Chapter 18
“Sige na, honey. Pumayag ka na…”
Salitan ang tingin ni Inigo kay Vanessa at kay Pea, ang facilitator na nagbigay sa kanya ng kopya para sa gaganaping Miss Intramurals. Mas lamang nga lang ang atensyon niya sa kanyang girlfriend dahil nakakapit ito sa kanyang braso at niyuyugyog siya.
“Why me?” kunot-noo niyang tanong sa facilitator. “Like what you said, sina Vanessa ang sponsor sa program at lahat ng judges ay galing sa kanila. Ano naman ang kinalaman ko rito?”
Malawak na ngumiti si Pea. Naghahawi pa siya kunwari ng buhok kahit maiksi ito. “Inigo, every year na ginaganap ang Miss Intrams, talagang may representative from the school’s beloved basketball team. At siyempre, this year ikaw ang kukunin namin dahil ikaw ang MVP.” Kumikinang ang mga mata niya nang tumingin siya kay Vanessa. “Siguradong mas maraming manonood ngayon dahil bukod sa eksperto sa dribol ang papa mo, ang pogi-pogi pa! Baka maraming magpa-picture sa kanya na students kasi siya ang bukambibig ng campus ngayon—babae man o beki!”
Lalong hinigpitan ni Vanessa ang kapit niya sa braso ng nobyo. Pinanliitan pa niya ng mga mata ang facilitator na ngayon ay tumitili na. “He will do his task as a judge. Iyon lang ang gagawin niya at hindi ang makipag-flirt, understood?”
“Oo naman, bebe. Basta piringan mo lang siya ng mga mata para hindi siya makakita ng iba, lalong-lalo ng ang mga contestant. Pansin ko mas bongga ‘yong mga girls this year,” biro ng malambot na facilitator na agad binawi dahil pansin niyang halos umusok na ang mga tainga ng dalagang modelo. “Charaught lang! Ikaw naman. We all know na exclusive lang siya sa ’yo.”
“Mabuti at alam mo!” Vanessa snapped. Inagaw niya mula sa kamay ni Inigo ang kopya ng program at pinanliitan ng mga mata ang facilitator. “You may go. Kami na ang bahala rito. Basta darating
kami before mag-start ang program.”
“Okay. Bye-bye, lovebirds at alam kong nakakaistorbo na ako sa inyo.” Humahawi muli ng buhok ang facililator nang tumalikod ito sa kanila at lumabas sa main door.
Nang sila na lamang mag-isa ay hinawakan ni Vanessa ang mukha ng kanyang boyfriend. “Hindi ka naman siguro titingin sa mga contestants sa Miss Intrams, right?”
“Kung hindi ko sila titingnan, paano ko sila mabibigyan ng score?” Inigo was laughing, but deep within, a little pinch of irritation was starting to build in his chest. “Okay, kung magiging issue lang natin ang pag-judge ko, mabuti pa sabihin mo sa kanila na huwag na akong isama sa line-up. Honestly speaking, wala naman akong makukuha diyan.”
“Oh, please. Don’t back out. Gawin mo na lang for me, honey,” pagsusumamo ni Vanessa at niyakap ang binata. Itinapat niya ang kanyang tainga sa dibdib nito. The sound of his steady heartbeat made her giggle. Ang alam niya ay siya ang itinitibok ng puso nito. “Hayaan mo, kung gusto mo, hindi na natin hihintayin na matapos ang event. After we do our task, aalis na tayo agad at babalik dito sa apartment ko for our quality time. Alam ko kasi na kapag pumunta na tayo sa house ni Couch Peter mamaya, hindi na kita masosolo.” She bit her lips. By meant of ‘quality time’ para sa kanilang dalawa, malawak ang pakahulugan niya rito.
Inigo only shrugged his shoulders. Dahil wala naman siyang ibang schedule bukod sa victory party, pumayag na rin siya sa ‘kapritso’ ng kanyang girlfriend. That way, pansamantala siyang malilibang dahil sa may sakit ang kanyang lolo. Most importantly, baka sakaling makalimutan niya na may gap pa rin sila ni Pennee hanggang ngayon.
But then, he knew he couldn’t take the gap any longer. Kaya bukas na bukas din ay pupuntahan niya ito upang makipagbati. Kaya niyang ipagkaloob ang kanyang medalya bilang ace player ng Alta Gracia Devils kung kinakailangan. He could also steal the team’s trophy and offer her. Basta, gagawin niya ang lahat, makita lamang niyang muli ang matamis nitong mga ngiti na matagal na niyang hinahanap-hanap.
***
Dumating ang oras ng Miss Intrams at kakapuwesto lang din nina Inigo at Vanessa sa mahabang mesa. Bukod sa mga papel at lapis, may nakahain pang pagkain at tubig katabi ng mga ito.
Huli siyang pinakilala ng MC sa audience—hindi sila halos mahulugan ng karayom doon sa malawak na quadrangle dahil sa sobrang dami. According to Vanessa, ngayon lang daw pinakamaraming nanood sa kanila. He only made a brisk nod upon facing the students. Pagkatapos ay naupo na at binuklat ang folder sa kanyang harapan. Ang list ng mga kandidata ang nilalaman nito. Dahil wala naman siyang karanasan sa pag-judge, masusi niyang pinag-aralan ang profile ng mga babae at ang criteria na ibinigay sa kanila.
“Parang wala pa akong bet sa mga candidate ngayon, ah.”
Narinig ni Inigo na dismayadong nagbuntong-hininga si Vanessa. Pinapahapyawan lamang nito ng tingin ang mga papel at hindi sinusuri isa-isa na kagaya ng ginagawa niya. At dahil mas metikuloso ang kanyang pagbasa ay nasa pangatlong pahina pa lamang siya. Ngunit doon din siya nahinto. Napaawang pa ang kanyang mga labi nang makita ang pangalan ng kalahok.
‘Penelope Sanches?’ he said inwardly. Nagsalubong pa ang kanyang mga kilay nang makita ang whole body photo ng kababata. ‘Shit, nakalimutan kong kasali nga pala si Pennee.’ Bagay na lubos niyang tinututulan. This kind of game wasn’t for his baby bestfriend. Baka nga kapag may sumipol na audience sa paraang malisyoso ay hanapin niya ito at ilampaso ang pagmumukha nito sa sahig.
Muli siyang tumingin kay Vanessa. The woman was on her cellphone, texting. Mukhang hindi pa nito nababasa ang profile ng kanyang kababata. He wondered what her reaction would be if ever. Pinagseselosan pa naman niya ito.
Hindi nagtagal at ipinakilala na rin ang mga kalahok. Paglabas pa lang ng mga ito ay agad na nagbigay ng kanya-kanyang notes ang mga hurado. Inigo was also doing his job with all his ability. Sabagay, kung sa pagkilatis lang din naman ng mga babae ay batid niyang ito ang expertise niya. Ang pinagkaiba nga lang ay propesyunal niya itong ginagawa ngayon.
Hanggang sa tawagin ang pangalan ni Pennee…
Ito ang sandali na iniiwasan ni Inigo, ngunit sa kabilang banda ay pinakahihintay din niya. So when Pennee showed up, his breathing halted. Tumigil din ang kanyang oras at halos hindi na rin siya kumukurap.
‘Siya ba talaga si Pennee? My Pennee? Hindi kaya nagkamali lang ng tawag ang MC?’ he thought while gazing at her like an idiot.
Ang babaeng nasa stage ay naglalakad nang buong kompiyansa ngunit mabini. Maliit na piraso ng pares ng sportswear ang suot nito kaya hindi niya maiwasang mapansin ang kutis nito na tila kasing-kinis ng seda at kasing-tingkad ng sikat ng buwan. She had shapely long legs, a very slender waist, rounder hips, smooth shoulders… and extremely stunning face. Her light gray eyes were enhanced by the expert thin makeup.
Hindi ito ang Pennee na kilala niya. But freaking hell, he liked—loved—what he was seeing now!
‘Pennee! Kaway ka naman dito!’
‘Pennee, for the win!’
Halos mabingi siya sa hiyawan ng mga estudyante ilang metro lamang ang layo sa kanyang likuran.
“Penelope, will you marry me?!”
“I love you, Penelope!”
‘Can you be my date, Ms. Sanches?’
'Akin ka na lang!'
Hindi sinasadyang nabali ni Inigo ang hawak niyang lapis gamit ang isang kamay lang. Pinigil niya ang sariling lingunin ang kumpulan ng mga lalaking iyon. Batid niyang hindi ito kaklase ng kanyang kababata. But damn it, wala silang karapatang banggitin ang pangalan ng dalagita at tawagin ito nang may kahulugan!
Ano kaya kung dakmain na lang niya ang kababata mula sa stage at isilid ito sa wardrobe nang gayon ay hindi na makita ng iba?
“Fuck you all to hell.” It should just be in his mind. Ngunit hindi niya napansin na napalakas ito kaya narinig ng kanyang katabi na si Vanessa.
“My God, ang lakas naman ng loob ng babaeng ‘yan,” she muttered, raising a trimmed eyebrow. “Nagpupumilit rumampa, hindi naman bagay sa kanya. Dapat ang sinasalihan niya is Little Miss Intrams.”
Inigo glared at her. “I don’t get it—bakit sobra ka makapamintas, samantalang kuhang-kuha niya ang mga tao. Well, siya ang may pinakamataas na audience impact among them all.”
“Good for her, dahil doon lang siya babawi. Pero ewan ko lang kung mapili siya sa points na ibibigay ko sa kanya.” She started jotting down without even looking at the criteria beside her marks. Wala siyang pakialam kung makita man ng kanyang boyfriend ang kanyang mga pinagsususulat. This game was her territory, kaya gagawin niya ano man ang kanyang maibigan. “There!”
“You are being unfair, Vanessa. Pennee doesn't deserve what you gave her!”
“Well, hindi ko rin deserve na mainsulto! Katabi mo lang ako pero kung makatingin ka sa kanya, parang gusto mo na siyang hubaran!”
“What the fuck are you saying?”
“Gusto mo siya, no? You don’t want to accept it, pero ‘yon ang nararamdaman ko! You are into her, kaya ibabagsak ko siya sa pageant na ‘to!”
Mabuti na lamang at hindi pa rin bumababa ang malakas na hiyawan ng audience. Kung hindi ay siguradong eskandalo ang kanilang mapapala sa pagkakataong iyon. Gayunman, hindi na muling dinugtungan ni Inigo ang huling tinuran ni Vanessa. He adjusted to his seat while looking at the stage, the accusation of his girlfriend was still playing in his head. May gusto na nga ba siya kay Pennee? That just couldn’t be. Pero hindi niya maikakaila sa kanyang dibdib na lahat ng sinabi nito ay accurate, kahit na iyong paraan ng pagtitig niya sa kababata habang rumarampa ito.
“I couldn't take it. I’m out.”
Inigo was pulled out from his thoughts and stared at Vanessa over his shoulder. Nakita niyang kinuha nito ang bag at umalis sa upuan na walang lingon-lingon.
“Saan naman siya pupunta? Hindi pa tapos ang event.” Gusto niya itong sundan, pero mas gusto niyang manatili sa kanyang puwesto kung saan malaya niyang nakikita ang kababata.
***
Halos mabutas ang sahig habang nagdadabog na pumasok si Vanessa sa kanyang kuwarto. Tila sinisilaban pa rin siya nang humiga sa kama. Hanggang ngayon ay nakakintal pa rin sa isip niya ang ekspresyon ng kanyang boyfriend nang masilayan nito si Pennee.
How could that brat transform like a beauty goddess just like that?
And how could her beloved guy gazed at the bitch lustfully? Di hawak na mas hot pa rin siya rito.
Pinangako niya sa sarili na lahat ng aaligid sa kanyang boyfriend ay iisa-isahin niyang patalsikin. Ngunit hindi niya akalaing ganoon kasakit para sa kanya na harap-harapang ipamukha ng binata na gusto niya ang kababata nito.
“Hindi puwede ’to!” sigaw niya at ang mga unan naman ang pinagdiskitahan. “Kunwari pa ang Pennee na ’yan. Akala mo, anghel. Iyon pala, may tinatago ring landi! Pero hindi niya ako maiisahan. Makikita niya ang hinahanap niya.”
Kinuha niya ang phone. Mayamaya’y may kausap na siya habang papunta sa banyo upang mag-shower. “Hello, Pea. Yes, ako nga. Look, may ipapagawa ako sa’yo…”
You're all caught up
New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.





