Chapter 15: Marriage Proposal On Television
Natapos na sa wakas ang Reach the Star PH, ang TV show na pinagkaabalahan ni Dorothy, at isa sa mga members ng team niya ang naging champion. Masayang-masaya siya para dito ngunit hindi siya masaya para sa sarili. Hayun at patuloy ang balita kina Jaime at Penelope kaya patuloy din sa pagdurugo ang puso niya. Kung pwede lang sanang alisin ang puso at palitan ng panibago ay matagal na niyang ginawa. Pero lalo pa siyang nahihirapan dahil sa media na ayaw siyang tigilan. Nagkaroon pa siya ng bashers at tinawag siyang malandi at desperada. Lagi kasi siyang nanonood ng laban ng team nina Jaime at George San Juan na ginawa niyang pang-iwas ng issue pero hindi yata iyon nakatulong.
Patuloy ang selebrasyon ng team nila pero lumilipad palayo sa mga ito ang isip niya. Dalawang laro kasi ang hindi niya napanood dahil abala siya sa live performance ng team niya. Bukas ay Game Five para sa championship. Lamang ang kampo nina Jaime ng dalawang puntos sa kalaban. Nagdesisyon siyang sa bahay na lang manood hanggang matapos ang championship.
Sa halip na dumiretso sa bahay, sa isang condominium building siya nagpahatid. Bagong bili niya ang isa sa mga unit doon. Nang makapasok, pagod na pagod na siya kaya dumiretso na siya ng kuwarto at naglinis ng sarili bago natulog. Kinabukasan ay nabasa niya ang messages mula sa kanyang mga kapatid na gusto siyang makausap ng mga magulang. Nag-video call sila at doon ay napag-usapan nila na nasasabik na ang mga itong umuwi siya. Nang matapos na ang tawag ay nakaramdam siya ng lungkot. Miss na miss na pala niya ang pamilya niya. Ilang araw pa ang nakalipas ay may mga nabasa na naman siyang issue na hindi siya nagpakita sa mga laro nina Jaime. Pagod na pagod na siya. Isang desisyon pa ang nabuo sa isip niya. Magpapahinga siya ng matagal at pag-iisipan kung uuwi na lang ng probinsiya. Kung tutuusin, malaki na ang kanyang ipon at may sarili na silang bahay. Graduate na naman ang mga kapatid niya kaya wala nang problema. Maganda ang takbo ng talyer na ipinagawa niya at pinamamahalaan ng kanyang tatay. Ang ate at kuya niya naman ay mataas na ang posisyon sa kumpanya ng mga Tercero kaya Wala na siyang poproblemahin pa.
Pagkalipas ng isang linggo ay nagkita sila ng manager niya at sinabi ang desisyon niya. "Gusto ko po munang magpahinga nang matagal sa probinsiya."
"It's alright. You deserve a break. Mag-usap na lang tayo pagbalik mo dito."
"Iyon pa po ang concern ko. Tapos na po ang kontrata ko sa susunod na linggo. Nakapagdesisyon na po akong hindi na mag-renew ng kontrata." Siyempre pa gulat na gulat ang kausap niya at kinumbinsi siyang magbago ng isip. Kahit daw kalahating taon siyang magpahinga ay okay lang. Sa huli ay nagkasundo silang magpapahinga muna siya sa loob ng isa hanggang dalawang taon bago bumalik. Nagkaiyakan pa sila dahil malaki ang utang na loob niya rito. Kung hindi siya nito nakilala sa singing contest sa Rosario ay wala siya sa kinalalagyan ngayon. Saglit pa silang nag-usap at nagpasalamat sa isa't Isa bago lumabas ng restaurant. Gabi na nang makauwi siya at hindi na naghapunan. Hindi niya na rin pinanood ang laban nina Jaime dahil ayaw na muna niyang makita at maisip ito. Napapagod na siyang malungkot at kailangan niyang mag-relax muna.
Kinabukasan ay gulat na gulat siya dahil nag-text ito. Natalo raw ang mga ito at isang puntos lang ang lamang ng kalaban. Tinanong siya nito kung manonood ng Game Six pero sinabi niyang titingnan pa niya dahil may mga inaasikaso pa siya. Totoo naman iyon pero makakapanood naman siya kung gugustuhin niya kaya lang ay siya na mismo ang umiiwas dito. Naisip niya tuloy kung aware ba ito sa nararamdaman niya. Oo, alam nitong crush niya ito. Pero hindi niya kailanman sinabi na mahal niya ito. Ang hiling lang niya ay hindi nito mahalata na nasasaktan siya sa gitna ng saya at pagmamahalang bumabalot dito at kay Penelope.
Moments later, she found herself wiping the tears that streamed down her cheeks while trying to still her sobs. She felt wretched and miserable. Never once did she imagine being in that situation. The feeling she had for her ex boyfriend was nothing compared to the love she had for Jaime. If only he loved her. Sometimes she would still remember the kiss they shared in his car. She wanted to think it was love, but she knew better. For the nth time, her heart ached for him. Jaime was the one that got away. No, he was a dream she would never reach. He was the love that never was. He was so close yet a gazillion miles away from her. She kept crying until she fell asleep again.
MALALAKAS na katok ang gumising kay Dorothy. Ramdam niya ang kirot ng ulo at pamamaga ng mata dahil sa maghapong pag-iyak. Si Fiona ang nabungaran niya. "Goodness! I was so worried. I've been knocking on your door for two minutes. I thought something happened."
"Good morning, Fiona," pilit ang ngiting bati niya rito.
"It's already four in the afternoon. Doray said that you haven't answered her calls and messages yet. Tell me what's wrong."
"My migraine is killing me. Medyo okay na ako pero kanina hindi talaga ako makabangon," pagdadahilan niya. Tinitigan siya nito at para itong imbestigador na inaanalisa ang mga sinabi niya.
"Fine, magpahinga ka muna. Maghahanda ako ng pagkain at painkiller para dito ka na lang muna." Pinahiga muna siya nito sa kama bago lumabas at pumunta sa kusina. Maya-maya ay naroon na ang pagkain at gamot niya. Tahimik lang siya nitong pinanood sa pagkain hanggang sa makainom siya ng gamot bago siya pinahiga.
"Thank you, Fiona."
"Wala iyon. We have to talk one of these days, and you know it. Please, hold on. If you think it's too heavy, please call me."
Doon na siya napangiti, sa wakas ay isang totoong ngiti. "Thank you. Pero okay naman ako. Pagod na pagod lang talaga ako, you know the show plus the media and bashing. Nagsabay-sabay sila. I decided to take a break for at least a year."
"Tama iyan. You need to rest and heal."
"Heal?"
"Oh come on, we both know you're hurting. But I'll give you the time and privacy you need. We will talk soon, alright?"
"Wala na po akong sinabi, madam," natatawa niyang sabi.
Bumuntung-hininga ito. "Barbara and I love and care for you. We really do. I hope you know that."
"I do, and I am happy to know I have friends like you."
"By the way, it's game six tonight."
"You know I can't. Baka doon pa ako himatayin. Hirap na nga akong bumangon eh. Matutulog na lang muna ako. Bukas na lang ako makikibalita." Saglit pa silang nagkuwentuhan bago siya nito sinabihang matulog na. Muli siyang nakatulog at pasado alas-siyete na ng gabi siya nagising. Maayos na ang pakiramdam niya pero tinatamad siyang bumaba. Binuksan niya na lang ang telebisyon at hininaan ang volume na parang maririnig iyon ni Doray kahit wala naman ito doon. Manonood siya ng laban nina Jaime. Sakto at kasisimula pa lang ng laro. Lamang ang team nito at para siyang luka-luka na napapayakap sa unan kapag nakaka-shoot ito. Gusto niyang manalo ang team nito at ito ang maging MVP. Nang matapos ang second quarter ay lamang ang mga ito ng malaking puntos. Doon pa lang ay sigurado siyang mananalo na ang mga ito. Sa sobrang saya ay nagdesisyon siyang umuwi ng bahay niya na ilang minuto lang ang biyahe mula sa gusali. Sabay nilang panonoorin ni Doray ang laro.
Pero pipindutin pa lang niya ang remote control para patayin ang TV nang magkaroon ng komosyon sa court. Nang gumalaw ang camera ay nakita niya si Jaime na nagsasalita at palapit kay Penelope na napatigil sa pagrereport. Bigla ring tumahimik sa buong MOA Arena nang ilabas nito ang kahita. "Penelope, will you make me the happiest man on Earth?"
Hindi malaman ni Dorothy kung ano ang gagawin habang pinapanood ang proposal ni Jaime Carlo Dizon kay Penelope. Napakatahimik ng buong MOA Arena at kahit yata ang tunog ng inihulog na karayom ay maririnig doon.
Habang lumiligid doon ang camera ay halos iisa ang reaksiyon ng mga audience. Ang mga kababaihan ay nakatakip ang dalawang kamay sa bibig. Ang mga kalalakihan ay parang naestatwa bagaman ang iba ay todo ang ngiti. Taliwas na taliwas ito sa napakaingay na ambiance sa first and second quarter ng laban.
Sino ba naman ang hindi mapapantastitukhan habang pinapanood ang live proposal ng star player ng Blue Mighty Warriors sa girlfriend nitong isa sa mga courtside reporters?
Championship game iyon at walang sinuman siguro ang nag-akala na magkakaroon ng ganoong eksena sa gitna mismo ng court.
Muling itinutok ang camera kay Jaime na halatang kinakabahan at medyo namumutla pa. Muli itong ngumiti sa girlfriend nito na nanatiling nakanganga. Nasa kalagitnaan kasi ito ng pagsasalita nang biglang sumingit si Jaime at naging mabilis na ang pangyayari.
"Penelope, will you be Mrs. Jaime Carlo Dizon?" Hindi niya napigilan ang kurot sa kaliwang bahagi ng dibdib. Gayunpaman, hindi pa rin niya magawang ilipat man lang ang channel.
Nang ngumiti si Penelope at nagsimulang pumatak ang mga luha, alam na niya ang isasagot nito. "Yes," halos bulong nito sa nakatutok na mikropono.
"I'm going to ask you again. Will you marry me?" Muling tinanong ni Jaime ang nobya nito. His face was already beaming upon hearing the initial response of Penelope. That was the first time she saw him that happy.
"Yes," malakas na sabi nito habang patuloy sa pag-iyak.
"Woooohhh," masayang hiyaw nito bago isinuot ang singsing dito. Mabilis itong tumayo at niyakap ng mahigpit ang babae bago ito hinalikan.
Punung-puno na muli ng malakas na palakpakan at sigawan ang buong court. Sigurado siya na lahat ng nanonood sa kani-kanilang mga tahanan ay ganoon din ang reaksiyon. Ang kanilang idolo ay nag-propose sa babaeng minamahal nito at sinagot ng matamis na oo.
Pero kasabay ng selebrasyon ng maraming tao ay ang unti-unting pagkamatay ng puso niya. Parang may turnilyo roon na iniikut-ikot ng screw driver. Hindi nga talaga siguro siya nababagay dito. Hindi nga siguro siya magugustuhan nito. Namalayan na lang niyang basa na ng mga luha ang kanyang mukha. Dapat na niyang tuldukan ang pagpapantasya dito. In-off na niya ang telebisyon. Isinuot na niya ang disguise outfit niya saka lumabas ng kanyang unit. Mabilis siyang nag-empake at nag-ayos ng sarili. Nang masiguro niyang wala nang makakakilala sa kanya ay lumabas na siya ng condo unit at bumaba ng building. Agad naman siyang nakasakay ng taxi at nagpahatid sa istasyon ng bus. Sakto at ilang minuto pa bago makaalis ang huling biyahe papuntang Rosario, ang bayan kung saan nakatira ang kaibigan niyang si Tiffany at ang asawa nito na siyang gobernador ng lalawigan.
At dahil Martes pa lang ay halos walang laman ang bus kaya mas madali siyang nakahanap ng mauupuan. Habang nasa biyahe ay nag-iwan na lang siya ng mensahe sa kanyang manager at mga kaibigan na may emergency sa probinsiya kaya matagal siyang magbabakasyon at susulitin niya muna. Pagkatapos pinatay na niya ang cellphone at pinilit ang sariling makatulog. Paalam sa kanyang pagsintang walang patutunguhan. Paalam sa kanyang pusong sugatan. Sana pagdating niya sa Rosario ay makapagsimula muli siya.
Habang tahimik ang biyahe ay hindi niya maiwasang magbalik-tanaw. Babalik kasi siya papunta sa probinsiyang bihira na niyang balikan dahil abala siya sa trabaho. Pagkalipas ng maraming taon ay doon muna siya maglalagi. Hindi niya alam ang dapat gawin dahil magulo pa ang buong sistema niya.
Pagkalipas ng pitong oras ay nakarating na siya sa Rosario. It was almost three in the morning. Nag-doorbell siya at binuksan iyon ng guard. "Sino po sila?"
"Kaibigan po ni Tiffany."
Takang-taka ito marahil dahil sa kakaibang getup niya na nakapang-disco attire at afro na wig. May suot pa siyang malaking sunglasses kaya lalong hindi siya makikilala nito. "Ano bang pangalan niyo?"
"Sabihin niyo lang po sa kanya kaibigan niya ako. Nag-text na po ako sa kanya na nandito na ako. Alam niya pong darating ako ngayong oras." Inalis niya ang wig at sunglasses kaya nakilala na siya nito.
"Sige po, ma’am." Kakamut-kamot pa ito sa ulo nang muling isara ang gate.
Muli muna niyang isinuot ang wig at sunglasses. Maya-maya'y muling bumukas ang gate at iniluwa si Tiffany na halatang nagising lang. "Tiff, si Dora ito," aniya at inalis ang sunglasses.
"Dora? Ikaw nga! Come in." Nang makarating sa sala ay pinaupo siya nito sa isang couch at kumuha ng maiinom. Maya-maya'y bumaba ang asawa nitong si Leandro.
"Hot talaga ng hubby mo, sister," biro niya.
"Hoy, Dorothy!"
"Biro lang, ikaw talaga," aniya bago binati si Leandro nang makalapit sa kanila.
"Sino siya, nanay?"
"Si Dora iyan, tatay," natatawang sabi nito.
"Dora?"
"Oo, gov. Secret lang nating tatlo ito ha."
"Pero bakit ka ba nandito?" Muling sumingit si Tiffany.
"Gusto kong magbakasyon sana."
"Inistorbo mo pa ang tulog namin pwede ka namang dumiretso sa inyo."
"Kailangan ko kasi ang tulong niyo. Kailangan ko kasi muna nang mapagtataguan. Iyong mga sobrang kulit na reporters hindi ako titigilan kapag sa bahay ako umuwi."
"Hindi ko maintindihan, Dora."
"Jaime proposed to Penelope. I need a place to hide."
"So it’s true?"
"Sadly," aniya at nagkibit-balikat.
"I'm sorry," nahihiya pang sabi ni Leandro at tinapik siya sa balikat. “I will talk to that royal jerk, Dora,” dagdag pa nito.
“Please don’t do that. Ayoko na ng issue,” aniya at naunawaan din naman agad siya nito.
“I’m sorry, friend,” sabi ni Tiffany at niyakap siya nang mahigpit.
"Okay lang naman ako," pilit ang ngiting sabi niya.
"No, you're not," naluluhang sabi nito bago humarap kay Leandro. "Tatay, pwede ba siya sa beach house niyo?"
"Oo naman. Kaya lang nandoon sina mommy at daddy. Baka guluhin lang siya doon ni Lisa. Alam mo naman iyon."
"Alam ko na, tatay! Sa orphanage natin siya pagbakasyunin."
"You're kidding, nanay. Lalong hindi siya makakapagbakasyon doon."
"Hindi sa Estrella, tatay. Doon sa St. Clare, pakiusapan natin si Reverend Mother."
Saglit itong natahimik at nag-isip. "Pwede. Okay lang ba sa iyo roon, Dora?"
"Okay lang, Leandro. Kilala niyo naman ako ni Tiffany eh."
"Sige. But for now, we have to take a rest. Pupunta tayo doon after lunch," pinal na sabi nito bago sila umakyat. Ito na ang nagbuhat ng maleta niya at dinala sa guest room.
"Thank you sa inyong mag-asawa," sinserong sabi niya sa mga ito bago pumasok ng kuwarto. Simula na ng isang bagong simula. Makabangon siyang muli at balang-araw ay mahahanap ang pag-ibig na para sa kanya. Sa pagkakataong iyon, hindi siya magmamadali. Mas magiging maingat siya lalo na at kaya naman niyang maging masaya nang mag-isa.
Nang makarating sa kumbento ay masaya silang sinalubong ni Reverend Mother doon. Napakagiliw nito kagaya ng sabi ng kanyang kaibigan. Agad niya itong nakagaanan ng loob. Kaya lang ay semi-silent order ang kumbento kaya hindi siya basta pwedeng makipag-usap dito kung hindi naman kinakailangan o mahalaga ang pakay. Ipinagamit nito sa kanya ang dating silid ni Tiffany. Dati kasing pumasok ito roon bilang si Sister Mary Anthony. Kalaunan ay lumabas din ito dahil naunawaan nitong habambuhay nitong mamahalin si Leandro at bubuo ng isang masayang pamilya kasama ito. Siguro sa tamang panahon ay makikilala niya kung sino ang kanyang iibigin habambuhay. Kung hindi man ay malalaman niya kung may nakatakda bang tao sa kanya.