang mga commentators at hindi nito napigilang sabihin ang balita. Nang malaman iyon ng mga magulang niya ay agad na kinausap ng mga ito si Vladimir. Sinabi naman nito na mahal siya nito at papanagutan. Nangako pa itong papakasalan siya pagkapanganak sa kagustuhan na rin niya.

Nakausap niya na ito muli tungkol sa pagkakalapit nila at hindi pagsasabi sa trabaho niya. Katulad ng sinabi nito nang ma-kidnap siya, naniniwala ito sa kanya pero naguguluhan kaya hindi muna siya nito pinansin. Mabilis naman daw niyang nabawi ang tiwala nito pero inaasar lang siya nito at sumabay pa ang pagkumpirma sa mafia involvement sa laban nito kaya pinili nitong umiwas sa kanya para masigurong ligtas siya.

Masaya na silang nagsasama ni Vladimir at totoong ideal husband and soon-to-be daddy ito. Katatapos lang ng laban nito at nadepensehan nito ang titulo. May laban ulit ito pagkalipas ng dalawang buwan. Iyon na muna ang huling laban nito sa taong iyon para mabantayan siya dahil lumalaki na ang tiyan niya. Nang makapasok siya sa opisina ni Hermes ay pinaupo agad siya nito. “What is it about?”

“May bagong project ako na ibibigay sa ‘yo. Interview ito.”

“Pwede bang mag-edit na lang ako. Ayoko na munang bumiyahe masyado.”

“Sa Santuario de Santiago gaganapin ang interview.”

“Hermes, sobrang layo naman niyan,” angal niya.

“Bukas pa naman.”

“Bukas agad? Mas mahirap na sa aking bumiyahe kapag ganyan kalayo.”

Ngumisi pa ito nang mapatingin sa cellphone nito. “Actually nasa baba na iyung iinterviewhin mo, pinapababa ka na. Doon ka na muna sa Santuario mag-stay. You can work from home. Bumalik ka na lang pagkapanganak.” Tumayo na ito at sinamahan siya pabalik sa work station niya, nandoon pa rin si Romina. “Bakit nandito ka pa rin?” Nanlalaki pa ang mga mata nito pero halatang nagbibiro lang.

“Na-miss lang kita, Daddy.”

“Sus, pinagpalit mo na ako sa bodyguard ni Vladimir eh. Nagseselos na ako.”

“Huwag ka nang magselos, Daddy,” maarteng sabi ni Romina at akmang hahalikan si Hermes pero itinaas nito ang kamao kaya nagtitili ang hitad palayo sa kanila.

“Seryoso ba itong interview?” Nainis lang siya nang magkatinginan sina Hermes at Romina at magtawanan. “Nakakainis kayo,” aniya pero walang magawa dahil bitbit ng mga ito ang gamit niya habang kasama siya sakay ng elevator pababa ng basement parking. Nang makarating doon ay naroon na si Vladimir. “Bakit nandito ka?”

“You are going to interview your husband,” nakangiting sabi nito at kumindat kay Romina na nagtititili na naman. “Mykola will be here soon,” sabi nitong natawa nang magtititili lalo ang kaibigan niya.

“Tara na nga,” aniya at sumakay na sa SUV nito.

NAPAPANGITI pa si Charina habang nakatitig sa asawa. Nahihirapan na siyang ituon ang atensiyon sa interview. Nakangiti pa ito habang sumasagot kaya mas lalong lumilitaw ang mga dimples nito. Ang mga guhit sa gilid ng mata nito ay nakadagdag pa lalo ng karakter dito. Pormal na pormal ang interview nila. Pareho pa silang nakasuot ng puti para bagay daw sa ambiance ng paligid. Pero hayun nakaakbay pa ito sa kanya habang hinahalikan ang sentido niya habang sumasagot. Minsan ay sa mga labi pa kapag hindi ito nakakapagpigil. Pero mas nagulat na siya nang ang leeg na niya ang halikan at biglang sipsipin nito. Naiilang din siya dahil recorded iyon at ipaparinig din niya kay Hermes ang record bago i-edit. “Ano ka ba? Nakakailang na?” Humalakhak lang ang boyfriend niya bago kinuha ang kamay niya at ipatong sa crotch nito. “Ayan! Puro na lang kalokohan! Seryosohin mo naman ito, mister,” naiinis na sabi niya.

“Huy, interview iyan, pinsan. Maging formal ka naman,” natatawang sabi ni Alessandro nang madaanan sila kasama ang asawa nitong si Lisa. May tulak ang mga itong tatlong stroller dahil triplets ang anak ng mga ito na dalawang lalaki at isang babae. Ang mga ito ay terno rin ang kulay ng damit pero kulay pink naman. Nasa Sanctuary Garden pa sila. Iyon ang events place ng Santuario de Santiago. Mukhang may kasal na magaganap dahil may mga mesa na naka-ready na at may isang mesa sa pinakaharap na para sa judge. Nakapuwesto sila sa pinakaunahang mesa. Pink ang motif kaya natuwa siya sa hitsura.

“Quiet,” nakangiting saway nito sa pinsan. Umupo ang mag-asawa sa hindi kalayuan sa kanila.

“How are you preparing for your next fight?”

“I do my usual morning routine. My workout is more intense now knowing how tough he is,” tukoy nito sa kalaban.

“What are your plans after your fight?”

“Like we’ve discussed, my beautiful girlfriend, I will focus on taking care of you and our son. There will be no fight next year.”

“How about your family business?”

“It’s going well.” Ito na ang VP for Operations ng pharmaceutical company ng mga ito. Doon niya lang nalaman na Chemical Engineer ito na kasama sa topnothcers sa board exam at may masters degree pa. Ang tito nito ang CEO. Ang kuya nito ang COO. Ang ibang pinsan ang vice president. Ayaw na muna nitong tanggapin iyon pero pinilit na ito ng daddy nito na nag-retire na at ng CEO para pumalit sa puwesto ng kuya niya habang ang kuya niya ang pumalit sa puwesto ng daddy ng mga ito. “We plan to expand it here,” sabi nito. Nabigla siya dahil hindi nito iyon naikuwento sa kanya. Pabalik-balik sila sa Pilipinas at Ukraine para sa trabaho nito. “But, once my younger brother finishes his masters degree, he will take over my position. Madaya ang mga pinsan kow. Ayaw nila sa business muna dahil busy sila,” natatawang sabi nito.

“That’s great news.”

“That’s great so I will have more time to make love to my girlfriend and take care of our baby.”

“Vladimir!” Pinandilatan niya ito.

“What?” Tumawa lang muli ito nang makitang namumula ang mga pisngi niya. “Ahh that’s my weakness. Whenever I see my girlfriend blush, I know what will happen next,” nakangising sabi nito. “Good thing we’re having this interview outside. Otherwise, I will make love to her until she begs me to stop.”

“Puro ka kabastusan,” nakasimangot na sabi niya.

“Okay, I will be serious.”

“Any other plans?”

“Yes! I have a marvelous plan today. I plan to marry my girlfriend today.”

“Vladimir…” Napanganga siya nang bigla itong lumuhod at mula sa bulsa ay ilabas ang kahita na naglalaman ng napakagandang gold ring na may diamond na kasinglaki yata ng butil ng bigas.

“My love, my Charina, my dear sweetheart, will you marry me?”

Tumango lang siya dahil hindi niya alam ang sasabihin kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. Nagtanong pa muna ulit ito hanggang matagpuan niya ang kanyang boses. “Yes, my love, I will marry you para wala ka nang kawala.” Natatawa pang isinuot nito ang singsing sa kanyang daliri. Tumayo ito at inalalayan siyang tumayo saka siya hinapit at mariing hinalikan sa mga labi. Maalab ang paghihinang ng kanilang mga labi na naghiwalay lamang nang maghiyawan ang mga tao. Literal na surprise wedding iyon dahil naroon na ang lahat ng mga kaibigan nila. Sina Hermes at ang asawa’t anak nito kasama si Romina na ka-holding hands naman ni Mykola ay naroon din. Ang immediate family nila ni Vladimir na lumuwas pa sa ibang bansa ay dumating na.”

“Did you like my surprise?”

“I love it!”

“I love you, my wife..”

“I love you, too, my super handsome and loving husband,” she said and closed her eyes to meet his lips. All her prayers have been answered. She was purely blissed out and thankful beyond words.