Chapter 30: To Find Each Other Again

“Good morning po, Reverend Mother. Pwede po bang pumunta sa ilog?”

“Of course. Basta mag-iingat ka. Huwag ka masyadong magtagal doon.”

“Maraming salamat po.” Lumabas siya ng kumbento at mahigit sampung minutong naglakad bago niya narating ang ilog. Tama nga si Tiffany na napakaganda roon. Naaamoy pa niya ang bakas ng ulan nang nagdaang gabi. Ngayon ay hindi gaanong malinaw ang tubig dahil sa mga lupa at putik na umagos doon. Isang linggo na siyang nasa kumbento at walang nakakaalam kung nasaan siya kahit sina Tiffany at Leandro mismo. Nakita niya ang isang pares ng ibon na nasa isang sanga ng puno. “Mabuti pa kayo, masaya at nagmamahalan.”

“Baby.”

“Huh?” Napatingala siya muli sa puno at napatili nang makitang isang pares ng unggoy na ang naroon. “Totoo nga yata ang mga usapang kababalaghan ng mga matatanda sa orphanage. Bakit bigla silang naging unggoy?” Napayuko siya bigla at nagdasal nang taimtim.

“I’m right here, baby.”

“Yikes!” Nang mapatingin siyang muli sa puno ay dumami na ang mga unggoy. Napaupo siya sa takot at babangon dapat nang may tumawag ulit sa kanya.

“Baby, nandito na ako.” sa likod niya nanggagaling ang boses. Paglingon niya ay para siyang na-estatwa nang makitang si Jaime pala iyon.

“Bakit ka ba kasi nandito? Paano mo ba nalaman dito?”

“Wait,” anito pagkatapos ay tumakbo palapit sa kanya.

“Huwag diyan.” Pero huli na dahil dumiretso ito nang takbo at hindi napansin ang malaking ugat ng puno na bahagyang nakausli. Natisod doon ang paa nito kaya padapa itong bumagsak sa putikan. Pagbangon nito, hindi niya napigilan ang matawa dahil punung-puno ito ng putik.

“Now, you’re laughing at my expense,” tila naiinis na sabi nito.

“Sabi ko kasi saglit lang eh. Makulit ka pero bagay naman eh."

“Halika,” anito at hinila siya papuntang ilog. Naghubad ito at walang kahit anong saplot ang itinira. “Paliguan mo muna ako, baby. I have extra clothes in my car.” Napanganga na lang din siya dahil hindi niya inaasahan ang gagawin nito. Ipinilig niya ang ulo nang mapagtantong walang sawang pinagpapantasyahan niya ang lalaki. Lalo siyang naakit nito.

“Tse. Maligo ka diyan. Sasamahan kita. Babanlawan ko na lang kasi itong shirt at pants mo.”

Para itong batang tumakbo at naligo sa ilog. “The water is inviting, Dorothy. Tara na dito, baby ko," masayang tawag nito.

“Later.” Sinimulan na niyang linisan ang damit nito. Gusto niyang matuwa dahil sa effort nitong hanapin at puntahan pa siya kahit walang nakakaalam kung saan talaga siya pumunta. Pero kasabay pa niyon ay ang mga tanong na hindi niya magawang isatinig. Natatakot din siya dahil baka hindi niya magustuhan ang magiging sagot nito. Hindi niya pa natatapalan ng glue ang puso niyang ilang ulit nang dinurog nito. Nagulat pa siya nang itaas nito ang mukha niya at punasan ang mga luha niya. Ipinikit niya ang mga mata dahil hindi niya alam kung paano titingnan ito nang walang nararamdamang pagkailang.

“I’m sorry.” Parang nagsusumamo talaga kung makatingin ito sa kanya. "Please, look at me, baby."

“H-ha? H-hindi. Mahirap kasing linisan itong pantalon mo eh.” Pagdadahilan niya saka inilayo ang mukha at bumalik sa pagkukusot.

“Dorothy, mahal kita.”

“Mag-enjoy ka lang muna diyan. Tatapusin ko lang ito,” aniya at muling nilinisan ang damit nito.

“Dorothy, baby, mahal na mahal kita.”

“Mukhang kumapit iyung putik sa damit ha. Hindi bale kapag nilabhan mawawala naman ito kaagad.”

“Dorothy, mahal na mahal na mahal kita.”

"Maaalis naman siguro ang mga putik kapag may gamit na tayong sabon."

"Dorothy, baby, please listen to me." Inagaw nito ang pantalon at inilapag. Sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya na agad na nagpakawala ng malakas na apoy sa kanya. "I love you so much," he said in between.

Biglang para siyang browser na nag-loading. Mabilis din siyang kumawala sa lalaki. “Will you please leave me alone for now?”

“No can do. Hindi ko pwedeng iwan ang babaeng mahal na mahal ko at mamahalin ko habambuhay. Mahal na mahal kita maniwala ka sana."

“Jaime, please.” Padabog niyang inabot ang pantalon at umupo siya sa malaking bato para ituloy ang paglilinis nito. Tumabi ito sa kanya roon. Ayaw na niyang pigilan ang sarili dahil pagod na siyang umasa dito. “Naiintindihan ko naman kung bakit eh. Huwag muna ngayon, please.”

“Dorothy, para na akong baliw kakahanap sa ‘yo. Mas lalo lang akong mababaliw kung itataboy mo ako kasi susunod lang ako nang susunod sa iyo. Kahit magmukha na akong aso, okay lang. Basta huwag mo akong iwan. Simula nang bumalik ka sa buhay ko parang gusto kong ako lang lagi ang makikita mo. Sabihin mo nang makasarili ako pero gagawin ko ang lahat para ako lang ang maging mundo mo. Ibibigay ko lahat sabihin mo lang kasi hindi kita pakakawalan. Ikaw ang mundo ko. Mahal na mahal kita. Maniwala ka sana.”

“Jaime, babalik naman ako sa Metro Manila eh. Hindi pa naman tapos ang kontrata ko. Next week pa ang taping. Kailangan ko lang magpahinga physically, emotionally, and mentally. Mahal na mahal din naman kita eh. Ayoko nang mag-deny. Mahal na mahal kita dati pa kaya nga nandito ako kasi kailangan kong mag-recharge. Papayag naman na akong maging pangalawang ina kay Angelo. Alam mo namang napamahal na sa akin ang bata eh. You don’t have to tell lies para lang mapauwi ako. Babalik at babalik naman ako sa iyo kasi hindi naman kita matitiis. Tanggap ko na naman na hindi mo ako mahal. Okay lang naman at naiintindihan ko. Masakit lang din talaga at tao lang ako kaya kailangan kong magpahinga at maghanda kapag nagkita ulit tayo.”

“But, baby, it’s true. Mahal na mahal kita. Oo, minahal ko si Penelope, and she will stay in my heart forever. But I am so in love with you. I will be lost without your love. I did not plan to fall in love with you, but I did. I’ve always been attracted to you. But you were perfect, and people saw me as a rebel prince, a heartbreaker. Parang alangan ako lagi sa iyo. I didn’t want to stain your career because of my bad reputation. I tried so damn hard to forget you. Penelope came and helped me. In short, I also learned to love her. But when you came back, it felt like I’ve been in a prolonged drought before it rained so hard. You quenched my thirst and made me love again. Isang tingin mo lang nakukuha mo naman ako lagi. Totoo naman, iniiwasan kita dati pero alam mo dati ka pa tinatawag ng mga teammates ko na Mythical Princess kasi lagi kitang pinapakinggan nasa bahay man ako o nag-da-drive ng sasakyan. Para akong isang obsessed fan kaya baka hindi talaga tayo bagay.

Then Barbara interviewed me. I wanted to tell the world that you're my girlfriend, and I was a fool to avoid and let you go. Kaya lang bigla akong natakot. Paano pala kung hindi mo ako mahal? Paano pala kung crush mo lang talaga ako? Tapos naisip ko baka dumami na naman ang bashers mo. Baka bigla ka na lang mawala at hindi na naman kita makita. Takot na takot ako, Dorothy. Pero para pala akong tanga kasi hindi ko man lang napansin na mahal mo rin ako. Hindi ko man lang binigyan ng konsiderasyon ang damdamin mo dahil masaya ako, dati kay Penelope, ngayon sa 'yo naman. Pasensya ka na ha. Tatanga-tanga itong MU mo eh."

Natawa na siya. "Para kang sira. MU ka diyan."

"Sa haba pa ng sinabi ko, iyon lang ang naaalala mo." Napanguso pa muna ito bago muling ngumiti at dinampian ng halik ang noo niya. "Gusto kitang maging ina ng baby natin, si Angelo, kasi nakita kong mabilis siyang napalapit sa iyo. Pero hindi lang iyon dahil doon kaya gusto kitang makasama. Gusto kong magkaroon pa ng kapatid si Angelo, mas maraming babies pa kasi gusto ko ikaw ang maging asawa ko. Pakiramdam ko kasi napakagaan ng lahat kapag kasama kita. Gusto ko mukha mo ang lagi kong makikita paggising ko. Para bang sapat na basta yakap kita. That’s what I felt when I woke up and saw you sleep like a baby the morning after we made love. I realized you’ve always belonged to me, and that I would never blow my chance again."

"Jaime, don't lead me on."

"Alam mo, malaking pagkakamali ko nang iwasan kita. Nasaktan kita dahil doon at hindi ko man lang alam. Pero siguro kung hindi nangyari iyon, wala si Angelo. Ewan pero ayoko nang isipin ang mga desisyon ko dati. Minahal ko si Penelope at mananatili siya sa puso ko. But I'm so in love with you. Hindi ko kasi alam kung paano ba nagkaiba iyon. Basta, mahal kita, Dora ko. Mahal na mahal kita. Kailangan mo pang magtago na naman dito para matanggap ko sa sarili ko na mahal kita at magmamahal ulit ako. Pakiramdam ko ay nawala iyung kalahati ng pagkatao ko dahil hindi kita mahanap. Lagi mong dala ang puso at kaluluwa ko saan ka man magtago. I will always find you because I belong to you."

Napahagulgol na siya. "Mahal na mahal na mahal din kita. I’m sorry, Jaime,” humihikbing sabi niya habang yakap nito at hinahagod ang likod niya.

“Ssshhh, it’s my fault, baby. Hindi ko naman kasi nilinaw lahat. Sabi ko na nga ba narinig mo ang sinabi ko kasi nakita ko iyung panyo sa sahig. Sigurado akong sa iyo iyon. I'm really sorry for all the heartbreaks I have caused you. I broke your heart so many times. I know I don't deserve you, but I need you in my life. I will do my best to become the best. No, I want to be the only man for you."

"Hindi mo ako chinacharot? Baka gusto mo lang ng chorvahan kaya mo sinasabi iyan." Mukhang wala pa itong alam sa salitang beki. Nakakunot lang ang noo nito na halatang nagtatanong. "Ang ibig ko lang sabihin, baka naman joketime lang iyan. Kasi hindi ako papayag na joke lang iyan. Nag-I love you ka na."

Napangiti na naman ito. "I'm yours and yours alone, baby. Mag-enjoy ka, pagsawaan mo ako kahit katawan ko lang ang habol mo. Chorvahan? Iyon ba ang tawag sa ginagawa natin sa kama? Uwi na nga tayo para mag-chorvahan na tayo.”

"Ang kapal mo," natatawang sabi niya at pabirong hinimas ang abs nito. “Jaime, mahal na mahal kita. I’ve always been in love with you from the first time I met you. I don’t know what’s with you that got my attention instantly.”

“It’s called sex appeal, baby. I know I’m one hot sexy dude,” pagpapatawa nito sa kanya.

“Paano mo nalamang nandito ako?”

“Tinawagan ko sina Barbara. Hindi pala nila alam kung nasaan ka. Naisip nila na baka umuwi ka rito. Pinuntahan ko iyung bahay niyo pero wala ka raw doon. Baby, gusto ko nang umiyak para magmakaawa kasi akala ko nandoon ka at nagtatago lang. Hindi rin pala nila alam. Ang alam lang kasi nila nagbabakasyon ka. Then, Barbara called me up and told me to go to Tiffany. Hindi niya alam pero sinabi niyang baka nandito ka. I had to take chances kahit halos dulo na ito ng probinsiya, and it paid off. So, okay na ba tayo, baby?”

“Yes, baby ko,” aniya at bigla na namang humagulgol.

“Stop crying, please, Dora baby. You’re breaking my heart.”

“Masaya lang kasi ako at hindi makapaniwala. You love me, Jaime. You love me.” Patuloy siya sa pag-iyak habang mahigpit na yakap nito. Nang kalmado na ang pakiramdam niya ay pinakawalan siya nito at inihilig sa dibdib nito. Tahimik lamang nilang pinagmasdan ang magandang tanawin.

“Baby, let’s go home.”

“Kiss mo muna ako.” She did not have to repeat herself. He kissed her with urgency until it became gentle. He stopped, but his lips remained on hers.

“I love you so much, baby.” Muli siya nitong hinalikan nang buong pagmamahal pagkatapos ay niyakap nang mahigpit. “Baby?”

“Bakit?”

Binitiwan siya nito at tinitigan. “I guess I have a better idea. The scenery is inviting. I guess it would be nice if we try to make it more romantic. Angelo would be happy to have a baby brother or sister soon." Agad ang pagsilay ng ngiti nitong may halong kapilyuhan.

“Loko ka! Nasa likod lang tayo ng kumbento.”

“No one is here. It’s hidden so I can show you how much I love and desire you.” Iyon lang at muling naghinang ang kanilang mga labi. Dinala nito ang kamay niya sa kahandaan nito. “That’s how much I missed you. Only you, my baby, can make me lose control,” sabi nito bago siya muling hinalikan.

Shortly thereafter, the paradise became a background of the perfect image of their lovemaking. The whole place was filled with their passionate cries as they felt and tasted each other. Amidst the gentle breeze of the cold wind, the pleasant smell of petrichor, the calming sound of the river, the trees, and the birds, they shouted their names as they reached a heartstopping climax. In her heart of hearts, she knew that things were falling into place, and better days were coming.