Chapter 37
MATI
Parang hindi yata niya kakayanin ang mga nangyari sa mga oras na yon. Less than two days ago, she'd been on her way to her engagement party. Now she was standing next to her birth father, and watching the man she loved try to save the life of the only real father she'd ever known.
Narinig niyang mahinang napaungol si Trust. His face was contorted with pain, but still he kept his hands pressed against her father's chest. Malabo man niyang nakikita dahil sa nabalot na ng luha ang kanyang mga mata, pero sa tingin niya bumalik na ang normal na kulay ng kanyang ama at hindi na ito masyadong maputla.
Posible kayang walang gagawing masama sa kanila si Arthur at pinaglalaruan lamang nito ang emosyon nila? Sana nga.
Arthur shifted position next to her. Napalingon naman siya sa gawi nito at nakita niyang hinahawakan na nito ang nakakabit na maliit na box sa kanyang breast pocket. His index finger position over a round button on top.
Oh no! The reversal process.
Arthur was going to do it. Pipindotin na nito ang button para patayin ang ama niya sa mismong harapan niya. She felt dizzy with fear.
Hindi! Alam niyang hindi lang ang daddy niya ang papatayin nito dahil any minute from now ay ipapatay rin ng mga matauhan nito si Trust, pag nagkataon dalawang minamahal niya sa buhay ang mawawala.
Pero may magagawa pa siya.
Hinugot niya mula sa kanyang beywang ang armas na dala-dala niya. Ngayon na yata niya masusubokan ang itinuro ng kanyang dad.
Itinutok na niya ang armas kay Arthur. At parang hindi naman makapaniwala ang huli sa nakita nito.
"Do not be hasty, my dear." ani Arthur. "Nanonood lang naman ako sa dalawa kung paano pagalingin ni Trust si Luis."
"Sinungaling ka talaga," angil niya. "Pwes wag mong hawakan ang maliit na silver box na yan."
"Ito ba?" He glanced down at the apparatus hooked to his breast pocket. "This is only a cigarette case.
"Sinungaling!" bulyaw niya. "Alam ko kung ano yan. Ibigay mo yan sa akin."
"Ama mo ako, Matilda." ani Arthur at matalim siyang tinitigan.
"Hindi," malakas na sabi niya. "Si Luis Aragon lang ang ama ko."
"My seed gave you life."
"You are nothing to me." she spat on the ground at his feet. "Mamamatay tao ka! Pinatay mo ang mommy ko."
"May kailangan ka pang malaman, Matilda."
"Alam ko na ang lahat tungkol sayo. Akin na yang box, bago ko pa pasasabugin yang bungo mo."
"Alam kong hindi mo yan magagawa, Matilda. Alam kong kulang ka pa sa kaalaman diyan."
What a fool you are, she thought. Hindi lang nito alam kung anong kaya niyang gawin.
"Wag mo akong susubokan, Arthur. At the count of three kung hindi mo pa rin yan mabibigay sakin, pasensyahan nalang."
Arthur moved toward her.
At nagsimula na siyang magbilang.
"Isa...."
"Dalawa...."
"Tatlo."
Pero hindi pa rin natinag si Arthur sa banta niya.
Do it Mati, do it, do it, do it...
Eh wala ka naman palang guts, Mati. Paano nyan masisindak si Arthur? Do it now Mati, now!
Akmang kakalabitin na sana niya ang gatilyo nang magsalita si Trust.
"Ibigay mo sakin yang armas, Mati." sabi ni Trust, at humakbang ito sa kinaroroonan niya. "Let me finish the son of a bitch off."
"Ako ang tatapos sa kanya." parang hindi na niya alam ang mga pinagsasabi niya.
"Perhaps," sabi ni Arthur. "but I will not die alone."
He was going to do it, push that button and--
Pero bago pa niya makalabit ang gatilyo, isang malakas na putok ang kanyang narinig at nakita niya si Arthur na sapo-sapo nito ang duguang dibdib. Kapwa naman silang dalawa ni Trust na napatingin sa gawi ng kanyang dad, na ngayon ay tuwid na nakatayo at hawak-hawak ang isang baril.
"Sorry for buttin' in children," nakangiting wika ng kanyang ama. "Pero ako ang dapat tumapos sa kanya."
Nakita naman nilang tuloyan ng bumagsak sa sahig ang walang malay na katawan ni Arthur.
All she could see was that the man she loved and the father she adored were still alive. Lumapit agad siya sa kinaroroonan ng ama. At niyakap ito ng mahigpit.
"You're my girl," sabi ng daddy niya, love and pride shining from his tired eyes. "I'm so proud of you."
"You're going to be fine daddy," she said. "I promise you that."
Nagsilabasan naman ngayon ang mga tauhan ni Arthur pero bago paman ito makalapit sa kanila, mabilis na inagaw ni Trust ang hawak niyang baril at pinaputokan ang papasok na mga tauhan ni Arthur. Sapol naman sa kani-kanilang ulo ang nag uunahan sa pagpasok. Hanggang sa hindi na tumuloy ang iba at nagsialisan na ang mga ito.
Nang masiguro ni Trust na wala nang pumapasok na kalaban. Lumapit agad ito sa kanila. "Patay na si Arthur, Luis. Wala ka ng dapat ipag-alala pa."
Napapikit ng mga mata ang kanyang dad, at nakita niya ang paglandas ng luha sa pisngi nito. "You two.." he struggled with his words. "Hang on to each other.."
"Wag ka ng magsalita pa Luis, let me take care of things." saad ni Trust, then he laid his hands upon her father's chest while she's watching how love perfomed one more miracle.