Chapter 34

TRUST

"Ninakawan mo ng wallet si daddy?"

"I gave it my best shot, pero mas mabilis pala ang ama mo kaysa inakala ko." kwento niya kung paano sila nagkakilala ni Luis.

"Mahal mo rin si daddy, ano?" tanong ni Mati. Siguro naalala nito kung paano siya nag react nang sabihin nitong inatake sa puso ang ama nito.

He looked straight ahead. "He's the father I never had." Ang sarili kasi niyang ama noon ay walang ibang inatupag kundi ang negosyo nila, wala na nga itong oras sa nag-iisa nilang anak. Marami siyang ginawang kabarumbadohan noon para lang mapansin ng ama, pero binabayaran lang kaagad ng parents niya ang kanyang mga pinsala. He hadn't realized he'd been looking for guidance until he met Luis Aragon.

"Eh si daddy, spy na ba nong nagkakilala kayo?"

"Oo, matagal ng spy ang daddy mo simula pa noong Korean War."

She sank back down into her seat. "Daddy's had been a spy for forty-five years?"

"And a damn good one." dugtong niya sa sinabi ni Mati.

"Ikaw, ilang taon ka ng spy?"

"Almost twelve years." sagot niya.

"Kaya pala, kaya pala gusto niya tayong magkahiwalay."

"Nag-aalala kasi siya sayo at sa mga kapatid mo. Ginawa lang naman niya yon dahil ayaw ka niyang ma involved sa isang operatives na kagaya ko."

"Pero siya, bakit siya nagkaasawa at nagkapamilya?" she pointed out. "Why was it different for us?"

"It's not a good life, Princess."

"I can see that," she said, gesturing toward his worn clothes.

He was glad she'd misunderstood on what he said. Because he didn't want to be the one to tell her that her mother had been murdered by her father's archenemy, the notorious Arthur.

"Eh ano namang nangyari diyan sa mukha mo?" tanong nito. Ang peklat sa mukha niya ang pinagtuonan naman nito ng pansin.

"Nabaril kasi ako." he said without hesitation. "I died three years ago, on the deck of a ship in the South China Sea. A CIA operative was on board, and somehow managed to save my ass. Too bad he'd already shifted allegiance to the other side."

"Teka lang, teka lang," awat nito, holding up her hand. "Totoo talagang namatay ka?"

"I flatlined for almost five minutes, and somehow they managed to get back my pulse and take me to a hospital."

"Pero papaano nag-iba ang mukha at boses mo?"

"Nang mag stable na ang kundisyon ko, pinadala nila ako sa isang private na hospital sa Switzerland, at doon na nga nagsimula ang pagbabago ng katauhan ko."

"So you undergo plastic surgery?"

"State-of-the-art. New face, new voice and new DNA." tas pinakita niya kay Mati ang isang palad niya. "Tingnan mo rin. Wala na akong fingerprints."

MATI

Parang gusto niyang matawa sa sarili sa mga ipinagtapat ni Trust sa kanya. "Kaya pala hindi nakita ng mga police ang fingerprints mo nong pumasok ka sa guest house."

"It wasn't all bad," sabi pa nito. "That's where the healing thing started - at least natuklasan ko din nang dahil dito, na may kakayahan pala akong magpagaling."

"At kaya pala wala akong maramdaman nang hawakan mo ang stockings ko nong gabi ng engagement party ko." she said, remembering.

"That was the other night." paalala nito sa kanya.

She shook her head in bemusent. "It seems like another lifetime."

Then a bump of turbulence rocked the plane, natahimik naman sila ng ilang sandali hanggang sa bumalik ulit sa normal ang paglipad nila.

"Meron pa rin akong hindi maintindihan." pagpatuloy pa niya. "Undercover ka di ba? Na kumpormiso mo ba ang ahensya ninyo, kaya nila ginawa ito sayo?"

"Nawalan kasi kami ng matuwid na leader, at nang may pansamantalang humalili na bagong lider, a lot of information and documents fell into the wrong hands, and before we knew it, marami nang kaganapang nangyari behind our back."

"Pero--"

"I was wiped of the map, Princess, at hindi lang yon. Nawala rin sakin ang lahat. Wala na ang trust fund ko sa bangko, nawala na rin ang mga kaibigan ko dahil hindi na nila ako kilala. I have nothing. I couldn't access our agency any longer, because they buried a body they believed was mine, and closed out my file."

Napatingin siya sa kawalan as she tried to absorb it all. "Naniniwala ako sayo."

"All of it?"

"Yes, all of it." tas nagtama ang mga mata nila.

"But there's more."

"Sa tingin ko, sapat na yong mga narinig ko."

His grin was ironic, and she was terribly sad.

"Sorry, but this is the big one."

She studied his face. "Magugustohan ko ba ang sasabihin mong iyan, o hindi?"

Hinawi nito ang ilang hibla ng kanyang buhok na nakatabing sa kanyang mukha. "Hindi," anito. "Hindi mo talaga magugustohan ang sasabihin ko sayo, pero kailangan mo pa ring malaman."

Sinabi nito ang tungkol sa microchip na ibinaon sa katawan nito at kung ano ang posibleng mga plano sa naglagay nito sa kanya.

TRUST

"Something happened after I died," he said, aware of how fantastic and unbelievable the whole thing sounded. "Kung nasurprisa man ang mga kalaban sa nalaman nila, lalo naman ako. Sabi ng doctor na nag opera sakin, may kinalaman daw ang microchip, that it did something to my neurons or whatever, but the bottom line is, pwede akong magpagaling ng kahit na anong karamdaman."

Hindi siya pinagtawanan ni Mati, and he was grateful for that.

"Pero ikaw ang nasasaktan, di ba? Nakita ko yon nang ilagay mo ang iyong mga kamay sa balikat ko."

"Malayo lang yon sa bituka." he said lightly. "Pero ang ipinagtataka ko, iba kasi ang naging reaksyon niyon sayo."

"Paano nag-iba?" she asked warily.

"Sa napatanto ko lang," sabi niya. "Why heal if you can destroy, di ba? May nakita kasi silang ibang paraan para ma reverse ang kakayahang magpagaling ng microchip."

"Oh God," tanging nasambit nito.

"Yon nga ang sinasabi nilang perfect crime, princess. No mess, no fuss. Just lay your hands on your victim and watch him die right before your very eyes."

"Baka meron pang ibang paraan, Trust." saad nito. "Bakit hindi mo nalang pinatanggal ang nakabaon na microchip diyan sa katawan mo?"

"Tama nga yang naisip mo," he said dryly. "Pero paano? Wala akong identification, wala akong health insurance, at lalong wala akong fingerprints. Can you imagine me walking into a hospital and saying 'Magbayad ako ng kahit magkano, matanggal lang itong microchip na ibinaon sa loob ng katawan ko.' " sabi niya at napapailing na lamang siya. "Sa tingin mo ba bebenta yon?"

"Hindi ko to matatanggap." sabi naman ni Mati.

"Kaya nga ito ang kinaiiwasan kong mangyari sa atin." malungkot na pahayag niya. "Masyado ka ng nasaktan ng dahil sakin, and it's time you got on with your life."

Bumuhos naman ang mga luha sa mga mata nito. "So ibig mong sabihin, walang happy ending para sa ating dalawa?"

"Somehow I don't think we have, Princess."

Namayani ang panandaliang katahimikan, at wala ni isa sa kanila ang gustong magsalita.

"Ako nalang siguro ang tumuloy. Dadalhin nalang kita sa isang lugar kung saan ligtas ka."

"Sasama ako sayo."

"Hindi. Wala pang kasigurohan kung makikita nga natin doon si Luis." at wala ring kasigurohan kung buhay pa nga ito.

"We're in this together, Trust."

"Akala ko ba naintindihan mo." sinadya niyang patigasin ang boses. "Walang happy ending, Mati. Wala."

"Pero choice naman yon eh."

"Not this time."

"Hindi mo pa rin mababago ang pinaniniwalaan ko."

"I can." matatag niyang sabi.

MATI

Sasagot sana siya kay Trust nang biglang maalarma ang mukha ng lalaki. "Is something wrong?"

Nang wala siyang makuhang sagot ay ibinaling na lamang niya ang paningin sa labas ng bintana kung saan nakikita niya ang malawak na karagatan. "Is that the Scarborough Shoal?"

"Looks like it."

She looked over at him. "Saan ba tayo pupunta sa Spratly?"

"Oo, sa Spratly." pilosopong sagot nito.

"Hindi pa ba tayo lalapag?"

"Hindi pa tayo makalalapag dahil may problema tayo."

Lumakas naman ang tibok ng kanyang puso sa sinabi ni Trust.

"Wala na tayong gas?"

"We're running real low. Pero okay lang malapit na naman tayo."

"Baka may malapit na airport dito na pwede tayong lalapag." mungkahi pa niya.

"Not one close enough." he said, his words clipped and urgent.

TRUST

Paulit-ulit naman niyang sinuri ang gauge kung anong problema nito. Pero wala talaga siyang maapuhap na deperensya nito. Hindi kaya na set-up sila ni Arthur?

"Fasten your seat belt," mando niya kay Mati. "We're going in for a landing."

Mabuti nalang at maayos naman niyang nailapag ang eroplano sa runway.

"Look!" may itinuro sa kanya si Mati sa bandang unahan. "Is that a rock castle?"

"Yeah, it is."

"It looks deserted."

"Akala mo lang yon. May mga taong nag operate diyan."

She turned away from the window and met his eyes. "Diyan ba nila dinala si daddy?"

"Siguro."

Napansin niyang parang nanginginig naman ang mga kamay ng dalaga. "You don't seem surprised."

He wasn't. He was scared. Bumunot siya ng armas mula sa kanyang gilid at ibinigay niya ito kay Mati.

"Sa palagay mo kailanganin ko to?" tukoy nito sa armas.

"Yes. Dahil maiiwan ka lang dito sa plane. At kung may magtangka mang lumapit sayo, barilin mo."

"Ayokong magpaiwan dito sa plane, Trust. Sasama ako sayo."

"Masyadong mapanganib para sayo."

"Ba't ba ikaw nalang ang palaging mag dedesisyon, Trust. Kaya ko rin namang mag desisyon para sa sarili ko."

"I know what's going on, Princess. At wala kang laban sa--"

"Shut up and listen to me."

Laglag ang panga niya. "Ano?"

"Narinig mo ako. Too many decisions about my life have been made behind my back. kaya't sa ayaw at gusto mo, sasama pa rin ako sayo."

"Baka may marinig ka doon na hindi mo dapat marinig, Princess."

MATI

"I don't care," she said without hesitation. "Basta magkasama lang tayo."

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may masamang mangyari sa--"

"Wala namang masamang mangyari sakin. Because I can't afford to lose each other." Trust had been part of her waking moment for so long, kaya hinding-hindi niya hahayaan na magkahiwalay pa sila ulit. "Kahit anong mangyari gusto kong magkasama pa rin tayo."

"Wala pa akong kasigurohan kung anong magagawa ko don." napapalunok ito. "Basta ipangako mo sakin na gagamitin mo ang baril na yan kung kinakailangan."

She nodded. It was the best she could manage.

"Itutok mo rin yan sakin kung kinakailangan."

"Trust, no!"

TRUST

He pulled her close, suddenly starved for the touch and smell of her. Her mouth was sweet and hot, and he wished with all his heart that the end would come swiftly and that when it was over, she would still be alive.

"God Mati, I lo--"

"Don't say it." putol nito sa sasabihin niya, placing her finger against his lips. "Kung sasabihin mo iyan ngayon, baka hindi ko kakayanin."

"We might not have another chance. You have to know that--"

"Alam ko." pambabara pa rin nito. "Pero gusto kong sabihin mo iyan pag tapos na ang lahat ng ito."

The words he longed to say tore at his heart. She didn't know what she was asking of him, but then, she still didn't realize he was going to die. Dahil sa kabila ng lahat ay naniniwala pa rin ito na may happy ending nga sa kanilang dalawa.

If only he could believe it, too.

MATI

Tahimik silang naglalakad ngayon papunta sa kastilyong bato. At ang tanging naririnig lamang nila ay ang paghampas ng alon sa dalampasigan. May mga matutulis na bato sa dinaraanan nila, pero hindi pa rin iyon nagpatigil sa kanila sa paglalakad. Ang lugar na iyon ay mailalarawan niya na parang isang salvage site lalo na kapag gabi, buti nalang talaga at maliwanag ang buwan sa mga oras na yon.

Hindi naman sila nahihirapang pumasok ni Trust sa kastilyong bato dahil nakabukas lang naman ang front door.

"Convenient, huh?" sabi pa ni Trust.

Pumasok na sila sa loob. Somehow it was colder in the shelter of the main hall than it had been outside. It smelled musty and damp, as if it hadn't been dry for centuries. Nag-aatubili naman sila kung saan dadaan, hanggang sa may lumitaw na isang naka black suit na lalaki mula sa kanilang likuran.

"Sundan ninyo ako." he said, tas pumakaliwa ito at naglakad papunta sa madilim na hallway.

"Diyan ka lang sa likod ko." bulong ni Trust sa kanya. "Magmasid ka lang sa dinaraanan natin at kung pano tayo makakabalik."

Tas nakita nilang napahinto ang lalaking naka black suit sa tapat ng towering archway.

"Pumasok na kayo dito." sabi nito, at iminuwestra sila papasok sa loob.

Kung gaano kadilim ang dinaraanan nilang hallway ay kabaglitaran naman sa pagpasok nila sa loob ng isang kwarto. Masyadong nakakasilaw kasi ang liwanag sa loob.

But she barely registered any of it. Dahil ang nakasentro sa kanyang paningin ngayon ay ang nakataling ama. Kailanman hindi pa niya nakikita ang ama na ganoon ka helpless. Not even in the hospital, after his heart attack. Naawa man siya sa sitwasyon ng ama pero isinantabi niya muna iyon para maging matatag siya.

TRUST

He scanned the room, and noted Luis Aragon's position. Nakita rin niyang may nakakabit na CCTV cameras sa ilang mga sulok kaya inasahan niyang recorded ang lahat ng makikita at maririnig sa nasabing kwarto.

Palipat-lipat naman ang tingin ni Luis sa kanilang dalawa ni Mati. Matatalo na tayo sa pagkakataong ito, Luis. Dahil wala na tayong laban sa kanila.

Alam niyang papatayin rin naman ni Arthur si Mati kahit wala pang kinalaman ang dalaga sa hidwaan ng mga ito. That was the one sure thing in the entire scenario. At gusto ni Arthur na tuloyan na ring mabura si Luis Aragon sa landas nito, at naka jackpot nga ito sa kanyang plano dahil alam niyang gagamitin siya nitong lethal weapon laban sa huli.