Chapter 13: The Punishment

Marahas na inihilamos nito ang isa nitong kamay sa mukha. Bahagyang naalis ang malapit na sauce pero marami pa rin iyon. Hindi na ito katulad kanina na mukhang bagong paligo. Pero fresh na fresh pa rin ito at parang gusto niyang ibuhos na rin dito ang fettuccine lalo na sa abs nito. Natigil lang ang pagpapantasya niya nang magsalita ito. “You’re a violent hobbit!”

“What? Hobbit? Ang kapal mo!”

“I don’t tolerate women like you. I support laws that prohibit violence against women. But, you’re an exemption. I have to teach you a lesson.” Muling tumalim ang tingin nito sa kanya kaya agad ang pagsalakay ng takot sa kanya. Naglakad ito kaya napaatras siya. Lumingon ito sa mga audience. “Get inside the house. I’ll teach this deranged woman a lesson.” Naunawaan ng dalawa pang foreigners ang sinabi nito at pinapasok na ang mga staff. Hinila rin ng isa pa si Romina na naestatwa na.

“D-don’t come near me.”

“You crossed the line.”

“It was your f-fault.”

“My fault huh?” Nakasimangot pa rin ito kaya patuloy siya sa pag-atras hanggang sa tumama na ang likod niya sa puno ng niyog. Na-corner na siya ng lalaki at huminto sa tapat niya. “You want gender equality, but you also abuse men because of chivalry. Look what you did to me?”

“B-bakit ka b-ba nagagalit. B-binastos mo ako! You’re rude!”

“I’m rude?”

“Yes you are.”

“And what you did was proper?”

“Y-yes.”

“Bad girl,” sabi nitong umiiling pa at bahagyang yumuko at nag-squat para magpantay sila. Sa taas niyang five four ay hanggang dibdib lang siya nito. “Look what you did. I look like a mess now.”

“G-gwapo ka pa rin naman, m-malinis tingnan.”

“What?” Nakakunot na naman ang noo nito.

Doon na siya bumalik sa huwisyo. “Well-deserved,” mayabang na sabi niya at umismid pa dito.

“You have to learn your lesson before I lose my patience. Squat here for an hour?”

“Squat? Are you nuts? You’re not my teacher!”

“You deserve it. You’re in my territory so I can call shots,” tumaas na rin ang boses nito sa inis. Tumayo na ito nang tuwid at itinaas ang isang kamay. Akala niya ay sasapakin na siya nito pero isinandal lang nito iyon sa katawan ng puno. Bahagya itong yumuko at tuluy-tuloy na nagsalita habang nakakunot ang noo. The man was so gorgeous with his turquoise eyes. His lazy and furious expression made him more formidable, but he was adorable at the same time. Yumuko pa muli ito, bakas pa rin ang pagkainis kaya mas malapit na ang mukha nito. Mas napagmasdan niya ito. Kung hinangaan niya ito kagabi, mas hinangaan niya ito sa pagkakataong iyon. “Now, for your punishment, you have to squat for ten minutes. No, that’s too lenient. Do one hundred jumping jacks!”

“For a man, you talk too much! You’re ordering me to do those ridiculous activities. Squat for ten minutes and one hundred jumping jacks! Who are you? My physical trainer? My fitness consultant? How dare you call me a hobbit! You’re just an obnoxious giant who looks like Barney the baklang dinosaur! It fits you now you’re wearing purple board shorts! So gay!”

“You’re so gonna take it back.” His voice was flat, but she was sure he was fuming mad.

“I’m so not.” Malapit niya nang palakpakan ang sarili dahil napikon ito sa kanya pagkatapos ng pambabalewala niya.

“Fine, I’m gay. But why are you feasting on my body? Oh it’s dripping with cream. Do you want to lick it?” Nakangisi pa ito na parang siguradong pinagnanasaan niya ito.

“Ang kapal mo! Oo bet kita pero hindi ko sasabihin dahil ubod ka ng yabang at antipatiko! Nakakabwisit ka!” Nawala na ang pagpipigil niya dahil pikon na pikon siya sa hitsura nitong sigurado sa sarili.

“I really don’t understand what you say, but I don’t care. Just follow my order, and we’re good. Don’t ever come back here, hobbit,” anitong lalo pang yumuko at inilapit ang mukha para ipakitang pandak siya. Hindi naman siya pandak! Sadyang higante lang ito! Higanteng ubod ng gwapo. Malapit na siyang maduling sa pagkakatitig sa mga mata nito na parang hinihila ang kamalayan niya.

“I won’t follow you.”

“I’ll kiss you non-stop if you don’t do it.”

“Eww. I thought I was the one who was feasting on you. Now, you’re planning to kiss me.”

“As if, I will really do it. You wish. I don’t kiss hobbits.” He was really hitting below the belt. Kung sa mga bata ay wala lang iyon pero sa kanya ay hindi! Kulang na lang ay sabihin nitong hindi siya maganda! Muli itong nagsalita. “I will never kiss you. You’re not my type-” Ang anumang sasabihin nito ay naipon na lang sa bibig nito dahil walang babalang siniil niya ito ng halik at kusang pumulupot ang mga braso niya sa batok nito. When he heard him moan, she was sure he liked what she did. She had been in a relationship so she already knew how to kiss someone. She deepened the kiss. Not a minute later, she felt his massive arms wrapped around her body. His lips were so soft yet commanding and harsh.

She stopped kissing him, but his lips kept moving. His eyes were closed while savoring their kisses. Ang anumang pagkainsultong nadarama niya ay agad naglaho. The man kissed him back! It was an ego booster for her, and she wanted to laugh at him. Nang umatras siya ay hinabol ng mga labi nito ang mga labi niya at lalo siyang kinabig. Her world was already spinning. She didn’t want to stop either as if her life was hanging onto the most incredible lips she had ever kissed. Pero bigla siyang nagpanic nang maramdamang parang naging mapangahas na iyon. Mas maapoy at mas mainit. Naglaban ang matinding pangangailangan niya sa mga labi nito at ang kanyang lohikal na bahagi. Nang idiin nito ang sarili, napasinghap siya nang madama niya ang bahaging kinatakutan niya nang nagdaang gabi. Doon na siya bumalik sa kasalukuyan at buong lakas niyang itinulak ito.

Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ito. “You maniac!”

“You kissed me.”

“You poked me with your penis! Yuck!”

“What the hell? Me? Yuck?” Nanlalaki na rin ang mga mata nitong parang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.

“Yes, you’re so eww to the max,” natatarantang sabi niya at tumakbo pabalik sa bahay. Nang tingnan niya ito ay nanatili ito roon at nakasandal na sa puno ng niyog habang nakatingala. Pagdating niya sa bahay ay agad niyang tinawag si Romina na lumabas agad. Walang nagtangkang sumilip marahil sa takot sa lalaki. Mas lalong parang na-estatwa ang kaibigan niya nang makita siya. “Halika na nga,” aniya at hinila ito.

“Sandali nga,” tili nito at mula sa shoulder bag ay inilabas ang compact mirror at iniabot sa kanya. Napatili rin siya nang makita ang hitsura niya. Magulo na ang nakalugay niyang buhok at nakakalat na ang lipstick sa gilid ng mga labi niya. May mga marka pa ng carbonara sauce sa mukha at damit niya kaya hindi maipagkakailang naghalikan sila nito. “Sisterette,” tumitiling sabi nito na parang kinikiliti! “Inunahan mo ako kay Ybarro! Nasa akin ang brilyante ng tubig pero hindi nagpadaig ang brilyante ng apoy mo!”

“Tigilan mo nga iyan,” naiinis na sabi niya at tinakpan ng kamay ang bibig nitong parang may megaphone sa loob. Hinila niya muna ito sa gilid ng mansiyon saka inayos ang mukha. “Okay na ba?” Pero sa halip na sumagot ay muli lang itong tumili.

“Masarap bang humalik si Ybarro ko ha, babaita?”

“Huwag mo muna akong simulan, Romeo ha,” matalim ang tingin na sabi niya rito. Pero hindi man lang nito alintana ang inis niya. Lalong hindi nito alintana ang pagtawag niya sa totoong pangalan nito. Tutop pa rin nito ang bibig dahil sa pinipigil na pagtili nang malakas. Akala mo ay ito ang hinalikan para kiligin nang ganoon. Samantalang siya ay mabilis na mabilis ang kabog ng dibdib niya sa pinaghalong tensiyon at pagkapahiya. Hindi niya alam kung kikiligin siya katulad ng tinatanong ni Romina pero masyado din siyang naguguluhan. Pakiramdam niya ay nag-seizure siya dahil sa biglaang pag-short circuit ng electric flow sa katawan niya kaya disoriented pa rin siya. Ayaw niya nang isipin dahil nakakahiya at para siyang luka-luka. Nakahanda na naman ang pagbuka ng bibig ng kaibigan niyang kinikilig pa pero hinila na niya ito papunta ng gate at nagmamadaling naglakad pabalik sa kotse na hindi inaalintana ang pagkatisod at pagtama ng mga sanga sa kanya.