Chapter 18
"Cia! Paki dala sa table 95"
"Cia, pakilinis yung nabasag ng costumer. Hindi ko kasi maasikaso"
"Cia yung order nung nasa table 3"
"Cia...."
"Cia...."
"Cia...."
Argh! Huminga muna ako ng malalim bago ipagpatuloy ang hinuhugasan kong mga pinagkainan.
Sa buong taon kong nagtrabaho dito sa rest-bar ngayon lang ako sobrang nainis.
Tatatlo kaming pumasok ngayon, napagalitan kami ni boss kanina tapos kailangan pa naming mag triple triple ng gawain.
Naiinis ako kasi sa laki at dami ng costumer kada araw, inaasahan ni sir na kakayanin naming tatlo. Hindi ko alam kung ano ang problema niya, pero naiinis na talaga ako.
"Cia pinapatawag ka ni sir" nakangiwing sabi ni Kim
"Bakit daw?"
"Hindi ko alam, galit na galit"
"Sige"
Kinalma ko muna ang sarili ko bago magpunta sa opisina ni sir. Kung hindi ko kakalmahin sarili ko baka matapatan ko lang galit ni sir.
"Sir..." silip ko muna bago tuluyang pumasok
"Cia, a costumer was complaining about you"
"Sir?"
"How can you be careless and rude in front of a costumer?!" padabog pa siyang tumayo at niluwagan ang neck tie
"Naturuan ka bang ganon cia?! I would let it pass if it was someone else pero si Lan Dawson, did you even think about this rest-bar if Miss Dawson file a lawsuit because of your attitude?!"
Lan Dawson....
So ako pa ang masama ngayon.
"Sir, mali po ata kayo ng pagkakaintindi-" Hindi pa man ako tapos ay pinakita niya sakin ang isang video
Kung saan mula sa anggulong to ay parang sinadya kong bitawan ang tray ng order nila Lan, at nung dinalhan ko sila ng order na hindi man lang nagpapakita ng paggalang
"Do you know how much trouble would this cause?!"
"S-sorry sir"
"Sorry?! Will your sorry help? No! This is your first warning Cia, if this happen again... pack your things and don't come back"
"Opo"
"Go back to work!"
Lumabas ako sa opisina at Huminga ng malalim.
Hindi yun totoo, ang mahalaga alam ko ang totoo. Tama! Kalma lang cia, maging matatag ka.
DEAN'S POV
"Let's go visit Enlil" aya ni Qin na tinanguan ko nalang
Hindi naman ganon kalala ang sitwasyon, akala namin buong grupo ng Arex ang pupunta para kunin si cia, mabuti nalang grupo ni zellal lang ang dumating.
Pero hindi din mabuti dahil si Zellal ang nangunguna sa Arex.
"Sir, I'm sorry to-"
"Move away" putol ni Qin sa sasabihin ng secretary ni Enlil
"But sir-"
"Just move" banta ko at agad naman siyang umalis
"We can't hide the fact that Enlil is hospitalised for too long, Enlil needs to wake up" -Qin
"If only we can command him"
"Zellal is planning something or maybe he's taking his step. As long as we can, we'll try to keep from media and everyone what happened to Enlil. They'll take his situation as advantage"
Tumango ako, binilisan namin ang lakad at nagtungo sa hospital.
Pagka rating sa hospital ay hindi na kami nagulat ng makitang andon si Lan.
"Lan, we gave you warning already" walang emosyong paalala ni Qin
"I know, just please until he woke up, I'll be gone" makaawa niya
Nagkatinginan kami ni Qin. Hindi yun pwede
"Lan I hope you understand na hindi yun pwede, please just go, we don't want to hurt you. But, if you force us, you know what'll happen"
"I know Dean, I know. Please, I'm still your friend. You can't just unclaim me as your friend just because of cia"
"We can" -Qin
"What?" -Lan
"We can Lan" seryosong sabi ko
Kilalang kilala na kita Lan, I know galit ka na ngayon kay Cia pero hindi kami sinungaling.
"Why?! Dean! Qin! Why does it have to be Cia?! You're not that protective towards me back then!"
"Simple..." -Qin
"Because you're not her" sabay na sabi namin ni Qin at lumapit kay Enlil
Tsk tsk. Bakit ka ba kasi nabaril? Sa taon taon nating pakikipaggerahan ngayon ka lang natamaan.
"Why do you make me feel like, I'm so easy to forget? The memories, our memories. Why do you easily forget people?" naiiyak na sabi ni Lan
Maaawa na sana ako sayo Lan, kaso simula una hindi ko na talaga gusto sayo.
"Top 3 forget something unimportant, because they're useless" -Qin
"So you're telling me I'm useless?!" -Lan
"Probably, tho not much" patango tangong sabi ko habang binabasa ang isang magazine
Hindi siya nagsalita at padabog na umalis.
"If she didn't started it, maybe she's still a friend to me"
Naupo si Qin sa harap ko at pinatong ang leeg sa may sofa
"I've hated her since first day, I don't even see her as a friend, pft"
CIARRA'S POV
"Sobrang pagod mo na siguro cia, magpahinga kana" nag-aalalang sabi sakin ni Kim habang tinutulungan siyang mangolekta ng pinagkainan
"Mas maaga tayong makakauwi kung mag tutulungan tayo, doon ako sa side na yon at dito ka" nakangiting sabi ko at iniwan na siya doon
Kailangan ko pang bantayan si Enlil, hindi ko naman pwedeng pabayaan yong taong yon.
Pagkatapos mangolekta ay hinugasan agad namin yon ni Kim, inaayos na din namin yung restaurant bago kami umalis.
"Mag-ingat ka cia, bye!" paalam sakin ni Kim na kinawayan ko lang
Pagkarating sa hospital ay nakita kong nakaupo si Lan sa harapan ng hospital
Umiiyak ba siya?
Hindi ko na sana siya papansinin, masyado akong pagod ngayong araw para makipag away pa sa kanya, kaso bigla niya akong hinarangan
"Can we talk?" walang emosyong tanong niya
Hindi dapat ako nag-aalala sa kanya, pero parang may mali.
"Kung aawa-"
"Just say yes already"
Bumuntong hininga muna ako "Pasensya na Lan, marami pa akong dapat gawin" lalagpasan ko na sana ulit siya pero hinawakan niya ang braso ko
"His parents won't accept you"
"Para saan na naman ba 'to Lan?"
"I'm warning you, not because I want you to go away, but because I don't want them to kill you. I want me to kill you"
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya, binitawan niya ako at umalis na
"I don't want them to kill you. I want me to kill you"
Ganyan ka na ba ka galit sakin Lan? Na gusto mo na pumatay ng tao, alam Kong dapat na matakot na ako ngayon pero hindi ko magawa. Mas nag-aalala ako sa sitwasyon ni Lan
Umiling iling ako at huminga ng malalim, nasabi lang yon ni Lan dahil galit siya. Oo! Tama, nasabi niya lang yon dahil sa galit.
Nagderetso na ako sa room ni Enlil, nadatnan ko doon sila Qin at Dean.
"Hi" bati ko sa kanila
Napatingin sila sakin at parehong nangunot ang noo, naningkit ang mata nila habang lumalapit sakin, para bang sinusuri ako.
"B-bakit?"
"You look different" -Qin
"Huh? Ano pinagsasabi mo?" natatawang tanong ko at nagpunta sa upuan malapit kay Enlil
"Ayos ka lang Cia? You don't look good" -Dean
"Hmn. Ayos lang ako, pwede na kayo magpahinga. Ako na bahala dito" pagod lang ako, pahinga lang din kailangan ko.
"You sure? Did you already eat dinner?" -Qin
Wala talaga akong gana kumain ngayon "Oo, kumain na ako. Kumain na din kayo" sinungaling ko
"Okay, goodnight" -Qin
"Sige, ingat Cia" -Dean
"Sige, night. Ingat kayo"
Paglabas nila ay napahinga ako ng maluwag. Pakiramdam ko pinagpipira-piraso lahat ng laman ko, ganon na ba ako kapagod sa trabaho?