Chapter 13: There Was Someone Else
Magulo ang isip ni Jaime nang makarating sa kanyang unit. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla niyang naisipang halikan si Dorothy. God, her lips were really soft and delicious. He missed her lips so much. He was aching to nibble them more and go beyond that. Napasapo siya sa noo at naiinis na tinungo ang bar. Naramdaman na naman niya ang nasaktang noo dahil kinutusan siya nito nang malakas. Bigla siyang natawa nang maalala ang naiinis na reaksiyon nito.
Maya-maya ay biglang nalukot ang mukha niya nang maintindihan niyang nagustuhan pa rin nito ang halik kahit ang ginawa niyang paglalaro sa boobs nito. He didn’t know what came over him. It just happened naturally. Pero dapat may consent pa rin nito dahil ito pa nga ang nag-request pero umatras naman. Nang halikan niya naman ito ay hinaplos pa nito ang pisngi niya at lalo pang idiniin ang mga labi sa kanya kaya lalo siyang natuksong halikan ito. Nahalikan na nga siya, nakutusan pa. Naisahan siya nito pero lalo siyang naaliw rito.
She was indeed different from the women she used to date. Tanging ito lamang ang hindi humantong sa kama niya. Pakiramdam niya kasi ay hindi tama at parang nag-aalangan siya lagi rito. Tama namang hindi sila umabot sa puntong iyon dahil magiging komplikado ang maraming bagay kapag nagkataon. Isa pa ay ito naman ang naunang magsabi na magkaibigan lang sila. Muli siyang nakaramdam ng init. Oh, he wanted to kiss her again. Para siyang nabitin. He wanted to take her and hear her call his name. Sa inis, dumiretso siya sa banyo at nag-shower.
Enough of Dorothy. Geez. Why was he thinking about her and her luscious lips? Fine, he wanted her so badly. The kiss was indeed a mistake. But, he would go crazy if he would not taste her lips again. Not a moment later, he was already moaning as he spilled himself on the floor.
Doon siya biglang napahinto. He was a jerk! How could he fantasize about her while masturbating when he already met Penelope again. She was his college sweetheart, but she was the only one he loved. They never became an item because she had to go abroad with her family. She was the reason why he had to stop inviting Dorothy. They lost contact, but starting tomorrow, he would see her more often. She would be one of their new courtside reporters.
Seriously, he wanted to punch himself for acting like a sex-starved gorilla. He should behave properly, knowing that he could have her again. He wanted to continue where they left off. They would continue reaching their dreams and building a happy future. After all, they were meant for each other. He had to stop thinking about Dorothy and focus on Penelope instead.
Kinabukasan ay maaga pa siyang bumiyahe papuntang Rosario. Sobrang inaantok pa rin siya pero kailangan niyang pumunta doon dahil gaganapin ang oathtaking ni Leandro na bestfriend niya at baka magtampo pa. Lalo niya pang binilisan ang pagpapatakbo nang maisip si Dorothy para lang muling mapasimangot dahil mali ang ginagawa niya.
Pagdating niya ay kinakanta nito ang Pambansan Awit. Damn! The woman had no idea how beautiful she was. She really was a goddess in her midnight blue Filipiniana with her hair tied up in a bun. Nang matapos ay mabilis siyang lumapit sa entablado at agad na inalalayan ito sa pagbaba sa hindi niya malamang dahilan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang excited siyang makita ito nang malapitan. Gulat na gulat pa ito pero tinanggap pa rin ang kamay niya. Napatingin din siya sa maputi at makinis na leeg nito. Damn! Bakit ngayon niya lang napansin iyon? He remembered how aroused he was while licking and biting her neck and shoulders. Napahinto na naman din siya dahil kung saan na naman tumatakbo ang isip niya.
Kung hindi lang muling nagkislapan ang camera at may naghiyawan ay hindi siya kikilos. Nang maihatid niya ito sa upuan ay muntik na siyang mapangiwi dahil sinalubong siya ng matalim na tingin ni Tiffany na parang sinasabing layuan niya ang bestfriend nito. Hanggang matapos ang oathtaking at victory party ni Leandro sa Santuario de Santiago ay hindi siya makalapit kay Dorothy dahil nakabantay dito ang misis ng bestfriend niya. Ang mga kabarkada naman niyang sina Donatello at Alessandro ay walang tigil sa pambubuwisit sa kanya. Ayaw pa raw niyang umamin na may tensiyon sa pagitan nila. Para daw siyang asong hindi mapakali na nakakita ng mate nito. Pinagbabatukan niya lang ang mga ito na lalo lang natawa.
PARANG robot si Dorothy sa rehearsal ng kanyang team. Malapit na kasi ang live show kaya kailangan niya siguruhing lalong magiging maganda ang performance ng mga miyembo ng team. Mabuti na lang at napapanatili niya ang focus sa rehearsal hindi katulad nang mga nakaraang araw na laging lumilipad kay Jaime ang kanyang isip. Ang huling pagkikita nila ay sa victory party pa ni Leandro. Okay na rin naman iyon sa kanya para mas madali siyang maka-move on sa binata.
Naiinis siya dito dahil hinalikan siya nito bagaman parang nakadarama siya ng matinding kahungkagan dahil hinahanap niya ang mga labi nito. Dalawang linggo na ang nakakalipas pero nararamdaman pa rin niya ang init ng mga labi nito. Ayaw niyang aminin pero alam niya sa sarili na nagustuhan niya iyon at parang hinahanap-hanap niya ang pakiramdam na dulot nito. He really was a damn good kisser. She knew she had to give him that. Pero hindi niya maintindihan kung bakit siya hinalikan nito. Ayaw na sana niyang isipin pa pero parang gusto niyang umasa. Isa lang pala iyong malaking pagkakamali dahil wala iyong kahulugan para dito. Pinagbigyan niya muli ang puso para lang masaktan nang mabasa ang balita noong nakaraang linggo. Totoo ngang may balitang nali-link si Jaime sa isa sa mga bagong courtside reporters na si Penelope Pangilinan.
Kagabi ay sabay pa nilang pinanood ni Doray ang interview ng buong team nito sa parehong late night show kung saan ay naging guest din siya. Tinanong ito ng host tungkol sa bagong babaeng nalilink dito.
"So Jaime, we have been hearing rumors about you and Penelope. What can you say about it?"
He shrugged his shoulders. "What you see is what you get."
"But, are you happy with her?"
"We are happy with each other."
"Are you official?"
"What can I say? Well, that's too early to tell. Like what I've said, we are happy with each other."
"But what happened to Dorothy?"
"Dorothy? Oh, we are very good friends."
"We all thought you'd end up with her."
Muli itong nagkibit ng balikat. "What's important is that we are all happy. Me and Dorothy are very okay. Dora, bukas dumiretso na kayo ni Doray sa game, nasa entrance na ang tickets niyo," natatawang sabi nito sa kanya sa camera. Parang hinihiwa nang mabagal ang puso niya dahil sa sinabi nito.
It was only then did she realize she had fallen in love with Jaime. Ang akala niyang fall na fall dito ay crush na crush lang, iyon pala ay love na love din. And knowing he was in love with someone else hurt her a lot. It was like her heart had its own mind. It crushed itself into pieces, and the broken shards kept stabbing her chest. She cried all night and woke up feeling empty and futile.
Mahal niya ito pero hindi pala siya bagay dito. Napakaganda ni Penelope. Para itong isa sa mga femme fatale sa James Bond franchise. Kapag itinabi siya rito, baka magmukha lang siyang personal assistant nito.
Si Doray naman ay tahimik at parang pinapakiramdaman siya. Panay naman ang tawag nina Barbara at Fiona para kumustahin siya. Pero hindi siya magpapahuli ng buhay sa mga ito. Pilit niyang pinapasigla ang mood niya para hindi mahalatang depressed siya. Hindi niya masabi kung convincing siya pero ayaw niya nang isipin. Abala siya sa rehearsal at mas gusto niyang abalahin ang sarili para hindi niya maalala si Jaime.
Sa isang araw na pala ang laban nito sa first game. Sa second game naman ang team nina George San Juan. Pupunta siya sa dalawang dahilan. Una, kailangan niyang ipakita sa lahat lalo na kay Jaime na okay lang siya at hindi apektado sa balita. Pangalawa, gusto niya itong makita.