Chapter 24: Isaac Is Sweet And Irresistible

Tawa lang nang tawa si Belle dahil sa pigil na tili ng sekretarya ni Isaac. “Ano ka ba? Ang OA mo na diyan.”

"Ma'am, ang macho ni Mayor! Ang yummy na breakfast kaya pala ikinukulong niyo na rito." Tawa lang ito nang tawa. Nataranta pa siya dahil akala niya ay may asthma ito pero ganoon daw talaga ito tumawa.

"Loka-loka," natatawa nang sabi niya. Para kasi itong si Pamela na masayahin.

"Dakota siya, ma'am! Naku kahit nakasuot ng damit sa office, kitang-kita ang gusto naming makita kaya lalo kaming naiinspire magtrabaho. Mayor Banana ang tawag namin diyan kaya huwag niyo nang pakawalan iyang si Mayor talaga. Buti na lang may punla ka na diyan. Hindi na nakakapagtaka, parang mai-slash ako ng samurai!"

"Akin na siya! Huwag mo nang pagpantasyahan!" Muli lang siyang natawa. Ayaw man niyang aminin ay kinikilig talaga siya sa ex-boyfriend niyang itinalaga na ang sariling magiging mister niya. Sino ba namang hindi mahuhulog ang loob dito lalo? Dalawang buwan pa lang siyang buntis ay asikasong-asikaso na siya nito. Napuna naman nito ang pamumula ng pisngi niya kaya maging ito ay kinilig na. Jennifer ang pangalan ng sekretarya at nakasundo din niya agad.

Nang muling lumabas ang lalaki ay maayos na ang suot nito. Tumikhim muna ang sekretarya nito at pasimple siyang kinalabit sa braso habang naglalakbay ang tingin nito pababa sa crotch nito. Lumabas na sila ng apartment niya at sumakay na sila pare-pareho sa kotse nito. Dumaan muna sila sa munisipyo sa Rosario kaya akala niya ay inihatid lang siya nito pero nagulat pa siya nang pumasok din ang mga ito sa opisina ni Leandro.

"Oh pinsan," masayang bungad nito kay Isaac na nakaakbay sa kanya. "Hi Belle," nakangising sabi nito sa kanya. "Sabi ko naman sa iyo dati pa bagay talaga kayo nitong pinsan ko eh."

"Naku Gov, hindi noh!"

Tumawa lang ito at pinaupo na sila. "Siya na na ang papalit kay Belle?" Muli itong ngumiti at tumingin kay Jennifer.

"Teka, bakit ako papalitan agad? Kaya ko pa naman."

"No, honey. Magpapalit lang kayo ni Jennifer. Sa akin ka na magtatrabaho dahil malayo ang Rosario sa Santiago."

"Honey, gawk," pang-aasar ni Leandro na parang nasusuka pa.

"Eh kung sapakin kita dito, Governor. Huwag mo ngang inisin itong honey ko," naiinis na natatawang sabi ni Isaac dito sabay halik na naman sa pisngi niya.

"Kadiri niyong dalawa. Lumabas na nga kayo sa opisina ko," biro ni Leandro.

"Talagang lalabas na kami. Let's go, my honey Belle."

"Okay," simpleng sabi niya nang mapansing nakangisi na naman si Leandro at parang sinasabi pang tama ito na sila talaga ang magkakatuluyan. Nagsimula rin ang pagpapaliwanag sa bagong secretary nito. Binitbit lang muna ni Isaac ang mga personal niyang gamit at isinakay sa sasakyan. Nang makabalik sa Santiago ay sa munisipyo na sila dumiretso.

"Hindi ka ba napagod? Ayos ka lang ba."

"Yes."

Pagpasok sa munisipyo ay balewalang nakahapit lang sa kanya si Isaac. Naiilang siya sa tingin ng mga tao sa kanila. Paulit-ulit pa na tinatawag siya nitong honey at hinahalikan pa siya sa pisngi kahit may ibang nakakita. Paglabas ng elevator ay agad siyang pumiksi at siniko ito.

"Aray, binugbog na ako ng honey ko," natatawang sabi nito.

"Tse! Si Lucas lang ang honey ko!"

Tiningnan lang siya nito nang matalim bago inilapag sa mesa niya ang mga gamit niya. Ito pa ang nagbukas ng aircon. Bago pumasok ng opisina nito ay muli itong tumingin sa kanya. "Don't mention Lucas again. Hindi ako papayag dahil ako lang dapat ang honey mo. Mas gwapo ako doon."

"Kapal mo!"

"Totoo naman ha! Dati hindi mo naman crush iyon. Sabi mo ako lang ang crush mo!" Natawa na siya dahil lukot na lukot na ang mukha nito.

"Hindi ko siya crush. Ikaw crush na crush pa rin kita. Si Lucas love na love ko."

"No! That's not true. Honey naman, please, you're breaking my heart." Malungkot na muling tumitig ito sa kanya bago pumasok ng opisina.

Naawa tuloy siya dito kaya gusto na niyang pabulaanan ang sinabi. Pero kapag naaalala niya ang mga messages ni Frances ay hindi niya maiwasang magduda. Mahalaga daw siya dito pero hayun at nakikipagkita pa sa asawa ng iba. Siya na single at nasa kanya ang baby nito, hindi pa ito nakuntento.

Hindi nito dapat pang malaman kung gaano niya ito kamahal. Hindi na mabubura ang kanyang pagmamahal para dito. Para sa kanya, kung hindi rin lang ito, ayaw na lang niyang magmahal pa muli. Mabuti na lang at may baby na sila. Nakakafrustrate mang tanggapin ay consolation prize niya ito kay Isaac. Isa pa iyon sa dahilan kung bakit ayaw niyang pakasalan ito. Ayaw niyang matali ito sa kanya dahil lang sa baby.

Mukhang sinasabi lang nitong mahalaga siya at hindi na bibitawan nito para tanggapin niya ang kasal. Sigurado siyang hindi ito titigil sa mga pambababae. Matulis pa ito sa pulis at madaling magsawa kaya nga siya pinakawalan nito. Ang kasal nila ay magsisilbing immunity nito sa mga mistress nitong gusto itong pakasalan. Sila pa yata ng baby nila ang gagawin nitong collateral damage at hindi niya iyon mapapayagan.

Pagdating ng lunch break ay may dumating na delivery man na may dalang mga plastic ng isang sikat na restaurant. Iniwan lang nito ang mga iyon sa mesa niya at umalis. Paglabas ni Isaac ay binitbit nito ang mga iyon at sinabihan siyang kumain na kasabay nito. Tumanggi pa siya pero wala na siyang nagawa nang ilapag muli ang mga pagkain at kargahin siya papasok ng opisina nito. Mula doon ay hindi niya inaasahang mauuwi iyon sa mapusok na halikan. They made love on his table so fast, so hard, yet so tender. He kept kissing her lips afterward and dressed her. Habang kumakain tuloy sila ay ngiting-ngiti ito at pakindat-kindat pa sa kanya. Pabiro pa nitong itinataas ang kuwelyo na may kasamang pagtikhim na nagmamalaki. Natawa na lang din tuloy siya sa kakulitan nito. Hanggang makauwi sila ay nang-aasar pa rin ito at paulit-ulit na humahalik sa mga labi niya na tinutugon din naman niya. Humirit pa ito na pinagbigyan din naman niya. Hayun at lahat ng pag-iwas niya ay napunta rin sa wala dahil kapag si Isaac ang usapan, wala siyang kakayahan para iyon ay tanggihan.