Chapter 31: The Truth
Malakas ang kabog ng dibdib ni Charina habang nakatingin sa mga lalaking nakatayo sa harap niya. Kung sa ibang pagkakataon at kasama niya si Romina baka nagtititili na ito sa kilig. Parang mga model ito ng Dolce & Gabbana pero hindi siya kasama ng mga ito para mag-pose sa harap niya at akitin siya. May hawak na mga baril ang mga ito habang nakatingin sa kanya.
Mga naka-uniporme kasi ng pulis ang ilan sa mga ito kaya akala niya ay may traffic violation siya pero nang buksan niya ang bintana ay agad siyang tinutukan ng baril ng isa at sapilitang isinama. Nasa bulsa niya ang pepper spray. Pero wala siyang laban sa baril ng mga ito na nagsasabing bilang na ang mga oras niya.
Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit siya dinala ng mga ito sa kung saanman iyon. Pakiramdam niya ay nasa isang kuwarto sila sa basement ng isang building. Maya-maya ay may pumasok na ilang lalaki. Naka-amerikana ang isa na sa tingin niya ay big boss ng mga ito. May edad na ito. Katabi nito ang isang maganda at balingkinitang babae. “Is that the woman you’re talking about?”
“Yes,” sabi ng isa.
Ngumisi ang sa tingin niya ay boss ng mga ito. “So, you’re the new flavor of the month?” Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito kaya nanatiling tikom ang bibig niyo. “You’re the girlfriend of Stepanenko?”
Muli ay hindi siya sumagot kaya lumapit ang babae at sinampal siya. “Answer his question!” Ngumisi lang siya nang nakakaloko kaya isa pang sampal ang ibinigay nito sa kanya. Sa isip niya ay ingungudngod niya talaga ito sa sahig kapag nakawala siya. “Are you the new girlfriend of my loser ex-fiance?”
“Yes!” Nakataas ang noo pa siyang sumagot dito. Nakilala na niya ang babaeng sumugat sa puso ng lalaking minamahal niya at wala siyang pakialam kahit ito pa ang pinakamaganda at sexy na babae na nakita niya.
“I guess my ex has a very poor taste now,” mapang-uyam na sabi nito pero hindi na siya sumagot dito.
Maya-maya ay may pumasok na lalaki at nagsalita. “Sir, we’ve already talked with Stepanenko.”
Naguguluhan pa rin naman siya sa takbo ng mga pangyayari bagaman ay msy ideya na siya. Pagkalipas ng mahigit isang oras ay bumukas ang pinto at iniluwa si Vladimir. May escort pa itong mga lalaki na may mga hawak na baril. Tumingin ito sa kanya saglit bago sa nagpakidnap sa kanya at sa ex fiancee nito. “What do you want?” Tinatamad pa ang tono nito na natural na yata dito.
“Drop the fight.” Tumahimik ito bago muling nagsalita. “That’s too anticlimactic. Let Chris Smith beat you again to a pulp.” Humalakhak pa ito.
“What if I don’t follow you?”
“Say goodbye to your precious girl. We can even kill you right here, right now.”
Doon pa lang bumaha ang takot sa kanya pero ayaw niyang muling mabigo ang kanyang nobyo. “Don’t listen to them, Vladimir.”
“Shut up!” Nakasimangot ito nang lumingon sa kanya. “I told you not to get out of your house anymore. You’re so stubborn.”
“I’m sorry.” Nakatingin lang ito sa kanya bagaman naging malambot ang ekspresyon ng mukha nito.
“Why do you want me to drop the fight or let the asshole beat me to a pulp again? Are you scared? Don’t you want to put Rohypnol in my water anymore? You already destroyed me, why are you so obsessed with me? Sofiya, you betrayed me.”
“I admit it! I was the one who put it in your water.”
“Thanks to me,” nakakalokong sabi ng lalaki na humalakhak pa.
“So, you’re the mastermind huh? Honestly, I really am not surprised, sir.”
“I can do anything when I want something, Stepanenko.” Pero bago pa nito natapos ang pagtawa ay napahinto ito nang ang ibang lalaki sa loob ay itaas ang baril at itutok dito at sa mga bodyguards nito. “What’s the meaning of this?”
“You have the right to remain silent,” sabi ng lalaking mismong nakatutok ang baril sa may-edad na lalaki habang pinoposasan ng mga kasama nito. Inilabas ng isa pang lalaki sa tabi nito ang cellphone saka pinindot ang play button sa pagrerecord ng usapan. Iniabot nito ang ebidensiya sa ibang mga pulis.
“Jason, you betrayed me,” anito sa isa sa mga tauhan nito na nakipagkamay kay Vladimir.
“I’m sorry, boss. I couldn’t refuse their offer,” walang emosyong sabi nito at lumabas na ng kuwarto kasama ang ilan pang mga kasamahan na bumaligtad sa boss nito. Pumasok pa ang ibang pulis at pati ang babaeng nagtititili ay pinosasan na.
Pagkalipas ng ilang minuto ay sila na lang ni Vladimir ang naiwan. Lumapit ito sa kanya at kinalagan siya. “Makowlit ka kasi,” malumanay na sabi nito at napailing muli pero hindi naman napigilang yakapin siya nang mahigpit. "Are you okay, my sweetheart? Ang kowlit mow."
“Okay lang ako. I’m really sorry. Miss na miss na kasi kita eh. Gusto ko kasing maka-kiss ng pogi,” sabi niya.
“Binowbowla mow pa akow,” nakasimangot na sabi nito pero muli naman siya nitong niyakap at pinakatitigan. “Are you sure you're okay?” Did they hurt you?” Ininspeksiyon pa nito ang mukha at mga braso niya.
“I’m okay and unscathed,” sabi niya at siya na ang kusang sumiil ng halik dito. “I’m sorry for not listening to you. I’m sorry for everything. I love you.”
“I love you, too, my sweetheart,” anito at muling naghinang ang kanilang mga labi. “Kung miss na miss mow na akow, you may sleep in my suite. Basta huwag kang makowlit.” Hawak-kamay na silang lumabas ng kuwarto at nalaman niyang nasa basement nga sila ng building na pag-aari ng lalaking nagpa-kidnap sa kanya. Inihatid siya nito sa kanila at pormal na nagpakilala. Hindi na sila napigilan ng mga magulang niya nang sabihin niyang sasama muna siya sa nobyo. Nang makarating sila sa suite ay mariin na siyang hinalikan nito saka pinakawalan. “This is why I don’t want to be with you right now. Mawawala akow sa focus. I want to make love to you, sweetheart. I miss you so much.”
“Hindi ka na ba galit sa akin?”
“Hindi na. Nagalit akow pero mabilis lang kasi naniniwala naman akow sa ‘yow. Natakowt lang akow kasi babalik na ako sa boxing kaya hindi na din kita isinama ditow. Tama nga akow na mapapahamak ka. I’m sorry, sweetheart. I should have explained everything before I went here. Muntik ka pang mapahamak.”
“I’m sorry din ulit sa mga kasalanan ko saka sa hindi ko pakikinig sa ‘yo,” sabi niya at niyakap ito nang mahigpit bago lumapat ang mga labi niya sa mga labi nito. Natatawang kumawala siya dito nang marinig ang ungol nito na nagpoprotesta sa kanya. Damang-dama niya kasi ang matigas at nagmamalaki nitong kahandaan. “I didn’t mean to seduce you, my handsome boyfriend,” mayabang na sabi niya kaya napahalakhak na ito.
BASA na sa pawis ang nanginginig na mga kamay ni Charina. Dumating na ang laban ni Vladimir. Malakas na hiyawan ang sumalubong sa kanyang nobyo. Maging siya ay hindi inaasahan ang init ng pagsalubong dito kung ang pagbabasehan ay ang kuwento nito. Hindi muna inilabas sa publiko ang tungkol sa panlalason na nangyari sa huling laban nito.
Nang ipakilala na ang boyfriend niya ay tumayo pa siya hawak ang banner niya. “Go, my sweetheart,” tili niya. Napatingin sa kanya si Vladimir na nakangiting kumaway lang. Nang mag-flying kiss siya ay natawa na ito at umaktong sinalo iyon at idikit ang kamay sa tapat ng puso nito. Nang mag-flash ang camera sa gawi niya ay napaupo siya at nagtago sa banner.
Maya-maya pa ay tumunog na ang bell, hudyat na simula na ng laban. Gusto niyang maawa sa kalaban nito. Alam niyang matangkad din ito at halos anim na talampakan ang taas pero napakaliit nito kung ididikit sa nobyo niya. Unang round pa lang ay bugbog na ito at ilang beses na tumumba. Naawa na siya at parang siya ay gustong gamutin ito. May blackeye na ang kaliwang mata nito. Ang kilay nito ay pumutok na habang namamaga ang magkabilang pisngi. Nang matapos ang unang round ay nakita niyang okay naman ang boyfriend niya. Ang kalaban naman nito ay kausap ang doktor. Akmang itataas na ng doktor ang puting tuwalya pero pinigilan ito ng lalaki at nagpasyang ipagpatuloy pa ang laban.
Pagdating ng round two ay nabugbog lang ito lalo. Napahanga pa siya kay Vladimir nang makita kung gaano ito kaliksi sa kabila ng taas at lapad ng katawan nito. Para lang din itong sumasayaw sa hangin habang iniiwasan ang mga suntok ng kalaban. Balanse ang pagiging defensive at offensive nito at napansin niyang maging ito ay parang alangan dahil naaawa sa kalaban nito. Nang bigyan nito ng uppercut ang kalaban ay napahiga na ito sa canvass pero pinilit pa ring bumangon kahit nahihilo na. Ayaw nitong sumuko. Hiniram pa nito ang microphone at nagsalita. “You can’t defeat me via KO or TKO, Stepanenko,” sabi nito.
Tinapik lang din ito sa balikat ng kuya nito. Walang emosyon ang kanyang nobyo na parang hindi naapektuhan sa sinabi nito. Ganoon pa rin ang round three at four pero ayaw talagang sumuko ng lalaki. Pagdating ng round five ay napansin niyang parang namumutla si Vladimir kaya umakyat siya sa ring. “Are you okay, my love?”
Napangiti na ang lalaki. “Thank you, my love,” anito at kinintalan siya ng magaang halik sa mga labi kaya naghiyawan ang commentators at audience. Nang magsimula na ang round five ay ipinaliwanag ng kuya nito na sa round five daw ito biglang nanghina at natalo ng kalaban nito.
“Go, love,” sigaw niya. Bago tumunog ang bell ay muling na-knockdown ang kalaban nito at hindi na nakatayo sa bilang na sampu. “Yehey!” Napatakbo na siya sa gitna at niyakap ang nobyo. Nanalo ito via KO. Napangiti naman ito at parang batang umikot habang karga siya kaya lalong nag-ingay ang mga tao.
“Thank you for coming into my life. You helped me believe in myself and dream again. You helped me fix myself and smile again. I love you.”
“Thank you for coming into my life,” panggagaya niya. “You also made me smile again, sweetheart, because you are my true love and happiness,” she said and kissed him. “By the way, you’re going to be a daddy,” she continued, which made him scream in joy and kiss her again with full urgency. Sa gitna ng hiyawan at palakpakan ay walang pakialam na ipinaramdam nila sa isa’t isa ang pagkasabik at pagmamahal.