Chapter 32: Epilogue
Kasalukuyang inaawit ni Dorothy ang kanyang bagong kanta habang naghihiyawan ang mga tao. Iyon ang kanyang comeback concert sana pero naging farewell concert dahil tapos na ang kanyang kontrata at pinili na niyang maging full-time housewife.
Is there someone to love and wait for?
Where are you now?
I’m afraid I cannot wait forever
But maybe you are hiding, wanting me to find you
Are you coming or not?
Because I want to wait for another lifetime
I guess I can spend my whole life waiting
But what if no one shows up?
What if no one comes running towards me?
Will I wait for the next lifetime?
But maybe you are centuries ahead of me
Waiting for me to come
Can I still turn back time?
Maybe I am centuries ahead of you
Waiting for me to come back
And you will wrap me in your arms
You will look at me straight in the eyes
Telling me you waited a lifetime for me
At the end of it all
I know waiting will not be futile
Maybe you are centuries away from me
And I will run, hoping I can reach you
Hoping I can look at you with so much tenderness
Wishing you would tell me you love me
That was how she felt years ago. But it was a good thing that the love junkie in her prevailed. She waited for Jaime, and he came to love her more than she expected. Limang taon na silang kasal at meron na rin silang baby girl, si Heather. Itinuring niyang tunay na anak si Angelo at pilit ipinaramdam dito ang pagmamahal ng isang tunay na ina. Ngayon ay pitong taong gulang na ito habang si Heather ay limang taong gulang. Pagkalipas ng dalawang taon ay nabiyayaan muli sila ng isa pang anak na lalaki, si Baby Elijah.
Bumalik siya sa kasalukuyan nang matapos ang kanta. Malakas na palakpakan at hiyawan ang naging tugon ng audience. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makitang may iba pang naluluha. Nagustuhan ng mga ito ang kantang ginawa niya. Sana naging inspirasyon iyon sa mga ito. Nagtaka siya nang mapansing wala na sa kinauupuan ang kanyang mag-aama. Ang mga kaibigan naman nito ay naroon lahat kasama ang mga asawa at anak. Habang hinahanap ang mga ito ay biglang may kantang pumailanlang kaya lalong nagtilian ang mga tao. Ang kanyang pamilya at mga kaibigang malapit na may mga asawa at anak na ay nagsitayuan at nagpalakpakan.
Paglingon niya sa kanan ay nakita niyang palapit si Jaime karga si Elijah habang nasa magkabilang gilid nito sina Angelo at Heather. Nagsimula itong kumanta. Pagdating sa chorus ay kasabay na nitong kumanta ang dalawang bata.
For all the times I felt cheated, I complained
You know how I love to complain
For all the wrongs I repeated, though I was to blame
I still cursed that rain
I didn't have a prayer, didn't have a clue
Then out of the blue
God gave me you to show me what's real
There's more to life with just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you
Nang matapos kumanta ang mga ito ay niyakap siya ng mga ito at pinupog ng halik. "Thank you, baby, for giving me another chance to love and build a wonderful family with you. I love you very much."
"Thank you so much for loving me, Jaime, and for being the best father and husband. I love you, too. By the way, baby number four is here." Natawa siya nang manlaki ang mga mata nito at malakas na humiyaw. Niyakap pa siya nito nang mahigpit habang ibinubulong sa kanya kung gaano siya nito kamahal. The audience were clueless, but they didn't mind at all. All the people cared about was their idol singing their favorite songs, savoring the warmth that only Jaime and their cute children could bring. She could hardly believe she already got what she prayed for. And she was beyond blessed. She uttered a prayer of gratitude for every simple and great thing she received.
Tatlo na ang nagpatali at nagpasakal este nagpakasal sa Santiago Brothers. Abangan ang kuwento ng mga ito. Mas makikilala pa natin sina Tatay Tiyago at Nanay Vicky at ang koneksiyon nila sa Santuario de Santiago. Isa pa ay nakalagay na sa epilogue ng kuwentong ito na sa loob lang ng ilang taon ay may mga asawa at anak na ang mga ito. Malalaman natin ang kuwento nina Alessandro, Vladimir, Donatello, Lucas, at Apollo.
Gusto ko palang kunin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa patuloy na pagsubaybay sa series na ito. Kung hindi niyo pa alam, may series din na naging inspirasyon nito. Ang Territorio de los Hombres ni Ms. Vanessa Manunulat ng Precious Hearts Romances ang naging inspirasyon nito. Idol na idol ko siya kaya naisipan kong bumuo ng sarili kong series tungkol sa mga gwapo at mayayamang magkakaibigan na sabay tinupad ang mga pangarap at naghanap ng true love. Huwag kayong mag-alala dahil unique naman ang mga kuwento ko pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa napakagandang concept na hiniram ko. I suggest na basahin niyo ang series na sinasabi ko, mas matutuwa kayo. Pwede rin kayong sumilip sa Whimsical Books para makita ang mga gawa niya na mabibili online.
Nang makilala ni Dorothy ang sikat na basketball player na si Jaime Carlo Dizon ay naunawaan niya ang sinasabi ng marami na love at first sight. Lahat ng katangian nito ay masasabi niyang perpekto na hanggang bone marrow ay umaabot ang kilig sa kanya. Mabait ito, masarap kausap, maasikaso, palangiti, at malambing. Masasabi niyang sikat na siya sa industriya ng musika pero siya ay lalong nai-starstruck dito. Dumating na rin naman siya sa puntong pinaghahandaan ang pormal na panliligaw nito. Pero nagkamali lang pala siya ng akala. Isa lang siyang certified assumera. Jaime courted another girl and proposed marriage on national television. She went back to the province and hid herself from the crowd.
Two years later ay lumabas na siya sa lungga at nagpakita sa mga tao. Jaime was free and very available for her. Ang dami nitong pakulo tuwing lalapit sa kanya at gabi-gabi pa kung sunduin siya sa trabaho. Nakakakilig man ay lalo siyang umiiwas dito dahil ayaw na niyang magkamali pang muli. Pero hindi niya maggawang tanggihan ang mga halik at paglalambing nito. In short, the man got her again until something happened to them one night. The days and nights became sweeter and hotter. Akala niya ay okay na pero nagkamali na naman siya. Mabuting kaibigan daw ang turing nito sa kanya. Pero nagtataka siya. Do friends kiss? Do friends make love like there is no tomorrow? Ang mas nakaka-frustrate ay ang dahilan kung bakit ito lumalapit at nang-aakit sa kanya.
Mukha talagang walang lugar para sa kanya sa puso ng binata. Mahal na mahal niya ito pero lalo siyang natakot. Muli lang siyang nagtago at nakita siya nito. “Dorothy, huwag mo na akong iwan. Hindi ko kaya. Para akong hindi makahinga kapag wala ka sa tabi ko.” Mahal din naman yata siya nito pero ayaw na niyang maniwala.
The End
You finished this book. Find your next story below.





