Chapter 17
Kinabukasan ay nagkita kami ni Lou sa isang coffee shop.
Ni hindi ko na maalala kung ano nangyari kagabi, kung may nangyari ba ano. Basta ang alam ko lang umuwi ako sa bahay at natulog.
"Hindi mo ba bibisitahin si Enlil?" Tanong niya sakin habang umiinom ng kape
"Akala ko ba galit ka sa kanila?"
"Nadala lang ako sa kaba at takot kagabi, napag isip isip kong ang cool pala hehe"
"Siraulo" napailing iling na sabi ko at tumitig sa kape.
Ganon na ba kalaki yung nadudulot kong problema? Ganon na ba ako kaselfish para hindi mapansin may nadudulot na pala ako?
O sadyang tanga lang ako para hindi mapansin.
"May problema ba?" Tanong ni Lou
"Hindi ko na nakita sila Aria at Vera simula nung nag-away tayo sa cafeteria"
"Ayos na nga sakin yon eh, kung ano man nangyari sa kanila wala na akong pake. Ayoko na din sila makita" pairap na sabi niya
"Lou... nakalimutan mo na ba? Hindi ka ba curios kung ano ginawa nila Enlil kay Aria?"
"Cia..." tinignan niya ako ng seryoso "Ano ba talaga problema? Bakit bigla mong hinahalungkat tong mga to?"
"Eto nga ang problema Lou eh, may nangyayari na hindi natin napapansin, may mga bagay na hindi natin napapansin dahil ang akala natin ayos na ang lahat"
Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko "Masyado nating hindi pinapakealaman tung paligid natin, hindi na natin alam ang nangyayari"
"Anong nangyayari ba tinutukoy mo?"
"Yung kagabi, yung pagkawala nila Aria at yung... kay mama"
"Si tita?! Ano nangyari kay tita?!"
Mabigat ang pakiramdam kong napatingin sa labas "Pinadala ni Qin si mama sa ibang bansa, hindi man lang nila sinasabi sakin. Hindi man lang nagtext sakin si mama, ang malala pa diyan..."
Hinawakan ni lou ang kamay ko
"Hindi ko man lang naisip na kamustahin si mama kahit isang beses lang, masyado akong kampante na nasa mabuting kamay na siya"
"Hindi mo naman inaasahan 'yon Cia eh, nagawa mo lang na hindi maalala si tita kasi nga, tama ka. Nasa mabuting kamay na siya, pero gugustuhin mo bang malaman niya lahat ng nangyayari sayo?"
"Ayoko, ayoko siyang idamay sa problema ko"
"See? Kaya wag mo na sisihin sarili mo na wala kang kaalam alam sa mga nangyayari ngayon. Wala kang kasalanan"
"Wala nga ba Lou?"
Binitawan niya ang kamay ko at napabuntong hininga
"Sige, sabihin na nating nangyari yung kagabi dahil gusto kang kunin o ano man, nung lalaking nag-ngangalang zellal, pero inisip mo ba kung bakit?"
Bakit nga ba?
"Kung bakit gusto ka niyang kunin? Kung bakit hinahabol ka nung zellal? Dahil kay Enlil malamang, kaya si Enlil din ang may kasalanan kung bakit siya nabaril"
Hindi ko naman masabing kasalanan ko o kasalanan ni Enlil. Hindi ba dapat sisihin nalang namin yung bumaril kay Enlil?
"Cia, tinulungan ka ni Enlil. Mula kay Aria, sa papa mo, at mula sa zellal na 'yon. Sabihin na nating nagalit ako sa kanila kagabi, pero dahil lang yon sa emosyon. Kaya gora na! Hindi ba dapat ikaw ang nagbabantay sa kanya ngayon?"
Nakataas pa ang kilay niyang tanong sakin. Mabigat parin ang pakiramdam ko pero tama siya.
Kung tutuusin ilan na din ang ginawa para sakin nila Enlil. Kahit na maliit na bagay lang yon sa kanila, malaki na yon para sakin.
"Tama ka lou. Salamat, aalis na ako"
"Nyenye, sige. Bayaran mo muna to bago ka umalis hehe"
Pabiro ko nalang siyang inirapan at inambahan ng suntok
"Oo na! Alis na ako"
Bago lumabas ay nagbayad muna ako. Hindi na dapat ako magpapaapekto sa kung ano mga salita ni Lan, ginagawa lang niya yon para palayuin ako.
Mas mabuti nadin malayo si mama kay papa, alam ko namang nasa mabuting kamay siya. May tiwala ako kay Qin.
Pagkarating sa hospital ay nadatnan ko sa room ni Enlil sila Dean at Qin.
Problemadong problemado. Dapat ba hindi na ako umalis? Pero andito si Lan, asan na siya?
"Dean, Qin" tawag ko sa kanila
Napatingin sila sakin na para bang ako nalang ang natitirang pag-asa nila
"Cia!" puno ng pag-asang tawag nila sakin at tumakbo palapit
Nanlaki nalang ang mata ko sa gulat dahil bigla nila akong niyakap.
"W-woi, ilang oras lang ako nawala"
Bumitaw silang dalawa sakin at napahinga ng maluwag
"Sorry, we're just worried" -Qin
"Yeah, hindi ka umuwi sa bahay ni Enlil kagabi, knowing na may nangyaring argument sa inyo ni Lan" -Dean
"You also deadass turned off the phone at me, I thought you're mad" -Qin
"Akala din namin napulot kana ni zellal sa daan" -Dean
Ang cute naman nila mag-alala, halatadong wala din silang tulog, hehe.
"Ayos lang ako, kayo? Mukha kayong bangkay, sige na umuwi na kayo. Ako na bahala kay Enlil" patango tangong sabi ko
"Thank god, I can't really stand being here for long" -Qin
"Same, I hate it here" -Dean
Kaya pala parang hulog ako ng langit pagkarating. Natawa ako ng bahagya at naupo sa tabi ng hospital bed
"Sige cia, ikaw na bahala diyan. Alis na kami" -Dean
"Thanks again, bye" -Qin
Kumaway lang ako sa kanila at napatingin kay Enlil.
Napabuntong hininga ako, dalian mo nalang gumaling Enlil.
*****NIGHT TIME*****
"Hi ma'am, kailangan pong punasan ang pasyente"
"Ako na po"
"Sige po"
Kinuha ko na yung pamunas na maliit na stainless bowl na may lamang maligamgam na tubig.
Nagsimula kong punasan si Enlil, sa kamay, paa at mukha. Pagkatapos punasan ay flinush ko yung natirang tubig, iniwan ko na din doon yung ginamit ko pamunas.
Inayos ko din ang pagkakahiga niya, grabe andali niya itulak pero ang bigat niya ayusin sa pagkakatulog.
*****KINABUKASAN*****
"Cia may pupuntahan kaba after work? Mag papa-party kasi sir, sama ka" aya ni Kim sakin
"Sorry Kim, next time siguro. May pupuntahan na kasi ako eh"
"Ganon? Sige, sabihin ko kay sir"
"Sige" sagot ko at tinuloy ang paghuhugas ng pinggan
May day off kasi yung isa samin, absent naman yung tatlo, kaya kailangan naming magdala-dalawa ng trabaho
"Order sa table 6, cia paki dala" tawag sakin ni chef hans
"Sige po" nagpunas ako ng kamay at kinuha yung order.
Pinunta ko sa table 6, napahinto ako ng makitang si Lan ito, kasama ang isang babae.
Huminga muna ako ng malalim bago nagpa tuloy sa paglalakad, ipinatong ko sa table nila yung order.
Paalis na ako kaso bigla niya akong pinigal
"I don't want ketchup in it! Take it back, I want a new one. Also bring me ice tea, Kim what do you want?" reklamo niya sabay tanong niya sa kasama niya
Kim, parehas sila pangalan ni Kim. Hehe
"I want..." tumingin ito sa menu "Lasagna, yeah I want lasagna and breadsticks, also cannoli please. Bring me diet Coke also with no ice"
"Pakihintay nalang po"
Sabi ko at aalis na sana pero pinigilan ulit ako ni Lan
"Add bacon burger and strawberry shortcake for me"
Tinanguan ko nalang at umalis na.
"Chef hans ayaw daw po niya ng ketchup sa stir-fried chicken, nag-order din po sila ng lasagna at bacon burger"
"Ano? Mag-oorder ng stir-fried chicken with ketchup pero ayaw ng ketchup, sana sinabi niya nung una"
"Sorry po"
"Huwag ka magsorry, sige sige. Hintayin mo nalang"
Tumango nalang ako at tinapon na yung naunang niluto.
Kumuha ako ng ice tea at diet Coke, hindi ko nilagyan ng ice. Kumuha nadin ako ng cannoli at strawberry short cake.
Pagkakuha ay pinunta ko agad sa table nila Lan.
"Pakihintay nalang po yung ibang order" ilalapag ko na sana yung tray sa table pero biglang tinabig ni Lan yung tray kaya nahulog sa sahig
Nabasag yung baso at nagkalat yung icing at yung cake, pati yung cannoli.
"Lan... I really wanted my cannoli" -Kim
"Well you can't have it now. Hey!" pumitik pa siya sa mismong mukha ko "Clean that and bring us another one"
"Lan pwede ba, marami akong kailangan gawin. Isantabi mo muna pagiging bata bata mo"
Umirap lang siya sakin at tinuro yung kalat "Clean it or else I'll call your manager"
Napahinga nalang ako ng malalim at bumalik sa kusina
"Ano nangyari doon?" Tanong sakin ni Kim
"Nadulas yung kamay ko eh, linisan ko lang" ngumiti muna ako kay Kim bago lumabas para linisin yung kalat
Pagkatapos kong linisin ay kinuha ko na yung order nila Lan, pagkatapat sa table nila ay nilapag ko agad tsaka umalis.
Nagderetso ako sa kusina para tapusin yung hinuhugasan ko.
*****FAST FORWARD*****
"Good eve" -Qin
"Yow cia" -Dean
Bungad sakin nila Qin at Dean pagkapasok ko sa kwarto ni Enlil
"Good eve, ako na magbabantay" nakangiting sabi ko at naupo sa tabi ng kama ni Enlil
"Sige, salamat cia marami pa kasi kaming kailangang gawin" -Dean
"Ayos lang dean, sige na unahin niyo na yan. Ako na bahala kay Enlil"
"We'll come back tomorrow" tinanguan ko nalang yung sinabi ni Qin
Paglalabas nilang dalawa ay pabagsak kong hiniga ang kalahati ng katawan ko sa hospital bed.
Napatingin ako kay Enlil
"Hindi ka man lang ba dadalawin ng ka pamilya mo?" Tanong ko kahit alam kong hindi siya sasagot
"Nabaril ka na nga lang hindi ka pa bisitahin" bulong ko at napabuntong hininga
Nasa ganong posisyon ako nang marinig kong bumukas yung pinto, Napatingin ako at nakita ang isang nurse
"Kailangan pong punasan ang pasyente"
"Ako na po" ngumiti ako at kinuha yung hawak niya
"Sige po" sabi niya at lumabas na
Kagaya kagabi ay pinunasan ko siya, ipinunta ko sa CR yung mga ginamit ko at naupo ulit sa tabi ng kama niya.
Dalian mo na nga gumising Enlil, parang sobrang dami naman ng dugo ang nawala sayo ah.