Chapter 21: Mutual Attraction

“Teka, saan na naman ba tayo pupunta?” Takang-taka si Dorothy isang umaga nang bulabugin siya ni Barbara at ng asawa nitong si Jeric bitbit ang anak ng mga ito. Sinabi lang ng mga itong may business deal ang mga ito sa isang kaibigan at kailangan ng mga ito ng tulong niya sa pag-re-review ng financial reports ng kompanya ng mga ito at sa kaibigan. Tinanggihan niya na iyon nang ilang ulit dahil matagal na siyang wala sa field ng accounting and finance kahit pa sabihing CPA siya. Oo, at maalam pa rin siya sa fundamenals ng mga iyon pero parang naninibago siya. Siguro nakatulong ang halos dalawang taong pagbabakasyon niya sa kumbento dahil sa mga panahong wala siyang mapagkaabalahan ay ang pagrereview ang isa sa mga pinagkaabalahan niya.

“Doon nga sa opisina ng kaibigan nitong si Jeric. Huwag ka nang tumanggi dahil naikuwento mong marunong ka pa rin kahit matagal ka nang hindi nagpapractice.”

“Sige,” aniya at bumuntung-hininga na lang. Alam niyang kahit anong protesta ang gawin niya ay hindi niya mapapaliwanagan ito. Napaka-persistent pa rin nito hanggang ngayon at parang mas kumulit pa. Nang makarating sa tapat ng isang gusali ay naghanap muna ng parking space si Jeric bago sila bumaba. Bahagya pa siyang nagulat nang malamang ang CEO ng Dizon Realties ang kakausapin nila. Hindi ba kumpanya iyon ng pamilya nina Jaime? Mukhang ang tatay nito ang kakausapin nila. Pero hindi ba at sinabi ng mga itong kaibigan ang kakausapin nila. Malamang sa malamang ay kanyang ex-date ang sadya ng mga ito. Sa naisip ay bigla siyang nag-panic at sinabi sa mga itong sumama ang kanyang pakiramdam pero wala na siyang nagawa nang hatakin siya ng mag-asawa. “Come on. Give me a break. I don’t know what you two are planning. But please, spare me the crap,” napipikon na sabi niya.

“It’s pure business, Dora,” sagot ni Jeric.

“Pure business pala, bakit hindi na lang kayo humugot ng staff niyo sa Accounting and Finance Department?”

“Busy sila. Bakit ka ba nagpapanic? Sa ginagawa mo lalo naming iisiping may gusto ka pa rin kay Jaime.”

“That’s so not true!”

“Puwes, act like a professional.”

“I’m a professional singer and actress for damn sake!” Tuluy-tuloy lang siya sa paglilitanya sa dalawa dahil sila lang naman ang tao sa elevator pero lalo lang siyang tinawanan ng mga ito.

“But you’re a CPA, top five sa board exam, if you must remember,” seryosong sabi ni Barbara. “Just help us with this one, and we will never bother you again.”

“You win. But you two owe me big time,” naiinis pa ring sabi niya. Pero tila walang epekto sa mga ito ang inis niya dahil lalo lang siyang tinawanan ng mga ito. Sa inis ay hiniram na muna niya kay Jeric ang baby at siya na ang kumarga doon. Nang makarating sa huling palapag ay gulat na gulat pa siya nang mapagtantong si Jaime ang CEO ng kompanya. Naguguluhan siyang napatingin sa mag-asawa.

“So funny you know little about him when you used to be in love with him. He is a certified Civil Engineer, my friend,” natatawang sabi ni Barbara.

“I see.” Hindi na niya kinontra ang iba pang sinabi nito dahil wala na siyang lakas para makipagdebate pa rito. Lumapit sila sa sekretarya nito na pinindot ang intercom bago sila pinapasok. Noon biglang umiyak ang baby ng mag-asawa. “Hush baby,” pagpapatahan niya rito. Tumingin siya sa mag-asawa. “This little girl might disturb your business meeting with Jaime. It’s better if we just stay here,” aniya at naupo sa couch. “Ninang will take care of you for now,” she told the baby. As if she understood her, she made a coo-coo sound and laughed. “Oh she loves her beautiful ninang. Pumasok muna kayo doon,” baling niyang muli sa mag-asawang nakangisi. Nilapitan siya ng mga ito at kinuha ni Jeric ang baby bago siya hinila ni Barbara patayo.

“Huwag ka nang magdahilan. It’s a business meeting after all.”

Nang makapasok sila ay agad niyang iginala kunwari ang paningin para maiwasan niyang tingnan si Jaime. Wala naman siyang makitang kakaiba doon. Napakasimple ng opisina nito pero pilit niyang inabala ang pagtingin sa kabuuan nito na para namang may interesante siyang makikita.

“It’s the first time that someone seemed to have shown interest in my office,” bulong ni Jaime na nakalapit na pala sa kanya.

She was startled and her first impulse was to move away from him. “Good morning.” He just shrugged his shoulders and went back to his table. When she looked at Barbara and Jeric, her face flushed. She was so sure they saw everything, especially her initial reaction to Jaime.

“Well, let’s talk about your business proposal,” seryosong sabi ni Jaime. He scanned the documents one by one. Hindi niya maiwasang pagmasdan ito. She could not believe that the man would still look gorgeous and sexy in his business attire. His face was more serious than when he was in the court. She stared at him for a while before her gaze was fixed on his blade thin lips. She could very well remember when he kissed her in his car. It was urgent and passionate yet gentle and tender.

Nang muli siyang mag-angat ng tingin ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya na may nakapaskil na ngisi. “I’m sorry. I didn’t mean to you know,” aniya sa kawalan ng maidadahilan. Mabuti na lang at abala rin ang mag-asawa sa pagpapatahan sa baby ng mga itong biglang umiyak kaya hindi siya napansin ng mga ito. Nakakahiya siya kapag nagkataon. Mahina lang itong natawa at bumalik sa dokumentong binabasa. Siya naman ay hindi maiwasang muling pagmasdan ito bago tumutok na naman sa mga labi nitong sadyang mapupula at masarap humalik.

“Can’t help it?” Nakatutok pa rin ito sa dokumento pero alam niyang siya ang kinakausap dahil halata ang pang-aasar base sa tono nito. Pabiro pa nitong inangat ang kuwelyo at manggas ng long-sleeved polo nito habang tumitikhim sabay kindat sa kanya.

Tumahimik na lamang siya dahil sigurado siyang walang lalabas na matinong katwiran sa bibig niya. Baka lalo pa siyang mahuli nito. Fine, Jaime got more and more handsome as he aged. He was already thirty-four but still at his prime. No wonder women were still swooning over him. She used to be one of them, and she would not allow herself to get lost again. She already endured so much pain, and she deserved some genuine happiness after all.

“Jaime, we got to go,” nagmamadaling-sabi ni Barbara at hinila si Jeric na karga ang baby ng mga ito.

“Why?”

“We have no time to explain right now. Dorothy, we will leave you here. Please take care of the documents. Thank you.” Iyon lang at mabilis na nakalabas ang mga ito.

Hindi man lang siya nakapiyok. Lalo tuloy siyang naguluhan sa bilis ng pangyayari kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib niya. Hindi niya tuloy alam kung paano pakikitunguhan ang gwapong lalaki sa harap niya. “I guess I have to go, too.”

“Stay,” mariing sabi nito at muling binalikan ang dokumento. Ilang minuto pa ang nakalipas, gusto na niyang bumunghalit ng tawa dahil parang naiirita ito sa binabasa. “This is freaking confusing,” anito na tutop ang noo at ibinaba ang dokumento. Mga financial statements pala iyon. “And now you’re laughing at me,” natatawang sabi nito nang makita ang pinipigil niyang ngisi.

“I never knew you could be this whatever. Patingin nga niyan.” Kinuha niya na ang dokumento at pinag-aralan iyon.

“Do you know anything about it?” Hindi naman siya na-offend sa paraan ng pagtatanong nito. Parang out of curiosity iyon at walang halong sarkasmo.

“Yep. Give me a few minutes and I will explain it to you.” Nang matapos, mabilis niyang ipinaliwanag iyon dito. “Para mas madaling maintindihan, itong Balance Sheet ay accumulated values. Meaning iyung value per account na nandiyan ay carried over from the previous year. Itong income statement at cash flow statement naman ay actual values per transactions.” Inisa-isa na niya ang mga accounts at itinuro kung paano masisigurong balanse ang mga numero sa dokumento.

“Para akong nasa accounting class. How did you know about these things?”

“I’m a certified public accountant, if you must know,” nakangiting sabi niya. Halatang gulat na gulat ito at namangha sa kanya. Sa huli, biglang napuno ng malutong nitong halakhak ang buong opisina. “Bakit?”

“Oh don’t be crossed. It was just funny that I did not get to know you better, You surprised me. Thank you very much. I understood everything.”

“May professional fee po ako,” biro niya. Naramdaman niyang gumaan na ang usapan nila hindi tulad noong nakaraang para siyang pugante tuwing makikita ito.

“Fine. Let’s have lunch then,” natatawang sabi nito.

“No need. I was just kidding,” sabi niya saka tumayo na.

“No buts.”

"Hindi na. Okay na iyon, Mr. CEO. Mag-focus ka na muna diyan." Naglakad na siya papuntang pinto pero naharangan na siya nito bago pa niya mahawakan ang seradura.

"Huwag kang makulit. Let's have lunch please."

“Okay.” Her heart somersaulted again when he flashed his signature smile that broke a thousand hearts. Suddenly, she felt scared, and she found it more alarming than before. She tried to ignore it again. What the hell was she thinking? Maybe because it was just the realization that she still found him attractive. But he really was and always would. Anyway, he knew she used to have a huge crush on him. She used to, used to is the operative word. They have different lives now. They could still be friends, but somehow she still found it awkward. That’s it.