Chapter 2

“Maawa ka naman! Hindi ko pa napagluluksaan ang katawan nya!” Nang isipin nyang mapapaalis nya sa ganoong mga salita ang kung sino mang kaluluwa na naroon sa katawan ng nakatatandang kapatid ay nagkamali sya dahil matapos ang ilang segundong pananahimik ay agad nyang narinig ang paglangitngit ng kama, senyales na itinayo ang katawan ng ate nya.

“Pag hindi mo pa nilubayan ang katawan ng ate ko, ako mismo ang maghahatid sa’yo sa empyerno!” Muling sigaw nya at sa ikalawang pagkakataon ay muli syang natigilan nang marinig ang mas malakas na pagtawa. Iyong tawa na hindi nakakatakot at mukhang normal.

“Para kang tanga.” Biglang salita sa kanya. Rinig nya ang paglapag ng kung anong bagay sa sahig. Ang mga yabag na papalayo sa kanya ang syang naging senyales upang idilat nya ang kanyang mga mata.

“Hoy!” Malakas na sigaw nya saka hinabol ang katawan ni Peyton. “Sinabing wag mong ialis ang katawan ng ate ko dito!” Muling sigaw nya nang hindi ito tumigil sa paglalakad.

Nang akma nyang hahablutin ang braso nito ay mabilis itong humarap sa kanya dahilan para magbalik ang takot na kanyang nararamdaman. Isinalag nya ang mga kamay sa kanyang mukha na akala mo sa ganoong paraan ay kaya nyang protektahan ang sarili kung lilipat ang kaluluwa na iyon sa kanya.

“Phoebe, umayos ka nga. Mukha kang tanga.” Pangungusap sa kanya. Nang makilala ang medyo inis na tono ng pananalita ng kaharap ay dahan-dahan nyang ibinaba ang parehong kamay saka bumilang ng sampo bago tuluyang idinilat ang kanyang mga mata.

“Ate?” Gulat na anas nya. Kitang-kita nya ang mas lalong pagsasalubong ng mga kilay nito habang pinanunuod syang maguluhan sa nangyayari.

“P-paano—totoo ang himala!” Bulalas nya saka biglang lumuhod. Paulit-ulit syang nagpasalamat sa Taas habang paulit-ulit ang pagyuko. Kulang na lang yata ay halikan nya ang sahig dahil sa sobrang saya na kanyang nararamdaman.

Nang tumayo sya ay agad nyang hinawakan ang magkabilang pisngi ni Peyton. Hindi nya napigil ang mga luha sa pagtulo sa kabila ng saya na kanyang nararamdaman. Ang katotohanang bumalik ang ate nya ay sapat na rason na para muli syang maniwala sa himala na minsan nyang tinalikuran.

“Bakit ba naiyak ka dyan?!” Iritable, naguguluhang tanong ni Peyton sa kanya. Ang huling naalala nya lang ay lasing sya pag-uwi ng bahay at ngayon heto’t naiyak na ang bunsong kapatid nya?

Ano bang nakakaiyak sa pagiging lasing?

Mahigpit na niyakap ni Phoebe ang nakatatandang kapatid, “kasi namatay ka,” nangunot ang noo ni Peyton sa sinabi nya, “buti na lang ibinalik ka sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko,” aniya. Ipinilig nya ang kanyang ulo sa balikat ni Peyton upang mas hinigpitan nya ang pagkakayakap.

“Ano ba?! Ano ba?!” Bulalas ni Peyton. Maingat nyang itinulak ang bunsong kapatid at tinignan ito ng diretso sa mga mata. Kitang-kita nya ang lungkot na mababasa sa tingin nito. Ang katotohanang natakot si Phoebe na baka mawala sya ay nakakapagpataba ng puso nya.

Aaminin nyang madalas silang nag-away na dalawa pero nanatili pa rin ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa.

“Hindi ako mawawala sa’yo, Phoebe,” anas nya saka nakangiting pinunasan ang mga luha nitong tumutulo. Bago pa man sya maluha ay mabilis nyang binitawan ang kapatid saka naupo sa silyang gawa lamang sa kahoy.

“By the way, narinig ko yung promise mo kanina ha?” Nakangiting saad ni Peyton. Tiningala ang kapatid na halatang nagulat pa matapos ang kanyang sinabi.

“Ha? Anong pangako?” Pagkukunwaring tanong ni Phoebe. Pinapagalita nya ang sarili sa kanyang isip dahil hindi man lang nya naisip na itapat ang kanyang kamay sa ilong ng nakatatandang kapatid bago nagbitaw ng mga salita.

“Na gagawin mo lahat ng gusto ko.”

Madiin syang napapikit. Ibig sabihin ay gising na sya ng mga oras na iyon?

“Pero hindi ka naman namatay talaga.” Inosenteng tugon nya.

“Phoebe please?” Pinagdaop ni Peyton ang arehong palad sa nagmamakaawa ang mga mata nya. “Sobra talaga akong nasaktan. Umasa ako na may tsansa kaming dalawa. Ginawa ko ang lahat. Binigay ko ang buong pagkatao ko.” Pagpapatuloy nya. Nagsimulang makaramdaman ng awa si Phoebe sa ate nang makita nito ang ilang butil ng luha na pumatak bago tuluyang nag-iwas ng tingin.

“Ate.” Mabilis syang naupo sa tabi ng nakatatandang kapatid. Hinagod nito ang likod nya para sana patahanin pero taliwas ang nangyari dahil mas lalo nyang narinig ang pagtangis nito.

“Hindi ko alam na magiging katawa-tawa lang pala ako sa harap ng mga tao. Binulag ako ng pagmamahal ko sa kanya. At hindi ko alam kung magagawa ko pa nga bang iharap ang mukha ko sa lahat matapos ng nangyari.” Muling pagsasalita ni Peyton. Alam ni Phoebe kung gaano ka-importante ang image ng nakatatandang kapatid dahil isa ito sa mga nagbabalak na pumasok sa pag-akting kaya naman hindi nya malaman kung ano ang gagawin gayong nagsisimula pa lamang si Peyton sa industriya.

“A-ano bang nangyari?”

“Niloko nya ako, Phoebe.” Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Sa isang kisap-mata ay biglang nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha. Ang kaninang lungkot ay napalitan ng inis, “At ang hindi ko matanggap ay doon pa sa mukhang galing sa imburnal!”

“Ha?”

“I want you to take revenge for me.” Mabilis na hinawakan ni Peyton ang kamay ng kapatid. Ang determinasyon ay kitang-kita sa mukha nya. Isasabak nya ang kapatid sa isang bagay na hindi pa nito nagagawa para lamng ipaghigante sya. Wala syang pake kung wala itong ideya sa gagawin basta ang gusto nya lang ay maiparamdam sa lalaking iyon ang sakit na ipinaramdam nito sa kanya.

“Ano?! Bakit ako?!” Bulalas ni Phoebe. Marahas nyang hinila ang mga kamay saka tumayo. Magkakrus ang mga braso nyang nakatingin sa maliit na pinto ng kanilang bahay.

Nasisiraan na ba sya ng utak?! Lumuwang nanaman ba ang turnilyo nya?!

“Please Phoebe. Ikaw lang ang makakatulong sa akin. Kung hindi ko maipaparamdam sa kanya ang parehong sakit, mas mabuti pang mawala na lang ako.”

“Ate!” Nang lingunin nya si Peyton ay may hawak na itong matalim na bagay, kung saan nanggaling iyon ay wala rin syang ideya pero ang takot na muling nabubuhay sa puso nya ay kilalang-kilala nya.

Hindi kailanman nagsabi ang nakatatandang kapatid nya ng bagay na hindi nito gagawin at ang ideyang baka tuluyan syang maiwan mag-isa ay hindi nya makaya.

“Hindi ko na kaya, little sis.”

“Okay!” Bagaman tutol ang puso sa desisyon nya ay pumayag sya. Hindi nya hahayaan na mawala ang pinakamamahal nyang kapatid dahil lang sa hindi nito paghihigante.

“Promise?”

“Promise! Sino ba ang lalaking iyan?”

“Evan. Evan Johnson.”

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Phoebe nang marinig ang pangalan ng taong iyon. Sa isang iglap ay parang gusto nya tuloy na sya ang bawian ng buhay dahil sa pangakong binitiwan.