Chapter 25

I become civil with Diovre. Kahit ayaw ko na siyang makita, makausap o makasama man lang. Pero kailangan kong maging professional, lalo na sa trabahong mayroon kami.

Palagi man kaming magkasama pero hindi na katulad ng dati ang naging trato ko sa Kaniya. I can’t be sweet to him after the discovery I have known.

Alam nila Mama Mina ang totoong estado ng relasyon namin kaya hindi ako nahirapan na ipakita ang totoong nararamdaman ko sa tuwing kami-kami na lang ang magkakasama.

But, sa tuwing kasama ang ibang staffs at mga director. At sa mga interviews, mall shows to promote our movie, photoshoots. Doon ako nagkukunwari. Dahil nga ayaw pang ipaalam ni Mr. Envido sa lahat ang totoo.

Naging maayos naman ang trabaho namin. Kahit hindi na gaanong magaan ang naging atmosphere sa pagitan namin ni Diovre. Kahit minsan ay pagkailang na ang nararamdaman ko sa tuwing kaming dalawa ang magka-eksena.

Ngunit naitawid ko naman iyon.

For the remaining months, I endured everything. We even celebrated our fourth anniversary for the sake of our fans. Pero iyon lang iyon. Hanggang doon na lang iyon.

Ngayong araw, matatapos na ang kontrata ko. Kaya ngayong araw, kakausapin ko si Mama Mina. Sasabihin ko sa kaniya ang binabalak ko.

Nakapagdesisyon na rin akong sabihin sa kaniya ang tunay na dahilan ko. Alam kong maiintindihan niya ako. Alam kong hindi niya ako huhusgahan.

Mama Mina is my second mother. She deserves to know the whole truth. After this, kaming dalawa naman ni mommy ang magtutuos.

Sigurado ako roon dahil alam kong hindi siya matutuwa sa magiging desisyon ko.

Nasa Delishioso Restaurant ako. Dito ko hinihintay ang pagdating ni Mama Mina. Habang hinihintay ko ang pagdating ni Mama Mina ay may iilan na lumalapit sa akin para magpa picture at magpa autograph.

Hindi naman ganoon karami ang mga tao kaya pinagbigyan ko sila. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na sila.

Bigla naman akong nakaramdam ng kalungkutan dahil sa desisyon na gagawin ko. Ngunit buo pa rin ang desisyon ko at hindi na iyon magbabago.

Hindi naman ako matagal na naghintay kay Mama Mina dahil agad ko rin siyang namataan na papasok sa loob ng restaurant.

“Mama Mina,” sambit ko. Nag beso-beso kami bago naupo.

“Thank you for lending me your time, Mama Mina. Let’s order muna.” Sumenyas ako sa isang waiter para sa menu.

Nang makahanap na ako ng gusto kong kainin ay sinabi ko na iyon sa waiter. Gayundin naman si Mama Mina.

Nang makaalis na ang waiter. Tumikhim ako. I need to clear the lump in my throat. “Mama Mina. I want to tell you something. But I hope you won’t judge me after you hear my story.”

Kumunot ang noo ni Mama Mina. May pagtatakha siyang nagtanong, “Huh? Why would I judge you, Vria?”

“Because… I made a mistake… Mama Mina. A… huge mistake.” Nahihirapang pag-amin ko.

Imbes na tignan ang mga mata ni Mama Mina ay sa mga kamay ko ako nag focus. Ilang minuto kong sinubukan na sundan ang aking sinabi ngunit nahihirapan ako.

It's a shame on my part.

“I… I became… a mistress, Mama Mina.” Those words came out as a whisper.

Hindi ko alam ang reaksiyon ni Mama Mina sa isiniwalat ko.

Akala ko, hindi na ako masasaktan kapag sinabi ko ang katotohanan sa ibang tao. Ngunit masakit pa rin pala.

Masakit pa rin pa lang malaman na naging kabit ako. Na pumatol ako sa may asawa na.

“Vria, ano bang sinasabi mo? Anong kalokohan ito? Anong mistress? Paano ka naging mistress?” Mahina ngunit bawat pagsasalita niya ay may diin.

Tumingin ako sa mga mata ni Mama Mina. Kitang-kita ko ang kaguluhan sa emosiyon ng kaniyang mukha.

“Si Diovre, Mama Mina. He’s married. I saw it. I saw the pictures. I saw the picture of his daughter. Malaki na iyong bata. Wala akong nakitang picture noong nanay pero andaming pictures noong bata at ni Diovre na magkasama.”

Namuo ang mga butil ng luha sa aking mga mata.

“Vria.”

Itinaas ko ang kamay ko. Iniharap ko ang palad ko sa kaniya na para bang ipinaparating kong tumigil.

“Mama Mina. Malinaw na sa akin ngayon ang lahat. Kung bakit sa tuwing tinatanong ko siya kung bakit hindi pa niya ako ipinapakilala sa tita niya. Ay lagi niya lang sinasabi na makikilala ko rin ang tita niya sa tamang panahon. ‘Tsaka hindi ba, ang alam lang natin patungkol sa kaniya ay ang tungkol sa pangalan niya. Pero hindi ang totoong buhay niya. Kung ano ang nangyari sa kaniya bago siya sumabak sa pag-aartista. He is always silent about his personal life. Ngayon ko lang din na realize na sa tuwing magkukwentuhan kami ay palaging buhay ko ang topic. I should have known it in the first place. Para naiwasan ko. Para… Para hindi na ako nasasaktan ng ganito. I should have known, Mama Mina. I should have.”

Hindi ko na napigilan ang pagluha ko. Tuluyan na itong bumuhos sa aking mga pisngi.

“Vria, listen. Kung totoo man iyan. Hindi mo pa rin kasalanan. Wala kang kasalanan. You are the victim. Okay? Nagmahal ka lang. Kasi diba? Kapag nagmamahal ka, kahit hindi mo pa gaanong kilala ang taong minamahal mo ay ibinibigay mo pa rin ng buong-buo ang pagmamahal na mayroon ka para sa kaniya. Pero, Vria. Para malaman mo ang buong katotohanan. You have to asked him. You have to confront him. To have closure. To have the peace of mind you want.”

Umiling-iling ako. “Ayaw ko pa, Mama Mina. Hindi ko pa kayang makausap siya.”

Huminga ng pagkalalim-lalim si Mama Mina. Hinawakan niya ang kamao kong nakapatong sa mesa. “Okay, hindi kita pipilitin. Basta, nandito lang ako, Vria. If you need anything. Just ask me, okay?”

Tumango ako at malungkot na ngumiti. I will surely miss her. Pati na rin sila Kia.

Pinunasan ko ang mga luha ko. At ngumiti na hindi abot habang mga mata.

Muli na sana akong magsasalita ngunit biglang dumating ang order namin. Kumain na muna kami. Inubos muna namin ang inorder naming pagkain bago ako muling bumira sa isa ko pang concern.

Nang matapos na kaming dalawa na kumain. Inumpisahan ko na naman ang pagsasalita. “Mama Mina, may isa pa akong sasabihin.”

“Ano iyon? Makikinig ako.”

Inabot ko ang mga kamay ni Mama Mina. “I am sorry, Mama Mina. I am not signing my renewal contract, anymore. Nakapag desisyon na akong ang tunay na pangarap ko naman ang tutuparin ko.”

Nakita ko ang kalungkutang namayani sa mukha ni Mama Mina. Malungkot din naman ako.

Almost, all my life, si Mama Mina ang isa pang tumayong nanay ko. She’s always there. Sa lahat ng achievements ko. Sa lahat ng ups and downs ng buhay ko.

“Alam kong hindi na kita mapipigilan diyan, Vria. Salamat. Salamat sa ilang taon mong pananatili sa industriyang kinalakihan mo. Salamat sa oportunidad na maging talent kita. At salamat sa pagbibigay mo ng karangalan. Hindi naging madali ang lahat pero lumaban ka. Hindi ka basta-bastang sumuko. Omy! Bakit ako naiiyak?”

Tinawanan ko siya. I don’t want to cry. Kaya nag tawanan tuloy kami. “Basta, lagi mong tandaan na nandito pa rin ako para sa iyo. Susuporta sa mga bagay na gusto mong gawin. Masayang-masaya ako para sa iyo, Vria. Higit pa sa inaasahan mo. Mahal na mahal kita.”

Tumayo ako at yumakap ng mahigpit kay Mama Mina. “Mahal na mahal din kita, Mama Mina. Salamat. Habang-buhay kong dadalhin ang mga memoryang nabuo ko kasama ka at sila Kia. Binuo niyo ako. Ginabayan niyo ako. At hinding-hindi ko isasantabi ang lahat ng nagawa niyong mabuti sa buhay ko.”

We stayed like that for awhile. Pagkatapos ay nagdesisyon na kaming umalis na roon. Ako na ang nagbayad dahil ako naman ang nag-imbita kay Mama Mina.

Inihanda ko na ang sarili ko para ngayong araw. I texted Kia. Sinabi ko sa kaniyang magkita-kita kami sa coffee shop na malapit sa Delishioso restaurant pagkatapos ng meeting namin ni Mama Mina with the bosses.

Umoo naman agad siya. Sinabi ko rin na isama si Manong Elion. Gusto ko rin siyang pasalamatan.

Wala pa ang lahat sa dining. Wala pang nag-aalmusal. Humingi lang ako ng kape kay Inang. ‘Tsaka inaya si kuya Berto. Ang driver ni Zrio. Wala namang pasok si Zrio ngayon. Ayon sa kaniya dahil may ginagawa raw na kung anong event sa school nila.

Kaya hihiramin ko muna si kuya Berto. Sinundo namin si Mama Mina sa condo nito. Sa harapan umupo si Mama Mina.

Ako naman ay nanatili sa likod. Naalala ko bigla si Diovre.

When no one believed in me, he did. When everyone hated me, he didn’t. But when I learned something about him, I didn’t think twice.

I told him that I didn’t want him in my life and I didn’t love him the way he thought I did.

Maybe my love for him is like a thin can filled with half-truths and half feelings.

Maingay sa umpisa. Nanghahalina. Mae-engganyo ka sa mga pangako, kakalat na parang wildfire sa pagkatao mo ang lahat ng salita niyo para sa isa’t-isa.

In the end, it is still half-empty. Dahil ang tiwala ay hindi pa gaanong buo. Maybe I really don’t deserve someone like him.

“Vria, are you really sure about your decision? Hindi na ba talaga mababago iyon? Alam mong hindi ikatutuwa iyon ng mommy mo kung itutuloy mo ang binabalak mong pagbitaw sa pagiging artista.”

Akala ko sa pag-uusap namin kahapon ni Mama Mina ay tuluyan na niyang natanggap ang naging desisyon ko. But maybe, it is still hard for her to let me go.

Ang paningin ko na siyang nakatunghay sa tanawin sa labas ay mabilis kong nailipat sa kaniya. Inayos ko muna ang aviator na aking suot bago ako nagsalita.

Tinatahak na namin ang mahabang daan sa EDSA patungo sa DZBNA corporation, ang network na naging tahanan ko na rin sa nakalipas na mga taon. She is been my manager since the start of my career as a child star. Kaya alam kong mahirap din para sa kaniya ang naging desisyon ko.

“I don’t care anymore, Mama Mina. Pagod na akong maging sunod-sunuran kay mommy. Siguro naman ay sapat na ang ilang taon kong pag-arte. Gusto ko namang bigyan ng atensyon ang sarili ko. Sawa na akong humingi ng approval sa mga taong hindi naman pinapahalagahan ang mga ginagawa ko,” malungkot kong saad. Muli kong itinuon ang paningin ko sa labas. Narinig ko naman ang pag buntong-hininga ni Mama Mina.

Nakakasawa. Nakakasawang gawin ang isang bagay na hindi naman talaga iyon ang sinisigaw ng puso mo. I was five when my mom made me audition in a kid show.

She scolded me that very day when I said I didn’t want to. Naalala ko pa kung paanong hindi niya ako pinakain ng ilang araw para lamang sumunod ako sa gusto niya. Sa bandang huli ay pumayag din ako.

Sa murang isipan, natutuhan kong maging malakas para sa sarili ko. Natutuhan kong ma-inggit sa mga batang kasing edaran ko dahil lamang sa hindi ako makapaglaro sa labas tuwing Sabado at Linggo.

Dahil ang sabi ni mommy ay hindi iyon ang dapat kong gawin. Imemorya ko raw dapat ang mga linyang binigay sa akin. Para gumaling ako sa pag-arte.

Being an actress isn’t my dream. My real dream is to be a painter. I dreamed of having my own painting exhibit and being known as a painter, not an actress.

Kahit minahal ko na ang pag-arte ay hindi pa rin sapat iyon para sa akin na muli pang manatili sa pag-arte.

I want to achieve my own dream.

Gusto ko ring makawala na sa pag-ibig na akala ko’y magtatagal hanggang dulo. Pero nagkamali ako.

Tama nga sila, hindi habang-buhay mananatili ang kasiyahan. Mapapalitan ito ng kalungkutan.

At maaaring ang taong iyon ay inihahanda mo lamang para sa tunay nitong tahanan sa hinaharap. At mukhang matagal nang nahanap ni Diovre ang tahanan niya. Hindi ako ang tahanan, ako ang bahay-kubo na ginawa niyang pahingahan.

“I’m sorry for asking but I’ll support your decision, Vria. My darling, I hope for your happiness. You deserve it.”

It was so overwhelming to hear those words from her. I knew from the very start that she loved me. Not only because she’ll gain a fortune from me. Just because she loves me. That’s it. No questions asked.

She never treated me indifferently.

“Thank you, Mama Mina.” Those words from me came out as a whisper. Namumuo na rin kasi ang mga luha sa aking mga mata at pinipigilan kong maiyak.

I am not weak. I am always strong and remain unbothered by everything.

Nang marating namin ang DZBNA corporation, maraming kamera na ang nagsisulputan para lamang makakuha ng litrato na ako ang siyang modelo. Tinanggal ko ang aviator na suot ko.

At ngumiti sa mga kamerang nakatutok sa akin.

Today is my renewal of contract for Brizen Entertainment, the management that has been giving me so many projects these past years, but I decided not to continue anymore. I don’t want to be an actress anymore. My decision is final.

Ang pangarap ko naman ang gusto kong tuparin. Pangarap na matagal kong ipinagpaliban sa mahabang panahon.

Habang papasok sa loob ng conference room kung saan gaganapin ang pirmahan ay bigla akong kumapit sa braso ni Mama Mina. Natatakot ako. Iyon ang totoo. Natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga tao. Sa magiging hatol nila sa naging desisyon ko.

Alam ko naman ang totoo. Hindi na sila muli pang nagtiwala sa akin matapos ang insidente na iyon. Alam kong nabawasan na ang amor nila sa akin. Alam kong hindi na nila tunay na nagustuhan ang presensiya ko.

“Take a deep breath, Vria. Nandito lang ako. Huwag kang mag-alala,” malumanay na saad niya sa akin at mahinang pinisil ang kamay kong nakakapit sa kaniyang braso.

Bahagyang kumalma ang puso ko dahil sa narinig. Alam kong hindi ako pababayaan ni Mama Mina. She’ll always get my back.

As we entered the room, my eyes landed on his brown eyes. His eyes have a beautiful shine in the light. Nakakatunaw man pero kaagad akong umiwas ng tingin.

I don’t want to look at him. Lalo na sa kulay tsokolate niyang mga mata. It was a dangerous sight to see. Ayaw ko na ring tanawin ang kabuuan ng kanyang mukha.

“Vria, our always beautiful artist. Are you ready for the renewal of your contract?” Nakangiting tanong ni Mr. Envido. Ang CEO at presidente ng DZBNA corporation.

Bahagya akong ngumiti at nilingon si Mama Mina na nasa aking tabi. She smiled gently at me and she motioned for me to sit down beside him.

Sumunod naman ako. Everyone in this room knew that we’re not together anymore. But they told us not to announce it to the public yet.

“Mr. Envido, I’m sorry to tell you this bad news, but Vria won’t sign the contract anymore. She’ll not be renewing it. She decided to stop her career as an actress because she wanted to achieve her true dream. And I support her with her decision.”

Narinig ko ang malakas na pag singhap nilang lahat. Nakatungo kasi ako kung kaya’t hindi ko nakita ang reaksyon sa kanilang mga mukha. Nang iangat ko ang aking mukha. I saw the disappointment in their eyes.

But I didn’t care. I’m done with everything.

“Is this true, Vria? Are you really sure about this? You still have that spotlight. You know that, right?” pagtatanong ni Mr. Envido pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

I bravely nod my head. “Yes, Mr. Envido. Sigurado ako sa desisyon ko. You also know from the very start that my mother is the reason why I am still here in this career. This is really not what I want. I want to be a painter. That’s what my heart has been yearning for, ever since I was a kid.”

He took a deep breath. “If your decision is final, then I think we really need to let you go, Vria. Follow your heart, if that’s what makes you happy. We’re glad to have you in these past years of your life. Thank you for your greatness.”

Tumayo ako sa kina-u-upuan para makipag kamay sa kanila. I’m grateful for them too. This management has been my home since the first day I stepped foot in this building. They handled my career so well.

Hinding-hindi ko aalisin sa aking memorya ang mga nangyari sa akin dito sa naging tahanan ko sa mahabang panahon na pagiging artista ko.

Niyakap din nila ako. Matapos niyon ay nagpaalam na kaming aalis ni Mama Mina.

Nang nasa labas na kami ng conference room ay biglang naramdaman ko ang isang kamay na humablot sa braso ko. Na siyang dahilan kung bakit ako napatigil sa paghakbang.

Xeidiovre.

May hinanakit ng namamayani sa mga mata nito.

“You broke me when you said, in my face, that you really didn’t love me. Now, what is your real reason for not signing our renewal contract?”

I was hurt by seeing his pain. But I need to be strong. I need to do this. This will be good for both of us.

“I told you my real dream, right? I want to reach it now. Alam kong magiging magaling ka kahit hindi na ako ang partner mo. I want you to continue your career. Please don’t give up this career just because I’m leaving you behind. Promise me when we see each other again. You’re the best actor our country could ever have. Goodluck!”

I tiptoed a bit for me to reach him and when our faces were inches apart, I kissed his right cheek. Then I said my goodbye.

“I… love… you, Vria. So much that it hurts me. Can you say it back even if your feelings aren’t real anymore? Or even if it’s not real in the first place. I just want to hear you say how much you love me for the last time, even if it’s unreal.” His words made me stop taking my steps away from him.

His voice was begging. But even though I got affected, I didn’t say it back. I stay firmly in my position. I didn’t let him see how much he affected me.

I did say it, but only in my mind.

I love you too, Diovre. So much that it hurts me too. If there is another chance for us in another lifetime, I will surely run to your comfort.

Mahal na mahal ko pa rin siya. Pero ang sakit-sakit na. Ayaw ko na. Kailangan ko nang alisin ang sakit. Kailangan ko nang magsimula ulit. Tama, I need to start over. I need to start anew.