Chapter 23: Stealing Kisses From Him
Nang magising siya kinabukasan ay napangiti siya nang bumungad ang gwapong mukha nito. Nakapulupot pa ang mga braso nito sa kanya na para siyang bihag na ayaw nitong patakasin. Ganoon pa rin ito, parang bata kung matulog. Hindi niya tuloy maiwasang haplusin ang pisngi nito at padaanan ng daliri ang ilong at mga labi nito. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama niya lalo na at kagabi ay parang hindi sila magkakilala nang matulog sila. Mabilis na dinampian niya ito ng halik pero mukhang nagising niya ito. Umalug-alog ang mga balikat nito na halatang pinipigilang matawa kaya pinilit niyang kumawala pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi sa pagkapahiya rito. "Pakawalan mo nga ako," masungit na sabi niya pero dama niya ang pag-iinit ng mga pisngi.
"Oh my, Honey Belle, I know, I know, my lips are kissable. Kiss mo pa ako isa pa," anito at pinatulis ang nguso.
"Ayaw!"
"Ayaw daw," nakangising sabi nito. "Masungit ka pa kaya lalo kang gumaganda. Galit daw pero ninakawan naman ako ng halik." Sa pagkakataong iyon ay ito na ang humalik sa kanya na agad din niyang tinugon. Lalong lumapad ang pagkakangiti nito nang maghiwalay sila.
"Kakainis ka," natatawang sabi niya at tinampal ito.
"Honey, please marry me," malambing na sabi nito sa kanya.
Napahinto siya. Papakasalan ba talaga siya nito? Pero hindi niya kayang magpakasal dahil lang sa anak nila. Huminga muna siya nang malalim bago sumagot dito. "No, Isaac. I'm sorry, I'm not in love with you anymore. I’m in love with Lucas." Parang gusto niyang magsisi nang makitang parang bata ito na nagtampo. Nalungkot ba ito o nainis. Hindi niya alam pero ayaw niya na ganoon ito dahil parang nalulungkot siya kapag nakikitang ganoon ito. Bigla niyang hinalikan ito nang masuyo na para bang mabubura ang lungkot sa mukha nito. Pagtingin niyang muli rito ay nakatitig lang ito sa kanya na parang nagtataka bago muling ngumiti.
"Yes!" Tuwang-tuwa pa muna itong sumuntok sa ere bago siya muling siniil ng halik.
"Para kang ewan."
"I need you, my honey Belle, like the air I breathe."
Maang na napatitig siya dito pero nang makabawi sa pagkabigla ay marahang siyang umiling. "Please don't say that."
"Ayoko munang sumuko," sabi nito bago dahan-dahan siyang binitiwan at muling hinalikan.
"K-kung mahalaga ako para sa ‘yo, bakit mo ako binitiwan? Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Pasensya ka na ha. Hindi ko naman kasi alam dati," anito at parang naaasiwang kinamot ang kilay nito. "Diyan ka muna. Magluluto lang ako ng breakfast ng honey ko na walang kasingganda."
Nang makalabas na ito ng kuwarto ay muli siyang napaisip. Totoo ba ang sinasabi nito? Mahal kaya siya nito? Pakiramdam niya ay totoo kaya nakangiti niyang niyakap ang bolster pillow niya. Nagdesisyon siyang sabihin na sa lalaki na mahal na mahal niya pa rin ito. Alam niyang sa pagkakataong iyon, magagawa na niyang paibigin ito dahil may bata sa sinapupunan niya na nagbubuklod sa kanila. Masaya siyang bumangon pero agad siyang napahinto nang tumunog ang cellphone nito nang dalawang beses. Nang tingnan niya iyon ay nakita niyang si Frances ang nag-text. Bigla na namang binundol ng kaba ang dibdib niya kaya binasa niya ang text message nito. “Good morning, Isaac! Magkikita ba tayo mamaya? Bukas pa kasi babalik si hubby ko eh.”
Nagtataka siya kung bakit ganoon pa ang text nito kahit may asawa na ito. Tiningnan niya pa ang iba pang palitan ng text nito para lang maiyak nang mabasa ang mga iyon. Puro kumustahan at pasasalamat sa masayang dinner. Pati ang pagsama ni Isaac dito sa checkup nito ay nabasa niya. Tama palang hindi niya sinabing mahal na mahal niya pa ito. Lalo lang din nitong aabusuhin ang pagmamahal niya. Ginawa pa siya nitong reserba. Papakasalan lang siya nito dahil sa anak nila pero magkakaroon ang mga ito ng secret affair. Binura niya ang message nito at bumangon.
Pagkarating sa kusina ay ngumiti lang ito sa kanya at pinaupo na siya. Pinilit niyang umakto na parang walang nangyari kahit parang may alambreng tumutusok sa puso niya.
"Kain na, honey," sabi nito at hinalikan pa siya sa pisngi.
"Hindi ka papasok?"
"Hindi muna. Babantayan ko muna ang dalawang baby ko dito," masayang sabi nito.
"Hindi ka muna pwedeng umalis mamayang gabi," deklara niya. Nang hindi ito sumagot ay tiningnan niya ito. Malapad na nakangiti ito sa kanya. "Hindi ako natutuwa sa 'yo."
"Ina-under mo kasi ako eh. But, I like that. Honey, inaasawa mo na talaga ako ha. Halika nga dito." Napatili siya nang mabilis siyang hilahin nito at napakandong dito.
"Nakakainis ka!"
"Hayaan mo na. Ikaw muna baby ko today," anito at sinubuan siya na parang bata.
"Akala ko ba honey mo ako? Ngayon baby na ha!"
"Honey naman. Honey kita siyempre. Gusto ko iyung honey kasi baby na ang tawagan nina Leandro at Tiffany eh kaya honey ang tawag ko sa 'yo dati pa. Pero parang mas masarap sa pakiramdam na baby na ang tawag ko sa 'yo. I want to baby you, my honey Belle."
"Baby today, merong iba bukas," nakaismid na sabi niya.
"That's so not true," nakangiting sabi nito. "Ngayon lang kitang nakitang nagselos. Masarap din pala sa pakiramdam na parang mahal mo pa ako."
"Hindi na kita mahal! Okay lang na may ibang baby ka! May Baby Lucas din naman ako."
"Hindi pwede. Ako lang ang baby mo," naiinis na sabi nito at hindi na siya pinansin.
KINABUKASAN ay mabilis silang nag-ayos dahil papasok na sila pareho sa trabaho. Nang makarinig siya ng mga katok sa gate ay nagdesisyon siyang siya na ang magbukas niyon dahil naka-briefs pa lang ang lalaki. Muli siyang napatingin dito na inaayos ang mga damit. Oh boy, the man was so sexy he could pose for a magazine.
"Sorry, honey, I'm built this way," pagbibiro nito nang mapansing nakatingin siya rito. Hinimas pa nito abs nito kaya napairap siya na tinawanan lang nito. Pero nalaglag ang mga panga niya nang mabilis na ibinaba nito ang natitirang saplot nito.
"Napaka-ano mo!" Tawa lang ito nang tawa sa kanya. Nang muling may kumatok ay nagmamadali siyang lumabas ng bahay at sinilip iyon.
"Good morning po, ma'am," nakangiting bungad ng isang babae. Chubby ito pero maganda pa rin sa paningin niya. Iyon iyung tipong chubby pero curvy na sinamahan pa ng ganda.
"Sino pong hanap niyo?"
"Ma'am, secretary po ako ng asawa niyo, si Mayor Lagdameo. Pinapapunta niya po ako dito. Ang ganda niyo po sobra kaya pala ayaw na yatang pumasok," biro nito na ikinatawa niya.
Pinapasok niya na ito at pinaupo sa sala. "Diyan ka muna ha."
"Honey, saan ka ba nanggaling?" Napanganga sila ng secretary niya nang lumabas ito na naka-briefs pa rin.
"Ano ka ba! Mahiya ka nga, Isaac Lagdameo!"
"Shit!" Natataranta itong bumalik ng kuwarto.