Chapter 25

Hindi naman ako nagtagal sa ospital dahil sinabi ko kaagad kay mommy na gusto ko nang umuwi at doon na lang ako sa kuwarto ko magpapahinga.

Chineck muna ako ng doktor bago niya ako tuluyang idinischarge. Pagkauwi sa bahay ay agad akong nagkulong sa kuwarto ko.

Kahit panay ang katok ni Zrio sa kuwarto ko ay hindi ko siya pinapansin.

Nagtalukbong lang ako ng kumot at ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hinayaan ang mga luhang umagos.

Hatinggabi na ng mapagdesisyunan kong bumaba para maghanap ng maaaring makain. Hindi naman ako nabigo dahil may adobo roon. Ininit ko na lamang iyon.

Dalawang araw ko iyong ginawa. Ngayong ikatlong araw ay nagdesisyon akong pupunta sa DZBNA corporation para kausapin si Mr. Envido.

“Dad, I’ll use your sedan, ha. May pupuntahan lang ako,” iyon ang ibinungad ko kay daddy pagkatapos ay humalik sa pisngi niya. Humalik din ako sa pisngi ni mommy.

Silang dalawa ang naabutan ko ng magtungo ako sa dining. Mukhang hindi pa bumababa si Zrio.

“Saan ka pupunta?” pang-uusisa naman ni mommy.

Naupo muna ako bago sumagot sa tanong ni mommy.

“Sa DZBNA corporation, mom. Kakausapin ko lang si Mr. Envido,” saad ko habang nagsasandok ng fried rice. Kumuha rin ako ng ham at egg.

“Okay. Mag-ingat sa pagdadrive. Kunin mo na lang ang susi kay Inang Delma.”

“Thanks, dad!” Magiliw na saad ko.

Mabilis kong tinapos ang kinakain ko ‘tsaka nagpaalam na kila mommy. Ngunit bago ako makapunta kay Inang ay nakasalubong ko si Zrio.

Hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako sa pag hakbang.

“Ate? Aalis ka? Saan ka pupunta?” Sunod-sunod na katanungan niya.

“Yeah. Bye, see you around.” Kumaway ako sa kaniya at tuluyan nang pinuntahan si Inang. Hindi naman ako nahirapan na kunin ang susi kay Inang dahil agad niya iyong ibinigay sa akin.

Alam kong may gusto siyang itanong pero hindi na niya itinuloy pa.

Pagkakuha sa susi ay dumiretso na ako sa garahe. Nang makapasok na sa sedan ay pinaharurot ko na iyon. Hindi naman umabot ng limang oras ay nasa DZBNA corporation na ako.

Wala akong appointment kay Mr. Envido pero sana ay makausap ko siya. Isinuot ko muna ang aviator ko ‘tsaka nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa loob ng building. Pinindot ko ang numero kung saan naroroon ang palapag ng opisina ni Mr. Envido.

Nang makarating ako sa palapag na iyon ay agad ko namang namataan ang sekretarya ni Mr. Envido.

“Hi, busy ba si Mr. Envido?” Kaagad kong tanong. Tinanggal ko ang suot kong aviator at ipinasok iyon sa loob ng dala kong bag.

“Wala naman po siyang meeting. Pasok na po kayo sa loob, Miss Vria. Nandoon po siya.”

“Thank you!”

Iginiya niya ako papasok sa loob. Bago niya ako pinapasok ay pinaalam muna niya sa amo niya na naroroon ako. Narinig ko naman ang pagsang-ayon ng amo niya.

“What a pleasant surprise, Vria. Anong maipaglilingkod ko sa aking superstar?” May galak na mababatid sa tono ng kaniyang boses.

“Mr. Envido, can I talk to you?”

Sinipat niya muna ako bago niya iminuwestra ang visitor’s chair.

“Maupo ka, Vria. Bakit mo ako gustong makausap? May problema ba?” Naging seryoso ang kaniyang mukha.

Naupo na muna ako. Pinagkrus ko ang aking mga binti.

“It is about my relationship with Diovre. Break na kami. Gusto ko sanang ipaalam na iyon sa lahat.”

“What?” Gulat niyang tanong sa akin.

“Tama ba ang narinig ko? Pero paano? You are both in love with each other. I saw it with my own eyes. Kung paano niyo tignan ang isa’t-isa. Anong nangyari?”

Umiling ako. “I won’t disclose my reason to anyone. It will be messy. Kung anuman ang dahilan ko ay sa akin na lamang iyon. Ang tanging gusto kong ipaalam sa inyo ay ang paghihiwalay namin ni Diovre.”

“Okay, sige. Pero huwag mo munang ipaalam sa lahat ang paghihiwalay niyo. Malapit na ang showing ng pelikula niyo. Wait for it to be shown in every cinema. Then, after that, you can announce your break-up.”

Tumango na lamang ako. “Thank you for giving me your time, Mr. Envido. Aalis na ako.” Paalam ko.

“Take care, Vria.” Ngumiti ako bago tuluyang umalis.

I feel so lost. Hindi ko alam kung sino ang pwede kong takbuhan. Imbes na tawagan si Leuis ay nagdesisyon na lang akong magtungo sa puntod ni baby Meya. Binilhan ko muna siya ng bulaklak bago dumiretso sa sementeryong kinaroroonan niya.

Hi, anak. Kumusta ka?

Inilapag ko ang bulaklak na binili ko. Pinadaanan ko rin ng aking palad ang kaniyang puntod.

Mommy’s not okay. I made a huge mistake, anak. I became a mistress. I didn’t know. But it is still my mistake. Hindi ako nag-imbestiga. Masiyado akong naniwala sa matatamis niyang salita. I should have known, anak. I should have.

Muli na namang naninikip ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Umaagos na naman ang mga luha sa aking mga mata.

Wala namang tao kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa sa pagsigaw. I shouted all of my frustration. I shouted many curses in the air. I also throw punches at my chest, thinking that it might help to take away all the pain.

Pero bago ko pa muling masuntok ang dibdib ko ay may pumigil sa mga kamay ko.

Leuis.

Ipinulupot niya ang mga braso niya sa akin para yakapin ako.

“Shh, Vria. Cry all you want, but please, don’t hurt yourself. Nandito ako, ako na lang ang pagsusuntukin mo.”

Hindi ko na napigilan ang mas humagulgol. “A-ang s-sakit, L-leuis. Ayaw ko na. P-please take t-this away.”

“Gustuhin ko man, Vria pero wala akong kapangyarihan para alisin ang sakit. All I can do is to be with you. I can’t mend your broken heart but I can be your crying shoulder.”

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nanatili roon ni Leuis. Iyak lang ako ng iyak habang kayakap siya. Madilim na sa buong paligid. Ang tanging tanglaw namin ay ang buwan na hindi gaanong maliwanag.

“I’m sorry. Basang-basa na ang damit mo dahil sa pag-iyak ko,” pagbasag ko sa katahimikan.

Magkayakap pa rin kaming dalawa kaya kumalas na ako at umayos ng upo sa damuhan. “It’s okay. I am your bestfriend, Vria. You can cry on my shoulder whenever you want. Diba?”

Tumango ako at malungkot na ngumiti.

Magiging maswerte talaga ang babaeng mamahalin ni Leuis. Napakaswerte.

“Pwede kang magkuwento sa akin. Pero kung hindi ka pa handa. Hindi kita pipilitin.”

Sumulyap ako sa puntod ng aking anak. “I want to go home.”

“Okay. Convoy na lang ako sa iyo. Gusto mo bang kumain muna bago umuwi?”

Umiling ako. “I want to go home,” pag-ulit ko sa sinabi ko kanina.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Leuis. “Okay. Tara?”

Pagtingin ko kay Leuis ay nakatayo na siya at nakalahad ang kaniyang kamay. Inabot ko naman iyon. Tinulungan niya akong makatayo.

Pinagpagan niya rin ang suot kong pantalon. Bago niya ako iginiya patungo sa sedan. Pumasok na ako roon. Hinintay ko munang makapasok si Leuis sa BMW niya bago ko pinaharurot ang sedan.

Pagkarating sa bahay ay inaya ko muna siyang magpakita kina mommy at kumain ng hapunan. Hindi siya tumanggi. Sumabay nga siya sa pagkain ng hapunan.

Alam kong napansin nila mommy ang pamumugto ng aking mga mata pero hindi sila nagtanong. Ibinaling nila ang atensiyon kay Leuis.

“Kailan ka pala nakabalik dito sa Pilipinas, Leuis? ‘Diba nasa Dubai ka? Vria told us.”

“Kanina lang po, tita. Yes, tita nasa Dubai ako for years. But, Vria needed some company, so I went back here.”

“Thank you, Leuis. Alam kong ikaw lang ang makakapagpasalita kay Vria. We wanted to know her problem, but she is not talking about it. Baka sa iyo ay magsabi siya.”

Malaki talaga ang tiwala nila mommy kay Leuis.

“Don’t worry about her, tita. Ako na pong bahala.”

“Salamat, Leuis.”

Nang matapos makakain ng hapunan ay nagpaalam na rin si Leuis. Hinatid ko siya hanggang sa pinagparadahan ng BMW niya.

“Leuis, paano mo nga pala ako nahanap?”

“Hindi na importante iyon, Vria. Ang importante ay ang maging maayos ka. Please, call me or text me. At mangako ka sa aking hindi ka gagawa ng kahit anong maaaring makapagpahamak sa iyo. Okay? Promise me, Vria.”

“Fine. I promise. Tatawagan na lang kita kapag trip ko ulit umiyak. Thank you, Leuis. You are the best.”

Yumakap ako sa kaniya. Huminga muna siya ng sobrang lalim. “Anything for you, my bestfriend. Anything for you. Mahal na mahal kita, Vria.”

“I love you too, my best of the best friend ever.”

“Siya, sige na, kailangan ko pang magpahinga. Nakakapagod ang biyahe eh.” Kumalas na siya sa yakap.

“Ingat sa pagdadrive.”

“Yes, ma’am!” Sabay salute ‘tsaka pumasok na sa kaniyang sasakyan.

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

I am alone, again. All alone.

Habang papanhik sa kuwarto ko ay inilabas ko ang aking phone.

Si-ni-lent ko iyon. Pagkabukas ko ay tadtad ng notifications ng pagtawag ni Diovre. Naroroon din ang kay Leuis pero mas marami ang kay Diovre.

Humugot na lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga bago muling pinatay ang aking phone.

Hindi ko pa siya kayang makausap. Hindi ko pa kayang marinig ang mga kasinungalingan niya. At ang buong katotohanan kapag isiniwalat ko sa kaniya ang nalaman kong impormasyon.