Chapter 33
Palitao Island
LUIS
Si Matilda ang espesyal nilang panauhin?
Ayaw sana niyang maniwala sa sinabi ni Arthur sa kanya, pero tila nagsasabi nga ito ng totoo.
Ano kaya ang klaseng bitag na hinanda nito para sa kanyang anak na si Mati?
"Hindi mo ba sinabi sa kanya ang tungkol sakin?" tanong sa kanya ni Arthur matapos siya nitong pakainin ng hapunan. They had untied his hands long enough for him to eat, which something he found ironic.
"Alam na niyang ampon ko lang siya." sabi naman niya.
"But she knows nothing of her parentage?"
"Oo, dahil ako ang kinilala niyang ama simula pa pagkabata."
"But you are not her father. It is my blood that runs through her veins."
He took the glass of wine and threw it against the stone wall behind Arthur's head. "Pwede mong makuha kahit anong gusto mo, Arthur, but leave my daughter alone."
Napatingin naman si Arthur sa kanyang relong pambisig. "Ang tagal yata nilang nakarating ah." naiinip na pahayag nito. "I estimate they will be here within the hour."
"Hindi kasi kabisado ng piloto namin ang ganitong klaseng lugar." panalangin na lamang niya na makarating na ligtas sila si Mati at walang mechanical problem sa paglipad nila.
"Ah, yes." sabi pa ni Arthur. "Meron pa pala akong hindi nasabi sayo. Matilda will be accompanied by her lover."
"Ikakasal na ang anak ko kay Jerson Bermudez. Kaya normal lang na samahan siya ng mapapangasawa nito."
"Jerson Bermudez?" takang tanong sa kanya ni Arthur. "Marami ka palang hindi alam my friend. Matilda isn't traveling with Jerson Bermudez. Ang kasama lang naman niya ay ang matalik mong kaibigan."
Matalik niyang kaibigan? Naiintriga naman siya sa kaibigang tinutukoy nito.
"Si Ryan Garces?" tanong niya. Isa kasi ito sa matalik niyang business partner.
"Garces?" untag nito, pero napahalakhak lang ito ng tawa. "Ang tinutukoy ko lang naman, Luis Aragon, ay ang taong malapit na malapit sayo. Ikaw pa nga ang tumayo nitong magulang nang masawi ang totoong mga magulang nito. You nurtured him and you took him under your consideration. Pero anong ginanti nito? tinalo pa nito ang anak-anakan mong si Matilda."
"Sloppy fact-finding." sabi niya at saka mabilis na sinakal si Arthur sa leeg. "Take a look at your other files, Arthur. Trust died three years ago."
Naawat naman siya kaagad ng mga tauhan ni Arthur kung kaya hinawakan siya ng dalawang tauhan nito.
"Uh-uh, ang konti lang naman pala ng nalalaman mo my friend."
"Lima ang tama niya sa malapitan na pagkabaril." sabi niya.
"Pero nabuhay pa rin siya, Luis."
"May pruweba akong namatay nga siya dahil nakatanggap ako ng termination notice mula sa headquarters. Ni linlang mo lang yata ako eh."
"I don't need to tell lies, when the truth is so delicious."
"Bakit hindi man lang siya kumontak sakin?"
"He has been trying to." sagot naman nito.
Hindi. Alam niyang nagsisinungaling lang sa kanya ang walanghiya. "You're lying son of a bitch."
"Yes, I am a son of a bitch." Arthur conceded. "Pero hindi ako nagsisinungaling. Pumunta pa nga ito sa engagement party ng anak mo at--"
"Hindi.."
".. at hinahanap ka pa nga niya, Luis."
"No! hindi totoo yan."
"Totoo ang lahat ng sinasabi ko sayo ngayon, Luis. Nagkita pa nga sila ng anak mo eh, and the rest is history." tas napahalakhak na naman ito ng tawa.
Hindi. Hindi ito maaring mangyari, na baka ang tinutukoy din nilang operatives na may ibinaon na microchip sa katawan..... ay walang iba kundi si Trust.